Chapter 11: She's back.. Our queen is back!
" MIND to explain everything, rozz?" seryosong ani ni adrasteia.
napayuko si rozzen pati na rin si khironny nung tignan nito sila sa mga mata.
isang mahabang katahimikan ang namayani sa pagitan nila, at tila ba may kanya kanyang iniisip.
hanggang sa napagdesisyunang magsalit ni khironny.
"She's our visitor adrasteia, they'll stay here for a while since they don't have a place to go.." he said with a flat voice.
lumingon si adrasteia rito. "Stay? Here? Alam nyo kung gaano kadelikado ang magpapasok ng kung sino sino sa gubat na ito dahil ito lang ang meron tayo!" pagdidiin nito. "Ito lang ang pwede nating tirahan rozz, khi.. Ito lang ang tahanan natin, at ayaw kong dumating na naman sa puntong mawala natin ito katulad ng nangyari 300 years ago!"
parang may kuryenteng dumalyo sa tenga ni rozzen dahil sa narinig, hindi niya maiwasang makaramdam ng inis.
" Wala silang kinalaman sa nangyari 300 years ago kung saan sinalakay tayo ng mga tao, adrasteia." he said with a hoarse voice. " They are our friend like what khironny said adrasteia, and now if you don't have any question.. Please leave, and leave them alone too." ani nito.
" You disrespect me for the sake of that girl?!" hindi makapaniwalang ani ni adrasteia!! " Ako na nagpalaki sa'yo, Ako na laging nariyan sa tabi mo-- ako na laging tumutulong sa'yo ay babastusin mo alang alang lamang sa babaeng 'yon?!"
"Hindi sya basta babae lang adrasteia.." seryosong ani nya. " Kaibigan namin siya at wala na syang ibang mapupuntahan.. Hindi ka na dapat mangealam pa dahil hanggang diyan lang ang linya mo.."
" Did you hear your self rozz? Or do you want me to make you realize what you just said!" tumaas na ang boses nito kung kaya't agad siyang lumingon sa pintong pinagpasukan ng mag-ina.
at nung marealize niyang mayroon palang sound proof ang kwarto iyon ay agad siyang nakampante.
" Look at yourself rozz, bumabalik ka na naman sa dating ikaw.. Naalala mo pa ba nung mga araw na 'yon? Yung mga araw na halos maglumpasay at magmakaawa ka sa'kin upang gumawa ng paraan para mapabalik lang siya?"
agad siyang natigilan dahil sa narinig at unti unti niya na namang naalala ang nakaraan niya-- ang nakaraang gustong gusto nya ng kalimutan..
" Please adrasteia.. Please do something! I-I can't lose her please? I cant.. I can't live without her!" halos maglumpasay na sa pag iyak binatang si rozzen habang nakahawak sa kamay ni adrasteia.
"We can't do anything about it, rozz. That's her decision, That's what she wants and you know that hinding hindi natin sya mapipigilan!" galit na ani ni adrasteia habang pilit binabawi ang kamay sa humahagulgol na si rozzen.
"But.. She loves me, and if it's for me.. she's going to change her mind.. Please, Please.. Adrasteia, please stop her.. Please" nagmamakaawang ani ni rozz habang nakatingin kay adrasteia na bumuntong hininga at pilit syang itinayo.
"Hinding hindi natin mapipigilan ang isang taong gustong kumawala sa mahigpit nating yakap, rozz.. I'm sorry but we can't do anything about it.. I'm so sorry."
Tila nag eecho ang alaalang iyon sa kaniyang isipan kung kaya't napaupo na naman siya dahil sa sobrang pagkadismaya.
'oo nga, tama siya. nauulit ang lahat, nagiging pabaya na naman ako.'
"Kung gusto mong bumalik sa salimuot na iyong naranasan sa nakaraan, o sige bahala ka! Basta huwag kang lumapit sa'kin kapag muli siyang mawala, rozz. Huwag na huwag."
"Muli? Muli siyang mawala?" naguguluhang tanong ni khiro.
siya lang ang napalingon kay khironny na naguguluhang nakatingin sa kanilang dalawa. Napabuntong hininga siya at magsasalita na sana munit agad siyang naunahan ni adrasteia.
"Tama, Muling babalik ang reynang ibinaon na sa limot ng karamihan." seryosong ani nito. "Alam kong hindi mo siya naalala o kung naalala mo man ay malabo ang kaniyang pagkakakilanlan munit-- alam kong alam mo kung sinong reyna ang aming tinutukoy khiro." Dagdag nito.
nakita niya kung paano nag iba ang ekspresyon nito sa gulat hanggang sa takot, at alam na alam niya rin kung bakit ito natatakot sa narinig..
