webnovel

LUCKY TWENTY THREE

CHAPTER 23

LUCKY'S POV

Hindi ko inaasahang bubuhusan kami ni Amber ng tig isang cup ng softdrinks sa mukha ni Andi. Hindi talaga alam kung papaano pa mag adjust sa taong kagaya niya. Bakas sa mukha ni Andi ang galit at pagkagulat sa bagong eksena ni Amber. Kahit naman ako hindi ko inaasahang gagawin niya yun. Umasa ako sa sinabi ni Wesley na nakausap na ng pinsan niya ang lukaret na 'to.

'Tsk tsk tsk. Ngayon mo malalaman ang bagsik ng mga baklang mahilig sa balls!'

"Tara na may madidighay dahil sa bola mamaya." Hinila ko sa kamay si Andi at naramdaman ko ang pa nanginginig ng kamay niya ng huminto siya at nakatitig ng masama sa mga Pink Rangers. "Chill may tamang oras at timing para diyan mamaya." Bulong ko sa kanya habang naglalakad kami papunta sa mga team mates namin.

"Grabe talaga yang grupo ni Amber kahit kailan walang pinipiling lugar para magpasikat." naiinis na wika ni Marlon habang inaaalalayan si Andi'ng umpo sa bench.

"Gantihan natin sila sa laban mamaya. Sila yung nanalo sa game kanina kaya kung mananalo tayo may chance na sila ang makakaharap naten mamaya." Sabat ng classmate namin na si Wheng na kilos tomboy pero babae naman daw aniya.

"Use this Andi." Inabutan ni Wesley ng puting towel si Andi. "I'm so sorry, wala ako kanina para maawat ang grupo nila Amber may pinag uusapan kasi kami ni Kenneth kaya hindi ko napansin." Paumanahin niya ng paulit ulit simula kaninang naglalakad kami pabalik.

"Its okay Wesley. I was actually expecting that to happened." At nanlaki ang mata ni Wesley.

"Gumaganti kasi sila sa ginawa ni Lucky sa dalawang Gasul Girls nung isang araw." Seryosong sagot ni Andi. "Ang ganda niya pero wala siyang originality." Mapaklang dugtong niya. Nakunsensiya tuloy ako bigla dahil kung hindi ko sana yun ginawa hindi sana madadamay si Andi ngayon.

"Chillax sesshhie, gamitin mo yang nararamdaman mo sa game natin mamaya. Busugin mo sila ng bola yung madidighay sila kasabay ang ubo na may kasamang plema." Habang minamasahe siya sa magkabilang balikat at unti unting lumabas ang ngiti sa labi niya.

'Ganyan nga Andres, daanin natin sila sa dahas kung ayaw nila ng madaan sa santong dasalan.'

"Ngayon matitikman nila ang bagsik ng baklang mahilig sa iba't ibang klase ng bola. Papa Wesley?" Biglang tawag ni Andi at tumayo. Agad namang napatayong tuwid si Ongapuco.

"HUUKKK!!" biglang napasinghap si Wesley dahil sa biglaang siyang niyakap ni Andi ng mahigpit.

"Kailangan ko ng inspirasyon na may halong maduming imahinasiyon!" Malanding sabi ni Andi at nag hiyawan ang mga ka team namin at ibang mga kaklase.

"Daming kuda tsa-tsansing lang naman!" Parinig ko kay Andi dumila lang siya sa akin at tumawa.

"Galingan niyo Lucky!" Pahabol ni Wesley sa team namin habang naglalakad na kaming anim papasok ng court.

Ang section namin ang huling tinawag para sa 2nd Game ng preliminary round.

*DOVE VS MOCKINGJAY*

Nag toss coin ang mga team captains at kami ang nanalo kaya kami ang unang hahawak ng bola.

Ako ang unang server ng bola.

'Malas niyo!'

***PRRRRIIIIIIIIIIIIITTTTTTTT!"***

Hudyat na pwede na akong mag serve ng bola. Dahan dahan kong ihinagis ang bola sa ere at patakbong tumalon at umatake ng malakas na service spike sa ere.

Nagulat ang nakasalo ng bola sa lakas ng pwersa ng bolang tumama sa kanya kaya hindi niya ito na control at lumabas ng court!

"W-WOW!" narinig usal ni Marlon nung ihagis pabalik sa akin ang bola.

