webnovel

LUCKY FIFTY SIX

CHAPTER 56

KENNETH'S POV

"W-What?" Napatayo ako sa kinauupuan ko dahil sa sinabi niya. Ramdam na ramdam kong nangatal ang pang ibabang labi ko.

"Don't what what me Kenneth." Pagtataray niya pa at talagang seryoso siya sa sinasabi niya.

"No, that's ridiculous!" padabog akong umupo sa tabi niya.

'Nababaliw na ba siya o pinagti-tripan niya na naman ako tulad ng lagi niyang ginagawa?'

"Wala talaga sigurado ka?" hamon niya at sarkastikong ngumiti.

Naiinis ako sa sarili ko dahil wala akong maisagot sa kanya. Kung kanina tuwang tuwa akong asarin siya ngayon napipikon na ako dahil wala akong magawa sa pang aasar niya.

"Masiyado atang mataas ang pangarap mo." Ma angas na sagot ko sa kanya at medyo nanahimik siya sa sinabi ko.

'Shit, baka mapikon na naman siya sa kaprangkahan ko.'

"Tama ka. Masiyadong mataas yung pangarap ko kaya nga nag give up na ako eh." Ngiting sabi niya habang sa malayo nakatingin.

"N-Nag give up?" napapalunok na tanong ko pero hindi siya lumilingon.

"Ang sabi nila kung mangangarap tayo huwag yung masiyadong mataas, mangarap tayo na naka base sa katotohan. Para kung sakaling hindi natin maabot yung pangarap na yun hindi rin masiyadong mataas yung babagsakan natin at hindi tayo masiyadong masasaktan." Ngiting lingon niya sa akin.

"So sinasabi mong hindi mo ako kayang abutin?" mahinahong sagot ko. Gusto kong malaman ang iniisip niya o kung ano mang tumatakbo sa utak niya ngayon. Ayokong maulit yung pagtatampo niya sa bus nung papunta kami dito sa Baguio.

"Kaya naman." Lumingon siya at hinawakan at pinisil pisil ako sa balikat.

"A-Anong ginagawa mo?" inalis ko ang kamay niya sa balikat ko.

"Sabi mo kasi hindi kita kayang abutin." Ngumiti na naman siya. Hindi ko alam kung maiinis ako o matatawa sa kanya. Minsan matalinghaga siya ngayon naman napaka literal niya. Pero ang totoo naiinis talaga ako sa tuwing ngingitian niya ako ng ganun pakiramdam ko may kalokohan na naman siyang gagawin.

"So ibig sabihin pinapangarap mo nga ako?" napapangiting sagot ko sa kanya. Hindi ko maitindihan ang sarili ko ngayon.

"Why not, libre naman ang mangarap." Kinindatan niya ako.

"Ang sarap sarap mo talagang kausap." Sarkastikong sagot ko sa kanya.

"Mas masarap pa sa prayd tsiken?" parang batang tanong niya.

'Kakaiba talaga siya sa lahat ng taong nakilala ko. He doesn't care what other people might say about him. He eats like a construction worker and he's minds works differently than most. Hindi siya nahihiyang magpakatotoo sa sarili niya sa harap ng ibang tao. Lucky's very adorable. Maybe that's the reason why my cousin fall in love with him.'

(A/N: Paumanhin po sa mga construction worker na makakabasa nito. Ching! Ginamit ko lang po na example yung salitang "Construction Worker" para i-describe yung way nila kumaen pero hindi ko po sila nilalahat.

Ang ibig sabihin lang po ng parang construction worker kung kumain, eh yung mga taong walang

arte kung kumain, kahit naka kamay lang, kahit naka tayo o naka salampak sa sahig, deadma na.

Diba kasi yung mga construction worker mabilis kumain, wala silang paki at madalas

gaga-bundok ang kanin. But it doesn't mean na balahura o madumi sila kumain. Parang koboy (cowboy). Hehehe)

"Hmm. Secret." Hindi ko alam pero minsan hindi ko rin mapigilang patulan ang pang ti-trip niya.

"Sabihin muna please, tas sasabihin ko rin sayo yung totoo promise." Nakangusong pang uuto niya sa akin.

'Sorry hindi muna ako madadaan sa paganyan ganyan mo Gonzaga hind ako si Wesley.'

"Wala namang masama kung aaminin mong gusto mo ko. Huwag kang mag alala sanay na ako na maraming nagkaka gusto sa akin noon pa." Tinapik tapik ko siya sa balikat.

"Talaga? Ako rin naman sanay na. Pero nung umamin ka pakiramdam ko tuloy yun ang una." Makahulugang sagot niya.

Naguguluhan na talaga ako kung anong tinutukoy niya. May kinalaman kaya to sa sinasabi niyang pinag usapan namin sa suite nung hinatid niya kami ni Wesley kagabe?

"Look, kung may nasabi man ako sayo kagabe na kung ano, I swear to God wala akong maalala."

"Wala yun ang totoo bininiro lang kita sinakyan mo naman." saka siya tumawa.

Sinasabi ko na nga ba eh pinati-trip na naman niya ako eh. Nilapitan ko siya at kinurot ko ang magkabilang pisngi niya.

"Ikaw, wala ka ng ginawang matino lagi mo nalang akong pinag ti-tripan!" pinaggigilan ko siya ng sobra.

"Bitawan mo ko kung ayaw mong ikaw ang panggigilan ko!" binitawan ko siya kaagad baka yung ano ko na naman ang panggigilan niya mahirap na.

"Tapusin mo na yang paninigarilyo mo bumalik na tayo sa loob baka nag aantay na sila." Aya ko sa kanya. Inantay ko lang siyang matapos manigarilyo kaya habang nag aantay nilibang ko muna nag sarili ko sa paglalaro sa cellphone ko.

"Ay shet na malagket!" bigla siyang napatayo at nagpagpag ng sweat pants niya. Napansin ko na lang nakatumba yung bottled water sa kinauupuan niya.

"Oh, gamitin mo to." Inalok ko yung panyo ko.

"A-Ayos lang ako." Tanggi niya.

"Anong ayos basang basa yung pwet mo oh." Turo ko sa likod ng pants niya. Nag aalangan pa siyang tanggapin yun nung una pero wala rin siyang nagawa at tinanggap din ang panyo ko.

"Palagay muna sa bulsa mo." Mahinang paki usap niya habang inaabot sa akin yung cellphone niya.

