webnovel

HighSchool Life(Filipino)

Autor: hazelxxi
Geral
Concluído · 33.8K Modos de exibição
  • 5 Chs
    Conteúdo
  • Avaliações
  • N/A
    APOIO
Sinopse

Si Matt Cameron ay isang estudyante na laging sakit sa ulo ng mga guro sa kanilang paaralan. Lagi na lang syang dinadala sa kanilang guidance office dahil sa pagiging pasaway nito. Sya rin ang tipo ng estudyante na pumasa lang ay ayos na. Wala syang pakialam kung mababa ang mga marka nya. Ngunit ng dumating si Shelley sa buhay nya, ay nagbago ang pananaw nya. Pinilit nyang baguhin ang kanyang sarili.

Chapter 11st Grading

"MR. MATT CAMERON" Napabuntong hininga na lang ako ng marinig ko na naman ang boses ng guro ko. Hindi pa ba sila nasasanay sa akin? Dapat ay hindi na lang nila ako pinapansin.

"Bakit po Ma'am?" Magalang na tanong ko at sumaludo pa. Nice! Galit na naman si Ma'am Laygo. Palagi na lang talaga syang galit sakin. Siguro nagpapansin? Ang gwapo ko kaya. Biro lang. Baka umusok na ang ilong ni Ma'am Laygo kapag hindi ko pa tinigilan ang pangungulit sa kanya.

"Walang kupas Matt. Ikaw na talaga." sigaw pa ng isang kaklase ko habang tumatawa. Kaya hindi ko napigilan tumuwa at sumaludo sa mga lalaki kong kaklase na pinapanood ang nangyayari.

Halos mapuno ng tawanan ang loob ng classroom namin.

"Manahimik kayo!" Sita nya sa mga kaklase ko. Kaya ang lahat naman ay nanahimik pero ang iba ay nagpipigil ng tawa. "Cameron, hindi ko alam kung bakit ka nakarating ng 4th year ng puro ka kalokohan. Hindi ka ba nagsasawa? Palagi ka na lang pinapagalitan." Napakamot na lang ako sa batok sa mga pinagsasabi ni Ma'am Laygo. Tinignan ko sya sa mukha at mukhang naghihintay sya sa mga sasabihin ko.

"Ah! Kasi gwapo ako Ma'am." proud na sabi ko habang ang kamay ko ay nakahawak sa aking baba.

At dahil doon, nagtawanan at naghiyawan muli ang mga kaklase ko. Kumaway pa ako sa kanila dahil ang iba sa kanila ay tinatawag pa ang aking pangalan.

"Manahimik kayong lahat!" Sigaw ni Ma'am Laygo.

"Dahil ikaw na naman ang pasimuno ng kaingayan. Sagutin mo ang tanong ko." Hala! Lagi na lang syang ganyan. "Ano ang mga inulat ng iyong mga kamagaral?" napakamot akong muli sa batok ko. Hindi ko alam dahil hindi naman ako nakikinig. Abala ako sa pakikipag kwentuhan at pakikipag tawanan sa mga tropa ko.

"Ah.. ano nga ulit yon? Teka.." sabi ko dahil hindi ko talaga maisip kung ano bang pinagsasabi ng mga kaklase ko kanina.

"Ayan! Hindi ka nakikinig kaya wala kang natutunan." Naiinis na talagang sabi ni Ma'am Laygo. Halos masabunutan na nya ang sarili nya sa sobrang inis.

"Pasensya na Ma'am. Hindi talaga ako nakinig kasi masyadong nakakawalang gana ang mga pinagsasabi nila at ninyo." Ibinagsak ni Ma'am ang hawak nyang libro at niligpit ang gamit nya.

"Bahala ka sa buhay!" walang ganang sabi ni Ma'am Laygo at lumabas ng kwarto. Nagulat na lang ako at naghiyawan ang mga kaklase ko.

