webnovel

The Healing Angel

Tahimik ang buhay pag-ibig ni Faye Alcantara, pero nagbago ang lahat ng ito nang magtapo sila ni Raphael, isang anghel sa mesidina na pasaway at nawalan ng kapangyarihan sa mundo ng tao. Parusa nga ba ito ng langit ang pananatili niya sa mundo ng tao? o isa itong tadhana para pagtagpuin sila ng landas ng mortal na si Faye?

ManilaTypewriter · Fantasia
Classificações insuficientes
46 Chs

WALANG GALANG NA BATA

Sa room 401 ay seryosong nag-uusap ang magkakaibigan. Pinag-uusapan nila ang kanilang nalalapit na graduation at kung anong plano nila pagkatapos nito.

"Ikaw Faye anong plano mo pagkatapos natin?" tanong ni Sophia.

"Ako? Hmm edi magturo." nakangiti nitong sagot.

"Saan ka naman magtuturo girl? Sa panahon ngayon mahirap na makahanap ng school na maganda ang sahod. Depende na lang kung makapasa tayo ng LET at makapagturo sa public schools." paliwanag ni Andrei na balak mangibang bansa dahil nabababaan siya sa sahod dito sa Pilipinas.

"Hoy bakla! kaya mo lang naman gustong mag-ibang bansa para may pang-gastos ka sa mga boylet mo." ani ni Sophia.

"Sino ba nagsabi na nag-teacher ako para kumita?" tanong ni Faye sa mga kaibigan na ikinagulat nito.

"Tumpak! nga naman bakla ikaw kasi mukha kang pera!" pang-aasar ni Sophia kay Andrei.

"Hay nako ewan ko sa inyong dalawa! Ano kayo bayani? Hello! Sa panahon ngayon bihira na lang ang mga guro na may malasakit talaga sa pagtuturo." banat naman ni Andrei na kinikilig pa habang binabasa ang libro ni Nicholas Sparks na 'A Walk To Remember'.

"Oo nga pala Faye andami mong admirer kahapon ni isa walang pumasok sa standards?" naalala ni Sophia na araw ng mga puso nga pala kahapon kaya niya ito itinanong. Isa pa, no boyfriend since birth ang kanyang kaibigan kaya naman todo effort sila sa pagreto ng mga lalaki rito.

"Alam mo sis kahit naman pasok sa standard niya yan waley pa rin yan. Walang balak mag-jowa yan diyos ko tatandang dalaga yan kaloka." sabi ni Andrei habang nakataas ang kilay kay Faye. " Oh ano say mo?"

"Tsk. Diba sinabi ko na sainyo wala akong panahon sa mga ganyang bagay sis. Family ko muna iniisip ko ngayon." pagtatanggol ni Faye sa sarili. Wala pa sa isip niya ang mga bagay na ito sa ngayon dahil gusto muna niyang tumulong sa pamilya.

"Sabi sayo Sophia lulumutin lang yung bataan ng bruha na yan! "

"Baliw ka talaga bakla! " ani ni Faye na natawa sa tinuran ng kaibigan.

"Oh wala kang balak gamitin? Palit na nga lang talaga kayo ni bakla sa kanya ang tocino sayo ang longganisa!" pang-aasar ni Sophia bago siya nakaramdam ng gutom at magyayang kumain sa canteen. " Time na rin pala oh. Tara sa canteen nagugutom nako mga sis."

Malawak ang canteen ng Malaya University, araw-araw ay iba't-ibang putahe ang inihahanda para hindi magsawa ang mga estudyante.

"Bakla tingnan mo yon oh! Mukhang masarap yung sinigang nila ngayon." turo ni Faye sa ulam dahil nalalanghap niya ang bango nito, mukha namang masarap. Hindi nga lang siya pinansin nito dahil may tinitingnan ito kaya naman kinausap nalang niya si ate.

"Hello ate!" bati ni Faye kay Ate Soledad ang isa sa mga kusinera rito, matagal na siyang naglilingkod sa unibersidad dahil malaki ang benepisyo niya at nakapag-aaral pa ang anak niya ng libre.

"Ang ganda natin ngayon hija! Ano meron?" biro nito kay Faye.

"Wala naman po. Mukhang masarap yang sinigang niyo ah." sambit ni Faye habang nilalanghap ang bango ng ulam.

"Abay oo naman ako yata nagluto niyan." bibong sagot ni Ate Soledad.

"Sige ho. Pa-order naman kami ng tatlo dahil busy yung dalawa kong kasama may tinitingnan na naman na pogi." pabirong sabi ni Faye sabay abot ng bayad.

"180 lang lahat, nako bakit kasi hindi ka pa mag-boyfriend maganda ka naman. Baka naman naghihintay ka ng perfect man? Nako wala ka nang mahahanap na ganyan ngayon. Mas mahirap nga ang ligawan dati abay talagang kawawa ang lalaki." kwento ni Ate Soledad habang hinahanda ang pagkain ng tatlo at inaalala ang mga araw na dalaga pa siya. Mga panahong hinahabol ng itak ang mga manliligaw ng kanilang mga tatay.

"Hindi naman ho ako mapili. Twenty years old pa lang naman ako." paliwanag ni Faye sabay kuha ng kanilang order sa may counter. "Sige Ate salamat!"

Nagtungo na sila sa may bakanteng table. Sa may kabilang table ay may babaeng mag-isa kumakain, isang maliit na hotdog lang ang ulam nito at maraming kanin.

