webnovel

Dangerous Thirst | BL Tagalog

Autor: Jilled26
LGBTQ+
Contínuo · 29.4K Modos de exibição
  • 9 Chs
    Conteúdo
  • Avaliações
  • N/A
    APOIO
Sinopse

Binigyan si Syven ng pangalawang pagkakataon upang itama ang kanyang pagkakamali sa taong tinalikuran at inabandona niya. Ipinangako ni Syven na ibabalik niya ang buhay na ninakaw niya mula dito kahit kapalit ang buhay niya. Iyon ang pangako niya kaya bakit nahihirapan siyang isuko ang sarili sa taong ito? Ilang malalalim na gabi ang kailangan niyang ilaan upang makuntento ito?! Nanginginig ang katawang bumangon si Syven sa mahigpit na pagkakayakap nito sa kanya. Subalit muling pumulupot ang kamay nito sa tiyan niya upang ibalik siya sa kama at lunurin sa nakakalunod na halik...

Chapter 1CHAPTER 1 | Eighteen Again

"Kuya? Kuya?"

 

Nagising si Syven sa mahihinang tapik sa braso niya. Pagmulat niya ay bumungad sa kanya ang nag-aalalang mukha ni Sylas. Napapikit siya ng mariin at nasambunutan ang sariling buhok ng umatake ang matinding kirot sa kanyang sentido. Muling naaninag ng paningin niya ang mukha na huli niyang nasilayan bago siya nawala sa mundo. Hindi niya alam kung saan siya nakaipon ng lakas upang tamaan ang mukha nito palayo sa kanya.

 

"K-Kuya..?" Natitigilang napahawak si Sylas sa kaliwang pisngi na nakatanggap ng mabigat na suntok mula sa kapatid. Hindi siya nagulat sa sakit sa halip ay nagulat siya dahil ito ang unang pagkakataon na pinagbuhatan siya ng kamay ni Syven. Kahit gaano ito malasing o magwala ni minsan ay hindi siya nito sinaktan. Hindi lamang si Sylas ang nagulat kundi maging ang driver na kasama nila sa loob ng sasakyan ay nabigla din sa kanyang nasaksihan.

 

Pinahinto ni Sylas ang sasakyan sa labas ng mansion upang gisingin si Syven bago sila pumasok sa loob. Alam niyang naghihintay ngayon sa kanila ang kanilang Ama, kaya naman gusto niyang ayusin muna ni Syven ang sarili nito bago nila ito harapin. Pareho silang nakasuot ng school uniform ngunit nangangamoy ng alak si Syven, ebidensiya na hindi ito nanggaling sa school.

 

Kung ikinagulat ng dalawa ang nangyari, pagkamangha naman ang naramdaman ni Syven ng maramdaman niya ang pagtama ng mukha nito sa kamay niya na tila bumalik ang buong lakas niya sa katawan. 

 

Napatitig si Syven sa kanyang kamay na walang ano mang marka ng sugat ng pagkaaksidente niya. Lumipat ang tingin ni Syven kay Sylas at unti-unting nagiging malinaw sa kanya ang anyo nito. Ito ang kapatid niya ngunit bakit bumata ito ng husto? Naguguluhang bumaba ang tingin ni Syven sa damit ni Sylas. Lalong lumalim ang kanyang pagkamangha. Kulang ba ang tabletang nainom niya kaya hanggang ngayon ay buhay pa siya at nababangungot? Nais niyang humagalpak ng tawa.

 

"Sylas? kung papatayin mo ako bakit hindi mo gawin ng tama?!"

 

Noon pa man ay palpak na ito, lagi itong may naiiwang butas na kahit hindi niya ito galawin ay wala parin itong magagawa sa kanya. Kung hindi niya sinakyan ang mga inihain nitong pain hindi ito magkakaroon ng pagkakataong lamunin siya ng buhay. Ngunit bakit nandito parin siya? Sadya bang napakasama niyang damo at napakahirap niyang patayin?

 

"Sir Sylas, malapit na pong pumatak ang curfew niyo." paalala ng driver na nagsisimula ng kabahan. Hindi lang ang dalawang batang amo niya ang malilintikan, kundi maging siya na driver ng mga ito dahil hindi niya naihatid ng maaga ang magkapatid.