"Matt ang galing mo talaga. Da best ka! Araw arawin mo nga ang ginagawa mo. Para wala tayo laging klase." natatawang sabi ng kaibigan ko na si Chase. Nanliit ang mga mata ko at binatukan sya.

"Loko loko. Baka ibagsak ako non." Sabi ko kaya naman nagtawanan sila.

"Gwapo ka diba? Tsaka pakiramdam ko ipapasa ko non. Ayaw ka na makita non kaya mas gugustuhin na lang ni Ma'am Laygo na ipasa ka kaysa makita ka pa nya muli." Tumango tango ako sa sinabi ni Chase at magsasalita na sana. Pero hinatak ako ni Chase at pinaupo.

"Klase, nagsumbong na naman sakin si Miss Laygo. Ikaw Matt, niloko mo na naman sya." Naiiling na sabi ni Sir Toledo. Tahimik ang lahat dahil sya ang adviser namin. Kahit kailan ay hindi ako nagkulit sa klase nya. Minsan lang.

"Sir, sabi nya na wag daw kami magsisinungaling kaya sinabi ko lang totoo. Umamin ako na hindi ako nakikinig at nakakawalang gana sya magturo." pagdepensa ko sa sarili ko. Napailing na lang talaga si Sir Toledo.

"Oo na. Sige na maupo ka na. Kayo talagang section E. Hindi ba kayo magtitino kahit kaunti? Lagi na lang akong pinapatawag sa office dahil sa mga ginagawa nyo." natahimik naman kami dahil don. Si Sir Toledo lang ang guro na hindi namin binabastos ng sobra. Dahil sya lang ang guro na hindi kami minamaliit kahit na kami ang huling section at puno ng mga makukulit na studyante.

Kasaysayan ang tinuturo ni Sir Toledo. Minsan nakikinig ako sa kanya at madalas ay hindi. Boring ang mga tinuturo nga kaya kahit paborito ko sya ay nawawalan pa rin ako ng gana. Alam ko naman ipapasa nila ako dahil gwapo ako. Pwera biro, naiisip ko na ipapasa nila ako dahil ayaw na nila akong makita. Kaya makakaasa sila na lalo akong magkukulit sa loob at labas ng klase.

Tumigil si Sir sa pagtuturo at kinuha ang cellphone sa kanyang bulsa at may tinignan doon bago nagsalita.

"Mamaya ko na itutuloy ang lesson para sa araw na ito at may anunsyo ako." Naghiyawan ang lahat dahil tapos na ang klase. Naginat inat na rin ako. "May bagi kayong kaklase. Dapat at sa section A pero wala ng slot at ayos naman sa kanya ang section nya. Pinilit ng iba na ilagay sya sa mas mataas na section pero pumayag pa rin sya na maging kaklase nya. Alam ko ay narito na sya." Lumapit sya sa pinto at binuksan iyon. May kinausap sya doon at maya maya ay pumasok at kasunod ang isang babae.

May pagkasingkit ang mata nya, matango ang ilong atmay mapupulang pisngi at labi. Wala syang kolorete sa mukha kumpara sa mga kaklase kong babae na akala mo ay sinampal dahil ang pupula ng mga pisngi at labi. Ang itim at mahaba nyang buhok ay lalong nagpapaganda sa kanya. Mahinhin at pino ang kilos nya.

Nakasunod lamang sya kay Sir habang nakasukbit sa kanang balikat ang puting bag. Hindi rin tulad ng mga babae kong kaklase, katamtaman ang haba ng palda na suot nya at hindi ganoon kahapit sa katawan ang uniporme na suot.

"Magpakilala ka na." Tumango sya kay Sir at humarap sa klase at ngumiti.

Tumigil ata ang mundo ko. Tinamaan ata ako.

"Magandang umaga sa inyong lahat. Ako pala si Shelly Catherine Garlet. I hope we all become friends and share a good memories." hindi ganoon kalakas ang boses nya at medyo maliit. Nababagay lang sa kanya.

"Nose bleed" sigaw ni Chase. Pero hindi ko pinansin iyon at nakatingin lang ako sa kanya.

