webnovel

KABANATA 13

Everything feels so weird dahil nang sinundo ako ni Kuya, tahimik lang sya, hindi ako inasar, hindi nagtanong kong kamusta na ako, anong nangyari sa akin at kung anu-ano pa. Hindi ko alam. Siguro may problema sya sa acads nya o naghiwalay sya sa ng girlfriend nya.

Hindi kasi ako sanay na ganito si Kuya sa akin. Kahit palagi nya akong inaasar, okay lang dahil nasanay na ako na ganon sya eh kaya nakapagtataka lang ngayon.

Pagkarating namin sa bahay. Tahimik pa rin kami kaya nagtaka si Mama dahil usually ang ingay naming dalawa.

"Kumusta na ang buhay mo doon?" Tanong ni Mama.

"Okay lang po" Ani ko.

"Nag-away kayo ng Kuya mo?" Aniya. I shook my head.

"Hindi ko rin po alam don. Hindi namamansin eh" Ani ko. Mama nod.

"Magbihis ka na at magsaing ka na rito" ani ni mama.

Lumaylay ang balikat ko dahil sa narinig. Kadarating ko lang utos kaagad! Ano ba yan! Hindi man lang sinabi na magpahinga ka muna dahil kakauwi mo lang o ano!

"Opo" tamad kong sabi at bigat na bigat ang bawat hakbang patungog kwarto pero bago pa ako nakapasok...

"Mag-usap tayo mamaya" malamig na sabi ni Kuya.

Kumalabog naman ang puso ko dahil pakiramdam ko may nagawa akong mali!

"Bakit?" Kinakabahan kong sabi.

"Lagot ka sa akin mamaya" aniya at pumasok sa kwarto nya.

He left me dumbfounded. Tulala lang ako habang nakatangin sa pinto ng kwarto ni Kuya.

Anong kasalanan ko? Wala naman akong ginawa sa kanya...except kung tungkol iyon sa paggagala ko o kay Zioniel.

Tuloy, kumalabog ang puso ko at paulit-ulit na naglakad paparoon at paparito!

Alam ba ni Kuya ang tungkol doon? O alam nya ba na naggala ako kasama si Zioniel?

Patay talaga ako nito! Ayaw nya pa namang magkaka-boyfriend ako! Pero hindi ko naman din boyfriend si De Lara kaya siguro wala akong kasalanan?

"Baka hindi tungkol doon!" Kunot noo kung sabi sa sarili ko at umupo sa kama.

Baka tungkol yon sa pagsundo nya sa akin? Siguro may date sya tapos hindi natuloy dahil kinuha nya ako at nagalit girlfriend nya! So kakausapin nya ako na kausapin ang girlfriend nya para magkabati sila!

"Tama! Tama" Ani ko at nakahinga ng maluwag sa naisip.

Pilit kong winawala ang iniisip ko habang gumagawa ng gawaing bahay. Hindi talaga ako mapakali eh.

I know Kuya, alam ko kung anong magiging reaksyon nya if he knows about Zioniel!baka sumugod yon doon tapos pagsasabihan ng kung ano-anu. Nakakahiyang isipin but on the other hand baka hindi yon ang rason ni Kuya.

Nang kumain na kami. Tahimik pa rin si Kuya, seryoso lang syang kumakain kaya panay ang sulyap ko kahit tanong ng tanong si Mama sa buhay ko sa boarding house.

"Kailan ang exam nyo?" Tanong ni mama. Napanguso ako.

"Last month Ma...tapos after nyan ay fun run tapos history fest namin" Ani ko.

"Sinong kasama mo?" Seryong tanong ni Kuya. I blink at dinaga ang ng kaba.

"Kaklase ko" Pilit inaayos kong boses kong sabi.

I don't know what's up to him! Pero parang may ideya na ako kung bakit sya ganyan!

Kuya don't want me to be in a relationship because he know how dangerous and how painful it is but hindi lang naman disadvantages ang mayroon kapag nasa isang relationship ka, may advantages rin naman! But sadly, ayaw ni Kuya dahil sa kadahilanang bata pa ako.

Nang natapos kaming kumain, tinawag nya ako sa labas at hindi nga ako nagkamali sa iniisip ko.

"Sa tingin mo hindi ko malalaman? Sino yong palagi mong kasamang lalaki?" Malamig nyang sabi.

I looked away. Hindi alam ang sasabihin!

Nakakahiya kasing aminin na manliligaw ko!