***PRRRRIIIIIIIIIIIIITTTTTTTT!"***

"GO LUCKYYY!!" Malakas na sigaw ni Wesley sa bench namin at nakatayo kasama ng ibang clasamate ko na nag chi-cheer.

Score namin kaya muli akong nag serve ng bola. Ginawa ko ulet yung pamatay kong service. Ngunit wala pa din nakasalo sa lakas ng pwersa ng palo ko.

'Nang gigigil ako bakit ba!'

Sa pangatlong serve ko nasalo naman ng kabilang section ng maayos ang bola pinasa sa kasama para ma i-set ang bola sa kakampi nila at mahusay itong nasalo ng setter patungo sa nag aabang na spiker nila at pagpalo nito naka abang si Andi at si Wheng bilang blocker namin at maagap nilang ibinalik ang bola sa court ng kalaban. Kahit malaki ang katawan ni Andi hindi naging hadlang yun para maka talon siya ng mataas na parang magkasing gaan kami ng katawan.

After a while.. Score 14 – 2.

***PRRRRIIIIIIIIIIIIITTTTTTTT!"***

Ang Dove team naman ang nag service ng bola mabilis na salag ni Marlon ang bola at pinasa kay Andi na setter namin at tinoss ang bola ng mataas papunta sa direksiyon ko sa gilid ng court at nag aabang lang ng tiyempo. Tumalon ako ng mataas at binayo ko ng mas malakas ang bola at nasalo naman ng isang taga Dove ngunit na out of balance siya sa lakas ng bolang tumama sa mga braso niya. OUT!

Pinag lalaruan lang namin ang mga players ng Dove.

"Grabe ka Lucky, chill lang 'teh, hindi to olympic games maka bayo wagas!" sabi ng baklang Scarlett na ka close namin ni Andi habang naghihimas ng namumulang braso niya pagkatapos ng laban namin.

"Nag wa-warm up lang teh, nagpapainit may pakakainin kasi ako ng bola mamaya." nakangiting sagot ko sa kanya.

"Ay bet ko yan! Sige PUSH mo yan basta siguraduhin mong bulls eye hahaha!" at nag high five kaming dalawa.

Natapos namin ang game versus Team Dove at tinambakan namin sila ng sobra sobra. Nakita kong nakatayo ang grupo ni Amber at nakatingin sa grupo namin. Maglaway ka kakatingin Barbie dahil tutulo ang laway mo mamaya kasabay ng bola.

'Ihanda mo yang mukha mong punong puno ng make up dahil buburahin ko yan gamit ang bola!'

"Whoaa, Lucky hindi ko ine-expect na napakagaling mo pala maglaro ng volleyball." Hindi makapaniwalang sabi ni Wesley paglapit namin sa bench.

"Kaya nga attracted sa akin ang lahat ng klase ng balls dahil alam nilang mahilig ako sa balls." Natatawang sagot ko sa kanya at inirapan lang ako ni Wesley.

"Nag titimpi pa yan si Lucky. Mamaya abangan mo may literal na kakain ng bola." nagpaparinig na sagot ni Andi.

"Tama ka Andi akala ko hindi nga marunong maglaro itong is Inday dahil sa payat niya. Pero kapag bumayo ng bola ma a-out of balance ka. Ha ha ha!" sabat ni Marlon kaya lahat ng team mates namin nakitawa.

"Sino sunod nating kalaban?" Singit ni Corazon ang classmates naming malaki ang hinaharap pero mahusay din magpaikot ng bola.

"Wala pa antayin pa natin kung sino mananalo sa 2nd game tapos isang game pa tayo." Sagot ni Wheng kay Corazon at tinabihan niya ito sa bench.

"Isang game pa tayo guys, at kapag tayo ulet ang manalo pasok tayo sa finals ni kalbo." Wika ni Olive habang inayaos ang sintas ng sapatos niya.

2ND GAME. At ang mananalo sa round na ito ang maghaharap sa final at ang winning team ay excempted sa finals sa PE. Pinauod namin ang section ng mga Pink Ranger. Magagaling sila lahat halos kasing husay din ng mga ka team ko. Lamang lang nila tatlo ang lalaki nila na malalakas ding mag spike gaya ni Amber. Sa team namin kaming dalawa lang ni Marlon ang spiker.

2nd Round:

Eagle VS Scarlet Macaw --------> section nila Amber at ng Gasul Girls.

Golden Pheasant VS Mocking Bird ---------> Section namin ni Andi

Mabilis natapos ang 2nd Game at nanalo ang team nila Amber laban sa Section Eagle.

