Sisimulan ko muna kay Ernest!
POSITIVE
-Gentleman -Approachable
-Handsome -Sinabing maganda ako! :D
-Hunk -Inabot yung ballpen ko! ;)
-Kind -Mahaba yung patience kay Keanne! :)
Si Keanne na naman kasi hayun nagwawala!
"Will you let go! Ano ba tutulungan mo ba ako o hindi?"
Naku kung pwede lang ako lumapit at ipagtanggol si Ernest laban dito kay Keanne naku ginawa ko na kaso baka imbes na makatulong ako ay makagulo lang ako.
NEGATIVE
NONE!
Ayan natapos na ako kay Ernest! Ngayon naman kay Keanne na pero wait lang yung adobo nga pala nasa kusina! Makuha nga muna at 30 minutes to go na lang ay matatapos na ulit yung session nila baka hindi ko mapatikim kay Ernest yung adobo ko!
Mabilis akong tumakbo sa loob ng bahay para kuhanin yung adobo.
KEANNE'S POV
Bakit nagmamadali si Thiam? "Aray! Will you fix your work? Kanina pa ako naiinis sa kakagalaw mo ng paa ko ha!"
"Sir pasensiya na. Konting patience lang."
I hate it when people talks about patience! You should not wait and wait!
"Ernest, do you like Thiam?"
Napatingin sa akin si Ernest. "Sino pong Thiam? Si Thiara ba?"
I nodded. "Mabait siya... Bakit ho?"
Will I say it? Spoiler! "Nothing... I will just say this; if I were you I will just stick being faithful."
Para namang nagulat siya sa sinabi ko. Dapat lang! I know his hiding something to Thiam and Thiam if only she knew…
END OF KEANNE'S POV
Hay nakaabot ako… 10 minutes to go matatapos na sila! Babalikan ko muna tong ginagawa ko.
Ano bang uunahin ko? Positive or negative?
Positive na lang…
POSITIVE
-Vegetarian
Hanggang ngayon talaga hindi pa rin ako makapaniwala na vegetarian si Keanne. Kaya naman pala yung menudo dati sa hospital at iba pang pagkain na hindi purely veggies ay natatapon lang sa basurahan o sa lapag.
-"I trust you Thiam"- He trusts me!
-We will teach each other to be LIKEABLE by one another.
Ano pa nga ba yung mga positive nun? Wala na ata paano kasi mas marami akong naisip na negatives. Maumpisahan na nga…
NEGATIVE
"Ang unang-una na dun ay…"
"Mayabang..."
"Yup tama mayabang…"
-Mayabang
"Next ay…"
"Bugnutin..."
"Tama yun bugnutin talaga siya..."
-Bugnutin
"Ah alam ko na…"
"Masama ang ugali..."
"Naku naman correct na correct ka diyan! Masama talaga ang ugali ni…"
Sandali bakit may kinakausap ata ako… Tumingin agad ako sa likuran ko.
OPPS!!! :o :o :o :-[ :-\
"Kanina ka pa diyan?"
Tumango siya sa akin. Naku naman huling-huli ako sa pinaggagawa ko!
"Eh anong ginagawa mo diyan?" Sabay hide ko yung paper at ball pen sa likuran ko.
"I should be the one who should ask that question. What do you think you're doing? Are you comparing me to Ernest?"
Naku naman Thiara nahuli ka na talaga! "Eh ano naman kung oo!" Wala naman masama dun ha!
"You will just wasting your time because the one you really waiting for just flew away."
Anong ibig sabihin niya? Nasa tabi ko na si Keanne so that means…
Si Ernest nowhere to find!!!
"Eh bakit ngayon mo lang sinabi?"
"Do I look like a messenger?"
Hay naku ang hirap talaga nitong kausap! Maiwan na nga muna to at habulin si Ernest!
Malapit na sana ako sa pintuan ng biglang nagsalita si Keanne.
"If I were you, I will stop my fantasy."
Hay naku ewan ko sa iyo Keanne! >:( At mabilis na ako tumakbo papasok ng bahay para habulin si Ernest.
"Ernest!" Hooh buti naabutan ko siya. Papalabas pa lang siya sa pintuan.
"Oh Thiara... Bakit?"
"Are you in a hurry?"
Tinignan niya yung relo niya bago napalingon sa akin. "Not at all, is there any problem?"
"Pwede bang sabay tayong kumain ng lunch? Meron kasi akong nilutong adobo..."
"Adobo? Wow favorite ko yun!" Wow naman parehas kami! Hindi tulad ni Keanne!
Pagkasabi niya nun ay dumiretso na kami sa garden para kumain. Ang cute niya habang kumakain. Ang daldal pa niya, panay good comment siya sa niluto ko! Naku naman malagay nga yun mamaya sa chart!
Pagkatapos kumain ay siyempre hindi ko palalagpasin ang pagkakataon na may malaman tungkol sa kanya.
"Eh ano pa mga gusto mo? I mean favorite things..."
"Is this a slum book?" Parang ganun na nga at natawa kami parehas.
"When it comes to color, I loved white." Wow! parehas ulit kami! Two points! "In lines of clothing, I loved wearing Lacoste." Naman another point! "I don't drink beer and I don't smoke but I loved shakes, coffees and chocolates." Pwede bang may sumabunot sa akin? Oh my God talaga! Hindi kaya siya yung matagal ko nang hinihintay na right one? Naman kasi halos lahat ng sinabi niya parehas kami plus I loved the last things he said!
"Wow halos parehas tayo sa lahat. Ang saya naman..." Hindi lang talaga ako masaya, kinikilig pa!
"Really? That's nice. I hope we can talked again some other time, I'm sorry to say Thiara but I need to go. Luluwas pa kasi ako ng Manila..."
"Talaga?" Ano ba yan aalis na siya agad! Parang 20 minutes pa lang kami magkasama. "Okay sige next time na lang. Ingat ka." Malungkot man pero atleast nakapag-usap naman kami!
"Thanks." Tumayo na siya. Yun lang?
"Take care…" May pahabol naman pala! Sasagot na sana ako ng take care din kaso…
"Nurse Thiara." Bakit may nurse pa? Panira!
Heartbreaker, you got the best of me
But I just keep on coming back incessantly
Oh, why did you have to run your game on me?
I should have known right from the start
You'd go and break my heart
Gimme your love
-Mariah Carey
Eto na ang pangatlong session nila Keanne at siyempre dapat andun talaga ako dahil next week ko na makikita after nito. As usual maaga na naman akong nagising at pagkababa ko mula sa kwarto ko ay nakita ko agad si Ernest ang kaso nga lang…
Nagmadali akong bumaba dahil parang may kakaiba. Bakit mukhang papaalis ata siya? Nagkamali ba ako ng tingin sa relo ko?
"Thank you ho sir. Pasensiya na ho talaga."
Lumapit ako agad kina Keanne at Ernest na magkaharap. "Natapos na ba yung session nyo?"
"Are you joking Thiam? We even didn't have our session for today." At pinaandar na niya yung wheel chair niya. Tignan mo nga yun parang nagtatanong lang! Napaka-HP! Ang aga-aga pa lang!