webnovel

Childish Prince

A man name Chris Alvin Mendez has an illness of Autism Spectrum Disorder (ASD) with Savant Syndrome. It is a special case that's why he needs someone who can really understand him. He's smart, genius actually, and he's good in everything except that social communication is not his specialty. He lives entirely independent. Yka Jane Frentico--> studied abroad when she's 9 years old for almost 10 years and came back to the Philippines to study college. She took Doctors degree specially because of her childhood friend that she knows will need her the most. But when she saw him, everything change. He's not the same as before. It challenges her to widen her understanding towards him 'cause he keeps on pushing her away. There are so much twist revolves around them and there are people who will become there friends and enemies. There are so much strunggle they're gonna face in the future. Will they be standing strong and hold onto each other's arm or will they give up for the sake of their lives?

Aquarius_Vinsmoke · Realista
Classificações insuficientes
13 Chs

The Reconnection

JESSICA'S POV

Nakatingin ako ngayon sa condo ni Ms. Yka. At parang may kausap sa phone. Pagkababa niya ay parang nalungkot siya. Habang pinapanood ko siya ay biglang tumunog yung phone ko.

"Hello ,boss. May kausap po siya kanina pero saglit lang. Naging malungkot po ang mukha niya. Sige po. Aalamin ko."

Nakita kong wala na sa condo niya si Ms. Yka kaya dali dali akong bumaba ng hotel. Dapat mauna ako sa school para makita niyang naghihintay ako. Sabi niya kasi hintayin ko siya bago pumasok sa room. Kaya ko naman sana ang tatlong yun pero baka masira pa ang mission ko.

---------*

YKA's POV

Ano ba naman yan. Nasira ang araw ko. Bakit pa kasi siya tumawag. Akala ko pa naman makikipagbati na siya sa akin.

May tumawag kasi sa akin kanina,unknown number.

"Hello. sino to?"

"Hi Yka."

Biglamg bumilis ang tibok ng puso ko. Familiar ang boses niya.

"Chris? Ikaw ba yan?"

"Oo."

"Pano mo nakuha number ko?"

"Basta."

"So ano kailangan mo?"

"Wala. Gusto ko lang ipaalala sayo na humanda ka mamaya."

" Bakit?"

"Basta."

"Bakit ka puro basta? Hindi kita maintindihan."

"Huwag ka nang maraming tanong. Sigurado ako na hindi mo makakalimutan ang araw na to."

"What?"

"Hihintayin kita sa parking area ng Lunch break. Hindi ako aalis hanggang hindi ka dumarating."

"Huh? ba-"

Bigla niyang binaba yung phone. Ano na naman bang gagawin niya? Pahihirapan niya na naman ba ako?

~Hindi na ba talaga kami magkakaayos?~

Bigla akong nalungkot. Bumaba na ako para pumunta ng school.

"Baka hinihintay na ako doon ni Jessica"

Pero bago ako dumiretso ay dumaan muna ako sa Jollibee para bumili ng breakfast ko. Pagdating ko ng classroom ay nakita ko si Jessica na nakatayo sa may tabi ng hallway.

"Good morning Jess, let's go."

Pumasok na kami ng room at nakita kong nakatingin sa amin ang tatlong babae.

"Bakit ba ganyan na lang sila makatingin sa atin? Wala naman tayong ginagawa sa kanila,lalo na ikaw.

"Pasensya ka na dahil baka mapahamak ka pa nang dahil sa akin."

"No worries. I can handle them. Let's just focus on our study."

The discussion goes on habang ako ay iniisip pa rin kung pupunta ako sa parking area.

~pupunta ba ako? Baka ano naman gawin niya sa akin. Pero kung hindi naman ako pupunta baka mas magalit siya,hay~

Napabuntong hininga na lang ako.

"Bakit ms-"

"huh?"

"Bakit Yka? May problema ba?"

Bulong sa akin ni Jessica. Napansin niya ata sa na wala ako sa focus ngayon.

"Wala naman. Okay lang ako. "

"Pwede mo naman sabihin sa akin,baka makatulong ako."

"Mamaya na lang. Baka mapagalitan tayo ni Sir,hehe"

Pagkatapos ng class ay lumabas na kami. Iniisip ko pa rin kung pupunta ako o hindi. Pero gusto ko rin siyang makita. Pero baka masaktan na naman ako sa gagawin niya.

"Ayos ka lang?"

"Ahh, Oo. There's someone kasi na kailangan kong puntahan sa parking area."

"Oh?"

"Pinag iisipan ko pa kung pupunta ako o hindi. Hay! Gusto ko siya makita."

"O gusto mo naman pala, eh bakit parang ayaw mo?"