Taas noo silang dumaan sa harap namin at tiningnan kami ng masama.

"Sige mag yabang pa kayo dahil kapag kami nanalo sa Golden Pheasant iiyak kayo!" mahinang bulong ni Andi habang nakatingin sa grupo nila Amber.

"Tara mag warm up pa tayo dapat asintado tayo pareho seshie. Ayakong sumablay sa tira ko mamaya." natatawang biro ko kay Andi at hinampas niya ako sa braso.

Tinapos namin ng mabilis ang laban versus Golden Pheasant. Pinaulanan ni Andi at Marlon ang kalaban ako ang naging setter nila pansamantala para mahasa ang pagiging asintado nila. Mabuti nalang mabilis din si Corazon, Olive at Wheng sa court kaya hindi kami nauungusan ng kalaban. Ending tambak ulet ang kalaban.

"As much as i love to continue the game, sad to say we don't have enough time. Hindi lang tayo ang gagamit ng gym." Malakas na announce ng PE teacher namin. Dismayado naman ang ilang nanunuod sa gym sa balita. "This coming Friday ang final game natin. SCARLET MACAW VERSUS MOCKINGJAY! Congrats ulit sa mga winning teams. See you on Friday!" at sabay pumito ang instructor naming kalbo.

"Congrats Team Mockingjay! Wala ng pratice kasi thursday na bukas at mag beauty rest na lang tayo."

"Kailangan pa ba eh sa inyong tatlo lang nila Andi at Lucky matatakot na yung mga yun!" Sabi ni Olive na pinandidilatan kami ng mata.

"Sa bagay pero magaling din si Amber at yung dalawang lalaki na ka team nila. Kaya parang match lang ang laban." Nakangiting sagot ni Corazon habang inaadjustr ang bra.

"Pero hindi sila singlakas nitong si Lucky malalapnos ang balat nila sa palo nito 'e." Si Andi habang minamasahe ako sa likod at sabay sabay silang tumawa.

'Mga siraulo!'

"Congrats!" Si Wesley na biglang tumabi sa amin ni Andi.

"S-Salamat." Tipid na sagot ko.

"Saan tayo mag si-celebrate ng pagka panalo niyo ngayon?" puno ng siglang tanong ni Wesley dahilan para ma excite ang mga kasama ko.

"Oo sesshie kumaen tayo feeling ko namayat ako kakatalon kanina." reklamong sagot ni Andi.

"O sige kahit saan samahan mo muna ako magbihis naiilang na ako sanay sa uniform natin e." Reklamo ko at tinawanan ako ni Marlon at Andres na feel na feel ang nyort nyorts na suot namin.

Nagpaalam na kami sa mga kasama naming mauunang lumabas para makapagpalit. Habang naglalakad natanaw namin si Sir Adam na parang wala sa sarili at kahit malayo pa lang nag uuntugan na ang kilay.

"Hi Good Afternoon sir Adam!" masayang salubong namin ni Andi at kundi pa humarang si Andres hindi pa siya hihinto sa paglakakad at bahagyang nanlaki ang mata ng makita ako. Luh, anyareh sa kanya?

"H-Hello." Saka ito natawa at napakamot sa ulo. Ang gwapo ni Ser kahit lutang lang minsan. Hehehe!

'Tsk! Hanggang kailan ba ako ma starstruck sa presence niya.'

"Saan ang lakad sir mukhang may hina hunting po kayo ah.." biro ko sa kanya.

"I actually came here to see you Lucky.." may kung anong bumara sa lalamunan ko dahil sa paggiging seryosong niya. Tulad ko mukhang nagulat din si Wesley at Andi sa narinig.

"A-Anything wrong Sir?" kinakabahang tanong ko.

'Shit! Hahatulan na ba ako? Last day ko na ba sa Carlisle dahil sa pakikipag sagutan ko kay Amber?'

"Its nothing big actually. I need to ask you a small favor." Dahan dahan siyang napakamot ng kilay at alanganing ngumiti sa akin.

"A-About what ser?" naiilang na sagot ko.

"Its actually about the incoming Foundation Party almost three weeks from now---" at kinagat kagat niya ang mapulang labi. Kinagat ko ng mariin ang dila ko para hindi ako mapatili sa harap niya dala ng kilig.

'Waaahhh! Ser Adam aylabyuuuuuhh!!"