Dahil ang dating maliit na kuting na prinsesa noo'y magiging isang dragong reyna na ngayon.. kung ito'y babalik, o kung makakabalik pa ba ito.
"Darating ang delubyo sa mundong ito at babalik na naman ang dating gulo.. Wala na namang magiging lugar ang mga tao't mawawala rin ang kalayaan ng bawat isa.. Gusto mo pa bang paabutin ang lahat sa ganon, rozz?" madiing ani ni adrasteia sakaniya.
Wala siyang naisagot-- ay mali, hindi nya na magawang ibuklat ang kaniyang mga bibig sapagkat pakiramdam niya kapag binuksan niya ito ay mas lalo lamang lalala ang lahat..
" You grew up fast rozz, And i know you can stand on your own..Naalala mo ba before? Ang ina't ama mo'y lagi kang pinagmamalaki dahil sa kakisigan at sa iyong taglay na lakas rozz.." ani nito. "Lagi kang ibinibida ng iyong ina't ama sa bawat parte ng kagubatang pinupuntahan nila hanggang sa ang palasyo ng dating reyna ang napuntahan nila.. at doon nga ang naging huling lakad nila.."
naiyukom ni rozzen ang kanyang mga kamay dahil sa galit. hindi nya nagustuhan ang pagbabalik ng alaala ni adrasteia tungkol sa mapait nyang nakaraan kung saan namatay ang ama't ina niya sa sariling kamay ng mahal na reyna..
hinawakan ni adrasteia ang mukha nya at ipinaharap ito rito kung kaya't nagtagpo ang kanilang mga mata.
" Ayokong maulit iyon sa'yo rozz.. at alam ko ring ayaw mong maulit iyon, diba?" malungkot nitong sabi.
Napabuntong hininga sya at naibaba ang tingin.
gulo gulo ang kanyang isip pero alam nyanv kung anong kailangan nyang piliin, alam nya kung anong landas ang dapat nyang tahakin.
"Naiintindihan mo naman ang gusto kong sabihin hindi ba?" mayroon nang laman ang sinabi nito kung kaya't iniangat nya muli ang kanyang tingin.
Lumaki ang kanyang singkit na mga mata nung mabasa niya ang isip ni adrasteia.
'Kitilin mo ang buhay nila.. Sya at ang batang iyon, patay*n mo sila..'
agad siyang napa atras dahilan para matanggal ang kamay ni adrasteia sakaniyang pisnge.
k-kitilin sila? ulit niya sakanyang sarili.
"Wait.. Pero bakit kaylangan nilang madamay dalawa? They have nothing to do here, adrasteia. Mga tao lang sila. " agad sumabat si khironny habang mayroong pagtataka at inis na emosyon.
agad syang pinanliitan ni adrasteia. "Do i need to repeat myself just to satisfy your self khiro? I already told you by myself. She's the queen! Sya ang reynang matagal nang ibinaon sa limot!" hindi na nito mapigilan ang pagsigaw dahilan para medyo mapaatras pa sya..
gulong gulo ang isip nya ngayon..
Alam niya sa sarili nya na alam nya kung paano naramdamam ni adrasteia ang dating reyna kay shakira dahil maski sya ay nakita at naramdaman nya..
Ang amoy nito ay tulad na tulad sa dating babae na nakilala nya..
At alam nya ang pasya nya ang pinaka mahalaga sa lahat dahil sya ang may hawak sa mag inang iyon..
Pumikit sya ng mariin.
At sa pagpikit nya ay parang pinaglaruan sya ng kanyang ilong dahil naamoy nya ang kulay rosas na amoy..
bahagyang kumunot ang noo nya munit agad ring itinaas ang mga kilay. Isang ngisi ang sumilay sa mga labi nya.
Huminga sya ng malalim bago muling tumingin sa mga mata ni adrasteia.
'kung iyon ang gusto nyo.. at kung iyon lang ang magagawa ko para mapanatili ang kapayapaan sa kagubatang ito.. I'll surely do it. unti unti syang ngumisi na talagang nagpangiti din kay adrasteia..
"I'll do that by myself adrasteia.. Just give me a time."
---
KANINA pa nakadikit ang tainga ni shakira sa pintuan ngunit ni-bulong galing sa labas ay hindi nya man lang marinig!
she sighed.
