webnovel

Dead Bodies (Completed) Tagalog

Nagsimula ang lahat sa isang trahedya. Trahedyang magdadala ng epidemya. Sino ang makakalutas nito? Sino ang makapagliligtas sa buong mundo? May pagkakaibigan ang mabubuo, sama sama silang haharap sa gulo. May mawawala, may magbabalik at may mag tatraydor. Paano nila lahat malulusutan ito? Dead Bodies are everywhere but the most ridiculous part is the Dead Bodies are Alive!

Aerang_Manunulat · Adolescente
Classificações insuficientes
71 Chs

Dead 25 (Part 2)

Chapter ²5

Kiera POV

Mabigat ang aking hakbang papasok sa gusali.

Gustuhin ko mang manatili ngunit hindi nararapat.

Kung kapakanan nilang lahat ang kapalit ay handa ako.

Pagbukas ko ng pintuan ng rooftop ay agad na bumungad saakin ang isang chopper at doon nakatayo si Aries o kung sino man na nilalang ito.

Walang kung ano-ano'y kinaldkad na ako papunta roon.

Nakita kong nakangisi sa harap ang lalaki. Naramdaman ko nalang ang paglipad nito at papalayo sa gusali kung saan kami nanggaling.

Tiningnan kong mabuti ang buong zone.

"Huwag kang malungkot, everythings gonna be alright."

Bago pa man ako makareact ay parang binuhusan ako ng malamig na tubig at naubusan ng hininga ng biglang sumabog ang gusali at ang parte kung saan naroroon ang mga kaibigan ko.

No...

Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko! Nagagalit ako!

Hindi ko napigilan ang umiyak at mapahagulgol dahil sa nasaksihan.

"A-anong ginawa mo!?" Singhal ko at bago ko pa man ako makapalag ay nakaramdam ako ng pagkaantok.

No.. Hindi pwede....

"Woah! Aira tha's cool!"

"Himala Mia hindi ka nalate, may lagnat ka ba?"

"Awww!"

"Ang sakit 'nun ah!"

"Wala akong lagnat!"

*****

"tandaan niyo walang magliligtas sa inyo kundi ang sarili niyo, kung gusto niyong makaligtas sa delubyong ito magtulungan tayo."

*****

"Mia?"

"Rarrrrr!!"

"HOLY CHESSEECAAKKEE!!! TAENAMO KA MIYA!!!!!!!!!!"

"Wahahahahahaha!"

"Ouch!"

"Sadista mo talaga Aira! Tara na nga." Sabi niya at lumabas na kami ng mart dala-dala ."

*****

"Is anybody there?"

"Kyler? What are you doing ther---ahhhh!"

*Blag*

"Argghhhh!"

"Tsk. Your too heavy."

"What are you doing here?!"

"Katulad mo nahulog din ako."

"Eh ano bang ginagawa mo dito at ba't ka nahulog?!"

"I was just looking for a place to sleep at dito ako dinala ng mga paa ko and unluckily nahulog ako."

"Eh diba may sarili rin kayong tent!?"

"They are too noisy, they are snoring like there's no tomorrow."

"H-hey! What are you doing?!"

"Sleep"

"Hoy! Humanap ka ng tulong 'don! Wag kang matutulog! Paano 'pag may infected dito?!"

"You're too noisy."

                               *****

Aira, paano na tayo ngayon?" Mangiyak-ngiyak na tanong niya.

"Shhh, makakalabas tayo dito okay?"

"Aira!! Malapit na saat----"

"Aira!! Wala kang gas mask!"

"Asan na kayo?!"

"Aira yung gate! Magsasara!"

"Aira! Anong--"

"Lumabas ka na!!!"

"Hindi kita iiwan dito!!!" Sigaw niya habang umiiyak!

"Mauna ka nang l-lumabas abe please!! Susunod ako P-pangako."

"Su-sunod ka Aira ha!!!"

                                 *****

"Ano na Aira! Lumabas ka na riyan!!!!"

"Aira naman eh!!!!!!!!

"Aira!" .

"Sabihin mo sa kanila, patawad."

"Aira! Nandiyan ka pa?! Bat wala pa kayo?!"

"Mia, s-sorry *cough*"

"A-ndito n-na si Abegail Aira, *sob* please lumabas ka na diyan oh!"

"Aira! Hinihintay ka namin!"

"Hey Aira!! Lumabas ka na dito!" 

*****

Bigla kong naimulat ang aking mga mata. Naramdaman ko nalang ang sunod sunod na pagtulo ng aking luha.

