webnovel

Me and You and The Universe (Tagalog)

Kim Ae-cha never thought she would fall in love with the person she hated. She fell in love with a ganster. A ganster turn to a Goodman. They say the more you hate the more you love. Do you believe love at first sight? Do you believe in fate? Lee Jinho believes that! The Character. The main lead: Kim Ae-cha and Lee Jinho Support: Tanya Miller, Ry Villanueva The names, content and place in the story are fictional. Author note: sorry kung may mapapansin man kayo na mga words or grammar sa story na mali. Humihingi ako ng paumanhin. First time ko magsulat ng story. [Main Character Background check] [Kim Ae-cha] Born September 14, 1996 Nationality: Half filipino, half Korean Her mother is Filipino and her father is korean Nickname: Cha Age: 24 Born Place: Cebu, Philippines Education: Cha completed her schooling from Gergorio High School in Cebu Later, she studied at the Mirriam Institute of the Arts. Occupation: Model Height: 5 ft 7 in or 170 cm Weight:55 kg or 121 lbs Hair Color:Dark Brown Eye Color:Dark Brown Distinctive Features: -Almond eye shape -Tall physique -Wide smile -Snub nose [Lee Jinho] Height: 179 cm (5'10″) Weight: 62 kg (137 lbs) Born: December 30, 1995 Nationality: Half filipino, half Korean His mother is Filipino and his father is Age: 25 Born Place: Cebu, Philippines Education: Jinho completed her schooling from La Trinidad High School in Cebu Later, she studied at the University of the Philippines Cebu is Occupation: Director of IMG Company Height: 179 cm (5'10″) Weight:62 kg (137 lbs) Hair Color: Blue or Black Eye Color:Dark Brown Lee Jinho has one single eyelid and one double eyelid.

Queencyjev · Realista
Classificações insuficientes
43 Chs

Dance with my love

After ng meeting ni Jinho Tinawagan niya si cha pero hindi sinasagot ni cha ang tawag niya nakailang tawag nadin siya hindi padin sinasagot.

Kinagabihan sinubukan ulit ni Jinho na tawagan si cha pero not attended na ito.

@IMG company

Pumasok si Tanya sa office ni Jinho

"Good morning! Jinho!"

Masigla nitong bati

"Oh? Bakit ganyan mukha mo parang malungkot ka? May problema ba?"

"Wala naman.."

"Sure ka?"

"Oo.. bakit andito ka? May kailangan kaba?"

"Hindi mo ba alam na ngayon gabi ang Party Night para sa mga company ng Magazine? Na invite tayo dun"

"Ha? Ngayon ba yun? Sorry nakalimutan ko."

"Hyss.. naman! Tara punta tayo sa Mall bibili tayo ng susuotin mo"

"May damit na ako sa bahay"

"No bibili tayo ng bago! Halika na!"

Hinila niya si Jinho palabas ng office

"Tanya naman eh.."

"Wag ka nang umangal! Babatukan kita!"

Namili nga sila ni Tanya ng damit na susuotin niya.

"Mag fit ka na ng damit na babagay sayo"

Nagsukat nga ng damit na formal si Jinho.

Pinili niya ang tuxedo.

"Wow..! Napaka gwapo mo sa suot mo! Kaya ako na iinlove sayo!"

"Tumigil ka!"

"Okay!" Umirap si Tanya sa kaniya.

Kahit pa kasi anong gawin ni tanya hindi parin nahuhulog loob ni Jinho sa kaniya kaya okay nalang kay tanya na naging magkaibigan sila.

____________

@The Night Party of All Magazine Company

Nagsidatingan na nga ang mga imbetado na employee ng ibat ibat company magazine at mga artista at model nila.

Dumating na din si Cha at Ry pagbaba nila sa car maraming reporter ang kumukuha ng litrato nila habang naglalakad sa red Carpet. At kinuhanan sila ng picture sa Wall at pumasok na sila sa loob ng event.

Sumunod din na dumating si Tanya at jinho.

Kaniya kaniyang may table set ang mga bisita ang table set nila Jinho at cha ay malapit lang sa isat isa sa kabilang table lang sila.

Pagpasok ni Jinho at Tanya papunta na sila sa table nila nakita niya agad si cha sa kabilang table umupo si Jinho at nakatingin siya kay cha

"Jinho.." tawag sa kaniya ni tanya

"Why?"

"Baka matunaw siya wag mo masyadong titigan" bulong nito"

Napansin ni Ry na kanina pa tinitigan ni jinho si cha

"Okay ka lang ba na andito si Jinho?" Pabulong na tanong ni Ry kay cha.

