webnovel

MARBLE: NEGATIVE ATTRACTION EQUALS LOVE

MARBLE----mukhang bampira na dalaga sa haba ng dalawang pangil na ngipin at ginawang subdivision ng malalaking pimples ang mukha na nang makagraduate ng high school ay napilitang isama ng tyahin sa Manila ngunit iniwan sa Luneta at naging taong grasa subalit nakita ng isang matandang pulubing may alzheirmer's disease pala at napagkamalan siyang ina nito na magulang pala ng isang mayamang anak at lolo ng binatang nagnakaw ng kanyang first kiss na halos pandirihan siya pagkatapos, at ang naging motto sa buhay ay NEGATIVE ATTRACTION EQUALS LOVE. Subaybayan niyo po ang pakikipagsapalaran ni Marble upang maabot ang kanyang mga pangarap sa buhay at mahalin ng lalaking kanyang itinatangi.

Dearly_Beloved_9088 · Urbano
Classificações insuficientes
176 Chs

HER FIRST TRUE KISS

Sa una'y nahihiya pa siyang gumiling at umindak hanggang sa 'di niya namamalayang humahataw na siya ngunit di na makasunod si Gab sa kanyang galaw kaya naapakan niya ang paa nito.

"Ayyy sorry po. Sorry po, sir Gab." agad siyang huminto sa pag-indak.

Ilang beses na umiling si Gab. "It's okay."

Tumayo ang isang bisita at biglang sumigaw.

"Go on! Show us more!" hiyaw sa kanya.

"Huh?" napangiti siya. Ows? Nagandahan ito sa sayaw niya sa lagay na 'yon?

'Di pa man napapawi ang ngiti niya'y nakakapit na agad si Vendrick sa kanyang beywang.

"Dude, I'll borrow her for awhile," anito sa kaibigan saka kumindat sa kanya.

"Come, show me what you got," paghahamon sa kanya.

"Deal!" maangas niyang sagot saka muli na namang iniindayog ang katawan sa saliw ng tugtugin, tila ba siya si Shakira na parang ahas ang katawan sa lambot kasabay ng pagpadyak ng mga paa habang di inaalis sa isip na chacha nga pala ang kanilang sayaw.

Madali namang makasunod si Vendrick na nagmana ata sa kanyang alaga kung sumayaw.

'Di niya pansin si Chelsea na naniningkit ang mga mata at nagtatagis ang bagang habang nakatingin sa kanilang aliw aliw na sa ginagawa, subalit wala itong nagawa kundi ang tumayo sa isang tabi at si Gab na tila napuruhan sa paa, paika-ika itong naglakad pabalik sa kinaruruunan kanina.

Palakpakan na uli ang mga bisita lalo na nang matapos ang tugtugin.

Bumitaw siya sa binata.

"Pagod na ako." Akma siyang tatalikod nang maghiyawan ang mga bisita.

"More! More!"

At biglang pumailanlang sa ere ang kantang Despacito.

Matalim niyang sinulyapan ang nagpatugtog na 'yon.

Pero pinili pa rin niyang maglakad palayo sa bulwagan at iwan si Vendrick nang makita ang kanyang Madam na salubong na ang kilay na nakatingin sa kanya.

Subalit biglang hinila ng binata ang isa niyang kamay, saka gumiling nang nanghaharot habang iniaayon ang galaw nito sa tugtog.

"'Pag natapos natin ang sayaw na to, bayad ka na sa utang mo sa'kin," pang-uuto nito.

Syempre nagpauto siya.

"Talaga?" abot hanggang tenga ang ngiti niya.

Ayun na naman, nagsimula na namang siyang gumiling na tila sumasayaw ng belly dancing pero syempre iniaayon niya sa kantang pumapailanlang sa ere while her feet are doing the chacha moves. Gumawa na naman sila ng bagong steps ni Vendrick, bagong version ng Despacito.

Napahagikhik siya. Kailangan niyang galingan. Pagkatapos nito bayad na siya sa kanyang utang. Ang saya saya! Ngunit merun nang mga bisitang naengganyong makisayaw sa kanila hanggang sa nakisali na rin ang iba.

At si Vendrick, tila sinasadyang kabigin siya palapit sa katawan nito at ilapat ang isang palad sa kanyang lantad na likuran saka siya binulungan.

"Come with me," anito kasabay ng pagtaas nito ng isang kamay, kung bakit bigla na lang medyo dumilim ang buong paligid, Disco light na ang biglang ginamit na ilaw.

Nagtataka man lalo na nang hubarin ng binata ang blazer nitong suot at itakip sa katawan niya saka siya hinila palayo sa mga tao'y di na lang siya pumalag, nagpatianod sa gusto nitong gawin.

Ipinasok siya nito sa elevator. Saka lang bumalik ang maliwanag na ilaw nang makapasok na sila sa kwarto ng binata.

"Giatay ka talaga! Ang ganda ng sayaw sa baba, dinala mo ako rito," angal niya.