"Bakla samahan mo na lang kaya yung babae sa kabila." utos ni Sophia kaya naman si Faye na lang ang kusang lumapit dahil hindi naman papayag si Andrei sa ganitong bagay.

"No! Ayoko nga kaloka ka!" pagtanggi ni Andrei.

"Edi wag baklang to! ang sama ng ugali mo." sabay batok habang kumakain ito na naging dahilan para mabulunan si Andrei sa kinakain.

"Hoy tama na yan. Ako ng bahala." sambit ni Faye para matahimik na ang dalawang maingay niyang kaibigan.

Dala ang kanyang bag at pagkain ay umupo siya sa tabi ng babae. Sa hindi inaasahan ay may biglang umupo na lalaki sa tabi niya. Tatlo na ngayon sila sa table. Ibinaba ng lalaki ang kanyang bag at inilabas ang lunch box nito. Binuksan niya ang dalawang lunch box na naglalaman ng iba't-ibang pagkain at desserts.

"Gusto ko yang ulam mo mukhang masarap. Pwedeng makipag-palit?"

Nagulat na lang bigla si Faye dahil si Miguel na pala ang kasama nila sa table. Pinagpalit nito ang lunch box niya sa babae.

"Salamat!" ani ni Miguel sabay kinuha ang pagkain ng babae nang hindi manlang hinihintay ang sagot at nakangiting kinain ito. Nabigla rin ang babae sa ginawa ng lalaking nasa harapan niya. Parang teleserye lang kung titingnan, pero baka mabait lang talaga siya sa isip-isip ng babae.

"Pero nakakahiya kasi yung ulam-"

"Ito? Paborito ko tong ulam don't worry." sumubo pa siya ng isa pang subo kahit puno na ang bibig para patunayan sa babae na okay lang siya.

"Ah ganon ba salamat! Babawi ako sa susunod! Salamat talaga!" pangako ng 2nd year med student na nagtitipid dahil nag-iipon siya ng pambayad sa tuition fees.

"No need. Kain ka lang!" sabay titig niya kay Faye na ngayon lang niya nalaman na katabi pala niya. Hindi na nakapagsalita si Faye dahil ginawa na lahat ito ni Miguel. Nagpatuloy lang sila sa pagkain hanggang sa matapos ang babaeng med student at agarang umalis.

Natira na lang ang dalawa. Tunog lang ng plato at kutsara ang naririnig sakanila dahil ni isa ay walang balak magsalita hanggang sa nagsalita si Faye.

"Hmm aalukin ko sana ng pagkain yung babae pero nauna ka na naman."

"Wala yon. Gusto ko lang talaga kumain ng hotdog." pagsisinungaling ni Miguel dahil ang totoo ay kanina pa niya nakikita ang babae, nahihiya ito sa baon niyang pagkain kaya naman nilapitan niya ito.

"Hotdog? Lahat naman tayo nakakakain non ah. Pwera na lang kung mayaman ka-" ani ni Faye nang bigla siyang takpan ng kamay sa bibig ni Miguel na ikinagulat ng dalawa niyang kaibigan na tahimik na nanonood.

"Hindi ako mayaman."

"Ah talaga ba?" dudang tanong ni Faye.

Lalong lumapit si Miguel sa dalaga, itinaas ang kamay at inilagay sa taas ng upuan ng dalaga.

"Hmm." ito lang ang sagot ni Miguel dahil ilang sandali pa ay pinitik ni Faye ang noo nito at napaatras sa sakit. "Aww"

"Tse! Tigilan mo nga ako sa ganyan mo kala mo talaga madadaan mo ko sa pacute mo. Tsaka wala kang galang na bata ka."

"Matanda ka lang naman ng ilang taon tss." sambit ni Miguel na labing-pitong taong gulang pa lang.

"Ay grabe! Wala ka talagang galang sa mas matanda?" tanong ni Faye na konti na lang ay puputok na dahil sa init ng ulo sa kausap.

"Mas mature pa nga yata ako mag-isip sayo..." pabulong na sabi ni Miguel habang inaayos ang bag paalis.

"May sinasabi ka?"

"Wala. Bye ate!" paalam nito at biglang nawala ng parang bula.

"Ano?! Ate? baka may lagnat yun. Walang galang na bata p**te! " sa isip-isip ni Faye habang papunta sa direksyon ng kaibigan.

"Uh uh uh si bessy kaya naman pala ayaw magjowa kasi gusto niya ng mas bata!" pabirong bungad ni Andrei sa kaibigan.

"Tigilan mo nga ako bakla! Bwiset na batang yun walang galang ni hindi manlang ako tinatawag na ate huh!"

"Tinatawag? Magkakilala ba kayo nung first year med student na yon. Aha!!! " tanong ni Sophia.

"Huy hindi ah!" pagtanggi ni Faye na namumula na ang pisngi. "Never kong magugustuhan yun no! Mas bagay sila ng kapatid kong si Jennie parehas na walang galang. Imposible!"

"Hala sis bakit ka defensive? Sinabi ba niya na gusto ka niya? Assuming te!" banat ni Andrei na hindi rin maitago ang kilig para sa kaibigan.

"Blah blah blah basta!" sagot naman ni Faye. Lumabas na silang canteen at patuloy pa rin nilang tinutukso ang dalaga.