May isang babaeng nagngangalang Leary na aksidenteng nakapunta sa Mundo ng Dracostria, sa Rhaegos kung saan ay naghahari ang mga kalahating tao, kalahating dragon. Doon niya nakilala ang prinsipe ng Rhaegos na si Xian. Paano na Kaya ang gagawin ni Lea Kung sakaling siya ay mapaghinalaang espiya? Ating subaybayan at alamin ang mga susunod na maangyayare sa kwentong ito.
Prolouge:
Isang malawakang pakikipagsagupaan ang nangyayare ngayon sa lugar na tinatawag na Rhaegos, ang sentro ng Dracostria. Kasalukuyang napatay sa labanan ang hari ng Rhaegos na nagngangalang Zargos at nasa gitna ng kaguluhan ang mga nakatira roon. Samantala, agad na tumakas ang prinsipe ng Rhaegos at ang kanyang kaibigang babae. Hindi niya alam na napatay na ang kanyang ama. Sila'y nasa kakahuyan at tumatakas mula sa malupit na si Ryujin.
"Prinsipe Xian! Kailangan na nating makagawa ng portal!" ani Alexa
Tumigil sila sa pagtakbo at hinabol ang kanilang mga hininga.
"Hindi! Hindi ako aalis dito! Kailangan kong iligtas ang buong kaharian! Kaya kung maaari lang ay alisin mo na ang spell na ibinigay mo sakin para kopyahin ang mga galaw mo" tugon ni Xian
"Pero--"
"Kung gusto mo, ikaw nalang ang umalis"
Isang malalim na katahimikan ang pumagitna sa kanilang dalawa at ilang saglit pa'y napabuntong hininga si Alexa.
"Sige, kung di kita mapipilit, aking kaibigan"
Agad niyang ipinawalang bisa ang spell kay Xian at gamit ang kanyang mga daliri, may itim na biglang lumitaw. Gumawa na ng portal si Alexa.
Lumingon sa likod si Alexa at nakita nyang nakatingin sa ibang direksyon si Xian. Sya'y mapait na ngumiti habang may luha na sa kanyang mga mata.
"Paalam" sabi ni Alexa
Napatingin si Xian kay Alexa.
"Bakit kase kailangan mo pang umalis?" galit na tanong nito
Ngunit di na pinansin ni Alexa ang kanyang tanong at lumuluhang tumungo sa portal.
Ngunit nang siya'y papasok na, bigla naman syang natamaan ng pana na nagmula sa itaas.
"Argh!" daing ni Alexa
"Alexa!" sigaw ni Xian sa gulat at kaagad na sinalo ang katawan ni Alexa
Samantala, isang malakas na halakhak na nagmumula sa itaas ang bigla nilang narinig. Tumingin si Xian sa itaas at nakita nya si Ryujin, na kanyang tiyuhin ay lumulutang sa taas na may dala-dalang pana.
"What did you done to her?!" galit na sambit ni Xian
"Walang pwedeng makatakas sa paghihiganti ko!" halakhak ni Ryujin
"Tiyo! Tumigil ka na"
Ngumisi lamang si Ryujin at mahinang tumawa.
"Hanggang sa susunod, mahal na pamangkin" ani niya
Pinitik nya ang kanyang kamay at kasabay noon ay ang biglaan nyang pagkawala.
"Tiyo!"
Agad na tumulo ang mga luha ni Xian nang masilayan si Alexa na naghihingalo na dahil sa tama ng pana. Sapagkat ang palasong tumama sa kanya ay singlaki ng sibat.
"Alexa, hold on"
"Xi-Xian, iligtas mo ang kaharian. May tiwala ako sayo. Ilaban mo ang Rhaegos, ipangako mo sakin"
"Yes, I will" sabi ni Xian habang hawak hawak ang kamay ni Alexang inilapit sa kanyang pisngi
Ngumiti si Alexa at kasabay nito ay agad na nawalan siya ng buhay.
"H-Hindi.... ALEXA!" sigaw ni Xian
Sa kabilang banda.....