"Paalala mo rin mamaya baka makalimutan kong ibalik sayo 'to." Sambit ko habang inilalagay ang cellphone niya sa bulsa ng jacket ko. Pagkatapos niyang magpatuyo saka kami naglakad pabalik.

Papasuk na kaming dalawa sa loob ng masalubong namin ang ibang schoolmates ko na palabas na rin ng convention center. Maraming babaeng students ang naglakas loob na lumapit at nag papicture sa akin habang naglalakad kami.

Gusto kong matawa dahil ginagawa nilang taga kuha ng picture si Lucky sa tuwing may lumalapit sa akin. Hindi naman siya nagreklamo at wala rin siyang magawa kundi ang sumunod at kunan kami ng picture. Kaso sa bawat kuha niya ng picture panay rin ang reklamo nila dahil ang papangit daw ng shots niya.

'If i know ayaw lang niyang nilalapitan ako ng iba. Tsk tsk tsk!'

"Sorry miss, hindi ko kasi suot yung contact lens ko kaya hindi ko masiyadong makita." Hinging paumanhin niya sa kanila at wala naman silang magawa.

"Totoo yun? Malabo na ang mata mo?" usisa ko sa kanya habang nag aantay kami sa mga kaibigan namin sa labas. Nagtext kasi si Wesley na papalabas na sila kaya hindi na kami pumasok sa loob.

"May astigmatism ako at 75-100 na yung grado ng mga mata ko."

"I see. Kaya pala nung una kitang makita sa Guidance Office noon naka salamin ka." Tatango tangong sagot ko.

"Ahh yun ba, malabo lang mata ko pero malinaw pa rin ang pandinig ko." Sagot niya na ikinalito ko.

"And what's that supposed to mean?"

"Wala. Perfect vision nga may short term memory naman. " mahinang bulong niya pero sa iba nakatingin.

Gusto kong pitikin yung bibig niya ng paulit ulit sa gigil. Parehong pareho sila ni Ytchee magkabigan nga sila.

"Hindi nga ano yun?" pamimilit ko sa kanya. Lumingon siya pero ang tinging ubos na ang pasensiya.

"Fine, sinabihan mo akong "Stupid" that time remember?" masungit na tugon niya. Napahiya ako pero hindi ako nagpahalata.

"I-I did?" maang maangan ko kahit alam kong hindi ako makakalusot sa kanya. Inirapan niya lang ako at hindi na ako kinibo.

"Okay fine, i did." Mabilis na pag amin ko.

Ewan ko ba kung bakit napapasunod ako ng kumag na 'to sa gusto niya. Minsan hindi ko maitindihan ang sarili ko kapag kasama ko siya. Nagiging sunud sunuran ako na parang aso. Naiinis ako sa sarili ko lalo na sa kanya.

"Mabuti naman marunong kang umamin."

"Of course hindi pa naman ako ganun kasama."

"Masama kaagad hindi ba pwedeng nagsasabi ka lang ng totoo?" natatawang sagot niya.

'Ano bang problema niya umamin na nga ako tapos ngayon babaliktarin na naman niya yung kwento.'

"So are you saying that you're really stupid?" pagkokompirma ko. Kung mali man ang iniisip ko bahala na siya, siya naman itong magulo kausap eh.

"Most of the time NO. But lately YES." Lalo lang akong naguluhan sa sinabi niya. Yan na naman siya sa pagiging matalinghaga niya. Mahirap bang derechuhin na lang kung ano mang gusto niyang sabihin?

" Kahit kailan hindi ko talaga maintindihan ang takbo ng utak mo!"

"All i can say is that i'm capable of being stupid on my own." Nakangiting sagot niya habang nakatingin sa mga naglalakad na mga schoolmates namin.

'Kahit kailan hindi ko talaga kayang intindihin ang lahi niya.'

"I don't understand."

"Then don't, kahit ako nahihirapang intindihin ang sarili ko eh." At bigla siyang kumaway at nakita kong papalapit na sila Wesley at ang mga kaibigan niya.

Pinapainit niya talaga ang ulo ko. I just can't get enough of him. Palagi nalang siyang may iniiwan na palaisipan sa twing nag uusap kame and i hate that.

"WE ARE THE CHAMPION MY FRIENDS! AND WE'LL WE KEEP ON FIGHTING TILL THE END" kinakantahan ni Andi at Marlon si Lucky habang papalapit sa amin. Pinagtitinginan na kami ng ibang students na dumaraan pero hindi na nila iyon pinapansin at tuloy lang sila sa ginagawa.

"WE ARE THE CHAMPIONS! WE ARE THE CHAMPIONS!" sabay na kanta ni Andi at Marlon habang kumukumpas kumpas pa ang mga kamay sa ere.

"NO TIME FOR LOSERS, CAUSE WE ARE THE CHAMPIONS OF THE WOLRD!" hindi naman nagpatalo si Wesley at Ytchee sa dalawa at gumawa rin sila ng sarili nilang choreography habang kinakanta ang huling linya.

"GROUP HUG!" Sigaw ni Ytchee at Andi. Wala naman kaming nagawa ni Lucky kundi ang lumapit sa kanilang apat.

Bago mag group hug sinenyasan ako ni Wesley na pagitnaan namin si Lucky. Parati na lang kasi siyang naiipit nung tatlo sa twing mag gu-group hug sila. Ang korni pero aaminin ko nag eenjoy akong kasama sila ngayon.

"Para kayong mga timang mamaya anong isipin ng mga makakarinig sa inyo." Pinaghahampas sila ni Lucky.

"Inday, minsan lang mag champion ang IV-MOCKINGJAY kaya lubus lubusin na naten." sagot ni Andi

"Tama, ikaw talaga ang nagdala ng swerte sa section naten may pa bonus pang mga pogi, Maygad!" singit ni Marlon habang nakatingin sa aming mag pinsan.

"Oo, pero bago yun isang tumpok ng taeng kamalasan ang naapakan ko kaninang umaga." Nakangiwing sagot niya.

"Anong plano naten saan tayo pupunta?" inakbayan ni Ytchee si Lucky. Oo nga muntik ko ng makalimutan bago ako lumabas ng hall kanina ina-announce na ang natitirang oras after ng program ay para sa amin na kaya free kaming gumala kahit saan.

"Saan niyo ba gustong magpunta? Please huwag na sa mga Museums nauumay na kami ni Wesley kakaikot dun kahapon." Sagot ko at halos natawa sila sa naging reaction naming mag pinsan.

