webnovel

Kadiliman

Autor: jas_28
Fantasia
Contínuo · 23.7K Modos de exibição
  • 10 Chs
    Conteúdo
  • Avaliações
  • N/A
    APOIO
Sinopse

sa mundo kung saan ay naninirahan ang mga nilalang na nagtataglay ng majika. Inaasahan ang pagdating ng anak ng dilim na siyang magbibigay ng matinding kagulohan na kung hindi mapipigilan ay maaaring tumapos ng lahat. #prince #soldiers #king #magic

Chapter 11

Batang Aya:

Ang dilim ng paligid ng magising ako dahil sa tahol ng tuta ng kapatid ko na dinidilaan pa ako. Nakatulogan ko na pala ang pag-iyak.

"Aso!" Natutuwang tawag ko dito kahit di ko ito nakikita na kaagad kong kinapa upang yakapin kaya tumigil ito sa pagtahol.

Ngunit nasaan ang pamilya ko? Hindi ko sila maramdaman. Bakit si Aso lang ang nandito?

Tumingala ako doon sa butas na may kaunting liwanag na sumisilay. Doon ako ipinasok ni Ama at binilinan akong huwag lalabas hanggat maingay pa sa labas at walang bumabalik para sa akin.

Malamang ay doon din nahulog si Aso ng hindi ko namamalayan dahil mag-isa lang naman ako dito kanina at isinarado iyon ni Ama.

Tumayo ako at pinakinggan ng maayos ang paligid ngunit wala na akong marinig na kagulohan. Maging huni ng mga palaka at iba pang insikto ay wala din akong marinig.

Umakyat ako sa hagdan dala si aso.

"Ina! Ama!" Naiiyak kong tawag sa kanila ngunit ni isa ay walang sumagot sa kanila.

Nangapa ako hanggang sa makalabas ng bahay. Kahit sinag lamang ng buwan ang nagbibigay liwanag sa aking paligid ay sapat na iyon upang makita ko kung gaano kagulo ang paligid.

—————

"Aya! Gising!" Narinig sigaw at niyuyugyog pa ako.

Naaalimpungatan ako kaya agad ko itong pinaibabawan at tinutukan ng punyal na mabilis kong nakuha mula sa ilalim ng unan ko sa liig nito.

"Aya! Ako 'to!" Sigaw pa into na tuluyan ko ng ikinagising.

"Lamya," pagkilala ko dito at kaagad akong tumayo. Kasing edad ko lang ito at isa siyang lalaki ngunit lampa kaya Lamya ang bansag sa kanya. Utusan lang siya dito sa Kampo at madalas na asarin.

Tumayo na din ito binigyan ako ng pamunas. "Magpunas ka na muna, binabangungut ka na naman." Nakangiti pa ito

Inis kong inabot ang pamunas mula dito at tiningnan ko ito ng masama.

"Ilang ulit ko ba dapat ipaalala sayo na huwag mo akong gigisingin kapag binabangungut ako?"

"Eh-eh kasi—" nauutal na ito pero nakangiti parin kaya hindi masasabing matatakot na ito.

Ayon sa kwento ni General Seroha ay anak daw ito ng isang panginoong maylupa. Noong mga sampong taong gulang daw ito ay pinatay sa harapan mismo nito ang boong kaanak at mula noon ay hindi na ito nakaramdam ng tamang pakiramdam at nakangiti nalang parati.

"Ano hihintayin mo pang maputol yang liig mo?" Naiinis ako dito pero di ko magawang magalit dahil di din naman alam nito kung ano ang GALIT!

At talaga naman, tumawa pa ito na parang nakakatuwa ang sinabi ko. "Haha, di naman sa ganoon. Pag nangyari iyon edi wala ng taga-gising sayo."

"Hehe nakakatuwa," saglit na pagsakay ko sa ipinapakita nitong tuwa. "Labas."

"Hinahanap ka pala ng heneral." Sabi pa nito bago tuloyang lumabas.

987654321

sana po ay nagustohan niyo.

hoping for your support even though its impossible

hahaha

Você também pode gostar

Avaliações

  • Taxa Geral
  • Qualidade de Escrita
  • Atualizando a estabilidade
  • Desenvolvimento de Histórias
  • Design de Personagens
  • Antecedentes do mundo
Opiniões
Gostava
Mais recente

APOIO