webnovel

Chapter 292

Editor: LiberReverieGroup

Ang araw na pumasok siya sa lungsod ay isang magandang araw na may tila walang katapusang asul na langit na hindi makikitaan ng ulap. Ang marilag na kastilyo ay umusbong sa ilalim ng gintong sinag ng araw na para bang isa itong higanteng hayop na nakaupo sa gitna ng hindi mabilang na mga bulaklak. Kahit na sa napakalaking awra, mayroong mabulaklak na pakiramdam sa lungsod na ito. Ang Tang Jing ay puno ng mga palatandaan ng kasaganaan.

Naupo si Yunsheng sa kanyang kabayo at mabilis na tumakbo. Ang mga bulaklak ng peach ay nalalanta na sa isang lupain na puno ng mga pulang talulot na lumilipad sa mga paa ng tumatakbong kabayo.

"Wooo," sigaw niya sa kabayo at pinapirmi ito bago tumalon. Ang manggagawa sa bahay-panuluyan ay matalim dahil napansin niya na kahit na ang batang babae na ito ay hindi matanda, naglalabas siya ng isang pakiramdam ng kamarhalikaan na naging imposible para hindi siya pansinin ng mga tao. Mabilis siyang lumabas upang salubungin ang babae at ngumiti, "Binibini, kakain ka ba o mananatili ka rito ng ilang araw? Ang bahay-panuluyan na ito ay may pinakatahimik na mga silid at ang masarap na pagkain."

Hindi sumagot si Yunsheng at direktang pumasok. Hindi pinansin ang manggagawa at miserable lamang na iginiya ang kabayo sa kuwadra. Nagbato ng kaunting pilak sa mesa sa harap ng may-ari, sinabi niya, "Gusto ko ng isang tahimik na silid."

Nang makitang hindi maganda ang pakiramdam niya, hindi nag-aksaya ang may-ari ng anumang salita at hinatid lamang siya sa silid. Ang silid ay natural na hindi maharlika tulad sa kanyang tahanan ngunit talagang malinis. Sa sandaling lumabas ang may-ari, ang mukha ni Yunsheng ay bumagsak sa kalungkutan habang halos maiyak na siya.

Isang walang pusong ama! Isang walang pusong ina! Isang walang pusong kuya Rong! Matagal na siyang umalis, ngunit wala pa ring dumating upang habulin siya. Nais ba talaga nila na mabuhay siyang mag-isa? Aray, nagrereklamo siya sa kanyang puso habang ang kanyang likod ay makirot at ang kanyang paa ay masakit. Matagal siyang sumakay sa kabayo kaya't ang kanyang mga hita ay nagbabalat. Kinuskos niya ang kanyang mata at suminghot, pinipilit na pigilan ang mga luhang malapit nang bumagsak.

Hindi ako maaaring maging walang silbi, sinabi niya sa kanyang sarili. Hindi siya naniniwala na hindi niya kayang maglakad sa mundong ito nang siya lang. Nais niyang ipakita sa mga taong iyon kahit na wala sila ay magiging maayos pa rin siya!

Kinagabihan, ang negosyo ng Yunhai Inn ay lubos na bumuti. Lahat ng mga silid ay biglang inuupahan. Hindi lamang iyon, ngunit ang lahat ng mga kostumer ay mayaman at mapagbigay, nagbibigay ng malaking pabuya. Napakasaya ng may-ari na hindi niya halos mapigilan ang kanyang pagtawa, at mabilis na nag-alay sa diyos ng kayamanan. Sa usok mula sa insenso na lumulutang sa paligid, ang katahimikan ng bahay-panuluyan ay tila mas lehitimo.

