webnovel

Chapter 2

Maghapon akong naglamyerda sa mall. Kumain, namili ng foods sa bahay at nag-shopping ng bonggang-bongga. Bumili ako ng damit at sapatos para mamaya at nagpa-make up na rin ako para complete package ang ganda. O, ha. Saan ka pa?

Sana laging ganito. 'Yong malaya ka, walang nanghuhusga sa 'yo, masaya ka sa ginagawa mo. Eh, 'pag nasa bahay ako, tamang tambay lang sa kwarto at mabuburyok ka talaga.

I'm wearing my red dress na off-shoulder, red stilettos na sinamahan ng pulang sumbrero, pamaypay, choker at gloves. Oh, 'di mo kaya 'yon! Para tayong magbabakasyon sa abroad! Date lang naman ang pupuntahan natin. A special date with my dear William! For sure if he sees me like this, tutulo ang laway niya sa talampakan ko. I swear!

Pagkagaling ko sa mall ay saka ako dumiretso sa Bayview Restaurant sakay ang bagong-bago kong 2020 Rolls-Royce Phantom EWB na nagkakahalaga ng tumatagingting na $530,000.

Saktong-sakto lang ang dating ko sa resto. Maraming tao sa loob pero bakit ang enggrande naman 'ata ng arrangement sa center table? Very sophisticated ang design at napaplibutan din ang mesa ng dalawang musician. 'Yong isa'y may violin na hawak habang ang isa ay singer, kung 'di ako nagkakamali.

At ang nakakakilig, kitang-kita ko ang bulto ni William na nakaupo doon, matiyagang hinihintay ang pagdating ko. Pabalik-balik ang tingin ni Will sa wristwatch niya.

Oh my gosh! The suspense is killing me! Now's the time to come closer and share our true love's kiss before some slut takes over my crown!

"Will, how sweet of yo--" Nakaka-dalawang hakbang pa lang ako ay natigilan ako nang lumapit ang isang babae sa mesa niya. Napasinghap ako. Aba, inagawan ako ng pwesto! Mukha namang hipong bilasa!

Nakangiting sinalubong ni William ang babae at hinalikan ito sa labi. Tila nadurog ang puso ko sa paraan ng paghalik niya sa lintang iyon. All this time, I thought...

The musician starts playing the violin as the singer performed... Sa lahat ng kanta naman, oo! Bakit 'yong theme song ko pa kay Will?!

William took that bitch's hand, probably asking her to dance. Nanigas ang buong katawan ko gawa ng magkahalong gulat at lungkot. Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa nakikita ko ngayon!

A chance to be with you once again

Memories of all the love we shared back then

I will search the whole universe until the stars whisper in my ears

That you're with me, my dear

Mayamaya, lumuhod si William at nilabas ang isang maliit na kahon. He opened it and I could clearly see what's inside of that box. It's a ring!

Napahawak naman sa mukha ang malanding hipon! Kunwari pang gulat ang walangh'ya! Itapon kita sa ilog na puno ng basura, e! Tutal, doon ka nababagay!

No, you're not gonna take away my Will from me! You have to go through my ass before he became yours, shrimp!

You are my desti--

"DESTINY MO MUKHA MO, LANDITERANG BILAT!" sigaw ko.

I lose my temper. Galit kong sinugod ang hipon at pinagsasampal. Pilit akong inaawat ni William subalit hindi ako tumigil. Nginudngod ko ang mukha ng landitera sa mesa. Ayoko sanang gawin 'to dahil ang ganda ng arrangement but she ruined my day!

"How dare you touching my baby's skin? Akin si William! You have no rights to interfere with my business! Kapag sinabi kong akin siya," diniinan ko lalo ang pagsubsob sa hipon. "Akin siya! Tandaan mo 'yan, pakarat kang bilasa ka! Kapal ng fez nito! Doon ka sa garbage river! Pakasalan mo 'yong mga basura do'n!"

"Grellen, stop!" Binitawan ko na ang malandi. Nabaling ang atensyon ko kay WIlliam na walang ibang ginawa kundi pigilan ako.

"Isa ka pa! Papatol ka na lang, sa hipon pang kinulang sa aruga?" Pinaghahampas ko siya sa dibdib. "Ano bang meron sa babaeng 'yan na wala ako? Mayaman naman ako, ah? I may be look manly but I can change my entire appearance just for you!"

"Stop this for once!" aniya. Wow, so ako pa ang masama! Ako ang biktima rito!

"Stop? Ano, yamete, yamete? Yaoi fan ka? Mas cutie ako kaysa diyan! Ako na lang, please! Leave that slut and--"

"WHAT PART OF STOP DO YOU NOT UNDERSTAND, OFFICER GRELL ALLEN BURNETT? I DON'T LOVE YOU AT HUWAG KA NANG UMASANG MAMAHALIN KITA DAHIL HINDI AKO PUMAPATOL SA KAPWA KO LALAKI! TIGILAN MO NA AKO, OKAY? AND BESIDES, THIS IS NOT ACTUALLY--"

I slapped him hard. "Pwes, magsama kayo ng bilasang 'yan, Inspector Pukeyama!"