"Ughh." Ungol ni Wesley ng marinig niya yung sinabi ko.

"Dapat yung exciting, yung tipong pagpapawisan yung kili kili ko!" singit ni Ytchee.

"Lucky, gusto mo pa rin bang mag bike sa Burnham Park?" dinig kong bulong ni Wesley kay Lucky. Tumango lang ito habang nakangiti sa kanya.

"Oo tama dun na lang tayo hindi ko pa na experience may bike sa Burnham Park!" singit ni Andi sa dalawa.

"Kung okay lang sa iba, nag promise kasi ako kay Lucky na sasamahan ko siyang mag bike dun eh." Nahihiyang balita ni Wesley habang nagkakamot ng ulo.

"So nagpa-plano kayong dalawa ng di kami kasama, ganern!?" si Marlon. Hindi na naman lingid sa kanila ang nararamdaman ni Wesley para kay Lucky. Kaya hindi na nakapagtataka na gusto niya itong ma solo paminsan minsan.

"Day off ni Inday may deyt kayo ni Dodong?" pang aasar ni Andi.

"Bugak, nasabi ko lang sa kanya nung isang araw na gusto kong mag bike dun. Sabi niya sasamahan daw niya ako kapag may libre tayong oras kagaya nito." Maikling paliwanag niya. Tumango tango lang sila pero halatang hindi sila kumbinsido sa paliwanag niya.

"Game ako diyan! Tapos mag karerahan tayo ang matatalo manlilibre ng dinner mamaya!" mabilis na sangayon ni Ytchee sa idea nila.

"How about horseback riding?" suggestion ko sa kanila. Nanlaki ang mata ni Lucky ng marinig niya yung sinabi ko. Nakaramdam ako ng konting tuwa dahil mukhang mas nagustuhan niya yung suggestion ko kesa kay Wesley.

"Gusto mo rin bang sumakay dun?" nakangiting tanong ni Wesley kay Lucky. Tumango tango siya ng mabilis at parang batang excited na maka kita ng kabayo.

'Tss, kahit kailan talaga parang isip bata to.'

"Kaso takot ako baka bigla akong malaglag." Nakangusong sabi niya kay Wesley.

"Aalalayan kita don't worry."

"May mag ga-guide naman kaya safe sumakay dun. Tututuran kita magaling ako mangabayo!" boluntaryo ni Ytchee.

"Ay, Oo Inday baka hindi mo naitatanong kamag anak yan ni FPJ kaya sanay na sanay yan mangabayo." Pang aasar ni Andi kay Ytchee inambaan siya agad nito ng suntok.

"Talaga? Sige sige na e-excite na ako!" sagot ni Lucky at umakap pa sa braso ni Wesley.

'Psh, pwede namang ma excite ng hindi yumayakap diba?'

"So are we settled?" singit ni Marlon at lahat kami naman kami sumang ayon.

Napag usapan naming magkita after 30 minutes para makapag pahinga at makapag palit ng damit. Naghiwahiwalay na kami dahil mas na una silang bumaba ng elevator kesa sa amin ni Wesley.

"Saan mo pala siya nakita kanina bro?" bungad sa akin ni Wesley pagsara ng pinto ng elevator.

"Dun sa wooden bench malapit sa park."

"Kumaen na daw ba siya?" may pag aalala sa tono niya.

"Naabutan ko siyang kumakaen sa park kanina." Nakangiting sagot ko . Naalala ko na naman kasi yung itsura niya sa park kanina ng mahuli ko siyang kumakaen mag isa. Walang ka finesse finesse, para talaga siyang construction worker kung kumaen.

"Talaga, saan daw galing yung pagkaeng dala niya?" nagtatakang tanong niya habang papalabas kami ng elevator.

"Kinuntsaba daw niya yung mga staff sa buffet area kanina." Hindi ko napigilang tumawa ng mahina.

"He always does that." Iling ni Wesley.

"Does what?"

"Always act the opposite of what we expect about him." Nakuha ko agad ang pinupunto niya dahil yun din ang observation ko kay Lucky noon pa.

"Yeah, akala ko noon kagaya lang siya ng iba." Nauna ako ng pumasok sa loob ng suite dahil na sakin ang susi. Pagpasuk namin mabilis akong humiga sa kama.

"Mauna na akong maligo sayo bro. Pinagpawisan ako sa convention center kanina." Tumango lang ako bilang pagpayag. Gusto ko munang mahiga at ipahinga ang utak ko.

Nakatulala lang ako habang nakahiga sa kama. Ewan ko pero automatic na nag flash back sa utak ko ang lahat ng nangyari kaninang umaga.

*Nang samahan kami ni Mj at mahuli namin si Lucky at Sir Adam sa suite niya.

*Magkainitan kami ni Wesley sa elevator dahil kay Lucky.

*Yung mga narinig kong usapan nila Ytchee at Lucky sa lobby kasama yung batang Kenneth.

*Nang ibalik samin ng staff ng hotel sa lobby yung earphone ni Lucky.

*Yung nalaman namin ang tungkol sa hearing nila sa mga board members.

*Yung asaran namin kanina bago magsimula yung singing contest.

*Pinaka paborito kong part yung kumanta siya kanina tapos in-announce na siya yung nanalo.

*Pero ang pinaka tumatak sa akin ay yung kumain kami sa labas habang naka upo sa wooden bench sa park.

Hindi ko mapigilang mapangiti sa saya. Paulit ulit kong ikinakampay ang mga kamay at paa ko ng magkasabay sa ibabaw ng kama. Para akong batang na excited sa bago kong laruan. Hindi ko maintindihan pero parang kinilig ako na ewan. Dumapa ako sa kama, nagtakip ako ng unan sa ulo saka ako tumawa ng malakas.

Naramdaman kong nag vibrate ang phone ko sa bulsa ng sa jacket ko. Kung sino man ang tumatawag siguro naman makakapag hintay siya. Gusto kong manatili sa ganitong mood nakaka relax at nakaka excite. Huminto ang pag vibrate ng phone ko pagkatapos ng ilang minuto pero sinundan ito ng dalawang magkasunod na vibration.

Maya maya may nag vibrate na naman sa bulsa ng pants ko. Bigla akong napabalikwas ng bangon sa kama ng maalala kong nasa akin din pala ang cellphone ni Lucky.

"Shit!" mabilis kong hinugot sa bulsa yung cellphone niya. Si Doraemon na Wallpaper agad ang bumungad sa akin. Humiga ulit ako sa kama.