Lumabas si Yunsheng sa kanyang silid. Nakatayo sa hagdan ng ikalawang palapag, hindi niya alam ang gagawin. Ito ang unang pagkakataon na lumabas siya mag-isa. Orihinal niyang nais na makita lamang kung anong hitsura ng Tang Jing, ngunit nang talagang pumunta siya, napagtanto niyang hindi niya alam ang gagawin. Nang makitang nakatayo siya doon, nilapitan siya ng manggagawa at nagtanong habang nakangiti, "Binibini, kakain ka ba?"

Umiling si Yunsheng at nagtanong, "May kasiya-siya ba sa lugar na ito?"

Ang manggagawa ay masigasig at nagtanong, "Binibini, hindi ka ba taga-dito?"

Tumango si Yunsheng, at ngumiti ito bago sabik na inirekomenda sa kanya ang ilan sa mga magandang lokasyon sa Tang Jing. Tahimik na nakikinig nang ilang sandali, nagliwanag ang mga mata ni Yunsheng at nagtanong, "May mga paputok sa gabi?"

Sumagot ang manggagawa na parang isa itong katunayan, "Iyon ay sigurado. Ang eskinitang Luhua ay magiging pinaka-abala. Sayang naman kung hindi ka pupunta." Bago niya matapos ang kanyang pangungusap, umalis na si Yunsheng, nilisan ang bahay-panuluyan. Nakatingin sa direksyong tinungo niya, tinanong ng may-ari ang tauhan, "Saan pupunta ang babaeng iyon?"

"Eskinitang Luhua."

"Sinabi mo sa kanya na magkakaroon ng mga paputok ngayong gabi?"

Masigasig na tumango ang tauhan at sumagot, "Hindi ba't may kapistahan ngayong gabi?"

Nang marinig iyon, nagpilantik ng kilay ang may-ari at nagpagalit, "Hangal. Pinagbawal ng mga opisyales ang lahat ng paputok sa loob ng isang buwan."

Noon lamang napagtanto ng tauhan ang kanyang pagkakamali. Tinapon ang tuwalya na nasa kanyang balikat sa tabi, agad siyang tumakbo. Gayunpaman, nawala na si Yunsheng. Ikokonsidera ang masamang pakiramdam nito kanina, nagdadasal nalang ang may-ari na hindi niya ito ibuntong sa kanila.

Sa oras na dumating si Yunsheng sa eskinitang Luhua, madilim na ang kalangitan. Ang kalyeng ito ay halos walang laman, ganap na naiiba sa sinabi ng manggagawa sa kanya. Naningkayad sa ilog, mas lalo siyang nainis. Iniisip niya kung anong ginagawa ni Kuya Rong. Mamimiss ba siya nito? O sa wakas ay nasisiyahan dahil sa wakas na nalayuan na siya?

Habang mas iniisp niya ito, mas nagiging malungkot siya. Takip ang kanyang mukha at nakanguso, napaluha ulit siya nang bigla siyang nakaramdam ng pagsisisi.

Noon niya narinig ang isang malakas na pagsabog mula sa langit. Ang buong kalangitan ay naliliwanagan habang isang gintong paputok ang pinakawalan, na mukhang isang malaking krisantemo. Pagkatapos nito, ilan pang mga paputok ang sunud-sunod na mabilis sumabog, malaki at maganda tulad ng maraming kulay na burda. Ang magagandang ilaw ay pinunit ang kadiliman at pinalamutian ang kalangitan ng maraming kulay.

Nang marinig ang mga tunog, lahat ng tao sa kahabaan ng ilog ay lumabas. Pumalakpak ang mga bata sa kaligayahan habang itinuturo ang kalangitan. Ang dating tahimik na ilog ay biglang naging maingay.

Si Yunsheng ay, pagkatapos ng lahat, isang dalagita na medyo isip-bata pa. Malalim siyang nabihag sa tanawin. Ang nakaraang kapanglawan ay nawala tulad ng hamog habang hanggang tainga siyang, tinitingnan ang magagandang bulaklak sa ere.

Ang mga paputok ay tumagal ng isang oras. Kahit na matapos ang paputok ay tumanggi ang mga sibilyan na umalis habang nagkumpol sila sa paligid ng ilog, tinatalakay ang napanood.