"It's complicated. Hays! Tara na nga,kumain na tayo."

Hanggang sa canteen ay binabother pa rin ako.

"Hindi ka ba kakain? Lalamig na ang pagkain mo."

"Ahhh,oo nga pala,hehe."

"Alam mo kung hindi mo rin maalis yang taong yan sa isip mo,mabuti pa puntahan mo na lang"

"Ayoko na gusto ko. Bahala na. Ubusin na natin to."

Matatapos na ang lunch break pero hindi pa ako nakakapagdecide. Hanggang sa magsimula na ang first period namin sa hapon ay nag iisip pa rin ako. Tumingin ako sa labas, umuulan ng malakas.

~`hindi ako aalis dito hanggang hindi ka dumarating`~

Bigla naisip ko ang mga sinabi niya.

~hala pano kung nandoon pa yun? Pero bakit naman siya magpapaulan,pero. . .~

Nag excuse ako at nagpaalam kay Jessica. Tumatakbo ako papuntang parking area habang basang basa na ako at mga gamit ko. Hinanap ko siya. Nandoon siya nakasanday sa may kotse at basang basa.

~hindi niya ba naisip na sumilong man lang sa kotse niya?~

Habang pinagmamasdan ko siya na nakayuko ay hindi ko maiwasan na hindi mag alala. Linapitan ko siya.

"Chris, bakit ka nagpapaulan? Pwede ka namang puma-"

Bigla niya akong niyakap ng mahigpit.

"Akala ko hindi ka na darating."

"Sorry. Akala ko kasi-"

"Idiot. Akala mo sasaktan na naman kita?"

"Ahm,kasi-- asan ba kotse mo? Dapat doon ka na lang naghintay."

"Nandiyan lang. Ayokong pumasok kasi baka hindi mo ako makita."

Nakayakap pa rin siya sa akin.

"Tara na. Basang basa ka na."

Pag aalala ko. Baka kasi lagnatin siya.

Sumakay na kami ng kotse at pinaandar niya ito. Hindi ko alam kung saan kami pupunta hanggang sa makarating kami sa malaking hotel. Hawak hawak niya ako sa kamay habang naglalakad papuntang elevator. Nagtitinginan ang mga tao pati ang mga staff dito. Nasa 74th floor na kami.

"Ahm, sayo ba to Chris?"

Hindi siya nagsalita. Patuloy sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa isang room. Binuksan niya ito at pumasok kami. Maganda at malaki ang room. Eleganteng elegante.

"Pumasok ka na ng bathroom"

"Huh? ahm, bakit?"

Hindi maganda ang nasa isip ko ngayon.

"Maligo ka kasi basa ka. Diyan sa may kaliwa mo. May mga damit rin diyan,kumuha ka na lang."

"Ikaw hindi ka ba maliligo?"

Shot. Parang iba yun ah. Tiningnan niya ako.

"Gusto mo ba sabay na tayo?"

"Huh?! Hindi ah. Ang ibig kong sabihin kung maliligo ka na, i-ikaw na ang mauna."

Ano ba itong iniisip ko.

"Hindi ko alam na ganyan ka pala mag isip Yka,haha."

"Hi-hindi. A-anong iniisip ka diyan. Mauna na nga ako."

"Sige lang. Meron pa naman sa taas. Doon na lang ako."

Iba ang ngiti niya ah. 'Ba kasing pinagsasasabi mong babae ka. Makaligo na nga.

Pagpasok ko ay naligo na ako pagkatapos ay pumunta na sa wardrobe. Madaming damit. At puro lahat pangbabae.

"Bakit kaya puro pangbabae tong mga damit na to? Omg, nag uuwi ba siya ng ibang babae dito?"

Bigla akong nalungkot. May girlfriend na ba siya?

Hindi maalis sa isip ko yun hanggang sa makalabas ako ng bathroom. Inikot ko muna ang loob ng room. Malaki din ang kitchen niya. May mga laman din ang ref niya.

~Siguro pinagluluto siya ng gf niya~

Hanggang sa makarating ako sa may sala. Glass lang din ang wall doon kaya makikita ang view sa labas.

"Wow. Ang ganda naman dito."

"Mas maganda ka."

Bulong niya sa tenga ko. Hindi ko namalayan na nasa likod ko na pala siya. Napasulyap ako sa likod at nakita ang katawan niya na tuwalya lang ang cover sa baba.

"Ano ba yan! Magsuot ka nga ng damit. Baka may makakita sayo."

"Nasa 74th floor tayo. Sino makakakita sa akin?"

"Basta mag T-shirt ka na."

"Ayaw mo lang ata may ibang makakita ng katawan ko noh?"