'Wallpaper, wallet at bag lahat Doroaemon. Tss, parang bata.'

Napansin ko ring wala siyang inilagay na anumang app lock sa phone niya kaya ng binuksan ko bumungad agad sa akin yung notification ng phone niya.

1 MISSED CALL FROM JIGGS.

1 NEW MESSAGE

Nang i-drag ko yung notification bar aksidente kong nabasa yung bagong message.

FROM: JIGGS 12:45PM

How's Baguio? Call me. I miss you. I love you. :D

Biglang uminit agad yung bumbunan ko ng mabasa ko yung text message ng lalake niya. Ibinaba ko ang cellphone niya sa kama.

'Jiggs? Taga Carlisle ba siya? James? John? No, Jasper. Tama jasper yung name ng ex niya na pupunta sa States diba? Sino naman tong Jiggs?'

Ughh. Hindi ako maka pag concentrate sa pag iisip dahil naalala ko yung text message na nabasa ko kanina. Ang sama sama ng loob ko. Parang may kung anong tumutusok tusok sa dibdib ko ngayon at iritang irita ako. Pakiramdam ko tuloy pinagtataksilan niya ako. Hindi ako mapakali at nag paikot ikot na ako sa kama.

"I miss you? I love you? What the hell is that mean?" iritabling sambit ko sa sarili.

'Kaya pala ayaw niya sa pinsan ko kasi may iba na siyang lalake. Ano bang klaseng laro ang gusto mo Gonzaga? Parang gusto ko ng maniwala sa mga sinasabi ni Mj about kay Lucky.'

Umayos ako ng higa ako sa kama. Hindi ako mapakali kailangan ko talagang malaman kung sino Jiggs na yun. Alam kong invasion of privacy itong gagawin ko pero kailangan kong malaman kung may lihim siyang itinatago. Iniangat ko yung cellphone niya sa bandang mukha ko. Una kong binuksan yung Gallery niya. Iilan pa lang ang pictures. Una kong na pinindot yung Camera Folder niya. Unang bumungad sa akin yung picture ni Wesley habang kumakanta sa videoke sa suite nila. Sumunod pictures ng mga kaibigan niya nung inuman namin kagabe. Karamihan picture nila ni Ytchee. Si Wesley ulet na nakasandal sa kama habang nakapikit. Ako habang naka sandal at umiinum pero ang mata ko nakatingin sa camera.

Napaupo ako sa kama. May picture ako sa phone niya? Napangiti ako pero agad din akong napasimangot nung naalala ko na naman yung nabasa ko kanina.

Browse. Browse. Browse hanggang makita ko ang isang video. Ako ang nasa screen habang nakahiga sa kama.

Isa yung video na kuha sa loob ng suite namin ni Wesley. Kinakabahan na ako kahit hindi ko pa nakakita ang laman ng video. Lumingon ako sa CR. Alam kong matagal maligo si Wesley 10-15 minutes tops. Mabilis akong nagpunta sa terrace at isinara ng bahagya ang pinto. Napapikit ako saka ko pinindot yung screen para mag play yung video.

"Yan si Ongpauco, ang batang lasenggero. Wesley. Wesley bukas ipapakita ko sayo 'to, nakakahiya kalalaking tao dapa!" Natatawang sabi ni Lucky habang nakatutuk sa pinsan ko ang camera.

"Ikaw humiga kana babalik na ako sa suite pinasasakit niyo lang magpinsan ang ulo ko." Sa akin naman nakatutuk ang camera kung saan nakaupo ako sa kama at nakatingin sa kanya.

"M-Mahal mo ba ang pinsan kuh? Shi Weshley?" mababakas sa tono ng boses ko na lasing na ako.

"Mahal?" Ahh-- Oo Mahal. Mahal-laga siya sa akin." Derechong sagot ni Lucky.

"Mahal muh, p-pero bakit ipinahiya mo ang pinsan ko?"

"Nagsasabi lang ako ng totoo dahil yun ang tunay na nararamdaman ko."

"Alam mo ba kung anong magiging epekto nun sa pagkatao niya dahil sa ginawa mo?"

"Look, Kenneth nakapag usap na kami ng masinsinan ni Wesley tungkol sa issue na yan. Case closed."

"Mukha nga eh. So kayo na? Masaya ka na kasi isang Wesley Ongpauco ang nabingwit mo?" sarkastikong sagot ko habang nakaupo sa kama. Sa itsura ko parang hirap na hirap akong ibalanse ang katawan ko dahil sa kalasingan.

"Oo masaya ako aaminin ko.." Napangisi naman ako habang nakaupo at napakamot ng ulo.

"Psh, Oo naman lugi ka pa ba sa isang Wesley Ongpauco? Dapat talagang maging masaya ka."

"Masaya talaga ako. Dahil sa unang pagkakataon nakapag desisyon din ako ng tama para sa sarili ko."

"Anong tama sa naging desisyon mo? Magiging katatawanan lang ang pinsan ko sa campus dahil sayo." Sigaw ko habang dinuduro ko siya.

"Pinili ko ang mas makakabuti para sa aming dalawa yun ang intindihin mo.." napa kuyom lang ang parehong palad ko habang nakayuko. Nakaupo ako at nakapatong ang dalawang kamay ko sa magkabilang hita ko.

"Ang sabihin mo ang mas nakakabuti lang para sayo."

"Ano bang problema mo, hindi ka ba masaya sa naging desisyon namin ng pinsan mo?"

"Kahit kailan hindi ako magiging masaya para sa inyo! O para sa pinsan ko!" Mariing sagot ko habang nakatingin sa kanya.

"Huwag ka namang ganiyan Kenneth, pinsan mo si Wesley hindi siya ibang tao."

"I can't! Hindi ko kaya! Hindi ko kaya!" pagmamatigas ko sa harap niya.

"Anong hindi mo kaya? Nababaliw ka na---"

"Dahil hindi ko kayang magpanggap na masaya sa tuwing nakikita kong kasama ka niya." Titig na titig ako sa kanya.

Namanhid bigla ang mukha ko sa naririnig at napapanuod ko.

"B-bakit---"

"COZ THAT SHOULD BE ME! Ako dapat yun Lucky! Ako!" Walang control sa sariling turo ko sa dibdib ko.

Mukhang napaupo siya bigla dahil nag iba ang anggulo ng camera.

"Matulog ka na lasing ka lang kaya hindi mo alam ang pinagsasasabi mo." nadinig kong napabuntong hininga si Lucky.

