Serenader 6: JAMES CHARLES
[KATE'S POV]
Life is really unfair. Bakit iilan lang ang masaya? Bakit iilan lang ang pinagpala pagdating sa lovelife?
Pwede bang all na lang?
Grabe, napakaswerte talaga ng bestfriend kong si Louise. Isa siya sa mga pinagpala sa mundo pagdating sa lovelife.
Nagustuhan siya ng lalaking mahal na mahal ko. Feeling ko nga ay mas maganda na siya kaysa sa akin.
"Hubby ko, pinagluto kita ng lunch." sabi ng bestfriend kong si Louise kay Billy my loves.
"Wow! Thanks wifey ko. Ikaw ang pinakadabest na asawa sa buong mundo." tugon ni Billy my loves sabay halik kay Louise sa lips. Kinilig naman ang iba pa naming mga kaibigan.
Except me.
Hubby ko at Wifey ko? Pinakadabest na asawa sa buong mundo kahit hindi pa sila kasal tapos sabay halik sa labi?
Nakakaselos. Dapat ako 'yon eh.
Dapat ako ang girlfriend ngayon ni Billy.
Pero syempre joke lang.
Gusto ko rin 'yan maranasan mula sa kanya pero mukhang imposible.
Hindi naman niya ako mahal.
Noon ay umamin ako sa kanya dati na mahal ko siya. Oo, umamin ako sa kanya pero alam niyo ba kung ano ang sinagot niya sa akin?
Mahal raw niya ako.
Pero bilang kaibigan lang. Si Louise daw ang gusto niyang maging girlfriend at maging asawa. Ang sakit talaga na hanggang kaibigan lang ang turing niya sa akin.
Ilang taon ko na rin siyang minamahal nang palihim. At siya rin ang naging dahilan kung bakit dito ako ngayon nag-aaral sa DGUP na pagmamay-ari ng Daddy ng bestfriend ko. Ang tindi talaga ng puso ko. Lahat ay gagawin para sa kanya.
Pero ngayong sila na ng bestfriend ko.
Should I give up my feelings?
"Twinsis. May problema ba? Ba't hindi mo ginagalaw ang food mo?" narinig kong tanong sa 'kin ng kakambal kong si Kathleen.
Hindi ko namalayang nakatulala pala ako.
"I need to go. Medyo hindi kasi maganda ang pakiramdam ko." ang tanging sagot ko. Tumayo na ako para umalis. I don't want them to see me like this.
"Take care of yourself Kate." narinig kong sabi niya. Alam niyo na kung sino 'yon. Ang lalaking mahal ko.
Sa totoo lang, hindi naman masama ang pakiramdam ko. Sadyang bitter lang ako ngayon.
Naghanap ako ng vacant room na pwede kong pasukan.
At doon ko ibinuhos ang lahat ng sakit na nararamdam ko ngayon.
Bakit kasi siya pa?
Bakit siya pa ang minahal ko?
[JAMES' POV]
Ang sakit pala kapag nakikita mo ang babaeng mahal mo na nasasaktan. Yes, I'm inlove with Kate kahit na may pagkababaero ako.
Kilala akong isang playboy. Walang pakialam sa nararamdaman ng mga babae. I'm flirting with them hanggang sa magsawa ako. At laruan lang ang turing ko sa kanila.
Pero pagdating kay Kate. Ito ako, nagiging stalker na. At nagtatago pa ng feelings. Ngayon lang ako nagkaganito sa buong buhay ko.
Noon ko pa gustong sabihin sa kanya na mahal ko siya pero sadyang torpe lang ako.
Nandito ako ngayon sa isang vacant room kung saan ay nagtatago ako. Nakikita ko ngayon si Kate na umiiyak. Shit! Sa dami ba naman ng lalaking pwedeng niyang mahalin, bakit si Billy pa?
Bakit kaibigan ko pa? Nandito naman ako para mahalin niya.
Sana ako na lang.
Lumapit ako kay Kate at binigyan ko siya ng panyo. Ito na ang pagkakataon mo James para mapalapit ka sa babaeng mahal mo.
May naisip na akong plano para mapunta sa 'kin ang feelings niya na kay Billy ngayon.
Napatingin naman si Kate sa panyo. Pagkatapos ay sa akin.
Kinuha niya yung panyo na hawak ko.
"Salamat James." sabi niya sabay punas ng luha niya.
"Alam kong nasasaktan ka ngayon dahil sa kanya. Gano'n mo ba talaga kamahal si Billy?" tanong ko sa kanya.
Namula naman si Kate dahil do'n. Ang ganda talaga niya kapag nagba-blush.
"Ha? Anong mahal ko si Billy? Wala akong feelings sa kanya no." sabi ni Kate sabay iwas ng tingin sa 'kin.
Halatang nagsisinungaling lang siya. Hindi bagay sa kanya ang magsinungaling.
"Don't deny it. I know you love him. Halata sa kilos mo noon pa." sabi ko sa kanya.
"Gano'n ba? Oo, sige na. Gusto ko siya at mahal ko siya. Pero hindi niya ako mahal eh. Hanggang kaibigan lang ang turing niya sa akin. Mahal niya ang bestfriend ko. Gusto ko nang mag-move on sa kanya para hindi na ako masaktan pa." pag-amin sa 'kin ni Kate. "Wag mo 'tong sasabihin sa kanya."
"Okay, I won't say it." tugon ko.
"Good at..." - Kate
"But in one condition. Isa rin 'tong way para makapag-move on sa kanya."
Biglang tumaas ang kilay ni Kate dahil sa sinabi ko.
"What condition? At anong kinalaman niyan para makapag-move on na ako sa kanya?" nagtatakang tanong niya sa 'kin.
"Be my girlfriend." sagot ko na ikinagulat ni Kate.
Alam kong katangahan 'tong ginagawa ko but I'm desperate right now.
I want her to be mine.