"H-huh? Hindi noh. Baka magkasakit ka ka-kaya magsuot ka na ng damit."

"Fine."

Umakyat ulit siya at pumunta sa kwarto.

~Ano ba yan,kakaligo ko lang pero bakit ang init?~

Pinaypayan ko ang mukha ko dahil ang init nito at parang namumula.

~ano ba tong iniisip ko~ (~,~')

Napatingin ako sa isang painting. Nagulat ako dahil ito yung ginawa namin noong mga bata pa kami. Hindi naman siya maganda pero memorable siya. Hindi niya pala tinapon to. Maiiyak na ako.

"Naalala mo ba yan?"

Niyakap niya ako mula sa likod.

"Oo naman. Ang dami mo ngang pinta noon sa buong mukha mo eh,haha."

Hinigpitan niya ang pagkakayakap sa akin. Napahawak ako sa mukha niya saka humarap.

"I'm sorry."

Umiyak na ako sa harapan niya.

"Saan?"

"For everything. Gusto ko ulit magsorry. Hindi mo man ako mapatawad ngayon, itatry ko pa rin hanggang iaccept mo ang apology ko."

Napayuko ako dahil ayokong nakikita niya akong umiiyak. Iniharap niya ang mukha ko sa kanya. Iba ang nasa mga mata niya. Hinalikan niya ako bigla. Hindi rin ako makagalaw dahil tumututol ang isip ko pero gusto ng puso ko. Pero napatras ako dahil naalala ko ang ginawa niya sa akin noon.

"Ano na naman bang gusto mo Chris? May isusumbat ka na naman ba sa akin"

"I want you."

Pagkasabi noon ay hinalikan niya ako ulit pero ngayon ay diniinan niya na. Pilit akong kumakawala sa kanya pero mas malakas siya sa akin. Hanggang sa hindi na rin ako nakapalag sa kanya. I kiss him back. Nawala lahat ng inaalala ko dahil sa halik niya. Ang lambot ng mga labi niya na nagpapahina ng mga tuhod ko. Sinalo niya ako at inipit sa pader. Hindi kami tumitigil. Parang ang halik niya ay nasasabik. Kinarga niya ako at pumunta sa kwarto at inihiga ako sa kama. Hindi ko na alam ang gagawin. I pushed him back.

"No Chris. We shouldn't do it."

"I-Im sorry. Nadala ako."

Naupo ako sa kama at siya naman ay nakatayo na hindi mapakali. Hinila ko siya sa kama saka hinawakan ang mga kamay niya.

"Im so sorry Yka. "

"It's okay. Ano ba tong lahat ng 'to? Ano ba gusto mong ipahatid sa akin?"

"That I- that i missed you so much."

"I don't believe you. The last time you told me that,you hurt my feelings."

"It's true. Im sorry for what happened that night. Bigla lang nag init ang ulo ko noon. Pero ngayon I really mean it. Please forgive me."

"So this time ba talagang bati na tayo? Yung too Chris kasi ayokong masaktan ulit."

"Yes Yka. Talagang okay na tayo."

"That night, I really wanted to hug you pero naiilang ako kasi hindi ko alam ang iniisip mo."

"Naging ganoon lang ako kasi-- I love you so much."

Napatingin ako sa mga mata niya. Sincere siya sa sinasabi niya.

"Akala ko ba papahirapan mo pa ako?"

"Nasabi ko lang yun dahil galit ako. Hindi ko na kasi mapigilan na hindi ka kausapin. Ayokong lumalim pa ang pagsasamahan niyo ni Anton. Ayokong maagaw ka niya sa akin."

"Kaibigan ko lang siya at hanggang doon lang yun. Sinabi ko naman sayo na hindi na ako mawawala pa sayo. Pero gusto ko lang itanong kung may gf ka na? Kasi yung war-"

"Yung wardrobe ba? Para talaga sayo yun. I wanted you to stay here with me."

"But I can't, yung condo ko."

"Sinabi ko na yun kay Tito and he agreed na ipagbili na yun. Mas mapapanatag daw siya kung kasama mo ako."

"Well kung yan ang gusto niya."

Hinawakan niya ako sa kamay.

"Girlfriend na ba kita Yka?"

"Ano ba sa tingin mo?"

Matagal ko nang gustong malaman ang nararamdaman ko para sa kanya. Ang akala ko lang noon may obligasyon ako sa kanya dahil kababata ko siya. Pero hindi pala. Ngayon ko lang napagtanto na mahal ko rin pala siya. Infact,I love him so much. I kiss him again and he kiss back.

"I missed you so much, and I love you too."

"Yes! Tayo na? I love you. And i won't hurt you again, I promise, pinky swear."

"Pinky swear."