 

"Kuya…"

 

"Ugh! Isa pang beses na tawagin mo ako ng ganyan dudukutin ko na ang dila mo!" Si Syven na muling napapikit ng mariin ng umatake ang matinding kirot sa sentido niya.

 

"....…."

 

"Sir, hindi kaya gumamit si Sir Syven-"

 

"Imposible. Pinatest na siya ni Dad at negative ang lahat ng result niya."

 

"Pero last week pa po 'yun sir," nababahalang giit ni Gabs. Dalawang taon na siyang nagtratrabaho sa pamilyang ito kaya sapat na ang panahong iyon upang malaman niya ang nangyayari sa loob. Sunod sa layaw ang unang anak kahit gaano pa kahigpit ang Ama nito. Habang ang pangalawang anak ay lumaking masunurin at responsable. Maihahambing sa itim at puti ang personalidad ng dalawa. Iisa lang ang kanilang ama subalit napakalayo ng pagkakaiba nila sa isat-isa.

 

Hindi maintindihan ni Sylas ang nangyayari sa Kuya niya. Nakakabahala man ang inaasal nito ngunit may mas mabigat pa siyang problema, ang Ama nila. Labag sa loob na tumuloy sila sa mansion bago pumatak ang curfew na binigay sa kanilang dalawa. Mas mainam ng bumaba ang kanilang sentensiya sa halip na madagdagan ito. 

 

Mula pa ng bata sila, kahit si Syven ang nagkasala pareho parin silang binibigyan ng parusa. Bagaman sabay silang dinidisiplina, mas mabigat ang parusang natatanggap niya. Pinaparamdam sa kanya na mas matimbang ang una nitong anak. Kasalanan ba niya kung nailuwal siya sa pangalawa nitong asawa? Wala siyang karapatang magalit, magrebelde at magkamali dahil hindi makapangyarihang babae ang kanyang Ina. Hanggang kailan siya magtatago at panoorin kung paanong malayang nagagawa ni Syven ang mga bagay ng walang takot habang siya ay puno ng kaba na harapin ang kanilang Ama.

 

Halos bumaon ang kuko sa palad ni Sylas habang tinatanggap niya ang mabibigat na hampas sa kanyang katawan. Natapos na ito kay Syven na nakalugmok na ngayon sa sahig. Hindi matukoy kung dahil sa sobrang kalasingan o sa bigat ng palong natanggap nito kaya nawalan ito ng malay.

 

"Gusto mong pagtakpan ang ginagawa niya o gusto mong iligtas ang sarili mo?" tinupi paakyat ni Callius ang manggas niya upang bigyan ng mas mabigat na parusa ang duwag na supling na nasa harapan niya. Sa pag-angat ng kanyang kamay ay pagbukas naman ng pinto ng study room.

 

Pumasok ang magandang ginang upang pigilan ang asawa nito. 

 

"Tama na."

 

"Sandra! Huwag mo akong tuturuan kung paano disiplinahin ang mga anak ko."

 

"Nakikiusap ako sayo utang na loob patawarin mo na ang mga bata. Hanggang kaylan mo hahayaang nakalatag si Syven sa malamig na sahig?" bumaba ang tingin ni Callius sa kanyang panganay na wala ng malay. Kinuha ni Sandra ang pagkakataong nag-aalinlangan ito. "Huminahahon ka muna. Hindi kita pipigilan bukas kung nais mo silang disiplinahin pero sa ngayon wala sa kondisyon si Syven na tanggapin ang parusa mo."

 

Napahugot ng hangin na binaba ni Callius ang golf club nito. "Alisin mo sila sa paningin ko bago pa magbago ang isip ko."

 

Agad na tinawag ni Sandra ang mga katulong na tulungan siyang buhatin si Syven mula sa sahig. Nanghihina naman ang tuhod ni Sylas ng tumayo ito mula sa pagkakaluhod. Nakita niya kung paano alalayan ng Mommy niya si Syven habang kahit isang sulyap ay hindi siya nito tinapunan ng tingin. Siya ang tunay na anak nito pero anak ng ibang babae ang nais nitong alagaan.

