webnovel

04

Live Long, Luna 04

"Kaya ka, laging naaksidente dahil mahina katawan mo. Faster Luna!" pangsesermon ni Luis.

Anong inexpect mo? 4:00 Am palang! Bumalik ako sa pagkakahiga. Naiirita kasi ako kay Luis. 1:00 Am na nga ako nakatulog dahil baka may anong nangyari nanaman. Tapos gigisingin niya ako 4:00 Am! ANO NAMAN YON?

"Gusto mo ba talagang ako magbihis sayo?" pagbabantang sabi nito na nararamdaman kong lumalapit sa kama ko.

"O gusto mo may gawin tayong ikakaligaya nating dalawa." Dugtong nito at dahil nakatihaya lang ako, bigla nalang siyang dumapa sa akin.

"TANGINA! MAG HULOS DILI KA! TATAYO NA NGA O!" Mabilis ay tumayo na ako at nagbihis ng jogging pants na red at jacket na white with matching designer white shoes.

"Tara na ang bagal bagal mo." Narinig ko siyang tumatawa. Nauna na akong lumabas sa kanya. Habang naglalakad ay nagstretching ako kaunti para di mabigla mga buto ko. Ganoon din ang ginawa ni Luis.

"You're cute." he complemented while doing some stretch on his leg .

"And hot." I winked and walk away from him. He then catch up my walks and jog a little.

"Nakakapaso ka?" pamimilosopo nito habang sinusubukan akong kalabitin at umaarteng napapaso siya.

"Joke ka?" Tumawa ito sa sinabi ko.

Napag alaman kong nasa Headquarters pala kami ng Organization namin, secret agents. Nakabalik si Luis para bantayan ako at sabayan akong maalala ang nangyari sa akin. Kasi may natuklasan daw akong importante sa isang grupo at ngayo'y hinuhunting ako. Omg, lagi akong nadadawit sa ganito.

We finished at 7:30 Am. Bumalik kami sa mga kwarto namin para magpahinga at maligo. Saka ako bumaba dahil sabi ni Luis kakain kami sa breakfast hall. So may lunch hall at dinner hall to? Charing. syempre iisa lang yon. Depende nalang sa kung anong oras ka kakain yon ang itatawag mo sa Hall.

Nang marating ko ang Hall, medyo kita sa reaction nilang nagulantang sila. Narinig ko pa ngang sinabi ng isa na parang kinokompirmang nakabalik na nga ako sa Org. Hindi naman ako masyadong Famous ano?

"LUNA! Dito!" Pagtatawag sa akin ni Izza na nakaupo na sa lamesang may kasamang seryosong gwapo, Greg.

Nagmadali akong tumakbo at naupo. Gusto ko titigan si Greg e. Bigla kasi akong nakaramdam ng mood na maganda. Parang siya lang iyong naging dahilan para maging maganda ako today. Wearing my croptop maroon, highwaist skinny pants and maroon designer shoes. Tapos inilugay ko lang iyong mababang buhok ko dahil di ko alam kwarto ni Izza di ako naka blower. So basa pa siya.

"Dejavu." Napalingon ako sa sinabi ni Izza. Tumikhim naman si Greg.

"Matutunaw si Greg, Luna." she then added. Nakunot ko ang aking noo. Masyado bang halata?

"How's your sleep?" Pagtatanong nitong seryosong nilalang na gwapo sa harapan ko. Para siyang serious young business man sa suot niya. Wearing a white polo with the three buttons open and skinny jeans with designer belt matching his white designer shoes.

"Okay lang." nakangiting sagot ko. Ayoko naman magmukhang matamlay dahil hindi ako nakatulog ng maayos.

"Okay lang ba iyong nagrereklamo ka dahil 1:00 Am kana nakatulog tas ginulantang kita ng 4:00 Am para mag-jogging?" Biglang singit nitong kabuteng si Luis. Saktong sakto statement walang labis walang kulang ang sinagot niya sa pagmamaktol ko kanina. Kopyang-kopya. Walang hiya. Inirapan ko nalang siya. Baka masabunutan ko ito.

"Scared?" tanong ni Greg na siyang itinango ko.

"Why?" he then added and crossed his arms while waiting my explanation.

"Andami kasing nangyari. Parang feel ko anytime makakaharap ko na si kamatayan." Bumuntong hininga ako at yumuko. Nakakatakot kaya mamatay.

"Let's eat." may isinenyas si Greg at may lumapit na tatlong magagandang babae na parang manika. Dala dala ang mga pagkain. Sobrang dami. Kinilig pa iyong tatlo ng nagpasalamat si Greg at ngumiti sa kanila. HOY! MALALANDI!

"Ayos, iba talaga pag kasama mo isa sa Head. Di mo na kailangan pumila." Biglang singit ni Izza na siyang nagsasandok na ng kanin at kumukuha na ng seafoods. Her favorite. Crab and shrimp on her plate.

"O." It's Luis at nasa plato ko na ang tatlong pancakes, mga frenchfries at burger. "Baka sabihin mong stalker ako. Si Greg sabihan mo niyan bat siya nag order ng favorite mo sa morning." Dugtong niya agad ng mapansin niyang nagulat ako bakit alam niya ang gusto ko. Pansin ko nga, sa akin napunta ang pancakes, frenchfries at burger. Tinignan ko mga plato nila. It's a meal!

"Eat." Greg commanded and the two eat. Sinubuan ako ni Luis ng burger ng mapansin niyang di ko ginagalaw ang food. Kinain ko nalang baka magalit si Greg. It's my ultimate breakfast favorite. Weird right?

"Salamat boss." It's Luis again tapos sumandal sa upuan at dumighay.