Maganda ang pakiramdam ni Yunsheng, at sa pagganda ng kanyang nararamdaman, bumalik ang gana niya sa pagkain. Nakakita siya ng tindahan ng pansit, at pagkatapos kumain, bumalik siya sa bahay-panuluyan.

Kinaumagahan, pinag-uusapan pa rin ng mga sibilyan ang tanawin kagabi. Pagkatapos ng lahat, para sa karaniwang pista ng templo, makakakita lamang sila ng mga karaniwang paputok na hindi maikukumpara sa kahanga-hangang ipinakita kagabi. Narinig nila na mula ito sa isang mayamang negosyanteng nagbigay ng malaking salapi sa templong Minghua.

Dahil gabing-gabi na nakatulog, kasama ang katotohanan na hindi siya nakatulog ng maayos sa mga nakaraang araw dahil sa paglalakbay, natulog nang mabuti si Yunsheng hanggang hapon. Sa oras na lumabas siya, papalubog na ang araw. Kaunti lang ang mga kostumer na nasa bahay-panuluyan. Isang lalaki at isang babae ang nasa kalye. Ang lalaki ay pinapatugtog ang Erhu, habang ang babae ay kumakanta ng kung anong uri ng awit. Pareho silang bata, pareho silang mukhang 17 hanggang 18.

Pakiramdam ni Yunsheng ay pambihira ang eksena, at dahil dito, bumili siya ng ilang meryenda at sinimulan ang pakikinig sa kanila matapos makahanap ng mesa. Naririnig niya ang babaeng umaawit:

"21st from the East, 99th from the West. Brother's house is in the East, with a dog tied to the gate.

The god would bark from the front, the dog would growl from the back. Take a rock and throw it at their window as you take a look."

Kahit na ang awit ay talagang magaspang, may kakaibang pakiramdam sa kanta sa pangkalahatan. Lalo na, sa tuwing kakanta ang dalaga, ngingiti siya sa lalaki, at ang lalaki ay sisingkit ang mata at titingin sa kanya. Ganap na magkasabay sila habang ang kanilang ngiti ay kasing init ng araw ng tagsibol pagkatapos ng mahabang taglamig.

Labis na nalubog si Yunsheng sa musika. Bigla, nagkaroon ng kaguluhan. Ilang mga matipunong lalaki ang sumingit at sinipa ang upuan ng lalaki. Dinakma nila ang babae at sinabi, "Ang babaeng ito, kamusta siya? Hindi ba't maganda siya?"

Agad na ginustong sumugod ng lalaki. Sumigaw siya, "Sino ka? Bitawan mo siya!"

Sinipa siya ng malaking matipunong lalaki at tumawa. "Tingnan mo ang iyong estado? Ang katotohanang gusto ko siya ay ang kanyang masuwerteng araw! Siguradong magugutom siya kung susundan ka!"

Natakot ang dalaga at patuloy na tinawag ang pangalan ng lalaki. Nagsimula siyang umiiyak ng labis at mukhang nakakaawa. Gayunpaman hindi ito alintana ng bahay-panuluyan. Walang nagsalita o nagpasya na ipaalam sa mga awtoridad.

Labis na nagalit si Yunsheng dahil hindi niya inaasahan na may mangyayari sa araw mismo. Malamig siyang nagtanong, "Anong klaseng tao ka? Nang-aagaw ng babae na mataas ang sikat ng araw! Tinitingnan mo ba talaga ang pamilyang hari bilang isang biro?"

Lumingon ang lalaki at masayang ngumiti. "Saang pamilya ka nagmula? Hindi ko alam na ang kabisera ng Tang ay mayroong ganito kagandahang babae."

"Hindi ako taga Tang Jing. Oy! Bitawan mo siya. Kung hindi, hindi ako magiging mabait sayo." Saad ni Yunsheng.