"Chase ang ganda nya." mahiang sabi ko kay Chase na abala sa pakikipagtawanan. "Tinamaan ata ako." pag amin ko. Doon ko lang nakuha ang atensyon nya.

"Tinamaan ang loko. Basta kay Halley pa rin ako." nakangisi nyang sabi sakin. Si Halley ay isa mga magagandang studyante sa paaralan namin. Maganda at matalino rin.

"Ihahanap na kita ng upuan Shelly." Sabi ni Sir at nilibot ang paningin. Nagtaas ng kamay si Chase.

"Dito na lang Sir. Wala naman nakaupo sa tabi ni Matt." Sabi ni Chase sabay turo sa upuan sa tabi ko. Gusto kong batukan si Chase sa pinagsasabi nya.

"Shelly maupo ka na lang sa tabi ni Matt. Wala naman nakaupo doon." Turo ni Sir sa tabi ko. Pakiramdam ko ay tumigil lalo ang mundo ko.

Tumango sya kay Sir at naglakad papalapit sa kinauupuan ko. Minsan ay sumusulyap sya sakin at sa tuwing magtatama ang mata namin ay lalong bumibilis ang tibok ng puso ko. Nang makaupo sya sa tabi ko ay nasapo ko na lang dibdib ko sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

Nagpatuloy ang pagtuturo ni Sir. Hindi ko lalo magawang makinig dahil hindi ako makapag focus. Minsan ay nagnanakaw ako ng tingin sa kanya sa tuwing tumatayo sya para sumagot sa mga tinatanong ni Sir tungkol sa aralin.

Doon ko lang napagtanto na hindi lang sya basta maganda dahil matalino rin sya. Nanliit ako bigla dahil mas maraming beses ang naging pagtayo nya para sumagot sa klase kumpara sa pagtayo ko para sumagot ng maayos.

May laman naman ang utak at kapag sinisipag ako makinig ay mataas naman ang marka ko sa tuwing may pagsusulit. Mababa lang talaga dahil hindi ako palasagot sa klase at hindi ako gumagawa ng mga takdang arali at proyekto.

"Nakakatuwa at may nakakausap na ako sa tuwing nagkaklase ako. At nakakatuwa rin dahil hindi nagiingay si Matt habang nagkaklase ako." Luma man pakinggan ay gusto ko na lang magpalamon sa lupa dahil sa kahihiyan. Ngayon lang ata ako nahiya.

"Sir tinamaan yan kay Shirley." Sabi ni Chase habang nakaturo kay Shirley? Hindi ba ay Shelley?

"Shelley hindi Shirley" sigaw ng mga kaklase ko sa kanya.

Tinignan ko si Chase at gusto ko na talaga syang batukan.

"Napakaingay mo." naiinis na sabu ko. Mamaya nga ay mabatukan to.

"Talaga lang ha? Ano na nangyari sa gwapong Matt na matinik sa babae? Torpe ka pala Matt." Nagtawanan ang buong klase sa pinagsasabi ni Chase.

Kaya humarao ako kay Shelley na nakangiti lang sa mga kaklase ko. Nahihiya akong ngumiti sa kanya.

"Pagpasensyahan mo na sila. Mga siraulo lang talaga. Mga palabiro." nahihiya kong sabi sa kanya.

"Ayos lang. Nakakatuwa nga sila e." Sabi nya sabay tingin sa mga mata ko at ngumiti lalo.

Natulala ako don. Ang ganda ganda nya talaga. Parang gusto kong himatayin.

Umayos ka Matt!! Nginitian ko na lang sya at lumabas ng klase.

"MATT CAMERON BUMALIK KA DITO!" Sigaw ni Ma'am Analiz ang Science teacher namin. Kaya agad agad akong bumalik sa upuan ko, sa tabi ni Shelley.

Natatawa sya sa naging reaksyon ko kaya hindi ko na naman mapigilan matulala sa kagandahan nya.

