webnovel

Pinagtagpo Pero Hindi Itinadhana (A Love Story With A Twist)

Magiging sila pa kaya sa bandang huli?

MASAYANG masaya si Carl ng makita nito ang kanyang matagal nang crush na si Jandi. Bumili kasi ito sa kanilang maliit na tindahan kaya agad nitong sinunggaban ang pagkakataon para makausap ang dalaga.

"Kamusta ka na, magandang binibini." saad nito habang nakangiti at inaabot ang bayad ni Jandi.

"Ito okay lang naman, medyo busy kasi malapit na ang Flores De Mayo." malumanay na tugon ng dalaga sa binata.

"Oo nga pala, congrats at ikaw ang napili bilang Reyna Elena ng ating barrio. Wala naman talagang kaduda duda na ikaw ang mapipili dahil sa napakaganda mo." masayang pagbati ni Carl sa dalaga. Halatang namula ang pisngi nito sa sinabi ng binata.

"Aaaahh, Jan, hmmm, may, may sasabihin sana ako sa iyo, kaso lang nahihiya ako." pautal utal at nahihiyang pahayag nito sa dalaga.

"Ano yan? Wag kang mahiya, sabihin mo lang." nakangiting sagot ni Jandi kay Carl. Nakita nito sa binata ang pag-aalala kaya tinanong niya ulit ito.

"Ano ba yang gusto mong sabihin? Sige ka, pag di mo sinabi baka mapanis yan." pabirong dagdag nito. Sa pagkakataong ito ay si Carl naman ang namumula ang pisngi at halatang pinagpapawisan kahit di naman mainit ang panahon. Parang natulala ito at naging istatwa sa katititig sa dalaga.

"Hoy, Carl uuwi na ako. May sasabihin ka ba o wala?" inis na sabi nito sa binata na agad naman nakabalik sa kanyang ulirat.

"Aahhh, hmmm, pwe pweding bang umakyat ng ligaw sa iyo?" tugon ni Carl sa dalaga. Kita sa mukha nito ang seryoso ngunit may pag alalang tanong.

"Yun lang ba? Sino ba naman ako para tumanggi? nakangiting sagot nito sa binata.

Napangiti si Carl sa sagot ng dalaga. Pawis na pawis ang kanyang maamong mukha habang naririnig nito ang malakas na kabog ng kanyang dibdib dahil sa sagot sa kanya ng dalaga.

"Hays, salamat ah, akala ko kasi tatangihan mo ako." sagot niya sa dalaga habang abot langit ang ngiti nito.

"Sige, uuwi na ako." nakangiting paalam nito sa binata.

Halos lumundag sa tuwa ang binata. Nakangisi ito at nag iisip ng malalim nang…

"Araaay, mama naman! Ang sakit ah." inis na nito sa kanyang ina ng batukan ito sa ulo.

"Hoy, Carl, anong nginingiti ngiti mo diyan. Para kang baliw, ngumingiti mag isa. Nag de daydreaming ka naman siguro no!" sambit ng kanyang ina. "Ang mabuti pa ligawan mo na si Jandi." pagbibigay ng lakas ng loob na dagdag ng kanyang ina. Alam kasi nito na matagal na na may gusto ang anak niya sa dalagang si Jandi.

Napakaganda kasi nito. Mala artistahin ang dating nito kaya palaging nag rereyna Elena sa kanilang barrio. Marami na din ang nanliligaw dito kaya lang ay palaging nabubusted sa kanya.

Kinagabihan – bihis na bihis si Carl, nakaporma talaga ito, polo with matching jeans at black shoes ang pormahan nito. Nagpabango din ito gamit ang kanyang paborito na BENCH Atlantis Body Spray. Liligawan na niya kasi ang kanyang long time crush na si Jandi. Sa tagal tagal kasi ng panahon ay ngayon lang ito naglakas ng loob na ligawan ang dalaga. At may bonus pa, may patnugot pa ito mula sa dalaga. Dala din nito ang biniling pulang rosas sa tindahan ni Aling Rosa.

Tuwang tuwa na pinuntahan ni Carl ang bahay ni Jandi gamit ang kanyang lumang motor. Pasipol sipol pa ito habang nagmomotorsiklo. Parang ang gaan ng kanyang pakiramdam ngayong gabi.