Sinadya kong maliin ang pronunciation ng apilyedo niya sa halip na Fukuyama. Buwisit, eh. Buong buhay ko bilang pulis, sa kanya ko lang tinuon ang atensyon ko tapos ito ang igaganti niya sa 'kin?!

Ito ang pinakamasakit na rejection na natanggap ko kay William! Ang straightforward! Aray ko, darling! Huhuhu!

I left the scene, brokenhearted. Pinagtitinginan pa 'ko ng mga tao but who cares? Ang sakit kayang mabigo sa pag-ibig! I'm so frustrated right now!

Panay ang ngalngal ko sa kotse ko. Bugbog sarado ang manibela sa kakahampas ko. Sige, enjoy lang kayo! Wait for my heart to heal. I'll end you both! Pagsisisihan niyo ang ginawa niyong pananakit sa virgin kong puso!

"T-Tama na, Grellen. Ang drama mong baklita ka! Why are you crying over some stupid idiot--huhuhuhu! It hurts meee! Huhuhu! Makapag-bar nga muna!" Parang tanga kong kinakausap ang sarili ko. Buang lang, teh?

Lumuluha kong dinukot sa bulsa ko ang cellphone ko. Balak kong yayain sina Ronald at Eric sa bar. Magpapakalunod muna ako sa alak hanggang sa 'di ko na kaya.

Wait, where is it? Wala rito! I searched the entire area, maski 'yong mga pinamili ko pera wala doon ang cellphone ko. Shit! Naiwan ko ba sa mansyon? Hindi, e. As far as I remember, I take it with me. Don't tell me I left it when I was in the fitting room of the department store? No way! Nalaglag ko 'ata do'n noong nagbibihis ako!

'Di bale, bibili na lang ako ng bago tutal, lumang modelo na rin 'yon ng iPhone. Barya lang ang halaga n'on kung tutuusin.

Mag-isa akong naglasing sa bar na pagmamay-ari ng kabatch ko sa police academy. Sa labis kong kalasingan ay hindi ko na nagawang umuwi ng mansyon. Good thing na pinayagan akong mag-stay doon since kilala naman ako ng owner.

•••

Pag-uwi ko kinabukasan, maingat kong pinuslit ang mga shopping bags ko sa loob ng mansyon. Siniguro kong hindi mapapansin ni Dad o ni Sebastian na puro pagkain at damit pambabae ang laman ng mga bags.

Don't worry about my looks, I changed it immediately to my usual, boring and dull look like my dad wants to see. Hello? If I entered to his lair wearing that red dress and shoes, jojombagin ako nang todo ni Papang, sa gate palang!

Naligo na ako at nagpalit ng damit. Palabas na sana ako ng kuwarto ko para mag-almusal nang may kumatok sa pintuan.

"Pasok," sabi ko.

Niluwa ng pinto ang kasambahay naming si Mey-Mao. Oo, I know weird ang name niya. Half-Chinese ang isang 'yan. Actually, wala namang masama sa pangalan ng mga tsino. Sadyang 'di lang bumagay sa kanya ang combination ng pangalan niya. Mey-Mao. May halimaw.

"Sir, pinapatawag po kayo ni Master sa baba. Gusto ka raw po niyang makausap," takot na sabi ng halimaw--este, ni Mey-Mao. Parang 'yon lang? Takot na takot?

"Sige, sunod na lang ako," sagot ko.

"Mag-ingat po kayo, Sir." Tumango ito at lumabas.

"Wow, makabanta ka naman parang bibitayin ako. For sure lalaitin lang ako n'on at ikukumpara sa kuya kong demonyo!" taas-kilay kong sabi habang nakapamaywang. Pumalatak ako at piniling lumabas ng silid.

Nai-spot-an ko si Dad sa salas, nakaupo sa couch hawak ang cellphone. Kulang na lang ay mag-self destruct ang phone niya sa sobrang higpit ng pagkakahawak niya rito. On the other side, there's Sebastian, showing his demonic smile.

"D-Dad," I called his attention. He pressed the side button of his phone at palakas nang palakas ang volume ng video (I think) na pine-play niya.

Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko ang sarili kong boses. I heard myself crying in anger. What on earth?! How did he know about yesterday?

"Care to explain the meaning of this?" gigil na tanong ni Dad, namumula ito sa galit nang itapon niya ang cellphone sa harap ko.

Dinampot ko ang telepono. No, it can't be! Someone took me a video inside the resto last night at kitang-kita ko kung gaano ko pinagbuhatan ng kamay ang babaeng hipon at lahat ng pinagsasabi ko kay William, malinaw pa sa 320kb/s na mp3 song!

"Just as I thought, you haven't changed," nakangising sabi ni Sebastian.

No, please just be a dream, I'm cleared for death!