CAROL'S POV
"Carol una na kami ni Jake ha" pagpapa-alam sa nila Jonah sa'kin saka kinawayan ako.
Tinignan ko muna ang relo ko at 7:48pm na pala.. hindi ko man lang namalayan ang oras
Tinapos ko na yung isang pina-revise sa akin ni sir.
Bukas ko nalang toh ipi-print, at pa-permahan sa kanila.
Actually nauna ng umuwi si Roy dahil may dadating daw na importanteng bisita ang dadalaw sa kaniya.
"Tapos ka na diyan Carol? Sabay na tayong lumabas para maka-uwi na tayo"
"Sige po, sasabay na Lang po ako sa inyo palabas.. tapos na rin po ako sa ginagawa ko ko eehh.."
Hinintay ko si Ms. Marie sa labas ng opisina namin, dahil siya ang mag-l-lock ng pinto sa loob hanggang sa naramdaman ko na lumabas na si Ms. Marie at ni-lock niya na ang pinto.
Habang naglalakad papunta sa elevator ay biglang nag-salita si Ms. Marie....
"Carol, tapos mo na ba yun pina-revise sayo ni sir?"
"Isa pa nga po ang natapos ko ehh.. tapos ipapa-perma ko pa kay Ms. Marga tapos ibibigay ko pa yun kay sir Lance" nahihiyang sagot ko.
"Kung gusto mo ako na lang ang magpapa-perma kay Ms. Marga nung ni-revise mo, may i-de-discuss kasi ako sa kaniya at may ipapa-perma na pa-peles" suhestiyon ni Ms. Marie
Hanggang naka-sakay na kami sa elevator.
"Nako... Huwag na po ako na lang po, baka nakaka-sagabal lang po ako sa inyo" pag-tanggi ko sa kaniya
"Sige na, I insist.. ibibigay ko naman sayo pagka-tapos permahan yun eehh.."
"K-Kayo po ang bahala, if you insist" naka-yukong sabi ko
"Napansin ko lang kanina Carol.. nung nag-l-lunch tayo panay ang tingin ni sir Lance sayo.. close kayo ni sir noh.." mapa-nuksong sabi ni Ms. Marie sa'kin at naka-ngiti ng nakaka-loko
"TING...." tunog yan ng elevator, wag kayong ano diyan...
Hanggang sa makaka-baba na kami ni Ms. Marie.
Napansin talaga kanina yun ni Ms. Marie...
LANCELOT KA... NAPAKA MO TALAGA MO TALAGA EEHHH....
"H-Hindi po k-kami close ni S-Sir L-Lance, M-Ms. Marie" sabi ko nalang
"Pero, ano yung pasulyap-sulyap niya kanina?" parang kinikilig na tanong niya
Nandito na kami sa labas ng kompanya at nag-aabang ng masasakyan.
"B-Baka n-namalik-m-mata Lang po kayo, baka sa likod ko po siya n-naka-tingin" siyete naman oh.. hot-seat pa ata ako nito ng wala sa oras
"Parang hindi rin eh.. kita ng dalawang mata ko, na naka-tingin siya sayo eh...." habang naka-turo pa sa dalawang mata si Ms. Marie
"Pero, pwede ring namalik-mata ako... Pero..." napapa-isip si Ms. Marie.
Tinignan ko muna siya at may malalim na ini-isip at biglang ngumiti, ang creepy ni Ms. Marie ngayon ah.. nagpa-alam na ako sa kaniya
"Ms. Marie, dun pa po sa kabila yung sakayan ko, kailangan ko na pong pumunta sa over-pass" pag-mamadaling pagpapa-alam ko, para hindi niya na ako sabunin ng tanong.
Tinapik ko muna siya at nagpa-alam na sa kaniya.
Tumango Lang siya sa akin.
MARIE'S POV
"Pero, pwede ring namalik-mata ako... Pero..." ano nakita ko/namin kanina...
Posible kayang... Napa-ngiti ako sa na-iisip ko...
Bagay naman sila ehh.. Yung tingin kasi kanina ni sir kay Carol ay kaka-iba... parang hindi ko maipa-liwanag ng maayos pero kaka-iba talaga eehh...
"Ms. Marie, dun pa po sa kabila yung sakayan ko, kailangan ko na pong pumunta sa over-pass"
Parang may gusto siyang ipa-hiwatig gamit ang mga mata niya, pero parang... hindi rin siya sigurado sa nararamdaman niya.. ramdam ko yun kanina
Bigla akong tinapik ni Carol at dun lang ako bumalik sa reyalidad.. nagpa-alam na siya sakin..