"Ha?"

"Nasa kabilang table siya kanina kapa tinitignan please wag kang lalapit sa kaniya iwasan mo siya kung maari"

Tumingin si cha sa kabilang table at nagtagpo ang mga mata nila.

Iniwas agad ni cha ang tingin niya.

"Ry pupunta lang ako sa restroom"

Sabay na nagpunta sa restroom si cha at tanya.

Nauna si cha at sumunod si tanya

"Hi!" Bati ni tanya kay cha

"Hello!"

"Hindi na ako nagtataka na meron ka rin dito. Ano pakiramdam ng pinagaagawan ng dalawang lalake" tanong ni tanya habang ng re retouch ng lipstick at tumingin kay cha.

Hindi sinagot ni cha ang tanong lumakad nalang si cha palabas ng restroom

"Alam mo nahihirapan ako na makita si Jinho na nahihirapan dahil sayo! Kung bakit pa kasi ikaw ang minahal niya"

Napatigil si cha sa pinto pero lumakad din palabas.

________________

Bumalik na ulit si cha sa table nila.

Wala si Ry sa table kaya wala siyang makausap tumayo siya at pumunta sa mahabang table at kumuha ng maiinumin. Lumapit si Jinho sa kaniya

"Nagkaroon din ako ng pagkakataon na malapitan ka" sabi ni jinho na nagsalita mula sa likuran niya.

Humarap si cha ng makita niya si Jinho  halos napaatras si cha ng makita si Jinho muntik na matabig ni cha ang nakalagay sa lamesa. Kinabig siya ni jinho at napadikit siya kay Jinho nahiya si cha kaya naitulak niya ito

"Babalik na ako sa upuan ko"

"Iniiwasan mo ba ako" humarang si jinho sa daanan ni cha.

"Hindi."

"Talaga? Kung hindi ? pwede ba kitang isayaw? "

"Ha? Ano kaba! Anong isasayaw? Ayaw ko!"

"Kahit ngayon lang"

inaabot ni Jinho ang kamay niya

"Please.....?"

Tinignan ni cha ang kamay ni jinho at tumingin siya siya sa mukha ni jinho nagtitigan sila ng ilang segundo.

Mayamaya...

Ipinatong na nga ni cha ang kamay niya sa kamay ni Jinho at dinadala siya ni Jinho sa Ginta ng Ball at tumutok ang spot light sa kanila nagtinginan ang mga tao sa kanila. Nakangiti ai Jinho sa kaniya habang sinasayaw siya. at nakatingin sa mga mata ni cha naiilang si cha sa mga tingin nito kaya umiiwas siya.

"You're so beautiful" bulong nito sa tenga ni cha at lumapit ang mukha niya sa mukha ni cha na halos mahalikan niya na ito. Namumula na ang mukha ni cha sa ginagawa ni Jinho lalo na ng kinabig pa siya ni Jinho sa baywang niya na mas nagpalapit pa sa kanilang dalawa

Nakita ni Ry ang mga nagyayari kita  na ang galit sa mukha ni Ry Hindi niya nagugustuhan ang nakikita niya selos na selos na siya. Napansin ito ni Tanya kaya nilapitan niya si Ry

Hahakbang na sana si Ry pero pinigilan siya ni Tanya.

"Anong gagawin mo?"

"Wag mo ko pakialam sa gagawin ko"

inalis ni Ry ang pag kakahawak ng kamay ni tanya sa kaniya.

Sumugod si Ry sa Gitna ng Ball at inabala ang pagsasayaw ng dalawa

Nagulat si Cha hinawakan ni Ry ang kamay niya at pinaghiwalay sila ni Jinho.

Nakatingin ng masama si Ry kay cha at Jinho

iaalis na sana ni Ry si cha pero hinawakan ni Jinho ang kamay ni cha kaya makabilang kamay ang hawak nila.

Tinignan ni Ry ng masama lalo si Jinho napakaintense ng pagitan nila at si cha nababahala na sa nagyayari. Halos mahihimatay na siya sa hiya sa dami ng tumitingin sa kanila.

"Halla ano nagyayari? May love triangle?" Sabi ng mga bisita na nasa paligid at pinaguusapan na sila.

Kinukunan na sila ng litrato ng mga reporter. Ng fla flash ang mga camera sa kanila.

____Chapter 25___

Author: please dont forget to vote and comment and follow me for more updates of my story.