"Ser sabihin niyo na hindi kami magandang sinusupresa tumatanggi kami agad agad." Biglang putol ni Andi kay Ser Adam. Panira talaga ng moment 'tong si negra kinikilig pa ako e.

"Okay, i wanted you to have a song number on the said party." Mabilis na sagot niya at tinitigan niya ako na parangito ang unang beses niya akong nakita sa tanang buhay niya.

'Nothing biga at small favor na yun sa kanya? Amazing!'

"Ayy, nothing big at super small favor nga siya seshie." Pabirong tugon ni Andi pero bakas ang pagiging sarkastiko. Napairap naman ako ng biglang natawa si Wesley.

"And you too Mr. Ongpauco." Baling ni ser kay Wesley na biglang naglaho ang pagtawa.

"W-What me sir? W-Why me?" Nagtatakang turo niya sa sarili.

"I-I mean is it fine with you if you gonna play the piano while both of you are singing, like a duet?" wala pa man mukhang excited na siya sa magaganap. Walang naka sagot sa aming dalawa ni Wesley.

"Please Lucky kapos na kami sa oras at wala na akong mahanap na iba kayo lang ang pag asa ko ngayon."

"S-Sir Adam--" parang batang sagot ko pero hindi ko alam kung anong idudugtong ko kaya napakamot nalang ako sa ulo. Gusto kong kaltukan ang sarili ko dahil hindi ako makatanggi ng harap harapan.

"Kapag kumanta ka excuse na kayo ni Mr. Bolivar sa finals. Deal?" hinawakan niya ako sa magkabilang balikat at tinitigan ako sa mata. Natulala ako dahil ngayon ko lang nadikitan ng malapitan si Sir Adam at ang bango bango niya.

"DEAL KAMI DIYAN SIR ADAM!!" mabilis na sang ayon ni Andi. Pinandalitan ko si negra dahil hindi man lang niya inantay na suamgot ako.

"OH MY GOD! THANK YOU LUCKY!!" At bigla akong niyakap ng mahigpit na mahigpit.

'Pasalamat ka gwapo ka ser! Juice colored ang bango bango ni ser Andi!'

At bigla kaming hinawi at pinaghiwalay ni Wesley.

"Okay Sir that's enough. No more hugging inside the school premises. Its in the students manual." pormal na sabi ni Wesley. Napangiti si ser Adam habang palipat lipat ang tingin sa amin ni Wesley.

"Ehherrrrmmm-- Sorry. Here's the song piece." Sabay abot ng dalawang bond paper at ngumiti ng malaki at napaka gwapo. Napaka nganga kami ni Andi kay ser.

'Hindi naman siya masiyadong prepared?'

"Thank you guys sabi ko na nga ba maasahan ko kayo pareho. I want you to supervise their rehearsal Mr. Bolivar and report on me nextweek about their progress okay?" Napatango lang si Andi kay ser at masayang umalis ng nakapamulsa.

"This is insane. Bakit pa kasi dito pa tayo dumaan!" singhal ko sa kanila.

"Abah, sabi mo magbibihis ka!?" Natatawang sagot niya.

"Eh bakit pumayag ka? Ikaw ba kakanta?" Nakangusong reklamo ko. "At ikaw! Bakit di ka tumanggi?" Duro ko sa mukha ni Wesley.

"I'm fine with it. I love to play piano and besides i wanna hear you sing again." Nakangiting sagot niya.

"Yan so kelan ang practice naten?!" Si Andi habang palipat lipat ang tingin sa amin ni Wesley.

"Tomorrow at my place. I'm excited!" At napasuntok pa siya sa ere saka naunang naglakad.

'Isa pa tong sinto sinto.'

Nagkayayaan ulit kaming tumambay sa Hugot Cafe. Sa labas ng cafe ulit naming napiling maupo dahil marami ang naka occupy na customers sa loob ng cafe.

"Siguro kung may cafe din kami na kagaya neto malamang dito na lang ako tatambay parati."

"Sabagay sa katakawan mong at sa laki niyang kaha mo hindi malabong mangyari yun." Tatango tangong sagot ko sa sinabi ni Andi. Napapangiti lang si Wesley na masayang nakikinig lang sa laitan namin ni Andi.

"Ganun talaga ang pagkain ang unang bumubuhay sa katawan natin at pangalawa lang ang mga lalake." Sabay titig kay Wesley namabilis na tumabi sa akin sa takot.

"Lucky, oh!" ngusong sumbong niya habang nakatingin kay Andi.

