Every girl wants a BAD BOY who will be good just for her. I wasn't perfect, I'm a Bad Boy. I done a lot of stupid things, I wasn't looking for forgiveness, I wasn't laid up by my pride, Just shocked by her attention. Did someone sign me up for love? I didn't want it, But now I can't live without it. She's an Angel, And I'm The Bad Boy.
Nathaniel Ruix
"I'm a blur, a speeding bullet you can't catch." I said while holding my Desert Eagle Mark XIX Pistol gun.
"Let me go! Please! I didn't kill her! I'm telling you the truth, King! Please don't kill me." sambit niya habang nakaluhod sa aking harapan. Umiiyak na siya ng dugo. Pero hindi ko pa rin siya pinansin, kinasa ko na ang hawak kong baril at tinutok sa ulo niya.
"Shut up! Shut up! Shut the fuck up!!" I shouted. "Fuck you. I saw everything.. Everything. You killed her, You killed the woman I love!" sigaw ko na punong-puno ng galit ang tinig.
Si Ashais na lang ang natira sa kanyang grupo. He is the leader of Sirius XXX Society. Ang dami ko nang napatumba at karamihan sa kanila ay nauubusan na ng hininga. Siya na lang talaga ang tinira ko dahil siya ang gagawan ko ng happy ending. Na sa sobrang happy ending ay mapaparest in peace na lang ako sa kanya mamaya.
Bigla akong natigilan.
Bumukas ang malaking pintuan at may pumasok na isang babae.
Sa sobrang liwanag ay halos hindi ko na makilala kung sino ang babaeng ito.
Halos mapaluha ako nang makita ko siya. Napamura ako sa sakit. Kung panaginip man ito sana ay hindi na lang ako magising. Tototo ba talaga ito? Totoo ba itong mga nakikita ko?
Mayamaya pa ay bigla na lang siyang nawala sa paningin ko. Naglaho siya na parang bula. Wala na siya.. Wala na talaga siya.
"Tama na 'yan! Kung hindi ka pa tumigil isusumbong na talaga kita sa mga pulis!" sigaw nung babaeng pumasok dito sa loob ng teritoryo ko.
That is right. That's just my imagination.. And it was just so painful because I knew I would never see her again. Pero pilit pa rin akong umaasa na babalik siya sa akin.
Nanginginig kong binitawan ang baril na hawak at biglang napaluha.
Nasaan ka na nga ba talaga, Liyanna? At sino itong babaeng nasa harapan ko ngayon?
Bakit siya nandito?
Sino ba siya?
"What the fuck are you doing here?! This is my territory! How did you get in here?!" nang sabihin ko ito ay bigla na lang siyang napaatras at kitang kita naman sa mukha niya ang takot lalo na nang makita niya ang duguan na si Ashais.
"You have no right to enter here." galit na galit kong sambit. "Fine. I'll give you a chance to get out of here if you tell me your name."
Kailangan kong malaman ang pangalan niya para malaman ko kung saan ko agad siya mahahanap lalo na kung sakaling ipagkalat niya itong mga nakita niya ngayon. Walang ibang pwedeng makaalam nito.
"S-Sorry! Naliligaw kasi ako. Alam mo ba kung nasaan ang cr dito? Ay charot! Hindi na pala. Sige aalis na ako, ha? Bye!"
The flying fuck?
"Sabihin mo sa akin ang pangalan mo kung ayaw mong isunod kita sa listahan ng mga taong papatayin ko."
Napahinto siya sa paglalakad at takot na takot na tumingin sa akin.
"ANGEL!" sigaw niya at bigla na lang tumakbo palayo sa akin.
Binalik ko ang atensyon kay Ashais at inalala ang kahayupang ginawa nila sa amin noon ni Liyanna.
0ctober 13, Friday the 13th.