"Mama ano pong ginagawa nyo?"
agad syang napaayos ng upo at awkward na ngumiti sa anak niya.
"Y-Yeah? Uhm N-Nangangati lang ang paa ni mama, julian." nakangiting sabi nya bago dahan dahang lumapit dito.
"Talaga po? Gusto nyo po bang kamutin ko mama?" agad nyang sabi na nagpangiti sakanya.
"No need anak, hindi naman na sya makati." nakangiting sabi nya at kumuha ng suklay sa drawer at sinimulang suklayan ang buhok nito.
"Okay po." nakangiting sabi ni julian. "Mama sino po yung babae?" tanong ni julia.
saglit syang napatigil sa pag susuklay munit agad ring gumalaw bagkos baka makahalata si julia.
"Friend daw sya ni mister rozzen at mister khironny anak." pagsasabi nya base don sa sinabi nung babae.
"Friends po sila? 'Di ba po dapat friends din po natin sila? Kasi po friends rin sya ni mister khironny at mister rozzen."
she smiled and sighed.
" Anak, what their friends aren't our friends. And what our friends aren't their friends. they're our friends,yes. but it doesn't mean we should be friends with their friends too." paliwanag nya.
"But i want to be friends with her pa naman po.." malungkot na sabi nito. "She seems mabait pa naman po.."
ngiti nalang ang naging sagot niya sa huling sinabi ng bata.
ewan ba niya munit kahit pa nakausap niya ito ng sobrang ikling oras ay hindi nya maramdaman ang sinseridad o ang kabaitang nakikita ng anak niya-- hindi niya maipaliwanag ang kabang nararamdaman niya habang nakatingin sa mga matang ito dahil tila marami itong sinasabi na hindi nya masabi ng bibig..
katulad na lamang ni rozzen..
Naalala niya nung mga panahong una silang magkita, nung bata pa siya.. Nakita nya kung paanong nalito at nagkaron ng tanong ang mga mata nito habang nakatingin sakaniya, sobrang kakaiba.
yung mga tingin nito ay tila mayroon siyang ginawang mali-- tila mayroon siyang nagawang kasalanan rito at habang naguusap sila tila ba ay may kakaibang liwanag ang ningning sa mga mata nito..
para bang may namimiss itong tao habang nakatingin sakaniya..
para bang may hinahanap ito sa katauhan niya at para bang hinahalukay nito ang loob loob niya..
"Mama? Nauuhaw po ako.."
Doon lamang siya nagising sa malalim na pag iisip.
"A-Ah.. Teka lang anak" agad nyang sagot 'tsaka tumayo at naglakad papunta sa pintuan.
Nung pagkabukas nya ng pinto ay agad syang natigilan sa nakita!
Nakahawak ang kamay ng babae sa pisnge ni rozzen!
"Naiintindihan mo naman ang gusto kong sabihin hindi ba?" Rinig nyang sabi nung babae.
taka syang tumingin kay rozzen at nakita nya kung paano ito napaatras dahilan para mabitawan ng kamay nung babae ang pisnge nito.
Nakahinga sya ng maluwag dahil roon..
"Wait.. Pero bakit kaylangan nilang madamay dalawa? They have nothing to do here, adrasteia. Mga tao lang sila. "
Napakunot ang noo nya matapos marinig ang sinabi ni mister khironny.
'Dalawa? Kami ba ang tinutukoy nila? Teka.. Kami ba ang pinag uusapan nila?!'
agad itong pinanliitan ng mata nung babae. "Do i need to repeat myself just to satisfy your self khiro? I already told you by myself. She's the queen! Sya ang reynang matagal nang ibinaon sa limot!" Tumaas ang boses nito dahilan para medyo isarado nya ang pinto!
Sandaling tumahimik ang paligid kung kayat isasara nya na sana ang pintuan dahil privacy nila iyon munit ang sinabi ni rozzen ang nagpatigil sakaniya..
"I'll do that by myself adrasteia.. Just give me more time to get ready."
parang tinambol ng malakas ang boses niya sa narinig!
Tila ang mga salitang narinig nya ay isang vacuum cleaner na agad kinuha ang lakas nya sa loob!
Natulala siya sa kung saan at hindi maproseso ang huling narinig..
'hindi.. hindi yun totoo.' pag deny nya sa sarili nya at tahimik na isinara ang pinto.
Napaupo sya sa lapag at napahawak sa buhok.