"Andres! Tantanan mo na nga si Ongpauco mamaya hindi na sumama satin at ako naman aartehan mo!" singhal ko at nag peace sign si Andi.

"Bleh." Si Wesley at pinandilatan ko siya.

"Ang dami dami ko ng pinu-problema may dumagdag pang isa." Wala sariling sambit ko.

"Akala ko talaga tapos na yung away niyo nila Amber noong nakaraan." Seryosong sabat ni Wesley.

"Imposible yan sa ugali nung babaeng yun mukhang hindi yun titigil hanggat hindi siya ang natitirang babae sa Carlisle Academy." Mariing sagot ko kay Wesley.

"Bakit 'di niya kayang subukang mag enroll sa "Exclusive School For Boys" i'm sure doon wla siyang kaagaw." Sarkastikong dugtong ni Andi at natatawa.

"Impossible yun sa daming paminta dun baka mag-iinarte pa lang siya nasapak na siya. Ha ha ha." Na imagine ko lang si Amber na nakikipag sapakan sa mga paminta mamamatay na ako kakatawa.

"Why are we suddenly start talking about "Pepper" I thought we were talking about Amber?" nagtatakang tanong ni Wesley habang kunot ang noo senyales na nalilito siya sa pinag uusapan namin ni Andi.

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!" Sabay kaming tumawa ng malakas ni Andi.

"W-What's funny?" inosenteng tanong niya at nakitawa narin sa amin.

'Wala, mahina pala to pumick-up!'

"Yeah, we're talking about "Pepper" but were not pertaining to a real pepper, honey." Maarteng paliwanag ni Andi.

"Wesley paminta is a certain person. Paminta is slang term for closet gay, or someone who keeps his being gay a secret to people, even his closest friends." Paliwanag ko sa pinaka madaling paraan mauunawaan niya agad.

"Oww-- really?" kunot noong tanong niya at sandaling nanahimik na parang may iniisip na malalim.

"I'll explain it to you more further honey, so listen.." Biglang sabat ni Andi at umayos ng pagkaka upo at nakinig naman kami ni Wesley.

'Ito na naman siya sa mga lectures niya.'

"Ang salitang paminta ay galing sa salitang ingles-tagalog na PA-MEN na ang ibig sabihin ay "umasta na parang lalaki." panimula ni Andi sa pagbibigay ng isa pang kahulugan ng paminta.

"Paminta ito yung mga uri ng tao na naglilihim ng tunay niyang pagkatao. O klosetang bakla." Sabat ko para mas lalong maitindihan ni Wesley.

"So it means the person is either aboy or a girl?" at tumango lang kami ni Andi.

"May dalawang uri ng paminta Papa Wesley. Ang Pamintang BUO at ang DUROG." Na lalong nagpakunot ng noo ni Wesley na mukhang lalong nalito sa narinig. "Ang Pamintang BUO ay mga klosetang bakla na mahusay na naitatago ang pagkatao. Sila ay nagdadamit panlalaki. Umaastang lalaki. At puro lalaki ang kaibigan."

"Maraming ganyan lalo na sa showbiz ang ga-gwapo, tinitilaan ng mga babae tapos pamintang buo pala." Sagot ko habang hinahalo ang kape ko.

"Pupwede rin namang tawaging ganito ang isang baklang umaamin na bakla siya ngunit macho lang talaga siyang kumilos." Sabat ulit ni Andi para maliwanagan si Wesley.

"And how about the other one..Yung P-pamintang Durog?" interesadong tanong niya at napapakamot pa ng baba at tutok kay Andi.

'Kawawa naman to walang kamalay malay sa mundong ginagalawan niya. Hahaha!'

"Ang Pamintang DUROG naman ay mga klosetang bakla na nasa loob ng isang klosetang gawa sa salamin." Malalim na paliwanag ni Andi at napalunok naman si Wesley sa narinig niya.

'Isa pa 'tong baklang to, pa suspense pa!'

"Sila na lamang ang hindi nakakaalam na bakla sila. Nagdadamit din sila ng panlalaki ngunit kapag nagsalita na, o gumalaw, ay teh! Alam na. Sila ang mga taong kung tatanungin mo kung sila ay bakla, todo-todo ang kanilang pagtanggi." Natatawang paliwang ni Andres at napansin kong napapatango si Wesley sa mahabang explanation ni Andi at mukhang nakuha na din niya ang tinutukoy nito.

"E-Eh kayo?" inosenteng tanong niya habang nakaturo sa aming dalawa ni Andi.