Tumawa ang lalaki. "Paano kung hindi ko gawin?"

Naisip ni Yunsheng, may ilan akong natutunan mula kay Ina, ngunit hindi ko alam kung gaano kabisa ang mga ito. Bagaman ipinagmamalaki ko na walang maaaring makatalo sa akin... Sa ngayon, nawala ang karamihan sa kanyang kumpiyansa. Gayunpaman, bago pa niya mahanda ang sarili, nakalapit na ang lalaki. Isang malaking kamay ang umunat tungo sa kanyang balikat. Sa gulong iyon, nakalimutan ni Yunsheng ang mga galaw na natutunan niya. Magulo niyang inunat ang kanyang kamao. Gayunpaman, sa sandaling tinamaan niya ang lalaki, sumigaw siya at bumagsak sa lupa hawak ang kanyang siko. "Napakalakas! Nabali ang aking balikat!"

Nang marinig iyon, ang iba pang mga sanggano ay lumapit lahat. Medyo nagulat si Yunsheng dito, ngunit ang kanyang kumpiyansa ay walang hanggang lumaki. Naalala niya ang lahat ng natutunan niya noon. Bigla niyang nagawang talunin ang lahat ng mga kaaway sa mabilis na pagkakasunod-sunod. Ang mga manonood ay lubos na humanga nang humingi ng awa ang mga sanggano. Pinagalitan sila ni Yunsheng, sinabi na huwag manakit ng iba bago sila pinakawalan. Ang magkaparehang umaawit ay may utang na loob sa kanya at patuloy na tinawag siyang babaeng tagapagtanggol. Kahit na ang iba pang mga kostumer ay humanga. Sinong nakakaalam na ang maliit na dalagang ito ay sobrang talentado sa martial arts at kayang talunin ang lahat ng matipunong lalaking iyon sa ilang segundo lamang.

Matapos lumabas nang napakatagal, sa wakas ay binigyan si Yunsheng ng pagtrato na angkop sa isang bayani; isang bagay na inisip niya sa kanyang sarili dati pa. Siya ay nasa isang napakagandang pakiramdam at kumain ng sobrang pagkain ng gabing iyon.

Nang sumunod na umaga, may mga alingawngaw tungkol sa kanya na isang magandang babaeng nakipaglaban para sa katarungan. Ang kabisera ng Tang na palaging ipinagmamalaki ang kapayapaan nito ay biglang nabaha sa mga aktibidad. Marami ang nagsisikap na sumingit para lamang makita ang babaeng bayaning ito.

Dito, nanirahan si Yunsheng sa Tang Jing. Sa una, masaya siya. Matapos lutasin ang maraming magulong sitwasyon, paalisin ang mga nang-aapi sa iba, talagang sinimulan niyang ikilos ang kanyang bahagi. Gayunman, ginusto pa rin niyang umuwi pagkatapos ng isang buwan. Kahit na nais niyang ipagpatuloy ang pagtulong sa hindi gaanong mapalad, hindi na siya labis na masigasig.

Nang hapong iyon, nang magsimula siyang umalis, napansin niya na mayroong tindahan na nagbebenta ng mga alimango, at naalala niya kaagad kung paanong talagang mahusay ang kanyang ina sa pagluluto ng alimango. Gusto din silang kainin ni Kuya Rong, at bigla niyang naalala na ang klima dito sa Imperyong Tang ay mas mainit kaysa sa Qinghai. Iniisip niya kung may mga alimango sa bahay ngayon.

Bigla niyang narinig ang tunog ng isang batang umiiyak. Isang ginang ang humihila sa isang walo hanggang siyam na taong gulang na bata tapos ay pinapalo ito habang pinapagalitan, "Saan ka nagpunta upang maglaro? Hinanap kita kahit saan! Nais mo ba akong mamatay sa galit?" Napakabagsik ng mga salita niya, ngunit lumambot ang kanyang palo, at sa wakas, tumigil din siya sa pagpalo sa bata at nagsimulang umiyak din.