'hindi.. hindi nya pwedeng gawin yun samin..' parang naluluhang sabi nya sa isip habang parang sirang plakang nagpaulit ulit ang sinabi ni rozzen sa tenga nya.
"Hindi siya.. Hinding hindi pwedeng maging siya yun." Kumuyom na ang kaniyang kamao habang ipinapaniwala ang sarili na hindi si rozzen ang nagsabi nun-- na baka imahinasyon lang nya at siguro ay dala lang iyon ng antok munit..
Sino bang niloloko niya?
Sarili niyang tenga ang nakarinig..
At sariling mga mata ang nakasaksi kung paano ngumisi si rozzen sa babaeng iyon..
Kaya paano nya pa lulusutan iyon para mapaniwala ang sarili niya?
"Mama ano pong problema?"
napalingon siya kay julia na mayroong pag aalala sa mga mata..
Hindi nya mapigilang hilahin ang anak upang yakapin.
'I thought we're finally found our new home.. but i guess I'm wrong..'
"Mama? Bakit po kayo umiiyak? May masakit po ba sainyo?" sunod sunod na tanong ni julia munit alin mandon ay hindu niya sinagot.
Nagpatuloy lang siya sa pag iyak sa balikat ng anak habang nagtatanong sa sarili..
'bakit ba kailangan maging ganito pa?'
'Bakit kailangan siya pa?Hindi ba pwedeng iba nalang? Hindi ba pwedeng hindi siya?'
'Bakit sa dinarami rami ng taong pwedeng mag betray samin ay sila pang dalawa? Ang dalawang taong napalapit na kay julia..'
ilan lang yan sa mga tanong ni shakira sa sarili habang yakap yakap ang anak na patuloy lamang sa pag-alo sakaniya.
Tumulo na naman ang isang butil ng luha sa kanang mata niya dahil hindi nya matanggap ang kaisa isang bagay na hindi niya aakalaing mangyayari pala. At iyon ang..
Hindi niya matanggap na ang mga lalaking nagbukas ng pinto sakanila ay siya ring lalaki na mangtratraydor sakanilang dalawa..
Muli siyang napapikit at hindi na mapigilang humagulgol dahil sa sakit ng kaniyang puso.
Eto na naman siya, natraydor na naman ng isang taong naging malapit na sakaniya...
hindi na siya natuto sa nakaraan niya kung saan mismong ama ni julia ang trumaydor sakaniya..
Flashback..
Nagising si shakira dahil sa sobrang ingay sa labas..
Tinignan niya ang anak niyang nasa gilid ng kama at nakayakap pa ang isang kamay nito sa bewang niya at ang isang paa nito ay nakatanday sa paa niya.
napangiti siya-- munit agad nawala nung marinig na naman ang malakas na katok sa pinto.
Sa apartment pa sila dati naninirahan-- maraming kapitbahay munit tahimik.
"Ny*ta." hindi na nakapagpigil si shakira at dahan dahang tinanggal ang kamay at paa ng anak sakaniya.
Pagkabukas na pagkabukas ng pinto ay biglang umusok ang kaniyang tenga nung makita kung sino ang hinay*pak na nangistorbo sa tulog niya.
At iyon ay walang iba kun'di ang ama ni julia.
Pawis na pawis ito at tila balisa habang tumingin tingin pa sa loob ng bahay niya kahit pa onti lang ang siwang nun.
"Where's julia?" agad nitong tanong nung hindi sya gumalaw sa kinatatayuan.
"Why you want to see her?" agaran niyang tanong.
"C'mmon shakira. She's also my daughter." Kunot noong ani nito.
"Since when?" mataray niyang tanong.
Napabuntong hininga ito at bumagsak ang balikat. "Please.. I want to see her." Onti na lamang ay tutulo na ang luha nito dahilan para magkaroon sya ng onting onting awa na naramdaman sa puso.
"Alright. Ilang minuto lang." masungit pa ring sabi niya at pinagbuksan ang pinto.
Nagliwanag ang mukha nito at agad na pumasok sa apartment na tinutuluyan nilang mag ina.
"Don't wake her up." Bilin ni shakira nung makitang papasok sakanilang kwarto si joseff- ang ama ni julia.
Tumango naman ito 'tsaka nagpatuloy sa pagpasok at isinara ang pinto.
Hinayaan niya lamang iyon dahil kahit may pagka bar*mbado ang ama ni julia ay mabait naman ito pagdating sa anak.