"Ako dapat yung masaya at palaging tumatawa sa tuwing kasama ka."

"Ako dapat yung palagi mong kasama sa tuwing masaya at malungkot ka."

" Ako lang!"

"Tigilan mo na yan Kenneth. Hindi ka na nakakatawa."

" Ako lang dapat yung ka text o kausap mo sa cellphone minu-minuto."

"Ako lang dapat ang pwedeng humahawak sa kamay mo, yumayakap at humahalik sa noo mo. Ako lang! Ako lang! Ako lang naiintindihan mo?!" pasigaw na sumbat ko sa harap niya. Namumula at nanlilisik ang mga matang naka titig ako sa camera.

Sa video bigla akong humiga sa kama. Itinakip ko pa ang parehong kamay sa magkabilang mata ko. Hanggang dahan dahan itong bumagsak sa kama. No wonder wala akong maalala nag black out na ako sa pagod.

Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayon. Hindi ko man lubos na maalala ang mga pinag usapan namin but deep inside me i know its all real. It felt so real. Do i really like him that much?

"KINGENANG TO, HINDI MAN LANG AKO PINAGSALITA NG MAAYOS TINULUGAN NA AKO AGAD!" singhal niya. Natawa ako ng mahina sa naging reaction niya. Nakuha nya pang magbiro pagkatapos niyang marinig ang confession ko.

"TSS, KAHIT HINDI NA PALA KITA LIGAWAN SASAGUTIN MUNA AKO EH." Sigh.

"KAHIT GUSTUHIN MAN NATIN PAREHO ALAM MONG HINDI PWEDE. MARAMI TAYONG MASASAKTANG TAO. UNA YANG PINSAN MO. PANGALAWA PAMILYA MO. PANGATLO YUNG MGA ADMIRERS MONG MAY TAGAS ANG MGA UTAK. IPAPAPATAY NILA AKO YUN ANG SIGURADO." Nagbitaw siya ng malalim na hininga bago niya tinapos yung video.

Unti unting nag pa-flashback sa utak ko yung pinapanuod ko. Mabilis na pumipintig pintig ang sintido ko kasabay ng malakas na pagkabog ng dibdib ko.

I'm freaking out! Hindi ko matanggap. Nanginginig ang mga kamay ko. Nahihirapan akong tanggapin ang katotohanan. Hindi ako makapapayag na mangyari din to sa akin. Ayoko. Ayoko. Hindi to tama wala to sa mga plano ko. Erase! Erase! Erase!

'Anong sasabihin sa akin ng family ko? Nang mga team ko sa basketball? Ni Wesley? Ng ibang kakilala ko? Hindi ganito klaseng love story ang pinapangrap ko. Kung kanina na parang mababaliw ako sa saya. Ngayon naman literal na akong nababaliw. Hindi ko alam kung paano ko haharapin si Lucky sa kabila ng mga sinabi ko sa kanya kagabe.'

'Pero bakit wala siyang sinasabi sakin? At bigla kong naalala yung mga pahapyaw niya nung nag uusap kami habang kumakaen sa park. Damn it!'

"Iiwasan ko siya. Tama kailangan ko siyang iwasan. Hindi ko na siya kakausapin o kaya titingnan sa mata." Parang akong tangang palakad lakad sa terrace.

'No! No! No! Hindi muna siya maririnig kumanta kapag iniwasan mo siya. Hindi muna siya makikitang tumawa. Magsungit, sumimangot, ngumuso o maamoy ang amoy strawberry niyang buhok.'

May parte sa utak kong bumubulong na mangyayari kapag iniwasan ko siya. Nasabunutan ko bigla ang sarili ko sa mga kabaliwang naiisip ko.

"FUCK!" bigla akong napahampas sa mesa. "Ano ba Kenneth!" naiinis na bulong ko sa sarili ko. "Think. Think."

First, he knows how you feel about him. Pero nananahimik siya. Yeah because he's stupid.'

Bigla kong naalala ang pinag usapan namin kanina.

'All i can say is i'm capable of being stupid on my own.' Yun ba ang ibig sabihin niya dun? Kalokohan!'

Second, he also admitted that its really impossible that you guys will end up together. Carlisle Academy will be in chaos, your family will disapprove and for sure Wesley will kill you. Sigh.

Third. I don't know how or when i have been in this emotional roller coaster when i'm with him, but i know for sure my feelings for him right now are for real. I don't know why and i don't know how. But i just did.

Siya lang ang nag iisang taong nagpapainit ng ulo ko, nagpapasaya at sumisira ng araw ko. Ang taong naglakas loob utus utusan ako, sigaw sigawan ako, tawanan ako at higit sa lahat ang manyakin ako. Ngayon nagiging malinaw na sa akin ang lahat. Even if its hard to admit but, i guess i'm into him more than his into me. At yun ang hindi ko matanggap sa sarili ko..

'I can't be brave like my cousin. Now i'm confused. Damn you Lucky Gonzaga.'

Pero para saan pa 'tong mga nararamdaman ko kung meron na siyang iba? Tanga ko talaga. Nangigigil ako kapag naaalala ko yung text message sa kanya kanina. Ganda mo Gonzaga, sarap mong ibaon sa semento. Naiinis ako ng sobra dahil hindi ko matanggap at pakiramdam ko pinaglalaruan lang niya kaming mag pinsan.

'Okay lang makipag landian ka kay Wesley sa harap ko ng wantu sawa. Pero yung may mag "I miss you at I love you" sayo pucha ibang usapan na yun! Nakakapang init ng ulo. Bakit ba sa isang tulad mo pa ako nagkaka ganito? Sino ka ba sa akala mo Lucky huh?'

'I know hate is a strong word but I really hate you. I. Hate. You. Gonzaga!'

"TOK....TOK....TOK" natauhan lang ako ng biglang may kumatok ng sunod sunod sa pinto. Hindi ko alam kung bubuksan ko ba o hindi. Tinatamad akong humarap sa kahit sino. Gusto ko ng umuwe sa amin tumambay at mag laro ng computer games magdamag kagaya ng lagi kong ginagawa.

"TOK....TOK....TOK" Tumayo ako at pumasok sa loob. Pakiramdam ko nakalutang ako habang naglalakad sa loob ng kwarto papalapit sa pinto.

"Bellboy. Bellboy. Sana Bellboy." Mahinang panalangin ko.

Dahan dahan kong binuksan ang pinto.