Nang makita ito, nakaramdam si Yunsheng ng masikip na sensasyon sa kanyang dibdib. Lubos siyang hindi komportable.

Sobrang nag-aalala si Ina. Si Ama ay karaniwang malamig, ngunit mahal na mahal din siya nito. Hahanapin ba siya ni Kuya Rong? Makasarili siyang tumakas. Gaano siya mag-aalala?

"Binibini? Binibini?" Sa wakas ay nabalik sa reyalidad si Yunsheng nang narinig niyang nagtanong ng nagtitinda, "Bibili ka ba ng mga alimango?"

Sumimangot si Yunsheng at nagtanong, "Gaano katagal maaaring mabuhay ang mga alimangong ito?"

Nagpaliwanag ang nagtitinda, "Kung ilalabas mo ito ng ganito, mabilis itong mamamatay. Kung ilalagay mo ito sa tubig-alat maaari itong mabuhay ng ilang araw."

Nang marinig iyon, ngumiti si Yunsheng. "Bigyan mo ako ng dalawang palayok na puno ng tubig. Gusto kong panatilihin ito bilang alagang hayop."

Natigilan ang nagtitinda. Nakita niya ang lahat ng uri ng mga alagang hayop ngunit ang pagtabi sa alimango bilang alagang hayop ay kauna-unahan. Tumango siya at agad na sinimulan ang pag-iimpake ng alimango para sa kanya. Kinuha ang dalawang alimango, nagsimula si Yunsheng pabalik sa bahay-panuluyan.

Sa ikatlong silid ng Yunhai Inn, iyon nasa kabila lamang ng pasilyo mula sa silid ni Yunsheng, napakaganda ng tanawin dahil napapaligiran ang tanawin ng mga puno at bulaklak na may lawa sa ibaba ng silid. Pagkabukas ng bintana, makikita si Li Qingrong na nakasandal sa upuan. Sa harap niya, mayroong pamingwit na ginamit niya upang mangisda mula sa lawa sa ibaba. Sino ang nakakaalam kung maaari ba talaga siyang makahuli ng kung ano.

Lumapit si Mingxi sa tabi niya at marahang sinabi, "Kabibili lang ng Prinsesa ng mga alimango. Gumamit siya ng mga palayok upang hawakan sila at bumalik sa kanyang silid."

Nang marinig iyon, nagtaas ng kilay si Li Qingrong at ngumiti. "Ang babaeng ito, sa wakas ay tapos na siyang mabaliw." Naghihikab, inunat niya ang kanyang likuran bago tumayo. "Kilos, kilos, kilos. Mag-empake. Maghanda nang bumalik."

Tumango si Mingxi at nagtanong, "Master, hindi mo ba kakatagpuin ang Emperador? Kapag nalaman ng Kamahalan na hindi mo siya binisita kahit na bumalik ka, magiging malungkot siya."

"Hangal. Kung gayon ay huwag hayaang malaman niya."

"Naiintindihan," sagot ni Mingxi bago lumabas.

Tumawag si Li Qingrong at sinabi, "Tama, bumili ng marami pang mga alimango at panatilihin silang buhay sa karwahe. Maya't-maya, lihim na palitan ang nasa kanyang palayok. Kung hindi, sa oras na makakauwi siya, patay nang lahat ang mga alimango at iiyak na naman siya."

Masayang napangiti si Mingxi. "Master, napakatalino mo."

Alam ni Li Qingrong na nanunuya si Mingxi, ngunit hindi siya nagalit. Sinabi niya, "Lumabas ka at hanapin siya."

Nakangiting umalis si Mingxi. Nang makarating siya sa bakuran, nakita niya na nakatayo roon ang taong binugbog ni Yunsheng. Sa likod niya ay isa pang pangkat ng mga sanggano. Nang makitang lumabas na si Mingxi, sobrag saya ng lalaking iyon habang lumapit siya at nagtanong, "Amo, mga kapatid ko rin ang mga ito. Tiyak na hindi sila pamilyar dito! Nag-isip kami ng bagong pamamaraan na tiyak na masisiyahan..."