Iyon nga lang kung hindi ito naadik masiyado sa sugal edi sana mayroon pa ring ama ngayon si Julia.
Pumunta siya sa maliit nilang kusina at napagdesisyunang maghanda na ng pang umagahan dahil alam niyang magigising rin naman si Julia dahil sa ingay ng yapak ng ama.
Ipinuyod niya na ang kaniyang buhok 'tsaka pa kumuha ng itlog, ham, at ang paboritong delata ni julia-- ang argentina cornbeef.
Hindi pa man niya nasisimulan ang luto ay bigla siyang nakarinig ng pagbasag ng salamin sa kwarto at maya maya lang ay isang hiyaw na alam niyang galing sa ibaba!
Agad siyang kinabahan at nagmadaling pumasok sa kwarto-- nagulat siya nung makitang wala na doon ang kaniyang anak at si joseff!
"Sh*t" mabilis niyang sinilip ang bintana at doon niya nakita ang tumatakbong si joseff na buhat buhat si julia sa balikat nito!
Agad siyang lumabas ng kwarto at nagsuot ng tsinelas 'tsaka nagmamadaling bumaba-- nasa ika tatlong palapag ng gusali ang apartment nila at alam niyang hindi makakalayo si joseff dahil siguradong magkakaroon ito ng pilay dahil sa pagtalon!
'sh*t ka talaga joseff, kapag nahuli kita.. hinding hindi kana makakatikim sa'kin.' ani niya sa isip.
Buti nalang ay sanay siya sa pagtakbo at alam niya ang pasikot sikot ng lugar kung kaya't mabilis niyang nahabol si joseff na paika ika pa kung tumakbo!
"HUMINTO KAA!!" sigaw niya pero parang wala lang itong narinig. "f*ck it!! Sabi ko huminto ka!!" Galit niyang sigaw! Pero kahit yata sumakit ang kaniyang lalamunan ay nagpatuloy pa rin si Joseff!
"TULUNGAN NYO 'KO!! HULIHIN NIYO ANG LALAKING IYAN!" panghingi nya ng saklolo sa mga nadadaanan nilang tao-- agad naman kumilos ang mga lalaki at hinabol si joseff!
Munit..
Huli na ang lahat..
Sa isang road dumeretso si joseff at hindi nito namalayan ang truck na papabunggo sakanilang dalawa..
"JULIAA!!" Sigaw niya at sakto ang pag salpok ng malaking truck sa kawawang nilalang..
Humahangos siyang tumakbo papalapit sa dalawa..
Humagulgol siyang nilapitan si julia at niyakap ito ng mahigpit.
"Julia.. Anak" umiiyak niyang ani.
Pero agad nya ring tinignan si joseff na nakasalampak sa sahig habang nakatingin sa kanilang dalawa..
Puno ng dugo ang kaniyang buong mukha at naluluhang nakatingin sakanila..
Bago pa man nito maipikit ang mga mata ay nabasa niya ang sinabi ng bibig nito.
"Patawarin mo 'ko anak, patawarin nyo a-ako.." at kasabay ng pagtulo ng luha nito ay ang pagpikit rin ng mga mata nito..
Karga ang anak ay nilapitan niya si joseff na walang buhay at mas lalong napahagulgol.
Akala niya ay matanggal nang itinanggal ni joseff ang pagiging ama kay julia -- pero heto siya ngayon, inihanda ang sariling buhay para iligtas ang anak.
Tama kayo sa nabasa ninyo.
Nakita ni shakira kung paanong inihagis ni joseff ang anak-- at mag isang hinarap ang paparating truck na kumitil sa sarili nitong buhay..
"Joseff.. " umiiyak niyang hangos habang yakap yakap ang umiiyak ring si julia.
End of flashback.
Simula noon ay mas lumaki na ang trust issues niya sa mga lalaki-- sa kabila ng pagsasakripisyo ni joseff para kay julia.. Para sakaniya ay bayad lamang iyon dahil sa ginawa nito sa sarili niyang dugo at laman.
At ngayon.. pakiramdam niya ay nauulit na naman ang lahat-- lahat ng ayaw niyang maulit.
Ang pagtratraydor na ginawa sakaniya noon ay nagbigay ng malaking trauma sakanilang mag ina.. At ayaw niya na talagang maulit iyon-- kaya habang maaga pa ay kailangan na nilang lumikas.
Lumikas sa tahanan ng mga taong akala nila ay itinuturing silang pamilya..