webnovel

The Billionaire's Step Sister

Matalino, maganda. Yan ang katangiang maipagmamalaki ni Issay, kahit lumaking walang ina. Kuntento na siya sa kung anong meron siya at wala nang hahanapin pa. Ngunit isang malagim na insedente ang nagpabago ng mundo niya, nakapatay siya, na siyang dahilan para lisanin niya ang lugar na kinalakhan. Sa Maynila nakilala niya ang arogante at mapang asar na si Louie. Pero isang nakaw na halik sa una nilang pagkikita ang kumiliti sa kanyang inosenteng puso. Ngunit maipaglalaban ba ang nararamdaman kung kalauna'y nalaman niyang anak pala ito ng kanyang lumayong ina? Maipagpapatuloy kaya ang nararamdaman kung sa mata ng lahat ay isa itong mabigat na kasalanan? Susundin kaya ang tibok ng puso kung pareho ng nasasaktan?

itsmonzuki · Urbano
Classificações insuficientes
25 Chs

Chapter Sixteen

Napalingon si Elyssa nang biglang dumating sa tabi niya ang lalaking kanina pa nanggugulo sa kanya.

"Kanina pa kita hinahanap, hon," nakangiti pa ring dagdag ng lalaki . Lumapit ito sa kanya at huminto sa tabi niya habang malamlam ang matang nakatitig sa kanya. Ni hindi nito binigyan ng pansin ang dalawang kaharap niya at sa kanya naka-focus ang atensyon nito. Napabaling naman ang tingin ni Jevy at Julie rito.

"Siya ba ang pinagpalit mo sa'kin Issay?" mapait na tanong ni Jevy sa kanya. Bakas sa boses nito ang hapding naramdaman na 'di niya maintindihan kung bakit. Samantalang siya naman itong pinaglaruan. Siya dapat ang makaramdam ng sakit, hindi ito.

"Oo!" taas-noong sagot niya. Walang pakundangang sinakyan niya ang pagpapanggap ng lalaking katabi. If this is the reason for Jevy to stop bothering her, she will pretend. She will pretend that nothing had happened. That she didn't know someone like Jevy. Na hindi siya nagmahal ng isang katulad nitong manloloko.

Pero ang mata ni Elyssa ay kay Julie nakatingin upang ipakita rito ang bugso ng damdamin niya. Iniwas naman nito kaagad ang mata dahil sa matatalim niyang tingin na hindi nito kayang labanan. "Lets go!" Yakag niya sa lalaking katabi at mahigpit na humawak sa braso nito upang doon kumuha ng lakas. Mabibilis ang hakbang niya habang dire-diretsong iniwanan ang dalawang sumugat sa dibdib niya.

Bago tuluyang makalabas ng banyo ay nahagip ng tingin niya ang nakatiim-bagang na si Jevy, pero 'di na niya iyon pinansin. 'Di na siya magpapadala sa panloloko nito. Kahit pa ano'ng pagmamakaawa nito.

Dire-diretso siyang naglakad nang padabog hanggang sa bar counter kung saan ang kinauupuan. Hindi niya pansin na nakahawak pa rin siya sa lalaki na hanggang ngayon ay hindi pa rin niya alam kung ano ang pangalan. Nasasaktan siya at nais niya lang iwasan ang pagmumukha ng dalawang nasa banyo.

Nang makarating sa bar counter at makaupo ay kaagad siyang napahagulgol ng iyak. Her heart was filled with pain and it's overflowing like a bucket full of cold water. She wants to let it out. Umaasa na gumaan ang pakiramdam niya.

Walang pakialam si Elyssa sa nakapaligid sa kanya. Mabuti na lang at karamihan sa nasa club ay abala sa pagsasayaw at pag-iinuman. Mabilis naman siyang inalalayan ng lalaki na ngayon ay ito na ang may hawak sa braso niya. Tumayo ito sa tabi niya saka marahang hinagod ang likod niya at marahang nagsalita.

"What's the problem, Miss Castillo?" masuyong tanong nito. Ang kamay nito ay abala sa paghagod sa buhok niya patungo sa likod niya.

Issay didn't mind it at all. Wala siyang pakialam kung may lalaking humahawak sa kanya. Basta alam niyang wala itong ginagawang masama ay hindi niya ito pipigilan.

Kinuha niya ang baso ng alak na ibinigay ni Minho at mabilis na tinungga. Hindi pa nakuntento ay sinunod-sunod niya ang bawat basong ibinibigay nito na ngayon ay nakangisi lang habang nakaharap sa kanya. Akmang tutunggain na naman niya ang inabot na baso ng scotch ng pinigilan siya ng lalaking katabi.

"Stop it, Ms. Castillo. Ano ba'ng problema mo?" matigas na tanong nito. Bakas sa boses nito ang iritasyon dahil sa patuloy niyang pag-inom ng alak.

"Let her, pare. Mukhang matindi ang pinagdadaanan," sabad ni Minho. Nanatili pa rin sa mga labi nito ang pilyong ngisi.

"Nope! That's enough. And you," bumaling ito kay Minho, "stop giving her drinks and go!"

