webnovel

ZACH STORY

Dalawang taon na rin ang nakalipas ng mawala siya sakin, sa dalawang taon na yan halos gabi gabi ko siyang napapanaginipan. At sa pag gising ko, sinisisi ko parin ang aking sarili sa pagkawala niya. Taon 2011, ng makilala ko si Ally, huling taon ko na sa koliheyo. Isa akong Psychology student na nagaaral sa isa pinaka-kilalang universidad dito sa Manila. Nakatira ako kasama ang mga kaibigan kong si Felix,Carl,Gelo at Zyruz na sa iisang school lang ang pinapasukan namin pero magkakaiba ang kurso. Napagdesisyunan namin na mag rent ng bahay malapit sa school para walking distance na lang, okay naman 'ito sa mga pamilya namin basta magtino daw kami. Fast forward, nakilala ko si Ally sa 7/11. Madalas kasi siya dun sabi ng kaklase kong working student na cashier dun. Curious na din kasi ako dahil 3 days ko na siya nakikita dun tulala lang at namumugto ang singkit na mga mata dahil siguro sa pag iyak. Sa hindi ko din malaman na dahilan e kinausap ko siya, tinanong kung okay lang ba siya. Nung una ayaw niya akong kausapin, di niya ako iniimik at bigla na lang aalis. Pero dahil makulit ako, nakausap ko na din siya. Kweninto niya sakin ang mga dahilan ng palaging pagpupunta niya sa 7/11 pero siopao lang palagi binibili niya at iiwanan niya lang din dun sa lamesa tapos aalis na siya. Hindi ko alam kung bakit nakikinig lang ako sa mga kwento niya, napakasakit ng kwento ng buhay ni Ally nakaramdam ako ng sobrang kalungkutan na para bang gustong gusto ko na siyang yakapin para maramdaman niyang hindi siya nagiisa pero bakit ko naman gagawin yun? Hindi naman niya ako kilala. Stranger kumbaga. Pero ang kinagaan ng loob ko nun, nag open up siya ng mga dinadala niyang sobrang bigat na pala. Namatay ang ate niya, nagpakamatay daw 'ito. Nagbigti sa sariling kwarto dahil niloko ng kasintahan. Sobrang close sila ng ate niya kaya't hindi madali sakanya tanggapin ang lahat. At sa 7/11 naman na yun kung bakit siya palaging andun dahil favorite nilang dalawa ng ate niya ang siopao. Namatay na din ang Mama niya sa sakit sa puso. Iniwan naman sila ng Papa niya at hindi na nagpakita pa. Nag-iisa na lang siya sa buhay. Nagiisa siya sa bahay na naiwan sakanila ng Mama niya bago ito mamatay. Hindi ko alam kung paano ko pagagaanin ang loob niya ng mga araw na yun, pero ginawa ko naman ang makakaya ko para gumaan ang loob niya. Lumipas ang ilang buwan ay napamahal na ako kay Ally, ang malungkot niyang mukha ay napalitan ng masaya at palangiting Ally. Ang ganda ganda niya. Napagpalagayan na kami ng loob. Naging close niya na din mga kaibigan ko, pati na ang family ko. 2013, after graduation, niligawan ko siya at kinalaunan ay sinagot niya din naman ako. Ayun na ata pinakamasayang nangyari sa buhay ko. No girlfriend since birth kasi ako, at nag focus lang ako sa pagaaral. Mabait at masunurin kasi akong anak sa mga magulang ko. Masaya ang naging unang taon namin ni Ally, ni hindi nga kami masyadong nag-aaway. Nagkakatampuhan minsan pero sobrang bihira lang, ang swerte ko nga daw sabi ng mga kaibigan ko. Mabait kasi si Ally at simple lang 'ito, mahilig rumaket, masipag. Nakakatuwa nga dahil kahit mag-isa na lang siya ay kinakaya niya para mabuhay. Syempre tinutulungan ko din siya sa mga raket niya, sinasamahan kapag may gig. Vocalist kasi siya ng banda. Oo, magaling siyang kumanta. Napakaganda ng boses niya. Suportado namin ang isat-isa. Lahat napagkakasunduan namin, napakalambing ni Ally isa sa ugaling pinakagusto ko sakanya. Ang pagaalaga niya at pagaasikaso. Lumipas ulit ang dalawang taon 2014, medyo abala na ko sa trabaho. Pero andun pa din ako sakanya, kahit pagod sa trabaho ay sinasamahan ko parin siya sa mga gig niya inaantay siya at hindi kinakalimutan ang responsibilidad bilang boyfriend. Ganun ko siya kamahal, pero nagdaan din ilang linggo na parang nararamdaman ko na ang kanyang mga pagbabago. Huminto na siya sa pagbabanda, di narin siya rumaraket at kapag tinatanong ko naman siya, palagi niya lang sagot eh gusto niya na magpahinga. Hinayaan ko na lang siya sa desisyon niya at okay na nga din yun para hindi siya laging napapagod. Nagtrabaho ako ng trabaho para saming dalawa. Nagpapaplano na kasi akong mag propose sakanya, naghihintay lang ako ng tamang panahon. Pero sakabila nun, ibang Ally na ang nakikita ko. Hindi na siya ganun kalambing, minsan ayaw niya makipagkita sakin o kapag pupunta ako sa bahay niya e ayaw niya kong harapin. Tinatanong ko siya kung may problema ba siya? O may problema