Those memories is my memories...

B-bakit ngayon ko lang naalala? Bakit? Bakit ngayon pa kung kailan huli na?!

Sinubukan kong gumalaw ngunit parang may pumipigil saakin.

"Kumusta naman ang pagbabalik tanaw mo?" Bigla nalang akong nangilabot sa may-ari ng boses na iyon. G-gusto kong magsalita ngunit hindi ko maigalaw ang aking mga bibig.

"Nag-enjoy ka ba?" Tanong nito at naramdaman ko nalang na nasa tabi ko na siya at nakangising nakaharap saakin.

Nanlilisik ang aking mga mata habang  nakatingin sa kanyan. Matang puno ng galit, poot, pagkamuhi, pangungulila at matang gustong patayin ang taong nasa harapan ko ngayon.

"Pa'no ba yan? Mukhang wala ka ng babalikan?" Saad nito at muli siyang humalakhak.

Ang nangyari kanina....

Gusto kong umiyak ng umiyak, naninikip ang aking dibdib, gusto kong makawala dito at patayin siya.

Pinaglalaruan niya ako! Pinagmukha niya akong tanga!

"Huwag kang mag-alala, babawiin ko rin ang alaala mo at tuluyan ka ng maging isang blankong nilalang!"

Nakakuyom ang aking kamao.

Naramdaman ko ang pagkalas sa aking mga kamay at ang dahan dahang pagkalad-kad nila saakin, gusto kong pumalag ngunit hindi ko alam kung bakit hinang-hina ako.

Mauulit ba ang nangyari noon?

Babalik nanaman ba ako sa puting silid kung saan ako noon naroroon?

Dito ba talaga ako nararapat?

Gusto ko mang umasang may magliligtas uli saakin ngunit parang isang matigas na bagay ang pumalo sa ulo ko ng mapagtantong, wala na.

Ang mga kaibigan kong tinuring kong pamilya.

Ang mga kaibigan kong iniwan ko ng ilang taon.

Oo, bumalik ako ngunit sa ibang katauhan!

Ang tanga tanga ko! Marami na akong pagkakataon na ipakita sa kanila kung sino ako ngunit hindi ko nagawa! Naduduwag ako! Napakaduwag ko!

Patuloy parin sa pagtulo ang aking mga luha. Ang sakit-sakit!

Kaya pala ganun nalang ang naramdaman ko noong una kong makita si Mia! Noong mga oras na nakilala ko silang lahat! Noong y-yinakap ako ni DenDen! Ahhhh! Ang sakit sakit!

Kaya pala gusto ko silang protektahan, kaya pala hindi ako magdadalawang isip na isakripisyo ko uli yung sarili ko para sa kapakanan nilang lahat!

Noong panahon na nakatitig ako kay Kyler at kahit sandali lang magtama ang aming paningin, iba ang aking naramdaman.

Binigyan na ako ng isa pang pagkakataon para sa kanila---para malaman ni Kyler kung gaano ko siya kamahal--n-gunit sinayang ko lang.

Hindi ko alam kung may saysay pa ba akong mabuhay sa mundo.

Si Kuya, si Daddy, miss ko na sila.

Nakita ko ang dalawang taong nakaputi at may kung ano-anong itinurok saakin.

Nabaling ang atensiyon ko sa bulto ng taong napakapamilyar saakin.

Kuya Aries...no! Hindi siya si Kuya! Inpostor siya! A-anong ginawa nila sa kanya?

G-gusto kong makawala dito at ipapatikim ko sa kanila ang pangalawang impyerno!

"Ano Aira? Kaya pa? Sige lang, namnamin mo pa ang huling ala-ala mo mula sa kanila. "

H-hayop!!!

"Konting tiis nalang, mawawala din lahat ang sakit." Bulong nito saakin at nagpakawala ng isang malademonyong ngiti.

Nakaramdam ako ng pagtusok sa aking ulo at likod. Hindi ko maramdaman ang sakit, dahil ba ito sa anesthesia? O manhid na talaga ang buo kong katawan? Pero bakit ayaw matanggal ang sakit ng puso ko?!

Biglang nabigla ang buo kong katawan na para bang may ipinapahiwatig.

Hindi ko alam kung anong ginagawa nila ngunit ang mga ala-ala ko kanina ay unti-unting nawawala,

No...huwag! A-ayoko!

hanggang sa isang ngiti lang mula sa kanila ang kahuli-hulihang ala ala ang mayroon ako ngunit ito'y biglang nawala.

Pumatak pa muli ang  huling luha sa aking mga mata.

Done