Pinutol siya ni Mingxi at sinabi, "Ang aming Binibini ay babalik na sa lalong madaling panahon, at hindi na namin kailangan na ipagpatuloy mo ang aktong ito. Ito ang gantimpalang salapi. Makakabalik ka na."

Lubos na nabigo ang lalaking iyon. "Ano? Ayaw nang makipaglaro ng Binibini niyo?"

Lumapit si Mingxi at marahan siyang sinipa. "Alis! Kontrolin mo ang iyong bibig at huwag lumabas hanggang bukas kapag nakaalis na si Binibini!"

Sumasang-ayon na umalis ang matipunong lalaki.

Isa pang lingkod ang dumating at nakipag-usap kay Mingxi. "Amo, na dumating si Ginoong Liu upang tanungin kung gusto pa rin natin ang mga paputok?"

Sumagot si Mingxi, "Oo, sabihin sa kanya na paputikin ang natitira ngayong gabi. Magbabayad kami tulad ng pinlano."

Nang gabing iyon, puno muli ng buhay ang Tang Jing. Sa malayong Cuiwei Pass, mayroong dalawang hindi makatulog. Hawak ang liham na kakarating lang, ilang beses itong muling binasa ni Chu Qiao bago nagalit kay Zhuge Yue, "Oy! Paano mo nahayaang apihin ni Rong'er si Yunsheng?"

Nagtaas ng kilay si Zhuge Yue at tiningnan si Chu Qiao mula sa sulok ng kanyang mata. "Anong magagawa natin? Natatakot ka na napakahirap ng martial arts. Pangarap niyang maglakbay sa mundo. Nais mo bang mag-isa lang siya?"

Suminghal si Chu Qiao bago humiga sa kama at nagreklamo, "Ang aking anak na babae ay sobrang bobo."

Inangat ni Zhuge Yue ang hibla ng kanyang buhok. Ang panggabing kalangitan ay nagdala ng isang tiyak na amoy sa kanya. Hinila ni Zhuge Yue ang baywang ni Chu Qiao, at may mababang tinig, sinabi niya, "Kailangan ba talaga natin ang ating anak na babae ay maging napakatalino?"

Nang sumunod na araw, maagang nagising si Yunsheng. Medyo ayaw ng tauhan na paalisin siya. Nagtanong ito, "Binibini, aalis ka na?"

Tumugon si Yunsheng habang nakangiti, "Tama, uuwi na ako!"

Nang makitang dahan-dahang nawala si Zhuge Yunsheng, ang may-ari ng bahay-panuluyan ay malungkot at sinabi, "Nang sumating siya rito, mabilis na napuno ang panuluyan, at nang umalis siya, bumalik ang panuluyan sa walang laman. Ang babaeng iyon ay tiyak na nakatadhanang gawin akong swerte sa salapi."

Mainit ang araw. Nakasuot ng matingkad na dilaw na palda, sumakay si Yunsheng sa kanyang kabayo habang papunta siya sa mga tarangkahan ng lungsod. Hindi nagtagal, daan-daang mga pandigmang kabayo ang lumabas din sa kastilyo. Binuksan ni Li Qingrong ang belo ng kanyang bintana at ipinaalam kay Mingxi, "Magpapunta ng ilang mabilis sa harap at mag-ayos para sa tsaa at kape. Masama siya sa mga direksyon, kaya't magiging masama kung magkakamali siya ng liko."

Ngumiti si Mingxi. "Master, huwag kang mag-alala."

Iwinasiwas ng kabayo ang buntot nito at masayang suminghal. Masayang humuni ang mga ibon. Ito muli ay isang magandang araw na may kamangha-manghang panahon.