7 Final

  After 5 years

June 30,

Nandito  ako sa puntod, kahit gaano man ako kabusy ngayon sa buhay ko hindi ko makakalimutan ang araw na ito. At pangako ko sa kanya. Alam kong kahit saan man siya masaya na siya ngayon. At ngayon kahit gaano na kalayo ang narating ko alam kong nandito parin siya sa puso at isipan ko. Kahit sa ikling panahon  ng pagsasama namin naging "the best " ang mga araw na iyon. Hindi ko pa rin maiwasang masaktan tuwing naalala ko ang mga mukha niyang nakangiti, at pag iyak  nito .

Napaupo ako sa Bermuda  grass harap ng lapida niya.

" Thank you for guiding me, kung ano  na ako ngayon, maraming salamat  sayo at lagi mo akong binabantayan. Nararamdaman kita sa tuwing nalulungkot ako, o masaya ako, sobrang namiss kita" kausap  ko sa puntod niya.

Humugot ako ng malalim na hininga. Bago tumayo.

"Paalam..... Bestfriend..... Paalam..... Atiya... " bulong ko, at tumalikod paalis.....

**********************

Nag lalakad ako ng naramdaman ko  ang pagpatak ng tubig sa aking noo. Napatingala ako. Badyang uulan. Nakita ko ang isang kubo malapit sa puno sa gilid ng sementeryo. Agad akong tumakbo upang hindi  naabutan ng ulan.Ngunit dahil sa kamamadali nakabungo ako ng isang katawan dahilan upang naduwal ito sa lupa.

"Shit!!!...Kung mamalasin ka naman oh!..." sabi nito. Agad ding tumayo. At humarap sa akin.

Napatanganga ako sa nakita ko, ang mukha..... Ka mukha ni Atiya... Dahan dahan kong kinusot ang mga mata ko at tumingin ulit sa kanya. Ganun pa rin. Inulit ko ulit ang pagkakusot sa mata ko. Baka na mamalikmata lang ako dahil siya ang nasa isip ko kanina pero. ... Kamukha niya talaga..

"Atiya....." Tanging  lumabas sa bibig  ko.

Napatigil  siya sa  pagpag  ng pantalon niyang naputikan. "Excuse me, hindi Atiya ang pangalan ko.... "Nakataas ang kilay nito na nakasimangot.

"Tsskk... Dyan ka na nga.!" Agad itong tumakbo papalayo .

"Wait!!!" Sigaw ko sa kanya, ngunit hindi na ito nag abalang lumingon patuloy ito pag takbo hanggang sa hindi ko na natanaw....

E.N.D!!!

                                                                                               Inspired by :A Walk to Remember 

---- I hope nagustuhan niyo. Who wants the second part??

Story of Dale de Guzman and Althea Lucas na kamukha ni Atiya..

Sana hindi  kayo magtaka na ganito ending ko.

(Actually me, myself, magtaka rin.. Cause this is short story lang.. Pero Ewan ko ba. Parang ang sarap dagdagan eh.. Ayaw ko lang malungkot forever si Dale dahil sa pagkawala ni Atiya...))))

avataravatar