15 years old lang ako nung araw na iyon. At plano naming magkita ni Liyanna dahil kinabukasan ay birthday ko na at naisipan niyang mag celebrate kami ng mas maaga. Sa totoo lang ang dami na naming pinagdaanan na mga problema sa buhay kahit pa napakabata pa naming dalawa. Pero kahit ganon ay hindi pa rin kami nagkakahiwalay. Sabi ko nga sa sarili ko, Siya na. Siya na ang babaeng papakasalan ko pag laki namin dahil sa kanya ko naman talaga nakikita ang future ko.
Sumakay na ako sa kotse at agad na pinaandar iyon ng driver ko. Sobra sobra ang saya ko dahil sa wakas ay makikita ko na ulit si Liyanna. Nang malapit na kami sa Café, bigla na lang may humarang sa amin na mga sasakyan. Kaya natigilan ang driver ko na si Mang Hendrick. Apat na kotse ang pumapaligid sa amin ngayon.
"What's happening?"
Bumusina na ng bumusina ang aking driver pero parang kahit anong busina niya ay hindi pa rin sila tumatabi. Sa sobrang inis ko ay di ko na napigilan pa ang sarili na lumabas ng sasakyan at galit na galit kong pinapalabas yung mga taong nasa loob ng mga sasakyang iyon.
"Young Master!" tawag sa akin ng aking driver pero hindi ko ito pinansin.
"ANO BANG PROBLEMA NIYO HA?!"
Bumukas ang pinto ng isang puting kotse at laking gulat ko nang makita ang girlfriend ko. Hawak siya ng isang lalaki na hindi ko naman kilala. Tama, hindi talaga sa akin pamilyar ang mukha nito. Ngayon ko lang ito nakita. At sigurado ako doon.
Hindi rin ako sigurado kung ang Sirius XXX Society ang mga ito dahil wala naman dito ang pinakamalupit kong kalaban na si Ashais.
Ilang sandali pa at may biglang nilabas na baril ang lalaking iyon at bigla na lang nagpaputok. Mabilis akong nakailag kaya alam kong hindi ako ang natamaan. Napatingin ako sa paligid at laking gulat ko ng makita kong nakahandusay na sa sahig ang driver ko na si Mang Hendrick. Nanlaki ang mata ko sa nakita. Pinatay nila si Mang Hendrick!
Bigla namang nag salita ang lalaking iyon at sinabing.. "Masyado bang nakakamangha ang ginawa ko kaya ka nakatulala ngayon?" sabi niya at biglang tinutok naman ang baril ngayon kay Liyanna. "Gusto mo bang isunod ko itong girlfriend mo ha, bata?" sambit niya at tumawa ng malakas.
Dahil sa sinabi ng lalaking iyon, ay nag dilim ang paningin ko sa kanya.
"Wag! Wag kang lalapit! Please! Umalis ka na lang!" Umiiyak na siya ng umiyak. Wala akong maintindihan. Anong bang kailangan nila?! Bakit nila ito ginagawa sa akin? At bakit nila kinukuha sa akin si Liyanna? Hindi ako nakinig kay Liyanna at nagpatuloy pa rin ako sa paglapit sa kanya nang biglang sinugod naman ako ng mga kasamahan ng lalaking iyon. Inatake nila akong lahat at itinulak sa kotse. Wala akong laban dahil sa dami nila. Mas lalong umiyak ng malakas ang girlfriend ko.
"TAMA NA!" humahagulgol na sabi ni Liyanna. "Parang awa niyo na! Ako na lang, ako na lang. Huwag niyo na siyang sasaktan." Halos manlabo na ang mga paningin ko dahil sa pagkakabugbog nila sa akin. Tanging mga boses na lang nila ang naririnig ko.
"Yan na ba talaga ang desisyon mo?"
Wala na akong maintindihan, wala na akong makita. Kulay pula na lang ang nakikita ko ngayon. Lumuluha na ako ng dugo. At sobrang nanghihina na talaga ako.
Unti-unti ko ng ipinikit ang mga mata ko. Ngunit bago ako tuluyang mawalan ng malay, narinig ko ulit ang boses ng lalaking iyon. At mas lalong lumakas ang pag iyak ni Liyanna.
"At dahil sa naging desisyon mong 'yan, buhay mo na ngayon ang kapalit."