webnovel

Hindi Pantay na Kontrata

Editor: LiberReverieGroup

"Tama na!" Angil ni Mubai, pinandilatan niya ng malamig si Tianxin at sinabi, "Ano ngayon kung lahat ng ito ay plano niya? Huwag kang maglakas-loob na kalimutan kung sino ang naunang magsimula ng nagbalak ng masama! O baka naman inaasahan ninyo na tanggapin na lang ni Xinghe ang lahat? Kinunsidera ba ninyo siya bilang kapwa tao, at nasaan ako sa lahat ng ito? Siya ang dati kong asawa; hindi ba nararapat sa kanya ang paggalang na dapat ay kasama nito?!"

Nanlaki ang mga mata ni Tianxin sa pagkabigla, at sa hindi-naniniwalang tingin ay nagtanong, "Kaya, ikaw… mas pinahahalagahan mo siya kaysa sa akin?"

"Ano ba ang nangyayari sa iyo? Wala ka na bang iniisip bukod ang sarili mo?" Reklamo ni Mubai sa inis. Ayaw na niyang mag-aksaya pa ng isang segundo na makipag-usap pa sa babaeng ito.

Paanong hindi niya nalaman kung gaano kayabang talaga si Chu Tianxn?

Para maging patas, hindi naman talaga kasalanan itong lahat ni Mubai dahil naitago nito ang ugali ng mahusay.

Palagi nitong ipinapakita ang perpektong pag-uugali sa kanya.

Gayunpaman, ang imahe ay tuluyan ng nasira para ilantad ang babae na magagawang sirain ang kanya at ang pangalan ng ibang tao para lamang makuha siya.

Paano niya pakakasalan ang nakakatakot na babaeng ito?

Kahit na isang prop, ikukunsidera niya itong aksaya ng espasyo.

At saka hindi naman niya ito mahal noong simula pa lamang. Para maiwasan ang trahedya ng una niyang kasal na maulit muli, pinagdebatihan pa ni Mubai kung kakanselahin ang kasunduang pagpapakasal nila.

Ang rebelasyon kagabi ang huling mitsa na naging dahilan ng desisyon niya.

Kailangan niyang itama ang lahat kay Xinghe.

Hindi lamang ito nakakuha ng anumang benepisyo ng asawa pa niya ito, minaltrato din siya ng husto ng sarili niyang kapamilya. Hindi man niya ito minahal pero hindi niya mapapayagan na ang kawalan ng katarungan ay mangyayari sa sarili niyang pamamahay.

Bukod dito, binigyan naman siya nito ng pinakamahalagang regalo sa lahat, ang anak niya.

Isinakripisyo ni Xinghe ang kanyang kabataan para manatili sa kanilang kasal at bigyan siya ng anak pero para dito, ano ang nakuha nitong kapalit? Puro parusa at pasakit.

At ngayon ay gusto nilang pakasalan nila ang isang babae na nagplano ng masama laban sa ina ng kanyang anak? Seryoso ba sila na tratuhin siyang parang pusa na walang mga kuko?

Marahil ay masyado na siyang napapahinuhod sa mga hinihingi nito sa kanya kaya nakalimutan na nila kung sino siya!

Ang biglang pagiging mabalasik ni Mubai ang sumorpresa sa kanilang lahat.

Gayunpaman, hindi ito basta-basta matatanggap ng Chu Family!

Humakbang palapit si Ginang Chu para magtanong, "Dahil wala ka namang pagmamahal sa anak ko, bakit pumayag ka sa kasal sa una pa lamang? Paano mo nagagawang bawiin ang mga salita mo at tratuhin ng ganito ang anak ko!

Madilim na tumawa si Mubai.

"Ginang Chu, sinadya kong panatilihing magaan ang tono ko para tulungang maisalba ng pamilya ninyo ang dangal ninyo pero dahil nagtanong ka, kailangan ko pa bang ipaalala kung paano nagmakaawa ang buong pamilya ninyo para sa kasunduang pagpapakasal na ito? Nakalimutan mo na ba kung ano ang paulit-ulit na sinabi ko sa iyo nang araw na iyon? Sinabi ko, hindi ko iniibig ang anak ninyong babae."

Nalukot ang mukha ni Ginang Chu. Naroon ang galit at pagkapahiya na nasa ilalim noon.

Pareho din ito sa lahat ng mga Chu…

Harapan silang minamaliit ni Mubai.

Gayunpaman, ang mga sinabi nito ay ang katotohanan.

Gusto nilang pakasalan ito ni Tianxin ng sobra na kulang na lamang ay halikan nila ang lupang nilalakaran nito. Mataimtim silang binalaan ni Mubai na wala itong nararamdaman para kay Tianxin. Kung gusto nilang ipilit ang kasunduan ng pagpapakasal, kailangan nitong maghanda na mamuhay sa isang pagsasamang walang pagmamahalan.

Dahil nabulagan sila ng kanilang kahambugan, inisip nila na magagawa ni Tianxin na mapaibig ito matapos silang maipagkasundo. Gayunpaman, sa bandang huli, hindi na nila ito inalintana kahit na walang nararamdaman si Mubai sa kanila basta ba may paraan na makakakuha sila ng yaman at karangalan ng Xi Family.

Ang pagpapakasal ni Tianxin sa Xi Family ay ang kanilang susi sa buhay ng walang katapusang karangyaan.

Masyado silang nabulag sa kikitain nila na kaya wala silang pakialam tungkol sa kawalan ng pag-ibig sa relasyon ng kanilang anak.

Kaya naman, ang kasunduang pagpapakasal na ito, sa simula pa lamang, ay isang hindi pantay na kontrata. Sila ang walang tutol at mahinang partido. Ang posisyon nila ay walang katiyakan.

Kaya naman, maipapasa ba nila ang kasalanan nila sa iba dahil sa kanilang sariling kasakiman?