Ice woke up with a headache, she barely slept because of what happened to her and Veron last night. Alam naman na niya kung anong mangyayari ngayong araw, ang iniisip lang niya if she'll deny it or not.
It's still early kaya naisipan niyang magluto ng breakfast niya. Wala naman ang parents at kuya niya, there are maids pero usually kapag mag-isa siya ayaw niyang pinagsisilbihan siya ng maids.
"Good morning Anasthazia anak, ipagluluto ba kita ng paborito mo?" tanong ng matandang maid na nag-alaga kay Ice simula baby pa.
"No need nanny, ako na po. Gawin niyo nalang yan tapos tawagin ko kayo nila ate badeth pag kakain na, sabayan niyo po ako" utos ng dalaga.
Mabuting anak, kapatid at amo si Ice sa mga tao sa bahay nila. Elementary hanggang ngayon ay palaging rank one. Pambato siya sa mga regional at national contests sa quiz bee, essay writing, oratorical at maging sa sports. The only thing is parang ibang tao siya kapag nasa school, hindi niya kinakausap ang mga hindi niya kilala. Bihira lang ang nakakakuha sa atensyon niya, sa madaling sabi; kapag hindi ka sikat hindi ka mapapansin ng isang Ice Lennons. She's not the bully type pero hindi rin siya yung hero type. There is a ninety-nine percent possibility that you'll fall for her but only a one percent assurance na ikaw lang that's after her first ever breakup with that Cebu girl.
After cooking some different kinds of breakfast, nagsiupuan na ang mga katulong. Hanggang ngayo'y nahihiya pa ang mga ito dahil nasanay sila na kapag nasa bahay ang parents ni Ice hindi sila hinahayaang sumabay sa hapagkainan.
"Ang bait mo talaga mam, kanino ka kaya nagmana? Halos maghalukipkip kami sa takot sa magulang at kapatid mo po" panimula ng isang maid, ngumiti lang si Ice.
"Mabait naman sina mam at sir, Olivia. Depende lang yon sa naging takbo ng araw nila. Pagbutihin niyo nalang ang trabaho niyo para matuwa naman sila sa inyo. Hala sige na, wag niyo ng interbyuhin ang alaga ko't baka malate pa siya sa school niya" sagot ng nanny ni Ice, nilagyan pa niya ng pagkain ang plato ng alaga dahil napansin niya ang pagpayat nito.
Pagkatapos kumain ni Ice ay dumiretso ito sa kwarto, napansin niya ang uniporme niyang nakalatag sa kama. Marahil ay inihanda na ng nanny ito ng nagluluto siya. Ayaw pa naman sana niyang maguniporme pero kailangan niyang imaintain ang standing sa school. Naligo na ito at nagbihis. Bagay na bagay ang uniporme niya sa tangkad at maputing balat niya. Hanggang tuhod ang itim na medyas, above the knee ang kanyang black and maroon checkered skirt na tinernuhan ng maroon top at black vest na may nakaburdang logo ng Bolton High. Mahaba ang itim na buhok ni Ice na bumabagay kahit pa anong style.
After niyang magprepare dumiretso na siya sa garage, laking gulat nalang niya ng makita niya ang kuya niya doon. Jans Ryle Lennons, ang panganay na kapatid ni Ice, captain ng air force. Agad na niyakap ng kuya ang bunso ng makita ito, prinsesa ang turing niya sa nagiisang bunsong kapatid. Umuwi lang pala si Jans para kumuha ng ilang mahahalagang gamit at kinakailangan niyang magreport kaya he offered Ice a ride total madadaanan niya naman ang school nito.
"Is the auto stocked for too long? bat ganito amoy dito?" nanlaki ang mata ni Ice, she just remembered hindi pa pala niya napapalinis ang kotse ng kuya niya. The thing happened last night with veron flashed in her mind, hindi nalang siya kumibo para hindi halatang ginamit niya ang kotse ng kapatid.
Bolton High
"Are you sure hindi na kita ihahatid sa loob zia?" her brother asked.
"Kuya wag na, pagtitinginan nanaman tayo. Masyadong agaw pansin kase yang mukha mo" Ice said while scanning her notes.
"Fine, here" iniabot ni Jans ang limang libo sa bunso, Ice eyed him pero agad din niya itong hinablot sa kuya niya.
"Hindi ito utang kuya a" Ice joked at bumaba na sa kotse "thanks captain!" at masayang pumasok sa loob, humarurot naman ng takbo ang sasakyan ng kuya niya palayo.
Her smile fade as soon as she entered the school, back to being the cold Anasthazia Hazell Lennons. Naglalakad siya papunta sa main building ng makabanggaan ang isang babae. Ice remained silent but the crowd made a loud 'ohh-ohh' sound saying 'hey girl, you're doomed' saktong tatayo na ang babae ng tignan siya ni Ice.
"Are you!.." Ice was surprised when she saw that Ashley was the girl who bumped her, the anger she have, settled down "are you okay?" she asked.
Tumango lang si Ashley at nagpaalam kay Ice na mauuna na siya sa classroom. Walang nagawa si Ice kundi tumango rin, she seems fine. Sa di kalayuan napansin niya ang paparating na si Veron hawak ang isang paperbag, ayon na siguro ang varsity jacket na pinahiram niya last night. As soon as nakalapit siya kay Ice ay umakbay at humalik ito sa pisngi saying 'hi babe'
"Babe? how cheap" Ice responded at inagaw ang paperbag kay Veron, she's right iyon na nga ang jacket niya. "I'll take this" at dumiretso na sa paglalakad, hindi pa nga siya nakakalayo ng muling magsalita si Veron.
"Is that how you treat your girlfriend, Babe?" Ice is annoyed pero hindi niya yon pinahalata, nanatili siyang nakatalikod.
"I posted my picture wearing your jacket and your picture when we're inside your car. They all know that i'm your girlfriend now" Veron smirked and Ice sighed. Delusional hoe.
'May girlfriend na pala ako, hindi ko alam?' she said to herslef, pupunta na siya sa classroom nila at least doon may mapapala siya. Masiyado pang maaga para pag-aksayahan ng oras ang sinasabi ni Veron. Besides, hindi naman siya ang tipo ni Ice.
Maybe someone got her attention already.