Ang lakas ng tawang pinakawalan nito pero hindi pa rin binibitawan ang kanyang kamay, saka siya iniupo sa mahabang sofa. Tumabi ito.

"Ano'ng gagawin natin dito? Baka hinahanap na ako ni Madam at ng lolo mo," usisa niya sa binata.

Sa halip na sumagot, dinampot nito ang isang maliit na jewelry box sa ibabaw ng center table, kinuha ang laman at iniladlad sa harap niya.

"Idagdag mo sa utang mo," anito.

Ang sama bigla ng kanyang tingin sa katabi saka ito hinampas sa braso.

"Ayuko niyan. Ang dami ko nang utang para idagdag mo pa 'yan," pasuplada niyang sagot.

Ngumisi ito, pagkuwa'y inilapit ang mukha sa leeg niya saka tinanggal ang suot niyang choker. Ipinalit ang hawak nitong necklace na emerald ang pendant, hugis puso iyon, katamtaman lang ang laki.

"Ayaw mo no'n, pina-pamper kita kahit mukha kang unggoy," bulong nito habang ikinakabit ang kwintas sa kanyang leeg.

Muli niya itong hinampas sa braso ngunit lihim na napangiti.

Ngunit di niya inaasahan nang halikan siya nito sa batok. Nagulat siya at agad inilayo ang mukha, subalit parang balewala lang dito ang ginawa sa kanya.

Normal pa rin ang ngiti nito, normal ang kilos na tinanggal ang ipinatong sa kanyang blazer.

Subalit sa kanya, hindi na normal ang lahat. Nagsisimula na siyang makaramdam ng kakaiba, nagsisimulang bumilis ang tibok ng kanyang dibdib, nagsisimulang manindig ang kanyang mga balihibo tulad nang nangyari kanina.

Inilapag nito sa center table ang hinubad sa kanyang choker saka bumaling sa kanya, tumitig pala, nagbaba siya agad ng tingin.

"Honey--"

"Hmm?" awtomatiko niyang sagot saka nag-angat na uli ng mukha.

Nagtama ang kanilang paningin.

Bigla siyang natuliro. Bakit ganto na siya ngayon? Dati naman hindi.

Matagal na nag-usap ang kanilang mga mata habang 'di niya ramdam na nakalapat na pala ang palad ni Vendrick sa kanyang batok at dahan-dahan siyang kinakabig palapit dito.

"Pwede bang maging pangit ka na lang uli?"

"Ha?"

Humagalpak siya ng tawa sa sinabi nito saka ito itinulak.

"Giatay ka. Kala ko pa naman kung ano nang sasabihin mo," anya sa pagitan ng pagtawa subalit agad ring nagseryoso nang makitang seryoso itong muli siyang tinitigan.

"Ayaw mo bang maging maganda ako?" pabiro niyang tanong.

"I just love your old self. An innocent and idiot ugly vampire," anitong sandaling yumuko.

"Grabe ka naman," nakaingos niyang komento.

Nang muli itong tumitig sa kanya'y 'di na niya alam kung anong ipinahihiwatig nun subalit natigilan siya, nawala ang ngiti sa mga labi, napatitig na rin sa mga mata nitong tila libo-libong pangungusap ang sinasambit.

"Please don't stare back. You're just making me want you even more," prangka nitong sambit, may pagmamakaawa na sa boses.

"Ha?" namilog ang kanyang mga mata kasabay ng pamumula ng mga pisngi. Ano'ng ibig nitong sabihin?

Ngunit 'di pa man nag-aabsorb ang sinabi nito sa kanyang utak, bigla na lang siya nitong kinabig sa leeg at siniil siya ng halik.

'Di siya nakapalag, ni 'di siya nakakilos, ni nakakurap man lang. Nanatiling dilat ang kanyang mga mata sa pagkagulat.

Pakiramdam niya, iyon ang kanyang first kiss. Ang pinangarap niyang halik mula sa kanyang first crush, yung marahan lang, iyong padampi lang, ninanamnam ang bawat segundong magkadikit ang kanilang mga labi.

But it was different this time. Vendrick just couldn't leave her lips like that. He just wanted more na tila tinutudyo siyang ibuka ang kanyang labi upang masipsip nito ang loob ng kanyang bibig habang nagsimulang humagod ang isa nitong kamay sa kanyang likod, nagsimulang humimas sa kanyang beywang leaving that sensation na ngayon niya lang naramdaman and she couldn't help but moan sabay pikit ng mga mata upang namnamin ang halik nito.

"Mangako kang hindi ka magkakaruon ng kaugnayan sa kahit na sino sa'min,"

Bigla siyang natauhan at agad itong itinulak saka nagmamadaling tumayo, nangangatog ang mga tuhod na tumakbo palabas ng kwarto.

Natigilan din si Vendrick, sandaling 'di nakaimik, maya-maya'y napabuntunghininga.

Alam nitong 'di na maibabalik ang dati sa kanilang dalawa. Pero 'di nakarehistro sa mukha nito ang pagsisisi sa ginawa.