"Aloha!" Madiin nyang sabi. I sigh heavily.

"Kaibigan" mahina kong sabi. Kuya look at me sharply.

"Iba ang nakuha kong sagot!" Madiin nyang sabi kaya napalunok ako.

"H-Huh?" Utal kong sabi.

"May kaibigan bang sya ang nagdadala ng cellphone? Magkasama palagi? At kung hindi ako nagkakamali!sya rin yong nagreklamo sa boarding house nyo! Sino yon?" Madiin nyang sabi.

Napapikit ako ng mariin!

Ang tanga Aloha! Bakit hindi mo naisip na tumatawag ang Kuya mo palagi para e check ka! Bakit ba ako pumayag na mag exchange kami! Ito tuloy ang nangyayari.

"K-kuya" nauutal kong sabi.

"Boyfriend mo?" Walang pa tumpik-tumpik nyang tanong. I shook my head.

"Nan...Nanliligaw lang" mahina ang boses kong sabi.

"Bakit hindi mo sinagot?"

Nanlaki ang mata ko at napatingin kay Kuya. Hindi makapaniwala. He raised his brow. I press my lips.

Convince him Aloha! Please! Para rin to sa inyo ni Zioniel! Kaya natin to.

"Ano...Ano Kasi...Sabi ko...ano! Magpakilala sa inyo...Ughmm...magpapaalam Kuya mga ganon!" Kinabahan ko talagang turan.

"Bakit hindi pa nagpakilala? Halos araw-araw daw yon sa boarding house mo" Strikto nya talagang sabi.

Sinong mag report sa lalaking toh? At bakit sya lang ang nakakaalam? Bakit parang hindi alam ni Mama?

Sino kaya ang source nang mga ganyan nyang iniisip nang masampal ko! Nakakainis!

"K-kuya...ano...Naghahanap pa sya ng-"

"I want to meet him. Wala kaming klase two days. Sasama ako sayo" seryoso nyang sabi.

Nawingdang naman ang pagkatao ko sa narinig.

No! Ayokong magkita sila baka kung anong gawin ni Kuya! I know him! Alam kong tatakutin nya yon, baka pagbataan at kung anu-ano pa gaya ng ginagawa sa mga nagkakagusto sa akin noon! At ang resulta! Lumalayo sila sa akin!

"H-huh?" Kinakabahan ko talagang sabi. Hindi ko na natago dahil nag-iisip pa lang ako ng posebling scenario, kinakabahan na ako.

"Gusto mo sya tama?" Ani ni Kuya. I pursed my lips at look away!

Ano ba naman ang mga tanungan ni Kuya! Nakakahiyang sagutin! Kung malaman ko lang talaga kong sino ang nagsabi sa kanya. Papatayin ko talaga ng mura!

Kuya laughed at inakbayan ako kaya masama ko syang tinignan.

"I realized...Na... matanda ka na, you know what is right and wrong...and falling inlove is inevitable kaya sige, I will let you..."

"Talaga?" Masaya kong sabi. Parang tumalon ang puso ko sa sinabi nya.

"But!"

"Kuya ba't may But pa!" Reklamo ko kaagad kaya umamba syang babatukan ako kaya agad akong napalayo.

"Ikaw na bata ka!...papayagan kita kung deserving ba yong lalaking yon para sayo! Tinuring ka naming prinsesa dito-"

"Don't worry Kuya! I'm a queen to-"

"Anak ng kagang! Puro biro!" Inis na sabi ni Kuya at natawa ako.

Asaran kami ng asaran sa labas pero hindi nya pa rin nakalimutan at paulit-ulit nyang sinabi na magpakilala daw muna sa kanya at kung red flag raw, auto pass daw ako kahit mahal na mahal ako dahil. Aanhin ko daw ang pagmamahal na yon kung napaka toxic nya.

Nang tumunog ang messenger ni Kuya dahil nag chat na ang girlfriend nya, nagpaaalam na akong pumasok sa bahay para magpahinga.

Pagkapasok ko sa aking kwarto, humilata agad ako sa kama ko. Nakakamiss rin pala tong kwarto ko kahit palagi akong napapagalitan dahil dito kasi kesho raw hindi ako marunong maglinis, kung saan saan ko na lang e tatapon ang basura ko at kung anu-ano pa.

Hindi ko namalayang nakatulog ako. Naalimpungatan lang ako nang tumunog ang cellphone ni Zioniel.

