Napabalikwas ako ng bangon at napahawak sa aking dibdib, malapit sa aking puso. Tanging malakas na pag kabog ang naririnig ko, parang nabibingi ako sa uri ng tibok ng puso ko. Napapikit na lang ako at dinama ang hangin na dumadampi sa aking pisnge. "Tawagin niyo ang Reyna! Buhay ang kanyang isang anak!" Isang malakas na sigaw ang nagpamulat sa aking mata na siya 'ring ikinabaling ko sa kanang bahagi ko kung saan nanggaling ang boses ng babae. Nang magtama ang mata namin, nababasa ko ang kanyang saloobin. Nakikita kung nalulungkot siya na may halong saya. "Buhay ka,kamahalan" May kahinaang sambit nito at hinaplos ang aking pisnge. Nakatulala lang ako sa kanya. "Faith!" Rinig kung sigaw ng isang boses babae. Parang nag slow motion ang paligid ko ng bumaling ako sa direkisyon 'non. Isang babaeng may gasgas sa pisnge ang tumatakbo papunta sa akin. Nang tuluyan na itong makalapit sa akin, mabilis pa sa kidlat ako nitong binalot ng kanyang braso. Isang mahigpit na yakap ang natanggap ko dito at naramdaman kung hinagod nito ang aking likod. Pero nang maramdaman niyang hindi ko sinuklian ang yakap niya, kumawala siya at hinawakan ang dalawa kung balikat. "Faith, ayos ka lang ba?" Nagtatakang saad nito, nahihimigan ko ang pag'aalala sa boses nito. Napangiwi ako ng biglang sumakit ang isang bahagi ng ulo ko, lumapat doon ang kamay ko at napapikit nalang ako sa hatid na sakit 'non. "Faith anak" Nag'aalalang pagtawag nito. "Tumawag ka ng manggagamot, bilisan mo!" Natataranta'ng sigaw nito sa babae. Nakarinig ako ng mabilis na pagtakbo. Pagmulat ko, ultimong naging malabo ang paningin ko at mahina nalang ang naririnig ko. "Faith!" Huling sinabi nito at naramdaman kung unti'unting dumidilim ang aking paningin. Ngunit, nasaan nga ba ako? Isa lang ang alam ko, Hindi ako si Faith