"Cameron hindi ka ba nagsasawa na laging pinapagalitan?" Nanggagalaiti na tanong ni Ma'am sakin. Bata pa si Ma'am pero ang sungit sungit nya. Naalala ko noong unang pasok nya ay humanga kami sa kanya. Kaso kinalaunan ay nawala rin yung paghanga dahil sa pagkasungit niya.

"Hindi po Ma'am. Sanay na gwapo ata po ito." nakangising sagot ko. Mukhang hindi nya na talaga kaya ang kakulitan ko at bumuntong hininga na lang.

"Alam mo hindi ka dapat ganyan. Hindi sapat ang gwapo lang Matt." napatingin kay Shelley na nakatingin sakin. Sinabi nya ba talaga yob?

"Bakit? Gusto mo ba yung ganon? Yung gwapo at matalino?" Napansin ko na napalunok sya at namula ang kanyang mga pisngi. Ang ganda ganda talaga ni Shelley.

Tumango sya sakin bago nagsalita. "Oo. Kaya kung totoo man ang sinabi ng kaibigan mo na gusti mo ako, dapat patunayan mo." matapos nyang sabihin iyon ay humarap na sya kay Ma'am at nakinig.

Tama! Dapat patunayan ko.

Buong klase nakikinig lang ako kaya natuwa sakin yung mga guro namin dahil hindi ako nagiingay ngayon aba dapat magpaganda ako ng imahe ko sa kanya.

Isang buong linggo ang natapos mula ng sabihin sakin ni Shelley na dapat daw ay patunayan ko sa kanya ang sarili ko. Hindi dapat ako magpahuli dahil napapansin ko na marami ang nagkakagusto kay Shelley. Kaya napagisipan kong nangyong araw ay hihingi ako ng permiso upang maligawan ko sya ng opisyal.

"Shelley.." tawag ko sa kanya nasa may bench sya lumapit ako at umupo sa tabi nya. Kinakabahan man ay pinilit kong magsalita.

"Bakit Matt?" tanong nya habang nakatingin sakin na puno ng kyuryosidad ang mga mata.

Inabot ko sa kanya ang pulang rosas na kanina pa nakatago sa likuran ko. Sana tanggapin nya para naman sulit ang magiging galit ni mama kapag nalaman nyang pumitas ako sa tanim nya.

"Para sayo" Nakita ko ang bahagyang paglaki ng singkit nyang mata at pamumula ng pisngi.

"Ang ganda naman nito. Salamat Matt." Kinuha nya iyon at maiging tinignan.

"Mas maganda ka Shelley." Nahihiyang banat ko. Napansin ko ang lalong pamumula ng pisngi nya kaya wala na akong sasayanging oras. "Shelley may itatanong sana ako sayo?" Lakas loob na sabi ko. Hindi ko na talaga patatagalin pa ito.

"Sige ano ba yun?" Nakatutok sa akin ang mga mata nya. Kaya mas lalo akong kinabahan.

"Nasabi naman na ng mga kaibigan ko diba na gusto kita diba?" Tumango sya at naghintay. "Gusto ko sana itanong kung pwede bang.. ano"

"Pwedeng ano?" Tanong nya habang nakakunot ang noo. Walang pinagbago maganda pa rin sya.

"Kung pwede manligaw." Mabilis na sabi ko. Napapikit na lang din ako dahil halata ang bahagyang pagkagulat nya.

Napalitan iyon ng simpleng ngiti. Hala! Baka hindi nya ako papayagan. Napatungo na lang ako dahil baka wala naman akong pagasa. Sino ba naman ang gugustuhin ang isang tulad ko? Gwapo lang naman ako. Laging sakit pa ng ulo.

Umangat ang tingin ko sa kanya ng marinig ko ang mahinang tawa nya. Pati pagtawa nya ang ganda.

"Sige pumapayag ako. Basta aayusin mo na ang pagaaral mo. Lagi kang makikinig at hindi ka na magpapasaway."

Mukhang mapapasabak ata talaga ako dito.