Hindi pa rin nya sinasauli ang phone ko! Pero wala naman akong paki dahil ang ganda ng phone nya ang sarap-sarap gamitin! Ang dami pang load.

"Hello?" Paos kong sabi at niyakap ang unan dahil inaantok pa.

[ Hi...I see.Your sleeping....I'm sorry kung naka esturbo ]

Namulat agad ang mata ko nang narinig ang boses ni De Lara!

"Zioniel?" Paos ko pang sabi at bumangon sa kama.

[ Hmmm...Matulog ka muna...I will call you later ]  napanguso ako at kinusot ang mata ko.

"Zioniel..." wala sa sarili kong tawag. He chuckle.

[ Hmmmm?...What is it baby?] Malambing nyang sabi.

Para akong hinihili sa malambing nyang tuno kaya binagsak ko ang sarili ulit sa kama.

"Wag...Mong patayin ang tawag please" antok kong sabi.

[ hmmm...Someone's cling...I will video call you okay? Just answer it and you may go back to sleep ] Malambing nya talagang utos.

Nang tumawag sya. I did what he told. Nilagay ko ang phone ko sa phone stand at natulog pabalik.

One thing na advantage ko sa phone ni Zioniel ay napakaraming load. Parang hindi mauubusan kaya tuwang-tuwa talaga ako.

Kung hindi pa ako tinawag ni mama para maglaba ng mga damit hindi ako magigising dahil sa himbing ng tulog ko.

"Kaya minsan ayoko rito eh dahil puro utos" I mumbled at kinamot ang ulo ko. I looked at the phone na dead na ang battery ngayon!

Hindi siguro pinatay nong isa ang tawag kaya na drain.

"Nakalimutan ko pang sabihin sa kanya ang sinabi ni Kuya! Tulog pa Aloha!" I said to myself.

Nag charge muna ako bago ko kinuna ang mga labahin at dinala sa likod bahay.

"Aloha! Labhan mo rin yong sa akin" walangyang utos ng Kuya ko. I glared at him.

"Bahala ka sa buhay mo!" Ani ko at umirap.

"Hindi kita eh hahatid bukas!" Pananakot nya. I scoffed.

"Edi wag!magpapasundo na lang ako" mayabang kong sabi.

"Ano kamo?"

"Sabi ko! Nasaan na? Bingi Kuya? Bingi?"

"Tsss"

I laughed. Siraulo talaga! Paano kaya natitiis ng girlfriend non ang ugali nya! Parang tanga eh.

Dahil sa ingay ni Kuya. Ang dami-dami kong labahin dahil pati kina Mama nilabhan ko!

Halos dalawang oras akong naglaba! Kaya bagsak agad ako sa kama sa pagod! Buti na lang naawa si Mama hindi na ako pinaglinis ng bahay.

De Lara's phone beep kaya kinuha ko ito. My eyes widen nang napakaraming nyang message.

My Baby:

what are you doing?

My Baby:

Still sleeping...What a sleepy head.

My Baby:

Sleep well...Call me if you awake already...

Napatikhim ako nang nakita ang pinangalan nya sa akin sa contacts nya.

"Corny nya!" Nakangiti kong sabi. Parang nawala lahat ng pagod ko sa paglalaba.

My baby:

Damn babe, I'm so frustrated right now cause someone sabotage my teams presentation.

My baby:

Guess what kung anong snack rito?...Your favorite bananaque...they thought I like bananaque cause I always bought it...But it's my baby's favorite.

My baby:

They wanted to meet you...but I said to them that your sleeping. Bawal kang estorbuhin.

My baby:

Your so cute when your asleep.

Natawa ako sa mga message nya at nakakahaplos ng puso dahil kahit hindi ko itinatanong, sinasabi na nya ang nangyayari sa buhay nya.

Dahil nalilito na ako sa e r-replay, tumawag na lang ako, baka makatulog na naman ako! Pagod pa naman sa kakalaba.

"Hi!" Masaya kong sabi at dumapa sa kama. Tinitignan ang Koko.

[ Hi...Good afternoon ] He huskily said kaya napanguso ako.

"Ang pormal naman! Hindi ako isa sa mga client mo!" Biro ko. I heard him chuckled.

[ I miss you...what are you doing? ]

"Wala, kaya tumawag ako...Anong ginagawa mo?" Hyper ko talagang tanong at tumihaya naman at kinuha ang unan ko para yakapin.

[ doing my paper works- ]

"Huh? Nakaka-estorbo pala ako? Sorry...Ibaba ko na lang" taranta kong sabi.