"STRAIGHT KAME." Halos magkasabay na sagot ni Andi.

"S-Straight?!" bumalatay ang matinding pagtataka sa gwapo niyang mukha.

"STRAIGHT GAYS." Derechong sagot ko.

"BWAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAH!" sabay tawa ni Andi at natawa ulet ako dahil sa paraan ng pagtawa niya lakas makahawa ampota.

"Ha Ha Ha! All this time ang alam ko lang ay girl, boy, bakla at tomboy. Sorry no offense meant guys." Si Wesley habang nakatingin sa aming dalawa.

"Basta ako i'm happy and gay." Masayang sagot ni Andi.

"E-Eh ikaw?" natatawang tanong ni Wesley sa akin.

"Ako since birth ito na ang nakamulatan ko. I was raised and loved by my parents of being who i am. Akala kasi ng parents ko girl na ang next baby nila. But unfortunately boy pa rin. So i was raised like a baby girl. Binihisan na parang babae until the age of three." Kwento ko at manghang manghan sila pareho.

"Kaya pala ang cute cute mo doon sa mga baby pictures mo." Masayang tugon ni Wesley. Naalala ko bigla yung itsura niya habang tinitingnan ang mga baby pictures ko sa living room namin.

"I hope hindi ka ma confused sa mga pinag uusapan natin ngayon." Paglilinaw ko.

"No, i'm actually fine dagdag kaalaman din yun para sa akin na hindi aware sa mga gender identities."

"Naku Papa Wesley masiyadong malawak classification ng mga miyembro ng lahi namin. Mahihilo ka lang kung aalamin mo ang lahat." Singit ni Andres habang sumusubo ng fries.

"Tama. Halimbawa na lang sa mga kapatid naming mga Lesbian. May Butch type, sila yung lesbo na lalaking lalaki na ang itchura at may Bi-sexual yung mga lesbo na sobrang ganda, seksi at nagdadamit babae parin pero ang hanap babae or kagaya din nilang bisexual." napailing nalang si Wesley sa mga bagong narinig.

"Paano mo ba malalaman sa isang lalake nagpa-pa men siya?" naiilang na tanong ni Wesley at ngumuso.

"Ay bet ko yang pag usapan kung paano ba naten malalaman ang lalaki kung sya ay Gay, Bisexual, Bicurious, o Paminta." at sabay tumango si Wesley sa sinabi ni Andi.

"Sa panahon ngayon mahirap na makilatis ang isang BEKI. Meron na din kasing mga machong bading. Kung titingnan mo ay kalaki-laki ng muscles at matipuno talaga ang mga katawan pero kapag nabuking sobra pa kung kumembot kesa sa mga babae." Natatawang dagdag ko sa tanong ni Wesley at nakitawa din silang dalawa.

"Well simulan natin ang ilan sa mga ilang senyales ng mga Guys, este "GAYS" na mahilig magkubli sa anino ni Adan!" bangka na naman ni Andres at umayos kami ng upo ni Wesley.

"Una, paiba iba ang lalim ng boses nila depende sa kausap. Pansinin mo kapag kausap ang pang karaniwang girls, normal lang. Iba naman ang timbre kapag mga guys ang kausap. At lalong mas malalim ang boses kapag tatay na o utol nya ang kausap." Banat ni Andi na animo'y bihasang bihasa sa pagkilatis sa mga lalake.

"Hagisan mo ng ipis, kapag tumili yan beki na yan! Ha Ha Ha!" Banat ko at bigla napangiti si Wesley sa sinabi ko.

"Pangalawa, nakapilantik ang mga daliri na akala mo bagong manicure palagi. Yan yung halos humiiwalay na ang hinliliit dun sa apat pa niyang mga daliri." At ginawa ni Andi ang sinasabi ko para makita ni Wesley.

"Ahhh---" at ginaya din ni Wesley si Andi ngunit mabilis na umiling at nanginig na parang nandiri sa ginawa niya at sabay kameng tumawa ni Andi.

"Pangatlo, May dala laging pouch bag. Ang laman.. powder, foundation, salamin, lip balm at samut saring pang retouch. Pag nabuking, sasabihin niya na metrosexual lang talaga siya!!" nang gagalaiting komento ni Andi.

"Ano ka ba! Galit na galit lang teh?" pinandilatan ko si Andi at nagpalipat lipat ang tingin saamin ni Wesley.