"Sige, oo sige. Basta liligawan na kita ha!" tumango sya sa sinabi ko habang nakangiti. Kaya hindi ko na rin naiwasan at napangiti sa kanya.

Mahirap man ang gusto nya pero susubukan ko. Wala naman mawawala sa akin kung hindi ko susubukan. Para na rin sa ikabubuti nya.

Sabay kaming bumalik sa klase ng matapos ang oras ng pagkain namin. Gaya ng sinabi nya ay sinubukan king makinig at makihalubilo sa klase. Medyo mahirao at hindi ko pa rin maiwasan ang makipagdaldalan at mangulit pero hindi naman tulad noon na sobrang malala. Kaya ang mga kaibigan ko ay kanya kanyang tukso sa akin dahil sa pagbabagong buhay ko raw.

Sa araw na rin na iyon ay hinatid ko pauwi si Shelley. Ayaw nya nung una pero masyado akong mapilit kaya pumayag sya pero hindi sa tapat ng mismong bahay nila. Ang gusto nya ay sa kanto lang ng eskenita kung saan sila nakatira. Ayos na sa akin iyon dahil sa susunod kapag kami na ay sa mismong bahay na nila ko sya ihahatid.

Kinaumagahan non ay sinundo ko sya. Maaga pa lang ay naroon na ako sa kanto nila. Hindi ko alam kung anong oras sya umaalis pero sinigurado ko na maaga ako para hintayin sya. Nagulat pa sya dahil naroon ako at kay aga ko pa raw.

Isang buwan na ganon. Hatid at sundo ko sya. Nakakatuwa dahil nasasanay naman na sya sa presensya ko. Minsan ay inaaya ko syang kumain sa kung saan lang at pumapayag naman sya. Tulad ng ayain ko sya kumain sa isang karinderya na naghahain ng masarap na bulalo at pares.

"Shelley, isang buwan na rin akong nanliligaw. Itatanong ko lang kung kailan mo ako sasagutin?" matapang na tanong ko sa kanya.

Medyo nakakainip din. Tumingin sya sakin at ngumiti pero nawala rin iyon.

"Sa paglabas ng marka natin ngayong unang markahan ay dapat wala kang grado na mas mababa sa 80." Nawala rin ang ngiti sa labi ko. 80? Hindi pa nga ata ako nakakakuha ng ganon kataas na grado. Aba kailangan ko ng inspirasyon.

"Pero gusto mo ba ako?" tanong ko. Ngumiti sya at tumango sakin. Hindi ko napigilan na yakapin sya. Humingi ng tawad ng lumayo ako. Masaya lang ako na gusto rin pala nya ako.

Pumasok na kami at nakinig na ako sa klase kailangan kong maka line of 8 lahat.

Dalawang buwan at kalahati mula ng magumpisa ang klase at exam week na. Simula noong sinabi ni Shelley na kailangan ko ng 80 pataas ay pinagigihan ko sa lahat ng exam noong week na iyon.

August 28 20**

Kuhaan na ng card at kinakabahan talaga ako baka kasi may line of 7 ako at hindi ko pa makuha ang matamis nyang OO

"Anong grade mo?" Hawak ko yung envelope hindi ko pa binubuksan.

Bigla nyang kinuha iyon at inabot nya sakin yung envelope nya.

"Sabay tayong buksan ah!" Sabi nya binuksan ko yung kanya

English89

Math86

Science87

Filipino86

Araling Panlipunan89

Mapeh93

Edukasyon sa Pagpapakatao95

T.H.E85

Nanlumo ako ang taas ng grade nya tinignan ko yung sakin. Mas nanlumo ako dahil hindi ko pa makukuha ang Oo nya.

80

76

79

81

76

82

75

79

Nanlulumo talaga ako. Pero bigla nya akong niyakap

"Okay lang yan. May second grading pa naman eh" sabi nya. Tama may 2nd grading pa at makakapasa ako dun sisiuraduhin ko na makukuha ko ang oo nya. Sa ngayon ang importante alam kong gusto na nya ako at ako lang ang gusto nya.