[ Oh no! Hindi ka nakaka-esturbo...I'm waiting to your call and I rather talk to you than to do my paper works...]

"Hala! Baka nakaestorbo talaga ako...mamaya na lang" nakanguso kong sabi. He chuckled.

[ I'm on a break now...] Aniya kaya napairap ako.

"Hindi ako naniniwala!" Ani ko.

[ let's video call  then ] hamon nya kaya agad kong tinawagan sa messenger. Agad nya namang sinagot.

"Nasaan ka?" I asked nang nakitang umiba ang background ng head board nya.

[ In my office room...I have a room here cause sometimes tinatamad na akong umuwi ] Aniya at nilagay ang phone sa kung saan at biglang nag hubad ng polo at kitang-kita yon ng camera.

Tumikhim ako nang nakita ang katawan nya, chisled chest, ang laki ng biceps, my abs at! Shit nakakalaglag ng panty! Oh my goodness!

"Zioniel! Nakikita kita! Alam mo ba yon?" Reklamo ko na para bang hindi naglalaway sa katawan nya.

Sabi ko na nga ba! Ang ganda ng katawan ng lalaking toh eh! Sa tindig at muscles nya pa lang! Halatang-halata na!

[ hinubad dahil magpapahinga ako...Why? ] inosente nya pang sabi kaya inismiran ko. He laughed.

Magsasalita na sana ako nang may kumatok sa kwarto ko.

"Aloha! Ang ingay! Ingay mo! Hinaan mo boses mo, nag-aaral ako!" Masungit na sabi ni Kuya. Napatakip tuloy ng bibig.

"Okay!" Ani ko. I saw Zioniel smirked in the other line, nakahiga na sa kama.

"May kasama kang babae dyan no?" Out of the blue ko na talagang sabi. He laughed.

"Silly...I'm all alone here" tawang-tawa nyang sabi kaya napasimangot ako. He laughed so hard when he saw my reaction.

"I'm saying the truth" natutuwa nyang sabi at nilibot ang camera sa kwarto nya. Umirap na lang ako dahil dinig ko ang tawa nya.

"Nga pala! May sasabihin pala ako sayo" pang-iiba ko na lang ng topic. He laughed at binalik ang pagkakatotok ng camera sa mukha nyang bakas na bakas ang tuwa pero halatang pagod.

[ Hmmmm? Sasagutin mo na ako ] pabiro nyang sabi. Nag make faced lang ako sa kanya.

"Tumawag ba si Kuya tapos sinagot mo?" I asked.

[ yup! I forgot na sayo pala tong phone na gamit ko so I answered...I'm sorry baby ] sincere nyang sabi.

So sya pala ang dahilan kung bakit nalaman ni Kuya! Jusko naman!

"Hayst! He wanted to meet you! Inamin ko tuloy sa kanya! Letche ka naman eh! Kinakabahan ako sayo! What if kung anu-ano na lang ang gagawin ni Kuya sayo? Huh?" Lintaya ko. He laughed.

[ I'm ready ] Mayabang nyang sabi.

Napasimangot na lang lang ako. He laughed.

[ Don't worry okay? I will prove to your kuya that I really love you ]

Napalabi ako sa sinabi nya dahil ramdam na ramdam kong nag-iinit ang mukha ko at humataw ang kung ano sa tyan ko kaya sinadya kong iiwas ang camera.

"I-iwan ko sayo..."

"Aloha! Nag-aaral ang tao rito! Rinig na rinig ko kita!" Galit ng sigaw ni Kuya kaya napabuntong hininga ako.

Ang epal talaga kahit kailan!

"Ang epal mo Kuya!" Inis ko ring sabi.

"Tumahimik ka dyan!" Estrikto nyang sabi kaya ngumuso na lang ako at hindi na lang sya sinagot dahil alam ko hindi kami matatapos.

I looked at my screen at nakita kong inaantok na si Zioniel! Pero pilit pa ring binubuka ang mata kaya ang ginawa ko. I screenshot it and upload it on his account ang tag my account.

"Zioniel! Inaatok ka na?" I asked. He shook his head pero tinabon ang braso nya sa mata kaya natawa na lang ako.

Alam kong pagod sya at maghapong nag t-trabaho! Magsisinungaling pa!

Nakakabilib nga sya eh! Sa ganyang edad may sarili na syang negosyo, may experience na sa mga ganyan. Habang ako nag i-imagine pa rin na p-perma ng mga papelis, nag a-attend ng meeting at kung anu-ano pa.