"Hoy Leary! Gumising ka na dyan at male-late ka na sa school mo!" sigaw ni Aling Sita, ang nanay ni Lea habang kinakalabog ang pintuan
Naalimpungatan sa kanyang pagtulog si Lea at inis na kinamot ang ulo habang nagsisimulang tumayo.
"Oo na, oo na!" sigaw ni Lea
"Siguraduhin mong nakabihis ka na pagbaba mo" habol ni Aling Sita
Rinig sa kwarto ang lakas ng tunog ng pagbaba ni Aling Sita. Napaikot nalang ang mata ni Lea habang agad na dinampot ang kanyang cellphone.
"Pssh... Hay naku, macheck nga muna fb ko-- Oh my God! 345 FR, 21 messages 890 notifications. Aba, bumaba compare nitong mga nakaraang araw" pagrereklamo niya
Ilang saglit pa'y sumigaw nanaman ang makalas na bunganga ni Aling Sita
"Leaaaaaaryyy!"
"Eto na nga eh!"
Pagkatapos gawin ang mga dapat gawin, pumasok na si Leary sa school. Sikat si Lea sa school at pang-una sa mga pinaka magaganda sa Campus kaya lang, sya ay mayabang, reklamadora at walang galang.
Ilang oras pa'y tumunog na ang bell na naghuhundyat na tapos na ang klase. Kaagad naman na tumungo na siya sa gate na malapit sa kakahuyan upang hintayin ang kanyang kaibigan.
"Mars" bati ni Sally. Bestfriend ni Lea.
"Oh hey, Venus. How's your day?" tugon ni Lea
"Ok lang naman. Ikaw?"
"Uhmm. Ok din"
May bigla namang narinig na kaluskos sina Lea at Sally mula sa damuhan.
"Wait, who's there?" tanong ni Lea
"Lea...I think we should run" kinakabahang tugon ni Sally
Bigla namang may isang lakaking naka-black mask ang sumulpot sa harap nila. Ito'y may dala-dalang kutsilyo.
"Sorry, Girls. You can't run on me. Give me your money!" sabi nung lalaking nakamaskara
"LOL, ba't ko ibibigay sayo pera ko, banko ka, huh? O baka naman piggy bank?" inis na wika ni Lea
"Aba, sumasagot ka pa ah, pinapalamon mo ba ako?" lalakeng nakamaskara
"Huh?"
"Ang sabi ko---"
"Hatdooog" pang-aasar niya
"Uhmm. Lea, akala ko ba tatakbo na tayo" bulong ni Sally
"Eh loko tong si kuya eh, nakikipagsagutan pa sakin"
"Pera nyo lang naman Ang kailangan ko! Ano bang mahirap doon? Bigay o buhay?" Sabi nung nakamaskara
"Pake ko?"
"Argh!"
Sa sobrang galit ng lalaki ay itinutok na sa kanila ang kutsilyo at iwinawasiwas pa sa kanila Ito.
"RUN!",sabay na sabi nina Lea at Sally
Tumakbo sila Lea at Sally sa may gubat malapit sa school. Umakyat ng puno si Sally, bagamat isang gymnastic, kaya madali lang sa kanyang makaakyat.
"Come on, Lea. Grab my hand" sabi ni Sally at iniabot ang kamay niya ay Lea
"I-I cant do it" wika ni Lea
"Where are you little girls" sabi ng lalaki sa kalayuan
"Bilis!"
"I-Im afraid of heights!"
"(Gasp) I can see him from there. Quick, run and hide"
Tumakbo si Lea ngunit naabutan sya ng lalaki. Mas binilisan pa ni Lea ang takbo nya pero bigla syang natalisod. Ang hindi niya alam, napasok siya sa portal na ginawa ni Alexa kung saan papuntang Rhaegos, ang kaharian ni Xian.
Ano kayang mangyayare? Ano kayang magiging reaksyon ni Lea sa hindi sinasadyang pagpasok nya sa ibang panahon? Abangan sa unang kabanata ng I'm a Bride of the Demon Prince