Pagbukas ko nasa harap ko na yung taong kinamumuhian ko kanina. Kung pwede lang sanang maglaho sa mga oras na to ginawa ko na. Gusto ko siyang sigaw sigawan ngayon sa harap ko. Sisihin siya sa nangyayari sa sarili ko. Pero hindi ko magawa kapag tinitingnan ko siya nawawala na ako sa sarili ko.

LUCKY'S POV

Pagbalik namin ng suite nauna kaming naligo ni Ytchee habang nag aayos naman ng gamit si Andi at Marlon. Paglabas namin ng CR nakakatuwang may inorder pang pagkaen yung dalawa. May mainit at umuusok na tsokolate sa table, may cake, fried rice, fried chicken, beef and wanton soup at siomai platter.

"Wow, kaka touch naman ang katakawan niyong dalawa!" pang aasar ni Ytchee kay Andi paglabas namin ng CR.

"Litsi ka! Naisip ko lang hindi pa kasi kumaen si Lucky kanina kaya nag order na ako habang naliligo kayo." Paliwanag ni Andi. Na touch naman ako kasi naisip niya pa yun. Sabagay wala pala silang alam na may dala akong food paglabas ko ng hall kanina. Ha ha ha

"Sauce, dinaan mo pa sa pagkaen. If i know.." si Ytchee.

"Manahimik ka kung ayaw mo ulet ng ma coma ng 3 years!" banta niya dito.

"Tama na yan, maligo na tayo mamaya mag antay yung mag pinsan kaka kuda niyo." Awat ni Marlon sa dalawa.

"Sauce, kahit mag antay ang mga yun hindi yun magrereklamo. Patay na patay yun dito!" turo ni Ytchee sa mukha ko. Hinampas ko agad ang kamay niya.

"Siraulo!" malisyosong tumingin yung dalawa sa akin bago pumasok ng CR.

"Ikaw may kasalanan ka pa akin!" pinandilatan ko siya habang panay subo niya ng siomai sa mesa.

"A-Ano?" inosenteng tanong niya habang ngumunguya pero ng makitang seryoso ako bigla siyang yumuko. Sinasabi ko na nga ba eh.

"Wala akong sinasabi kay Kenneth.."mahinang sambit niya.

"Wala daw, eh anong kinukuda niya sinabi mo daw na may gusto ako sa kanya?" inambaan ko siya ng kaltok.

"Peksman mamatay man! Wala akong sinasabi sa kanya!" natatarantang sagot niya. Hindi ko alam kung maniniwala ako sa kanya. Magkaibigan sila ni Kenneth kaya hindi malabong ikukuda niya yun sa ungas na yun.

"Lintek, na lalake yun masiyadong pa peymus!"

"Bakit wala ba talaga?" paninigurado niya.

"Isa ka pa." Inirapan ko siya. "Kahit naman meron as if naman may mangyayaring maganda." Balewalang sagot ko.

"So meron nga!" malakas na sigaw niya at nagtalsikan ang laman ng bibig niya papunta sa akin. Hindi ako makagalaw dahil dumikit sa mukha ko yung kinakaen niya. Gulat na gulat siya at hindi makapaniwala sa sinabi ko.

"Kapag malaman yan nila Andi ang tungkol dito ido-donate ko ang lahat ng lamang loob mo sa publiko!" banta ko sa kanya at tumango tango lang siya.

"Sorry! Nabigla lang ako sa sinabi mo." Mabilis siyang lumapit at pinunasan ang mukha ko ng tissue.

"Psh. Kung alam mo lang Ytchee. Mataas pala ang pangarap ah tingnan naten." wala sa sariling sambit ko sa inis. Naglakad ako papuntang terrace para manigarilyo.

"Lucky sinong mataas ang pangarap? Anong dapat kong malaman? Hoy!!" habol niya sa akin.

"Wala magbisyo na tayo peram lighter nawawala yung akin eh." Inabot niya sa akin ang blue niyang lighter. Nag kwnetuhan kami habang nag yoyosi sa terrace.

"Lucky, send mo nga yung mga pictures naten kagabe ipo-post ko sa Facebook." Kalabit sa akin ni Ytchee habang nakasandal ako sa terrace at naninigarilyo.

"Sige wait.." kinapa ko yung bulsa ko. Kinabahan ako ng todo at halos mapatalon ako sa kinasasandalan ko ng bigla kong naalala kung na kanino ang cellphone ko.

"Ang tanga tanga mo!" At nag papa padyak ako. Bigla namang nataranta si Ytchee sa ikinikilos ko.

"A-Anyare?"

"Dito ka lang may kukunin ako!" Nanginginig ang kamay ko habang pinapatay ko sa ashtray yung sigarilyo.

Mabilis akong napatakbo papalabas ng kwarto. Halos liparin ko na ang staircase ng The Manor paakyat sa suite nila Wesley. Habang tumatakbo ako paakyat ng suite nila taimtim na akong nananalangin na sana hindi niya pakialaman ang phone ko.

'Galawin mo na lahat ng bagay sa Baguio huwag lang ang cellphone ko!'

Halos hindi na ako makahinga sa pagod at hingal kakatakbo ng makarating ako sa harap ng suite nila.

"TOK....TOK....TOK" Mabilis na katok ko sa pinto. Kahit ilang segundo pa lang ako sa harap ng pinto inip na inip na yung pakiramdam ko.

'Please Lord, sana wala sa lahi nila nag pagiging pakialamero!'

'Sige na papa Jesus, aaminin ko na may gusto ako sa kanya. Huwag niyo lang hayaang galawin niya ang laman ng phone ko.' Mangiyak ngiyak na ako sa harap ng pinto.

"TOK....TOK....TOK" Wala pading nagbubukas. Kakatok na sana ako ng biglang bumukas yung pinto sa harap ko at bumungad sa akin ang namumutlang si Kenneth.

'Patay na!'

"K-Kenneth." Hindi ko inaasahang siya agad ang makikita ko. Sa reaction niya mukhang pareho kaming hindi inaasahan makita ang isa't isa. Pa simple nalang akong sumilip sa loob para hindi niya mahalatang siya ang pakay ko pero sinilip ko lang talaga kung nasan si Wesley.

"Nasa CR naliligo pa." Walang emosiyong sagot niya. Binuksan niya ng malaki ang pinto para papasukin ako pero nanghihina pa ang tuhod ko sa pagod kakatakbo kaya hindi muna ako pumasok.