"Tao po, tao po! Aaaahh, magandang gabi po, andiyan po ba si Jandi." bati nito sa tatay ng kanyang nililigawan na si Mang Ben.

"Magandang gabi din sa iyo, Carl. Halika, tuloy ka iho!" bati din ng tatay ni Jandi sa kanya. Matagal na din kasi niyang kilala ang binata at kaibigan din nito ang tatay ni Carl.

"Maraming salamat po, Mang Ben." tugon nito sa matanda.

Nakita nito si Jandi na nakatayo at nakangiti ito sa kanya mula sa pinto ng bahay. Parang na star struck lalo ang binata sa dalaga dahil sa suot nitong pink dress at naka black short. Kita nito ang ganda ng hubog ng katawan kaya't lalong napa nganga pa ang bibig ng binata. Parang si Liza Soberano kong may maihahambing ito sa isang artista.

Tinapik ito ni Mang Ben sa balikat kaya nabigla ang binata. Napangiti na lang si Mang Ben sa nasaksihan. Pumasok ito sa bahay ng dalaga at doon sila nag usap.

"Magandang gabi, Jandi, red roses for you." nakangiting iniabaot nito ang pulang rosas kay Jandi.

Namula lalo ang pisngi ng dalaga dahil sa iniabot ni Carl. Ito kasi ang kanyang paboritong bulaklak.

"Maraming salamat, Carl. Akala ko pa naman di ka dadating." malumanay at meron lambing na tugon ni Jandi sa binata. Namula din ang pisngi ng binata ng marinig ang naging sagot ng dalaga.

Naging masaya si Carl noong gabing iyon. Di maipinta sa kanyang mukha ang tuwa dahil naka usap niya at nakaakyat pa ng ligaw sa kanyang long time crush. Umuwi ito ng may abot langit na ngiti sa kanyang mukha.

Naging ganito ang set up na ginawa ni Carl sa kay Jandi. Nanliligaw ito araw araw. Isang barangay lang din kasi ang layo ng bahay nito sa bahay nila Jandi kaya't madali lang ang panliligaw nito sa dalaga. Naging inspirasyon niya si Jandi sa kanyang pag-aaral. Kumukuha kasi ito ng Business Management samantalang si Jandi naman ay kumukuha ng Tourism na bagay talaga sa kanyang maganda at maamong mukha. Kung tutuusin bagay naman sila ni Carl dahil gwapo din naman ang binata.

Makalipas ang dalawang buwan, habang papunta si Carl sa bahay ni Jandi ay may nakita ito na nakaparadang kotse sa harap ng bahay nila Jandi. Kong hindi siya nagkakamali ay kotse ito ng anak ng mayor ng kanilang lugar na isa ding binata. Nakita nito na nag-uusap ang nililigawan at parang masaya itong nag kukwentuhan sa kanyang kausap.

Nanlumo si Carl sa nasaksihan ng makitang hinalikan nito ang dalaga sa pisngi buhat sa labas ng bahay ng dalaga. May namuo at may tumulong mga luha sa kanyang mga mata. Di niya alam ang nangyayari sa kanya. Di pa naman sila ni Jandi pero bakit nasasaktan ito ng lubusan. Parang binuhasan ng asido ang kanyang puso.

Umuwi itong malungkot. Pumasok ito sa kanyang kwarto at nagtalukbong ito ng kumot. Doon na umagos ng tuluyan ang mga luha sa kanyang mga mata.

Nagtaka si Jandi kung bakit di dumating si Carl sa kanilang bahay. Makalipas ang 3 araw ay wala pa ding dumating na Carl sa kanilang bahay, kaya nagkusang loob na si Jandi na puntahan ang binata sa kanilang bahay.

"Tita, magandang umaga po. Andiyan ba si Carl?" pag aalang tanong ni Jandi sa mama ni Carl.

"Aaaah, ikaw pala iha, akala ko ba nakapag paalam sa iyo si Carl, na pupunta ito ng Maynila para mag aral. Kukunin siya kasi bilang iskolar ng tita niya. Sayang naman kong di niya tatanggapin. Hindi na din kasi namin kayang suportahan ang pag-aaral niya." nagtatakang sagot ng mama ni Carl sa dalaga.