"Ano ba yung METROSEXUAL?" Kunot noong tanong ni Wesley.

"Yung mga lalaking "vain" or banidoso masiyado sa katawan." Sagot ko naman.

"Banidoso?! Kalokohan ang sabihin mo METROSEXUAL dahil isang METRO nalang baklang bakla na sila!" Singhal ni Andi.

"BWAHAHAHAHAH AHAHAHAHAHA HAHAHAHAHAH!" Malakas na tawa namin ni Wesley dahil sa galit na galit na itsura ni Andi sa mga PA MEN. Kung may sipon lang ako kanina pa lumubo kakatawa.

"Bakit ba galit na galit ka? Dapat nga magmamahalan tayong magkaka lahi diba?" mahinahong alo ko sa kanya.

"Eh kasi nga nauubos na ang mga LALAKE, dumagdag pa sila sa populasiyon naten, it means maraming kakumpitensiya nandiyan ang mga babae at silang mga paminta!" hindi mapigil sa pag eemote si Andi.

"Hoy, bilyon ang tao sa Earth hindi ka mauubusan, makaarte akala mo naman kagandahan!" ngiwing sagot ko sa pag iinarte niya.

"Yan tayo eh, palibahasa may itsura ka. Pero kaming mga average looking medyo mahihirapan na." Maarteng tugon niya. Average looking daw oh? Daming alam nito di pa pumanaw!

"Teka nga nalilito ako eh." Napakamot si Wesley sa batok niya. "Straight men ba lahat ang hanap ng mga gay, bi at mga transgender?"

"Good question Ongapuco. Well, siyempre majority ng populasiyon namin gusto ang straight guys kung may available. Pero yun ang pinaka rare mahanap sa lahat, its either makakakuha ka pero gagatasan ka yung iba naman by chance curious sila at mas marami one night stand." Paliwanag ko at mukhang nakuha naman niya.

"Pero nitong mga nagdaang dekada dahil nagkakaubusan na pure blood na lalake sa Earth. Nagkakainan na sila. Ching!" natatawang singit ni Andi. "Ngayon, nauso na yung KAPWA KO MAHAL KO Foundation."

"Huh? Ano yun?" lalong na nalilitong tanong ni Wesley. Mukhang kukulangin ang bente kwatro oras na paliwanagan sa lalakeng 'to.

"Pamintang Durog to Pamintang Durog? Pamintang Buo to Pamintang Buo? Gets mo?" sagot ko kay Wesley at unti unti siyang napanganga.

"Eh ang kayo ni Andi? I mean may case ba na gay to gay?" natatawang tanong niya at nagtakip ng bibig na parang bata.

"Tibay naisip pa talaga niya yun?'

"Wititit! Sukob yun, Isa yung sumpa sa lahi namin!" mabilis na kontra ni Andi.

"Pero may mangilan ngilang cases ng isang tomboy at isang bakla ang nagkakatuluyan. Yung iba nga nagpapakasal pa nga eh."

"Whoaah, No way!" halos mapatayo pa si Wesley sa kinauupuan niya sa sinabi ko.

"Eh di elibs ka nama naman! Hahaha!" malakas na tawa ni Andi.

"Oh Next!" singhal ko kay Andi.

"Pang apat, mapapansin mo ang primary pic/post nila sa facebook ay laging todo ang emote, nakapout ang bibig at nagpapasingkit ng mata sa mga pictures. Minsan labas ang dibdib/abs na pina ngangalandakan sa social media." Feel na feel na recite niya.

"Ganyan ka ba Ongapuco sa mga social media account mo?" biro ko at pinandilatan niya ako.

"Hindi ahh! Unless nasa beach ako." mabilis na sagot niya. Defensive!

"Pang lima, madalas nasa outfit din yan, kapag napansin mong nakasuot ng hapit na polo at nakatayong kwelyo with excessive accessories, magduda ka na!!" at sabay kaming napatingin sa suot ni Wesley at binato niya kami ng nilukot na tissue. Pikon!

"Pang anim, malikot ang mga mata na animo'y may hinahanap pag nasa publikong lugar. Saka lang tutuwid ang paningin nyan pag may naispatan ang target niya. Yun na!!" natatawang tinitigan ko si Wesley sa mata. Mukhang tangang nakatingin ng tuwid sa amin si Wesley at hindi man lang gumagalaw ang ulo.

"Pang pito, nasa pananalita din yan, pag may alam na Gay words, aba magtaka ka na!! Macho pero marunong sa gay lingo? Ay iba na yan teh!"