Kaya siguro sila yumaman dahil napaka business nila, nag-aaral pa lang na may business na! Ang bata-bata pa lang nakaka a-attend na ng business meeting!

Hindi na lang ako nag salita, nag scroll-scroll na lang ako para makatulog sya.

Maya-maya pa, black na ang nasa kabilang screen kaya natawa na lang ako. Hindi daw inaantok pero nakatulog! Ako pa ginawang tanga!

Kinabukasan, dumalaw ang kaibigan ko sa bahay! Ang iingay na agad nila dahil may nakita daw silang mga tag post sa akin  kasama ang lalaki.

"Huwag nga kayong maingay! Magagalit si Mama! Mga gaga!" Saway ko sa kanila.

"Kayo na noh?" Tanong ni Arsenia. I rolled my eyes.

"Hindi nga!" Bored kong sabi.

"Anong hindi nga? Huwag mo kaming gawing bobo! May post ka sa Instagram mo na kasama yong lalaki! Ano nga pangalan non?" Ani ni Jenia.

"Hindi nga kami dahil nanliligaw pa lang-"

Naputol ang sasabihin ko nang sumigaw sila ng sabay-sabay kaya napatakip ako ng tainga.

Hindi ko alam kong paano ko sila naging kaibigan! Ang tahimik kong tao tapos ang iingay ng mga ito!

"Oh my God! Ang hot non! Sagutin mo na!"

"Gaga kang sunga ka! Sagutin mo na bago matauhan!"

"Tumahimik nga kayo! Hindi alam nina Mama at Papa!" Saway ko sa kanila.

"Kami na bahala doon! Tapos ako bahala sa Kuya mo!" Proud na sabi ni Rehena kaya pinagbabataukan ng tatlo.

"Alam ni Kuya!..."

They shout again kaya natampal ko na lang ang noo ko!

Napaka-ingay talaga kahit kailan! Alam naman nilang napaka sensisitive ng mga parents ko. Ayaw ng maingay dahil sasakit daw ang ulo o di kaya mad-disturbo.

Nanlaki ang mata ng tatlo sa sinabi ko kaya natawa ako.

"Totoo?"

"Hindi nga?"

"Baka prank lang yan huh?"

Hindi makapaniwalang sabi ng tatlo pero tinawanan ko lang.

"Totoo nga!kinakabahan nga ako dahil makikipagkita si Kuya bukas kay De Lara! Alam nyo naman si Kuya" nakasimangot kong sabi at malakas na bumuntong hininga.

Sana lang talaga walang gawing masama si Kuya kay De Lara! Napaka basagulero at wala pa namang filter ang bibig ni Kuya.

"Gurl..." tawag sa akin ni Rehena na hanggang ngayon hindi pa rin makapaniwala.

"Bakit?" Inosente ko pang sabi.

"Tawagan mo nga ngayon kong totoo bang sinasabi mo....Baka prank lang tong lahat para may masabi ka lang sa amin na may boyfriend ka na" Ani ni Rehena.

Napangiwi na lang ako.

Nakaka-insulto naman! Hindi naman ako mag e-embento ng ganito ganyan para lang may masabi! Dahil medyo nainis ako sa sinabi ni Rehena. Tinawagan ko na kang si De Lara kahit alam kong tulog pa yon sa ganitong oras.

Dalawang ring pa lang. Sinagot nya agad ang video call ko.

[ Baby... ]De Lara huskily said. Kagigising lang.

Magulo pa ang buhok at wala pang damit pang itaas.

Mayabang kong tinignan si Rehena na nakanganga ngayon.

"Sorry kong nagising kita...Tulog ka na ulit...someone wants to meet you" nakangiti kong sabi. Masaya dahil sa nakitang reaksyon ni Rehena.Naiinsulto talaga kasi ako.

[ Oh? ...right...Anyway good morning..Kailan ka babalik rito? ] He asked habang bumabangon at ginulo ang buhok.

"Mamaya...kasama si Kuya, 2 days sya sa boarding house...He wanted to meet you" aniya.

[ I'm ready baby...Can you wait for awhile? I will just change ] aniya. I smile and nod.

"Okay" Ani ko at pinatay ang tawag dahil alam kong magtatalo pa kami kong sino ang papatay sa tawag.

I looked at the three.

"Okay na?" Mayabang ko talagang sabi pero laglag pa rin ang panga nila akong tinignan. I smile sweetly.