Hindi makapaniwala si Jandi sa kanyang narinig. Kaya umuwi na lamang ito sa kanilang bahay na may lungkot sa kanyang mata. Napag alaman nito sa magulang ni Carl na pumunta daw ito ng Maynila. Nagtataka talaga ito kung bakit di ito nagpaalam ng maayos sa dalaga. Nag-isip tuloy ang dalaga kung sineryoso ba ito ni Carl o baka pina hulog lang nito ang loob saka iwanan.

Makalipas ang isang taon – walang Carl na umuwi sa kanilang lugar. Laging tinatanong ni Jandi ang tungkol sa binata ngunit wala namang maisagot ang mama nito sa dalaga. Hindi din kasi binigay ni Carl ang celpon number nito sa kanyang mama, at kung tatawag sa bahay nito ay ibang sim din ang ginagamit nito.

Matagal tagal din na taon ang nilaan ni Jandi sa paghihintay sa pag uwi ni Carl pero na dismaya ito. Marami itong gustong itanong sa binatang nagpatibok ng kanyang puso na sya din ang sumira dito.

Makalipas ang 30 taon – umuwi ang binata sa kanilang lugar, kaya't di maiiwasang magkita ang dalawa.

"Kamusta ka na?" saad ni Carl sa medyo may edad na babae pero walang kupas pa din ang ganda nito.

"Carl?!" tugon nito sa gwapong lalaki na nasa 50+ na ang edad. Napangiti lamang ang lalaki dahil naaalala pa pala sya ng babaeng niligawan niya noon.

"Ito, may 3 anak na, at 2 apo. Ikaw kamusta ka na? tugon nito sa lalaki na may halong lungkot at tuwa dahil nakita niya din ang lalaking iniibig niya.

"Binata pa din hanggang ngayon. May minahal kasi ako noon kaso lang niloko niya ako." seryosong sagot nito sa babae.

"Niloko?!? Anong pinagsasabi mong niloko?!" may halong pagtataka at inis na sagot ni Jandi sa kanya.

"Nagmamaang-maangan ka pa? Nakita kitang hinalikan sa pisngi ng anak ng mayor natin." patutsyadang sagot ni Carl sa kanya.

"Si James ba ang tinutukoy mo!? Si James ay isang bakla! Pumunta siya sa bahay namin para sabihin nito na isa siyang bakla at ayaw niyang ma link sa akin! At kung pwedi ay itago namin ang kanyang sikreto." sumbat nito sa lalaki.

Parang binuhusan ito ng malamig na tubig mula sa narinig kay Jandi. Natulala ito at parang sisigaw.

"Alam mo bang matagal kitang hinintay? Di ka man lang sumulat o kung ano man! Sinabi ko na kay itay noon na malapit na kitang sagutin pero ano? Nawala ka na lang bigla na parang bula. Ni hindi mo inalam ang totoong nangyari. Ni hindi mo initindi ang damdamin ko. Minahal na kita noon pa." napaluha si Jandi habang sinasabi ang katagang iyon.

Niyakap ito ni Carl ng mahigpit at humingi ng tawad sa lahat ng kanyang nagawa. Nasaktan niya ng husto ang babaeng pinaka mamahal niya dahil sa maling paniniwala at akusasyon. Sana inalam niya muna ang katotohanan bago husgahan ang dalaga. Tumulo ang mga luha sa kanyang mga mata. Kung maibabalik niya lang sana ang kahapon. Sising sisi si Carl sa nangyari. Pero pinatawad din siya ni Jandi sa nangyari.

Nalaman din ni Carl na mahigit dalawang taon nang patay ang mister ni Jandi kaya't niligawan niya ito. Tanggap din ito ng kaniyang mga anak dahil nalaman nila ang buong kwento ng dalawa. Di pa man huli ang naudlot nilang pag-ibig kaya buong puso itong tinanggap ng babae.

Di man niya maibabalik pa ang kahapon, pero buong puso niyang ibibigay ang nalalabing oras, araw at mga taon para sa kanyang minamahal na babae.

=====WAKAS=====

“Wag tayong magpadalos dalos sa ating mga desisyon sa buhay, kailangan natin itong pag-isipan ng mabuti at kung maaari ay ipagdasal ito para di natin pagsisihan ang magiging kahihinatnan sa bandang huli. LOVE CONQUERS ALL.” - thunder003

I love you so much Rowena Dieta Galon.

thunder003creators' thoughts