ba kami pero palaging sagot niya lang ay wala? Gusto niya lang daw magpag-isa. Gulong gulo ako sa mga inaasal niya, pero palagi ko parin siyang iniintindi, siguro may bagay siyang hindi masabi sakin at ako nagiintay lang ng oras, araw, panahon para maging open ulit siya gaya nung una kaming magkakilala. Dumaan ang tatlong buwan na hirap na hirap akong makita siya, iniiwasan niya ako. Tinatawagan ko siya, tinitext pero di niya naman sinasagot. Sobrang nasasaktan na ako sa ginagawa niya at gulong gulo na nga. Pag pupunta ako ng bahay nila, walang Ally akong nadadatnan. Hindi ko na alam kung san siya hahagilapin. Lagi kong tinatanong sa sarili ko kung ano ba nagawa ko? Ano ba ang kasalanan ko para ganituhin niya ako. Kaya nung araw din na yun uminom ako kasama ang mga kaibigan ko na kinagulat din naman nila, dahil kilala nila akong di naman umiinom. Wala e, siguro dahil di ko na alam ang gagawin, nasasaktan na ako ng sobra. Sabi ng mga kaibigan ko bigyan ko daw muna ng konti pang panahon si Ally. Pero hanggang kailan pa? Bakit di niya manlang ako kausapin para alam ko ang dahilan kung bakit siya nagkakaganun? Araw araw na kong umiinom, at hindi na ko maawat ng mga kaibigan ko, awang awa sila sakin sa sitwasyon ko hindi na din kasi ako nakakapasok sa trabaho dahil sobrang naapektuhan nito ang sakit na nararamdaman ko. Huling punta ko sa bahay nila nakita ko siya sa bintana, tinignan niya lang ako. Hindi manlang niya ako nilabas. Basang basa ako sa ulan. Ibang iba na siya, hindi ko na siya kilala. Kinabukasan din nun, nagkasakit ako. Umaasang dadalawin niya ako pero ni isang Anino niya walang dumating. Sinabihan na ko ng pamilya ko na tigilan ko na si Ally at hayaan ko na pero di ko kasi kaya, nangako ako kay Ally na andito lang ako ano man pagsubok ang haharapin namin. Na hindi ko siya iiwan gaya ng pagiwan sakanya ng mga mahal niya sa buhay. 2015 ng mawalan na ako ng balita sakanya. Di ko na siya macontact, nakadeactivate na din ang facebook niya. Kahit sa mga kaibigan niya wala na rin balita sakanya. Di ko alam kung san siya hahagilapin. Araw araw akong nagpupunta sa bahay na naiwan sakanya, walang Ally akong nakita. Sarado lahat ng bintana, sobrang tahimik ng paligid. Di ko na alam kung susuko na ba ako? Di ko parin kasi alam ang kasagutan sa mga tanong ko? Ano ba nangyari sakanya? Bakit bigla siyang nag bago? Bakit bigla na lang niya ko iniwan sa ere ng hindi ko malaman ang dahilan? Inayos ko ang sarili ko at nagbalik trabaho na ulit ako, palagi parin siyang sumasagi sa isip ko pero hinayaan ko na baka isang araw mawala din siya sa isip ko. Nag focus ako sa ibang bagay, nakikisama na ko sa mga kaibigan ko kung san sila pumupunta, party dun party sa kung san. Unti-unti ko na din di na naiisip pa si Ally, may galit akong naramdaman sa ginawa niya sakin pag iwan, pero may parte din na umaasa akong makita siya ulit para malaman ang dahilan niya. Feb 14, 2016 sinamahan ko si Cassandra gf ni Felix sa isang grocery store. Buntis kasi 'ito, at humingi ng favor na kung pwede samahan ko siya para bumili ng mga ihahanda niyang pagkain para surpresahin si Felix para ipaalam ang gender ng magiging baby nila. Naiinggit ako sa kaibigan kong si Felix, dahil magiging Ama na siya. Sa hindi ko inaasahang pagkakataon nakita ko na ang babaeng matagal ko din hinanap, ang gulat sa mga mata namin, ang laki ng pinagbago niya ang dating napakaganda niyang pangangatawan ay nag iba na, pumayat siya at parang maputla. Lalapitan ko na sana siya ng bigla akong tawagin ni Cassandra, nung nakita niya kami ni Cassandra ay bigla na lang siyang nagmamadaling lumabas, nagpaalam ako saglit kay Cass at sinundan si Ally pero paglabas ko wala na siya. Nakita ko pa nun papaluha niyang mga mata? Bakit Ally? Bakit ka ganyan? Tanong ko nanaman sa sarili. Gustong gusto ko na siyang yakapin. Okay lang sakin kung di ko na malaman ang mga dahilan niya ang gusto ko lang bumalik na siya sapat na sakin yun. Nawala yung galit na naramdaman ko, ang naramdaman ko ay labis na pananabik sakanya at ipaalala sakanya na andito lang ako handa siyang samahan ulit. Muli kong pinuntahan kung san siya nakatira pero wala pa din Ally na lumalabas sa bahay na 'yon. Ganun pa din ang bahay. Nagmumukha na kong tanga sa kakaantay na baka sakaling labasin niya na ako. Pero wala talaga. Nagdaan ang mga araw ng makatanggap ako ng isang package. Walang nakalagay kung kanino galing, binuksan ko naman ang maliit na box at laking gulat ko ng.. To be continued