webnovel

The Nerds is in Disguise

Tatlong babaeng na gangster na nagpapangap na bilang isang nerd sa isang campus upang ma-protektahan nila ang tatlong magkakapatid na lalaki na mayaman, walang nakaka-alam kung sino sila at kung ano ang tunay nilang pakay, kahit na ang pamilya ng tatlong Gangsters nato ay mga isang murderous families din. Pero bakit nga ba nila tinatago ang magagandang mukha nila, Sino ang makakaalam sa mga secreto nila, Will they reveal it? Or the Mafia Bosses Will find out. The Gangster in Disguise As a NERDS Written by : Binibining_Ryu

lllllobe · Adolescente
Classificações insuficientes
46 Chs

Chapter 24 - I'll Take Her Away From You Pt. 1

— Park Kyu Seolgoo (POVs)

Nang magising na si Ivy sa clinic it was already 11:30 AM, malapit na mag lunchtime, kaya nung magising siya ay tumayu na ako at tumingin naman kaagad siya sakin at sa paligid niya.

" Anong oras na? " Ivy

" 11:30 AM." sabi ko

Tatayu na sana siya ng hinawakan ko yung mga balikat niya at pinahiga ko siya ulit, ang hina ng katawan niya ngayun.

" Humiga ka nalang muna, sabi ng nurse kanina nung chineck ka niya, your lacking of sleep and also your stress, kaya it's better if magpahinga ka muna dito sa clinic." sabi ko

Tatayu na naman sana siya ulit ng pinahiga ko na naman siya ulit.

" Sinabing magpahinga ka, dito ka lang bibili ako ng makakain mo, pag nalaman kung umalis ka dito sa clinic, lagot ka sakin. " sabi ko

Lumabas naman kaagad ako sa clinic at nagmadali din akong pumunta sa cafeteria at bumili ng pagkain, di'ko alam kung ano gusto niyang kainin kaya marami akong biniling pagkain para sa kanya, and of course, healthy foods ang binili ko.

( Baka magkasakit pa siya.)

Buti nalang talaga at walang medyo maraming estudyante kasi wala pa nga yung lunchtime, ng binuksan ko na ang pintuan ay bumangad sakin ang mukha ng lalaking ayaw ko talagang makita kahit kailan.

" Oh, your here.*smile*" Jaydon

Kunot noo naman akong lumapit kay Ivy at nilapag ko yung pagkaing binili ko sa mesa beside sa higaan ni Ivy.

" Ano yang binili mo? " Ivy

" Healthy Foods para sayu, kailangan mo tong kainin para maging healthy ka." sabi ko

" How sweet, pero busog na siya, kakatapos niya lang kumain, pinakain kuna siya, since nagugutom na siya. " Jaydon

Tumingin naman kaagad ako ni Jaydon ng masama at tinignan ko ulit si Ivy.

" Tapos ka ng kumain? " sabi ko

" Nope, I'm still hungry, did you buy any? " Ivy

Tinignan ko naman kaagad si Jaydon na nakangiti sa kanya habang siya naman ay naka kunot noo lang.

" Yup, binili ko narin yung palagi mong iniinom." sabi ko

Ngumiti naman kaagad sakin si Ivy ng marinig niyang binili ko yung paborito niyang maiinom.