"A-Are you okay?" Bigla kong hinawakan ang noo at leeg niya. Para siyang napaso ng madikit ang kamay ko dahil bigla siyang umiwas ng hawakan ko.

Hindi siya makatingin sa akin ng derecho. Panay rin ang galaw ng katawan niya animo'y hindi mapakali sa kinatatayuan. Nag aadik ba to? Sige mag jamming tayo ngayon sa pagiging weirdo.

"Papasok ka ba o hindi? Kung gusto mo siyang antayin sa loob ka na mag antay." Masungit sagot niya.

Tinitigan ko muna siya ng mabuti. Tila wala siya sa sarili. Naabala ko ba siya sa ginagawa niya? Dahil hindi naman siya makatingin ng derecho sa akin na mabaling ang atensiyon ko sa kamay niya. Parang gusto kong lumubog sa kinatatayuan ko.

"Kamote ka! Have you seen it?" mabilis kong inagaw ang cellphone ko sa kamay niya. Hinila ko siya papalabas ng suite nila at dinala sa dulo ng hallway na may bintana.

"Tinatanong kita kung napanuod mo yung video?" Nakita kong gumalaw ang adams apple niya. Nakatitig lang siya na parang tanga.

"Kenneth!" sinadya kong lakasan ang boses ko para magising siya.

"Oo ngayon lang." Parang batang sagot niya habang nakanguso. Agad akong napamura ng mahina sa pag amin niya.

'Kasalan mo yan! Masiyado kang pabaya sa gamit.' Lihim kong pinagagalitan ang sarili ko sa katangahan ko.

"Bakit mo pinanuod?" pormal na sagot ko.

"Kasalanan mo! Kung nilalagyan mo ng security lock yang phone mo sana hindi ko napanuod yung video!" singhal niya. Unti unti ng bumabalik sa katinuan ang Kenneth na kilala ko.

"Nawala sa isip ko okay! Pinagalitana ako ni Nanay at Kuya muntik na akong hindi na kasama dahil sa cellphone na yan." Naiinis na sagot ko sa kanya.

Ngayong napanuod na niya yung video hindi na ako maka pag isip ng maayos sa harap niya. Kagabe pa ako halos di makatulog kakaisip sa mga sinabi niya. Nasisiguro ko namang walang katotohanan lahat ng sinabi niya dahil nasa ilalim siya ng impluwensiya ng alak.

Pero diba ang sabi nila kapag lasing ang isang tao nasasabi mo yung mga bagay na hindi mo kayang sabihin kapag nasa katinuan ka? Pero si Kenneth Ang? No way napaka imposibleng mangyari yun.

"Hindi mo ba alam invasion of privacy yang ginawa mo? Kung pwede lang putulan ng kamay o dukutin ang mata ng mga taong gumagawa nun gagawin ko yun sayo!" nanggigigil na turo sa dbdib niya.

"Invasion of privacy? Huh, eh yung e-invade mo yung feelings ng ibang tao sa tingin mo walang kaparusahan yun? Dapat sa mga katulad mo dinukot ang puso at pinipiga sa harap mo!" matapang na sagot niya.

'Lakas ng trip nito, ano ako si Cupid? Invasion ng feelings, anong pauso yun?'

"A-Anong feelings feelings ang pinag sasasabi mo?"

"Pwede ba Lucky!"

"Pwede ba Kenneth!" mas malakas na sigaw ko.

"Y-Yung v-video ko--" pigil na pigil siyang magsalita at hindi niya maituloy tuloy ang sasabihin niya. Parang hindi niya alam kung paano i-express ang sarili niya.

"Kung napanuod mo ng buo yung video alam muna dapat ang sagot sa tanong mo." Pormal na sagot ko sa habang nakatingin ng derecho sa mga mata niya. Dahan dahan bumagsak ang balikat niya at napakagat sa mapulang labi niya.

'I'm sorry but i have to..'

"So sinasabi mong hindi ka masiyadong apektado or lets say hindi ka interesado?"

"Hindi. Lalo't alak lang ang nagtulak sayong sabihin yun sa harap ko."

"Gu-G-Good! Lasing ako nun okay kaya hindi ko alam ang ginagawa at sinasabi ko." Mabilis siyang nag iwas ng tingin.

'Psh, pwede ba yun?'

Posible din naman yun dahil sa kalasingan niya. Pero may isang parte ng utak ko ang umaasang sana kahit konti may katotohanan ang mga yun. Gustong gusto ko kahit alam kong malabong mangyare.

"Great! Ang galing mo kasing umarte kagabe, muntik mo na akong mapaniwala." Sinabayan ko ng pekeng tawa at taas ng noo. Ayokong ipakita sa kanyang apektadong apektado talaga ako.

"U-Umarte?" nautal na sagot niya.

"Husay nga eh may kasama pang luha. Bravo!"

"Hindi ako umiyak no!" sigaw niya at alam kong napipikon na naman siya.

"Eh di hindi."

"Alam mo bang bawal din yung ginagawa mong pagkuha ng video sa akin?"

"Luh, si Wesley kaya ang kinukunan ko ng video umepal ka lang." Naka ngiwing sagot ko sa kanya.

"E-Epal? A-Ako?" Hindi makapaniwalang turo niya sa mukha niya. "Huh, buong buhay ko Gonzaga, ikaw lang ang kauna unahang taong nagsabing epal ako." Maangas na tugon niya at itinulak ako sa noo gamit ang hintututo.

"Well, congrats ako pala ang una." Nag bow ako sa harap niya.

"W-What?"

"Pwede ba Kenneth, paminsan minsan maging open ka sa mga pagbabago." Naiiritang sagot ko. "Akala mo kasi por que gwapo ka, sikat ka, habulin ka ng mga babae hindi ka na pwedeng tawaging epal!"

"Ikaw ang epal." Pintik niya ako sa noo.

"Bakit kelan ako umepal sayo ha?" hamon ko at dahan dahan akong lumapit sa kanya.

"S-Sa.. Sa ano.. Basta!" naiilang na sigaw niya at tinulak ako ng mahina sa balikat.

"Bakit ka naiilang Kenneth Ang?" Nginitian ko siya ng nakakaloko. Gusto kong subukan kung hanggang saan ang pasensiya niya kapag ganito ka akward ang sitwasiyon.

"Pwede ba Lucky tigilan na natin to." Ramdam kong suko na siya sa tono ng boses niya.

