The Transfer Student from Public High
Transferee. Karaniwan na sa bawat eskwelahan ang magkaroon ng isang transfer student, ngunit para sa isang espesyal na eskwelahan katulad ng Sacred Morning kung saan pili at mayayaman lamang ang maaring makapasok, walang lugar para sa mga estudyante ng eskwelahang ito ang katulad ni Cloud Patrick Alegre na nagmula pa sa isang pampublikong eskwelahan.
"I prefer to be alone and to be left alone. I like reading books, I can cook, I can't swim, I don't play any sports, I can't play any instruments, I hate outdoors, ano pa ba? Ah, and I can see what you normally can't see."
Iyan ang description ni Cloud Patrick sa kanyang sarili sa kanyang introduction sa unang araw niya sa bagong school.
Paano kaya siya magkakaroon ng kaibigan kung sa unang araw pa lang ay gulo kaagad ang ginawa niya sa anak ng may-ari ng mismong school? Paano rin kaya siya paniniwalaan kung pati sa introduction ay nahuli na kaagad ang pagiging sinungaling niya?
Samahan si Cloud na tuklasin ang misteryong bumabalot sa Sacred Morning.
13th_Owl · Ação
Classificações insuficientes