Nakangising umiling-iling ang kaharap na si Minho ngunit sinunod pa rin nito ang sinabi ng lalaki.

Elyssa acted like a child and tried to grab Minho, but the man beside her caught her lengthened arms.

Elyssa suddenly smirks and moves her eyes to her arm that was held tight. Then her gaze sweep past it and looked at the man's irritated face. Her moist eyes from crying looked at him seductively.

"Why? Why should I listen to a stranger like you? I didn't even know your name." Dumukwang siya rito.

Nararamdaman na ni Elyssa ang epekto ng alak dahil bahagya na siyang nahihilo. Hindi naman kasi siya sanay uminom. Pakiramdam niya ay lasing na yata siya.

"It's Louie!" Mahinang pagpapakilala nito sabay haplos sa mukha niya. Sinalubong nito ang titig niya nang puno ng kaseryosohan.

"Hmm, Louie. . . Nice to meet you. At last, alam ko na rin ang pangalan ng taong pasasalamatan ko. Salamat sa pag-surprise sa birthday ko!" Namumungay ang mata at malawak ang ngiting wika niya. Lasing na nga yata siya dahil pakiramdam niya ay hindi na niya kayang kontrolin ang sarili. Inayos niya ang nakauklong katawan at inilahad dito ang palad.

"It's my pleasure, Elyssa." bigkas nito sa buong pangalan niya. Kinuha nito ang palad niyang nakalahad at bahagyang hinalikan imbes na simpleng handshake lamang.

"Hmm..." Napahagikhik siya bago muling tinungga ang laman ng huling basong binigay ni Minho bago ito umalis. "So, Lovie..." Nakangiwing usal niya dahil sa pait ng alak na gumuhit sa kanyang lalamunan. Hinigit niya ang kamay niyang mahigpit pa ring hawak ni Louie.

"It's Louie." Pagtatama nito sa pangalan nito.

Muli siyang napahagikhik.

"Sorry, magkatunog kasi. Jevy. . . Louie!" Bulalas niya. May tama na nga siya dahil nangangapal na ang mukha niya at hindi na niya alam kung ano ang pinagsasabi.

"Mas guwapo naman ako ro'n!"

Napairap si Elyssa rito.

"Tse! Mas guwapo siya, 'no? Siya na yata ang pinakaguwapong lalaking nakilala ko!" Nagingiting sagot pa niya rito habang nakatingin sa kawalan.

"Huh, talaga? Braso ko pa lang nga ang mukha no'n!" pagmamayabang ni Louie. Iniharap pa nito lalo sa kanya ang katawan nito.

"Ang yabang mo!" Dinuro ito ni Elyssa sa dibdib pero ang ngiti sa mukha niya ay hindi maalis. "Lovie—"

"It's Louie!" Putol nito sa sasabihin sana niya.

Napahalakhak si Issay. But her laughter was swallowed by the loud music of the club. The band was still on stage and continued rocking. "I'm sorry. Yeah, Louie it is. Louie. . . Brother Louie Louie. . ." Ikinanta pa niya nang malakas ang pangalan nito. Epekto iyon ng alak na ipinagpasalamat niya dahil bahagyang nawala ang sakit ng dibdib niya dahil sa walang kuwenta niyang ex-boyfriend.

"Elyssa, stop it!" awat ni Louie.

Saglit siyang tumigil at nanlalaki ang matang tumingin dito.

"Okay, I'll stop. But, hindi pa ako lasing okay?"

Walang nagawa si Louie kundi ang bumuga ng marahas na hininga.

"C'mon, ano ba'ng problema mo?" Tanging naitanong nito.

"Ako may problema? Wala 'no? Ang suwerte-suwerte ko nga, eh. Nasa akin na yata lahat. Wala na akong mahihiling pa!" sarkastikong sigaw niya. Tumayo siya at umikot-ikot sa kinatatayuan ni Louie. Mabuti na lang at sobrang ingay ng paligid dahil sa ingay ng music sa dancefloor.

"Elyssa, stop it!" muling saway ni Louie. Hinablot siya nito sa kamay at pilit na pinaupo sa upuan. "Tama na 'yan, lasing ka na!"

"No!" sagot niya. Kinuha niya ang baso ng alak ni Louie at mabilis na tinungga. "Party ko 'to! Ohh!" Itinaas niya ang baso. "Cheers!!!" Sigaw niya pa. Itinapat niya rito ang baso. Wala itong nagawa kundi ang pagbigyan siya kumuha ito ng baso ng alak sa dumaang waiter at ikinampay sa kanya.

"By the way, Louie. How did you know it's my birthday?" Maya-maya'y seryosong tanong niya. "Bukas pa naman 'yon actually. Saka, why did you do all these things? Hindi mo naman ako kilala?"

"Do I really need to answer you, Ms. Castillo? You're beautiful, that's all!" seryoso ang mukhang sagot ni Louie.

Matiim itong tumitig sa kanya at halos hindi iyon kayang tagalan ni Issay. His gazes penetrates deep within her making her heart beats faster and louder. Nag-init ang mukha niya sa naramdaman o dahil dala iyon ng alak ngunit hindi niya iniwas ng titig.

