39 Setup

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

CHAPTER 39: Setup?

"Okay, pumunta ka dito at sagutan mo itong form," inalalayan ng isa sa mga pulis si Huo Mian sa gilid.

Tahimik lang si Qin Chu; walang makapagsabi kung ano ang iniisip niya.

"Ano? Nakakaloko di ba? Hindi ko inaasahan na magiging ganito ka-coincidental, yung boyfriend ni Huo Mian ay isa sa mga johns na kakahuli lang."

"Naghiwalay na sila," kalmadong sabi ni Qin Chu.

"Ha, paano mo nalaman yan? Up to date ka sa balita ha," tumawa si Gao Ran.

Tumahimik si Qin Chu, pero hindi naalis ang tingin niya kay Huo Mian…

Pagkatapos magbayad ni Huo Mian ng two thousand yuan para sa piyansa, napabuntong-hiniga siya…

Ang huling two thousand na galing sa bonus niya ay wala na. Buti nalang, malapit na ang sweldo kung hindi, wala siyang makakain.

Pagkatapos niya magbayad, pumunta siya sa selda. Lasing si Ning Zhiyuan at nakatulog na. Puno ng red lipstick ang damit nito.

Naiintindihan niya na nakipag-date lang siya kay He Man dahil sa sama ng loob.

Pero, si Ning Zhiyuan nasa brothel? Sobrang di kapani-paniwala ito dahil lagi siyang mukhang gentleman.

"Pwede mo na siya i-uwi. Turuan mo siya ng leksyon, bakit niya gagawin ito kung may ganito siya kagandang girlfriend? Hindi ka niya pinapahalagahan," sabi ng pulis.

Awkward na tumango si Huo Mian. Pagkatapos, hinila niya si Ning Zhiyuan gamit ang buong lakas niya, palabas.

Uminit ang ulo ni Qin Chu pagkakita na buhat ni Huo Mian ang lasing na si Ning Zhiyuan palabas.

"Ako na," bago pa makasagot si Huo Mian, hinila ni Qin Chu si Ning Zhiyuan at siya na ang nagbuhat dito.

"Bakit ka andito?"

Nagulat si Huo Mian na makita dito si Qin Chu.

"Isa ka… din ba… sa mga nahuling… johns?" namutla si Huo Mian.

Nalungkot lang siya nang malaman na nagpunta sa brothel si Ning Zhiyuan, pero pag nalaman niyang si Qin Chu rin, pakiramdam niya hindi niya kakayanin.

"Nagbibiro ka ba?" naging matigas ang mukha ni Qin Chu habang nakatingin kay Huo Mian at sumagot.

Nang biglang, lumabas si Gao Ran at nagpaliwanag, "Tinawagan ko si Chu, gusto ko ipakita sa kanya kung anong klaseng tao ang boyfriend ng ex-girlfriend niya."

Nakita ni Huo Mian si Gao Ran at tiningnan ang police uniform nito. Pagkatapos, naintindihan na niya ang nangyayari.

Napatawa siya, "Wala na ba kayong ibang magawa?"

"Huh? Anong pinagsasasabi mo?" sagot ni Gao Ran na may itsurang nasaktan.

Bago pa niya matapos ang sasabihin, tumalikod si Huo Mian at lumakad palabas, galit na galit.

Hinila ni Qin Chu si Ning Zhiyuan at sinundan siya palabas.

"Kakaiba sila, hindi ko alam kung yung ginawa ko ay maganda o hindi," sabi ni Gao Ran sa saril habang hinihimas ang kanyang baba.

Pagkalabas sa police bureau, tumalikod si Huo Mian at sinabing, "Okay, ibigay mo na siya sakin."

"Anong plano mo? Dadalhin mo siya sa bahay mo?"

"Saan ko pa ba siya pwedeng dalhin?" tanong ni Huo Mian.

"Hindi ako makakapayag," pirming sabi ni Qin Chu.

Naguluhan si Huo Mian, "Qin Chu, wala kang magagawa. Una, hindi tayo. Pangalawa, andito lang ako para piyansahan si Ning Zhiyuan, bilang kaibigan."

"Wag ka na mag-abala, ako na bahala sa kanya," pagkatapos hindi pansinin ang mga sinabi niya, ipinasok ni Qin Chu si Ning Zhiyuan sa kanyang Audi R8.

"Hoy, saan mo siya dadalhin?" nag-aalalang tanong ni Huo Mian.

"Itatapon ko sa dagat at ipapakain sa mga pating," mabilis na nagmaneho paalis si Qin Chu.

avataravatar
Próximo capítulo