 

Ibinagsak ni Sylas ang katawan sa kama nang sandaling makapasok siya sa loob ng kanyang silid. Ibinuga niya sa malambot na unan ang mapait na ungol na gustong kumawala sa lalamunan niya. Walang maririnig na ano mang ingay ng mabasa ang tela ng unan sa sunod-sunod na pagpatak ng luhang kanina niya pa kinikimkim.

 

Sa labas ng pinto nito ay nag-aalalang kumakatok si Sandra habang mahinang tinatawag ang pangalan ng kanyang anak. 

 

"Sylas buksan mo ang pinto. Sylas?" wala siyang marinig na ano mang tugon mula sa loob. Nanghihinang bumaba ang kamay ni Sandra ng hindi siya pagbuksan ni Sylas. Kailangan niyang mahalin ang unang anak ng kanyang asawa upang protektahan ang sarili niyang anak. Ito ang tanging paraan para mabuhay sila sa pamilyang ito. Binansagan siyang pangalawang asawa. Bagay na hindi niya nanaising ipamana sa anak niya. Naninikip ang dibdib na pinigilan niya ang mga luha niyang sumungaw. 

 

"Pangako, hindi habang buhay kitang itatago." mahinang usal ni Sandra bago nito nilisan ang nakasara paring pinto.

 

Bumukas ang mga mata ni Syven ng lisanin ng mga katulong ang kanyang silid matapos linisan ng mga ito ang katawan niya. Kung hindi pa siya magising pagkatapos niyang makatanggap ng mabibigat na hampas ay tiyak na hindi na siya magigising sa panaginip na ito. 

 

Hindi siya napunta sa kabilang buhay kundi ibinalik siya sa nakaraan na sampung taon ng nakalipas. Hindi makakalimutan ni Syven ang nangyaring ito sa kanya dahil dito na nagsimula ang bangungot ng buhay niya. Napakaimposibleng mangyari ngunit ito ang kasalukuyan. 

 

Nang malunod siya sa droga at alak, hindi na niya mabilang kung ilang beses siyang nagising sa condo ng mga babaeng hindi niya maalala ang mukha. Nahasa ang isip niyang sumabay sa agos, ngunit sa pagkakataong ito hindi agos kundi isang malaking alon ang tumangay sa kanya.

 

Napabalikwas ng bangon si Syven ng may importanteng bagay siyang napagtanto. Kung bumalik siya sampung taon ang nakaraan… Ibig sabihin ay buhay pa ang taong iyon?!

Você também pode gostar

She Came

Rich, handsome, and famous. It spells the word Von Russell Tanjuatco. But despite of these seemingly perfect personality, he hides something from the crowd. He hides his true colors. He have a secret relationship with the hot doctor, Thorn Niccolo Maz Spencer. Not just a sumple relationship but a perfect relationship that was bound to make them suffer if they bought it to light. Everything was still perfect, but one night, Von's father announced that he must have an heir and that he needs to find a wife the soonest before his father pass him the company that he wants to have for so long. Anika and Von's path crossed one day due to an accident on the road. It was the accident that fully changed their lives 360°. A truce was made. Anika said yes to Von's plea about her being a mother to his heir. But no one can teach a heart that beats for a person ot loves. Anika will discover the secret relationship of Von and Thorn leaving her heart broken but she needs to endure the pain. There will always be someone who will get hurt and someone who will be left behind. When Thorn knew that Von completely have a change of heart and fall for Anika, he distanced himself from them. He gave up for the sake of the happiness of the one he loves. Anika will do everything to change her life into a better one. She will face the world as the wife of the heir of MV Electronics but her darker past will resurface again. In the end, she will choose to leave Von yo save them both - or so she thought. She will hurt him unknowingly. Von loves her so much to the point that he will leave no stone unturned and searched the world just to have her back on his side.

Lady_F1r3_X · LGBTQ+
Classificações insuficientes
11 Chs

Avaliações

  • Taxa Geral
  • Qualidade de Escrita
  • Atualizando a estabilidade
  • Desenvolvimento de Histórias
  • Design de Personagens
  • Antecedentes do mundo
Opiniões
Uau! Você seria o primeiro revisor se você deixar seus comentários agora!

APOIO