Você também pode gostar

Deep Within the Crazy Runaway of Emperor Shi

"Hulaan mo sino ako." sabi niya mula sa madilim na bahagi sa hagdan. ... "Hahaha. Just guess maybe you can get it right." ... "Anu ako ulol buti kung nasa laro ako sa tv at may premyo baka hulaan ko pa kahit na Hindi naman ako kalahi ng mga mangkukulam o manghuhula siguro." Sabi ko sa isip ko na medyu malakas kasi mukang narinig nya. "Hmmm if you want a reward I could grant you one wish." ... Pointed nose, masculine jaw line dark brown eyes silver hair na bagay naman sa kanya. Ngayun na umalis sya mula sa madilim na bahagi ng hagdan at naglakad palapit sa akin. Makikita Ang tunay nyang kagwapuhan. Di kagaya kahapon yung aura nya. Mas bagay ang sa ngayun hindi Yung ... "Bitiwan mo nga ako." Sabi ko dahil kinuha niya ang kamay ko at tinitigan ako. Di naman siya nagsalita pero hawak niya parin ang braso ko. "Let's eat." "Ayaw ko sumama sayo. Aalis nga ako dito taz dadalhin mo pa ako pabalik..." Sabi ko dahil hinihila nya ako papunta sa malapit na pinto ng floor na eto. Tinignan nya ako ulit ng seryuso kaya tumingin din ako sa mata nya ng seryuso ano akala nya matatalo nya ako sa walang pikitan ng mata. Hmp... Ng bigla nya akong kinarga sa balikat nya na parang sako ng bigas!!!! ... Ohmygassssss antigasssss... "Will you stop struggling. I'll kiss you if you don't stop." Syempre dahil nga matigas...Ang init na ng mukha ko... matigas ang ulo ko... Ahem... Bat ba nag iinit mukha ko sa... Matigas ... Ahem... anubayan!!! Sobrang pula ko na siguro. Ah basta di ako nakinig sa kanya at nagpumiglas parin. "Titigil ka o titigil ka?" "No!!! just let me go!!!! Ibaba mo ako!!!!" Tumigil sya sa paglakad pero segi parin ako sa paghampas sa likod nya "Or do you prefer na dalhin kita sa kwarto ko at kakainin na lang kita."...

TanzKaizen24 · Geral
Classificações insuficientes
36 Chs

The Unwanted Cinderella

Kings... Queens... Princes... Princesses... In the modern 21st century, monarchy only exists in various countries like Japan and England, but what if we tinker history a little bit. Let's revise it in a way that the world that we know ceases to exist, that instead of many independent powers, the world is outclassed by one Kingdom The Kingdom of Pendragon. Gareth was the fourth prince of the Kingdom of Pendragon. He had all the things that every commoner and lords can dream of, but he detested all of that. He hated the protocois. He hated the rules. He hated the manipulations. He hated his King of a father. To him, the Palace is a place of nothing but restrictions. He felt suffocated. So, with on|y the fiery courage in his heart, he left the palace and gone rogue. The press tagged him as the prodigal son, but he couldn't care less. What matters to him was his freedom outside the grandeur prison of a palace. It is the outside world molded him to be the man that he is now; cunning, smart and ruthless. He became the captain of his ship and the master of his fate. But circumstances brought him back to the Palace. This time, he actually considered staying. He met a woman with the most gorgeous eyes and the most delicious pair of lips. Nothing surprises him anymore but the woman blows him away during their first meeting. And after a wonderful kiss, she ran away. Like Cinderella, she leaves him hanging by the thread along with her crystal stilettos.

genieravago · Geral
Classificações insuficientes
42 Chs

Avaliações

  • Taxa Geral
  • Qualidade de Escrita
  • Atualizando a estabilidade
  • Desenvolvimento de Histórias
  • Design de Personagens
  • Antecedentes do mundo
Opiniões
Uau! Você seria o primeiro revisor se você deixar seus comentários agora!

APOIO