"Hindi naman tayo aabot sa ganitong gulo kung na control mo yung pagiging pakialamero mo eh!" sumbat ko sa harap niya.

"I know! Can't we just forget everything about it. Dahil bukod sa hindi ko yun maalala hinding hindi rin yun magkakatotoo." Dahan dahang nawala ang ngiti sa labi ko. Nakita ko na naman yung Kenneth Ang na kinaiinisan ko. Antipatiko, seryoso at blangko.

"I'm aware of that and i'm not dumb Kenneth."

"Sorry hindi kasi ganitong klaseng lovestory ang pinapangarap ko para sa sarili ko." Prangkang sagot niya. Parang biglang pumait ang panlasa ko sa sinabi niya. Gusto kong takpan ang tenga ko dahil mukhang alam ko na ang susunod na sasabihin niya.

"No offense. Ayokong magalit ka na naman pero hindi ang kagaya mo ang tipo ko. Baka kasi ma misinterpret mo yung mga bagay na ipinapakita ko sa harap mo." Napalunok siya at nakapamulsang nakatingin ng derecho sa akin.

'Did he just.. Did he just dump me? Teka bakit ako ang nasa ganitong sitwasiyon? Hindi ito ang inaasahan kong magiging eksena namin kapag nakita niya yung video.'

'KINGENANG MGA LALAKENG PA FALL SARAP NIYONG ITULAK SA BUNGANGA NG MOUNT PINATUBO!'

Bakit ngayon pa? Unti unting umiinit ang mata ko kaya mabilis akong humarap sa bintana.

'Na FRIENDZONE ako mga Inday, madlang pipol, mga dabarkads! Praise the Lord!' Partida hindi pa ako nagko-confess niyan ah.'

Hindi ko alam kung paano iangat ang sarili ko. Paano kung malaman niya pa ang nararamdaman ko. Tae!

"Ahem. Maliit na bagay. Hindi rin naman ang kagaya mo ang type ko. And besides--"

"May bagong boyfriend kana." Mabilis na putol niya at sarkastikong ngumiti.

'Ano daw? Boyfriend? Sinong may boyfriend?'

'Anong lahi ng may polyong alien niya naman nalamang may bago akong boyfriend? Ituro niyo sa akin at nanggigigil ako!'

"Nabasa ko yung text message niya sayo kanina." Parang proud pa siyang ipamalita ang pakikibasa niya sa mga text messages ko.

"Sana ni-replayan mo na rin para linubos lubos muna yung pagiging pakialamero mo."

"Malalandi lang ang hindi marunong makuntento sa isa. Malandi ka ba?" nagulat ako sa biglaang pag init ng ulot niya. Para siyang palitong nagliyab sa harap ko.

'Malandi agad hindi pwedeng friendly lang ako?'

Sa totoo lang hindi ko na maintindihan kung anong tumatakbo sa utak niya ngayon. Hindi ako ang isyu dito kung hindi siya. Pakiramdam ko kasi ako yung ginigisa niya.

"Inayawan mo si Wesley. Ano? Mas gusto mo yung mga tipong fuckboy kagaya ng Justin na yun o yung Sir Adam mo?" hinawakan niya ang kanang balikat ko hanggang mapasandal ako sa dingding sa likod ko.

"The hell you care!" tinabig ko ang kamay niya sa pagkakahawak sa akin.

"O baka mas gusto mo ako? Pwede din ako kahit FUBU." Naniningkit ang mga matang niya. Nakakapanibago ang Kenneth Ang na nasa harap ko ngayon.

Hindi kaiga igaya sa mata. Hindi masarap sa panlasa.

'FUBU? Butasin ko kaya ngalangala nito?!'

"Huwag mo silang idamay at wala silang kinalaman dito."

"Di ba ito naman ang gusto mo? Diba ito naman, diba?!" bigla niyang hinawakan ang isang kamay ko at at ihinawak sa hinaharap niya. Masiyadong siyang malakas at wala akong lakas na labanan siya sa pagod ko.

'Infairness kapag galit siya galit din yung anek niya. Tch!'

"You know nothing Kenneth Ang." Gusto kong maiyak sa harap niya sa sama ng loob ko.

"THEN TELL ME!" Sigaw niya.

Hindi ko alam kung anong gusto niya. Naguguluhan ako sa mga pinapakita at sa mga sinasabi niya. Okay na yung ipinamukha niya sa akin kaninang hindi niya ako gusto. Pero yung bastusin niya ako ng ganito yun ang nakaka insulto.

Hindi ko nga alam kung anong ikinagagalit niya ngayon. Kung yung tungkol ba sa amin ni Wesley o dun sa nabasang niyang text message ng kung sinong Pontio Pilato sa phone ko. Dahil kung bibigyan ko ngayon kahulugan ang mga ikinikilos niya dalawa lang ang naiisip ko.

..may saltik siya o nagseselos siya.. Kaso malabo..

Sigh. "Its complicated." Nag angat ako ng tingin. Mukhang kinagat niya ang sinabi ko dahil napangisi siya at umiling na parang naloloko. Kailangan kong magpanggap na may alas akong hawak para hindi ako magmukhang katawa tawa sa harap niya.

'Hindi ako nagpunta rito para mag confess sa nararamdaman ko. Nandito ko para kunin ang cellphone ko dahil iniiwasan kong makita niya yung laman ng video. Pero binaliktad niya ang lahat at tumaob ang lahat ng baraha ko.'

Hinawakan niya ako sa damit at madiing isinandal sa pader. "Ang sabihin mo ginagago mo lang kami ng pinsan ko!" kitang kita ko ang galit sa mga mata niya kasabay ng pag galaw ng kanyang panga.

'Taenang to, lakas ng trip? Ganda ko naman para gaguhin silang mag pinsan? Ano bang gusto nitong palabasin na kasalanan ko lahat kaya sila nag kakaganyang mag pinsan? Akala ko ba yung kanya hindi totoo tapos ngayon sasabihin niyang pareho ko silang niloloko?'

"Hanggang ngayon ba hindi ka pa rin maka move on sa nangyari sa amin ng pinsan mo?" Nakayuko siya sa harap ko at halos mahalikan ko na siya sa sobrang lapit ng mukha namin sa isa't isa. Nakipaglabanan ako ng titigan kahit alam kong malabong manalo ako sa kanya.

Una siyang nag iwas ng tingin at tumuwid ng tayo. "No. But now we're even." Saka niya ako tinalikuran.

'Sinasabi ko na nga ba eh.'

To be continued...