"Keribels, lang ang alam ko na gay linggo doest it count?" mukhang guilty at nakangusong sagot niya. He's so adorable.

"Don't worry Papa Wesley, ako na nagsasabi lalake ka amoy mo pa lang alam ko ng straight ka."

"Hehehe Thank you Andi." Napakamot siya ng ulo habang tumatawa.

"Pang walo!" Inirapan ko si Andi. "Pamachong effect lagi!! Skin head kuno. May konting bigote kunwari pero part of disguise nila yan. The more na macho look sila, the more na hindi sila mahahalata! HUWAG MAGPALINLANG!!" litanya ni Andres.

"Pang siyam, mahilig tumambay sa gym pero di naman masyadong nagwowork out. Mas nauna pang nagkamuscles ang mata sa kakasulyap at kakatanaw ng mga lalaki sa gym kesa pagtuunan ng pansin ang dumb bell sa harap nila." Sinimangutan ako ni Wesley matapos akong magsalita.

"Nag gi-gym ka ba Papa Wesley?"

"Sa bahay o kaya sa place nila Kenneth kapag may time kaming dalawa." Pahina ng pahina ang boses niya. At parang tangang nag i-imagine naman si Andi sa sinabi ng Wesley.

"Yan lang ang mga bagay na madali mong makikita sa mga closet guys/gays. Pero hindi por que isa sa mga senyales na yan ay meron ka eh ibig sabihin closet queen ka na. May mga tao talagang likas ang pagiging vain o banidoso sa katawan nila, may lalaking mahilig ding iladlad ang katawan dahil proud sila, may nag gi-gym dahil health consious sila at kahit sino pwedeng tamaan." Mahabang paliwanag ko kay Wesley sak alang siya nakahinga ng maluwag.

"Pero may mga tao pa din magaling magtago ng katauhan nila. At meron ding mga taong magaling manghuli sa mga nagtatago sa kanila." Si Andi na ayaw magpatalo sa discussion namin. "Malalaman mo lang yun unless meron kang nung isang "rare na skill" ng mga ikatlong lahi." Nakangiting habol pa ni Andi.

"Rare na skill ninyo? A-Ano yun?" at nagpalipat lipat siya ng tingin sa amin ni Andi.

"GAYDAR" seryosong sagot ni Andi na akala mo isang kapangyarihan ang pagkakaroon ng gaydar.

'OA ampota.'

"And GAYDAR means?"

"GAYDAR means "Ability to sense a homosexual" An ability to recognize one another intuitively or by means of very slight indications." At namamangha namang napapa nganga si Wesley sa sinabi ko.

'Bagay sila ni Andi pareho silang may saltik kausap!'

"Wow, kakaiba at kahanga hanga pala talaga ang third sex. Aside from you guys has a lot of sense of humor na napapasaya ang maraming tao, multi talented in any field, may rare skill pa kayo na wala ang ibang normal gender." Bilib na bilib na sagot ni Wesley at mahinang pumalakpak at tumango tango lang kami ni Andi.

"Pero hindi din madali ang buhay ng isang third sex member." Mahinang dugtong ko habang nakatitig sa iniinum kong kape.

"Tama ka diyan seshie. Bata ka palang hinuhusgahan kana ng mga tao sa paligid mo. Tingin nila sayo ay daig mo pa ang may nakakahawang sakit. Nakapag dumikit ka sa mga kalaro mo mahahawaan mo sila ng pagka bakla mo." Mapait na kwento ni Andi sa kung ano man ang naglalaro sa isip niya.

"Babastusin ka, mamaliitin ang kakayahan mo, papaasahin at palaging last option. Dahil kaming mga nasa third sex ay hindi kasamang nilikha ng diyos kagaya ni Adan at Eba. Pero kahit kwestiyonable ang existence naming mga nasa LGBT community, we always strive for excellence. Nag e-excel kami sa lahat ng bagay, na kung kaya nila mas kaya namin dahil dalawa ang kaluluwa ang nasa loob ng katawan namin." Napabuntong hininga ako ng malalim. Bakit ba biglang naging malungkot ang ambience?

"I'm sorry to hear that."

"Don't feel that way Wesley. Hindi kami nag exist para kaawaan. We believe that we exists because mankind needs an UPGRADE." Mayabang na sagot ko sa kanya at sabay sila ni Andi na napalingon sa akin at unti unting napapangiti.

To be continued...