Hinatid ko siya ng tingin at nakita kong pumunta siya sa over-pass, sa kabila pala siya sasakay.
LANCE'S POV
Tinawagan ko si Blaze yung kaibigan ko para pumunta dito sa bahay at uminom ng konti dahil kailangan ko ng makaka-usap ng matino
Gusto ko ng advice sa kaibigan dahil hindi ko na maintindihan tung nararamdaman ko para kaniya.
Nandito ako sa mini bar ng bahay ko, at umi-inom na ng alak
Hanggang sa dumating Blaze dito sa bar..
Please see the image of Blaze Enrile below:

"Bro musta, medyo matagal-tagal rin tayong hindi nagkita ahh" nag-yakapan kami
"Ito okay naman, musta na pala pre.. kayo pa rin ba ni Marj?"
"Oo, medyo hindi kami okay ngayon ehh.. alam mo na kunting bagay, pinapa-laki" sabi niya
Actually, away bati sila ni Marj
"May problema ba tayo diyan pre? minsan ka lang kasing mag-ayaw ehh" tanong niya sakin
Pina-ikot ko yung basong may alak habang tini-tignan ko yun
"Ewan ko pre, kung problema ba toh eehh... At hindi ko alam kung may gusto na ba ako sa kaniya o wala pa" problemadong usal ko
"Sino bang ma-swerte ang naka-bingwet diyan sa puso mong lito pre.. Describe mo nga siya?" nakapa-usisiro talaga ng mokong na toh
"Carol ang pangalan pre.. naka-boy cut ang buhok, baling-kinitan ang katawan, maamo ang mukha, petite, medyo matangos ang ilong at..."
Napapa-ngiting ina-alala ang kabuuan niya, di ko mapigilan ang sarili kong mapa-ngiti habang umi-inom ng alak.
"Anak ka ng tokwa pre... hindi na gusto iyan, inlove ka na pre" nakaka-lokong ngiti at tukso niya sakin
"B-Bakit mo naman nasabi na inlove na ako?" nag-aalalang tanong ko sa kaniya.
"Kilala na kita pre... ganyan rin ako noon kay marj... Hindi ka ba mapakali pag hindi mo makikita ng isang araw?" naka-ngiting tanong niya.
Napa-isip ako sa tanong niya.. oo, medyo hindi ako mapakali pag hindi ko siya nakikita..
"Medyo hindi" tipid na sagot ko
"Nami-miss mo ba siya kahit kakikita niyo lang sandali tapos pag-nag-hiwalay na kayo ay dun mo siya mami-miss?"
Oo, nami-miss ko siya kahit nakita ko na siya ay parang nanghihinayang ako
"M-Medyo oo, n-nang-h-hinayang ako d-dahil parang s-segundo ko lang siya nakita" napapa-kamot ako sa batok dahil sa hiya
"Pero ang totoo niyan ay nakita mo siya ng buong limang minuto o mahigit isang oras pero parang kulang pa rin sayo..."
Napapa-tangong sagot ko at nag-salin ulit ng alak sa baso ko at pina-ikot yun
"P-Parang g-gusto kong itigil ang oras, m-maka-sama lang siya" napa-hilamos ako ng mukha sa sinabi ko
"It's rare to see you like this dre, and it's rare for you to talk about love and a girl you like" sabi niya at tinapik ang balikat ko
"You're inlove dre, and you're confused with your feelings dre, just let it flow and you will find your answer to your confused mind and heart question" nanunuk-song ngiti niya sa akin
"Sige na dre, mauna na ako at hindi na ako iinom dahil may kotse akong dala" pagpa-paalam niya, tinaguan ko siya bilang sagot sabay taas nung baso kong may alak.
Uminom ako ng uminom hanggang sa malasing at mawala sa wisyo ko...
Sa kaka-isip ko kay Carol, hindi ko namalayan nakatulog ako dahil sa kalasingan.
ZzzZzzZzzZzzZzzZzz...
(K I N A B U K A S A N)
Pasensya na po sa TYPOS
God Bless po sa inyo
Please Vote, Follow and Comment to my Story
Please Follow me to my Account:
twitter: @taoclaire16
instagram: @abrokenart
facebook: clairequinto12@yahoo.com
Love You so Much Guys
😊💕😍😘