Natapos na kasi kaming kumain at nagpaalam na si Greg at may tatapusin daw siya. Tumayo na rin kami. Iniwan namin yong kabute. Halos siya yong umubos sa ibang putahi.

Ang sabi sa akin ni Izza hintayin ko raw siya sa waiting shed. Magbibihis daw siya muna at sabay kaming papasok. Umupo ako at inilabas ko ang cellphone ko. Inopen ko ang Facebook para tignan kung may announcement ba. Baka walang pasok at makapagpahinga nalang muna. There's 10 messages, obviously 5 of that are Groupchats and the rest are just a message of someone I know na nangungumusta. I replied them back na okay lang ako, sila ba kamusta. Tapos nagbasa sa GC. It's 10:00 Am, obviously absent sa 2 subjects pero minor lang naman iyon, pwede namang mag excuse gamit ang medical certificate. Hindi rin naman ako nagsisinungaling, may nangyari naman talagang masama kahapon. Wala nga lang galos.

Someone chatted me and it's Cass, our classmate.

Cass: Girl, si Damulag andito. Nagpapa activity. Asan kayo ni fokfok Izza. Baka gusto niyo lang naman bumagsak.

"Shit." Napamura ako ng mabasa ang mensahe. I replied her "coming". It's Damulag, a terror prof. Minor lang hinahandle niyan pero kung makaasta parang Major. Paimportante. Di malayong bumagsak pag di naka comply ng activity. Wala siyang pake sa late basta comply lang ng activities na gusto niya.

"O bat ka nagmumura?" Hinigit ko kaagad si Izza tapos sinabi sa kanya ang tungkol kay Damulag. Now she's in a bit faster than me. Nang nakasakay ako sa sasakyan niya halos lumipad na kami sa bilis.

I think it's 30 minutes travel. Nasusuka ako. Nakakahilo.

"The first one to perform. You Aria Luna Rivera Santos." I scoffed in disbelief. Kakarating lang namin ako talaga ang unang nabunot. Damn that index card.

Nagtatanong ang mga mata. Ang sabi nila pumili ako ng item sa table at gawan ko raw ng advertisement.

I then picked coke bottle may laman pa ito. Humihingal dahil sa pagtakbo kanina at pumunta na sa harapan.

"Lights, Camera and Action" the Damulag said.

Binuksan ko ang coke at ininom ito lahat. Ubos. Parang kulang pa nga e. Para akong nasa desierto naghahanap ng tubig. I then burp and say ahhh for satisfaction sa item.

"Mag coke kana." nang bitawan ko iyon. Nakita kong seryoso ang mga mukha nila pati si Damulag.

"Cut." then Damulag end the show.

Then, there, they all laugh like that's the idiot thing they've seen. Tumawa rin si Damulag.

Umupo na ako sa tabi ni Izza, nakanguso. Aba! Hindi kasi ako nakapagready!

"Nice, Mag coke kana." pang aasar ni Izza.

"nyenyenye." sagot ko sa asar niya. Yumuko nalang ako, nagtago sa hiya. Bwesit kasi e. Kung kailan ka di ready saka ka naman nauuna.

Nagpatuloy parin sila sa pagpe-perform. Mas may kwenta ang mga pinag gagawa sa item. May iba pang napabusangot ng naunahan sila sa item na gusto nilang e advertise. Si Izza naman lipstick ang kinuha. Hindi ko lang alam ano ginawa niya pero pumalakpak ang lahat kasi nga bumalik ako sa pagfefacebook nalang.

After the class, wala na kaming class for the afternoon kaya bumalik kami sa headquarters. Naghihintay na si Greg na siyang mag o-orient sa akin ng mga dapat kung tandaan at kung sino ang kalaban sa kasalukuyan. Napangiti tuloy ako. May moment na kami ni Greg!

"Kumain ka creamstick?" pambasag bigla ni Izza na nagdadrive ngayon. Nakunot ko ang aking noo sa sinabi niya. Creamstick? Wala akong kinaing creamstick kanina.

"Masyado kang imagination ang limit habang ngumingiti." Inirapan ko siya ng barahin niya ang pagngingiti ko. Masama bang ngumiti dahil kay Greg!

Dumating kami 2:00 pm. Akalain mo yon? Dalawang oras pala ang dapat tinakbo ng sasakyan namin kanina! Pero kinaya ni Izza ng 30 minutes! That's bullshit!

"Hi Greg, Kumain kana?" Buong ngiti kong tanong sa kanya. Nilingon niya ako at tumango tapos nagbasa ulit. Umupo nalang ako para mag simula na kami. Ang bango niya!

"Ikaw?" pambasag niya sa katahimikan. Feel ko nag-blush ako sa tanong. Pafall!

Nilingon niya ako ng hindi ako sumagot kaya tumango nalang ako bilang pagtugon. Kumain na kami ni Izza, nagutom kami sa activity ni Damulag. In short kinakailangan kong ikain ang hiya.

"Tomorrow, you will start the agility and strength. Bago ka turuan ng mga basic Taekwondo, Martial Arts, and so on. Kailangan mo munang malaman to." Sinenyasan niya akong ilapit ang upuan ko sa kanya dahil siguro may ipapakita siya sa laptop niya.

He then started the powerpoint.

"Fabrico Syndicate. Sila iyong humahabol sayo." Panimula niya.

Bumungad sa akin ang unang picture, Alex.

"Alexander Crisostomo. Nakilala mo na siya. Sa Mountain Top." mas lalo akong naguluhan. Paanong parte pala siya ng sindikatong ito?

Tinignan ko siya ng nagtatanong ang mga mata at naguguluhan.

"Yes, lagi ka nilang sinusundan."