"At tungkol sa birthday mo. . . nakita ko iyon sa ID mo." Kibit-balikat na dugtong ng binata. "Sorry kung pinakialaman ko ang wallet mo. I was just checking on the details." Tumitig ito ng matiim sa kanya. "Ano ba'ng problema mo, Elyssa? Nababasa ko sa mata mo ang matinding lungkot na nararamdaman mo." Medyo husky na rin ang boses nito. Marami-rami na rin yatang nainom.

Napaiyak na naman si Issay sa sinabi nito.

"I just got dumped by my boyfriend. My first and only love. At tr-in-aidor ako ng bestfriend ko. On my birthday!?" Hilam na sa luha ang mata niya habang nagkukuwento rito. Sinuntok-suntok pa niya ang bar counter.

Lumapit pa lalo sa tabi niya si Louie at agad siyang niyakap.

"I'm sorry, 'di ko alam."

"You don't have to feel sorry about it," sumisinghot-singhot na sagot niya. Padabog siyang tumayo kahit hilam sa luha.

"Let's go. Ayaw ko nang pag-usapan 'yan. Umiyak na ako maghapon at nakakasawa na. Ang sakit-sakit na!" naiiyak na himutok niya sabay turo sa sariling dibdib. "C'mon, let's party from dusk 'till dawn. Party ko 'to kaya kailangan kong magsaya!" Itinaas niya ang huling baso ng alak at tumayo. "Kampay!!!"

Pinagbigyan naman siya ni Louie at nilagok ang huling patak ng alak na nasa baso nito.

Pero imbes na sa dancefloor ay dumiretso ito sa stage si Elyssa.

"Hey, guy's! May request yata ang birthday celebrant." Pagputol ng lead vocalist ng bandang Shiney. Eto ang regular band na kinuha ni Minho para mag-perform sa bar niya. Nakuha niya ang impormasyong iyon habang nag-uusap sila kanina.

Napangiti si Elyssa dahil sa sinabi ng vocalist at paekis-ekis na lumapit dito.

"No. . . I just want to say thank you to Mr. Louvie!" Malawak ang ngiting saad niya at itinuro pa ang kinaroroonan ni Louie.

Napangiwi naman ito na napapailing. Malamang mali na naman ang bigkas niya sa pangalan nito.

"Well, Mr. Louie, you just made a broken-hearted girl happy on her birthday. So, kampay mga besh!!! Let's party 'till the break of dawn!" Pagpapatuloy niya at itinaas pa ang kamay.

Napapangiti na napapailing na nakatitig sa kanya si Louie habang pinagmamasdan siyang bumaba ng stage at dumiretso sa dancefloor kasama ito. Saka niya inumpisahan ang walang habas na pagsayaw.

Pawisan na siya pagkatapos ng music pero sige pa rin siya sa kakahataw. She dances well, Louie dances well. Mukhang pinagtagpo talaga sila ng tadhana.

Saglit na natigilan ang dalawa sa biglang pagpalit ng malamyang tunog na musika. Hinapit naman siya agad ni Louie at sinabayan ang malamyos na tugtugin. That song is entitled How do you heal a broken heart. Sweet na sweet silang sumayaw sa gitna ng dancefloor. Halos magkadikit na rin ang katawan nila.

What a music! Napapaluha na namang bulong ni Elyssa.

Saglit niyang isinandal ang ulo sa dibdib ng binata. Langhap na langhap niya ang amoy ng mabangong perfume nito. "Hmm! Ba't ba ang bango nito? Pasimple siyang suminghot. "Ang yummy! Bahagya siyang napahagikhik at pinahid ang luha ng 'di nito namamalayan. "Stop it, Issay! Saway niya sa sarili kapagkuwan.

Naramdaman niyang isinandal nito ang ulo nito sa uluhan niya. Lalo siyang napasinghap ng maramdaman ang daloy ng init sa katawan niya sa pagdikit ng balat nila.

"Ano ba, Issay! Tumigil ka na nga. Ano'ng pinanggagawa mo? Ba't ang dali mo naman yatang maka-get-over at nagpapantasya ka na sa isang lalaking 'di mo naman kilala? Sa isip-isip pa niya. Pero dahil sa kalasingan 'di na niya kayang lumayo rito.

Nang matapos ang music ay niyakag niya ito pabalik sa puwestong pinanggalingan nila. 'Di na niya kaya ang hilong nararamdaman lalo pa at pigil niya ang luhang nais pumatak sa mga mata niya. Nagpaalam naman ito saglit na pupunta ng banyo. Tinanguan lang ito ni Elyssa. Liyong-liyo na siya kaya saglit siyang napayuko sa mesa. At unti-unti ay napapapikit na ang mata niya.

Nagising si Elyssa nang maramdamang parang lumilipad siya.

"Hmm... "she moans. Pero nanatiling nakapikit. May bumubuhat sa kanya?

"Who are you?" Pilit niyang tanong at pilit na iminulat ang mga mata. Pero dahil sa sobrang hilo ay muli siyang napapikit.

"Just sleeptight, sweetie. Ako'ng bahala sayo!"