336 The Twin Brother

"Mother! Ano ba? Papaano kayo magkakaintindihan niyan kung palagi kang nakasigaw?" Aniya ng lalake na kamukhang kamukha ni Tanaga.

Pagkatapos pagsabihan ng lalaking kamukha ni Tanaga, sa kanya naman ito bumaling. Habang nakakunot ang nuo, "pasensya ka na. Alam kong mahirap tangapin, pero eto ang katotohanan. Buhay pa kami at kaya nga kami nandito ngayon upang ipaalam sa iyo." Malumanay na sinabi ng lalake kay Tanaga.

Hindi malaman ni Tanaga kung ano ang isasagot sa taong kaharap niya. Kahit na hindi niya ito tangapin, nasa harapan niya ang ibidensya. Ang taong kaharap niya ay walang iba kundi ang kanyang kakambal na si Tanaka. Pero papaanong nangyari iyon? Kitang kita ng dalawa niyang mata na nahulog sa dagat ang mga ito?

Dahilan upang bigla na namang kumirot ang kanyang sintido at nagsimulang magdilim ang kanyang panigin. Ilang sandali pa ay nakahalumpasay ang walang malay na katawan ni Tanaga sa sofa.

Capítulo Bloqueado

Apoie seus autores e tradutores favoritos em webnovel.com

avataravatar
Próximo capítulo