webnovel

Alpha Section (Tagalog)

Autor: AteJanz
Fantasia
Contínuo · 118.9K Modos de exibição
  • 37 Chs
    Conteúdo
  • Avaliações
  • NO.200+
    APOIO
Sinopse

Ang Alpha Section ay isang naiibang grupo na inorganisa ng aming eskwelahan- ang Eastwood High- na kung saan, ayon sa mga nagkalat na haka-haka sa buong campus, ang mga pinaka-matatalinong estudyante lamang ang nakakapasok. Subalit wala sa amin ang talagang nakakaalam ng mga sikretong bumabalot sa naturang section maliban lang sa mga kasapi nito... At dahil sa isang 'di inaasahang paglipat ko sa section na ito, nagsimulang magbago ang takbo ng buhay ko. Ang pangalan ko'y Cedric Magbanua, isang freshman student. At ito ang aking kwento tungo sa pagtuklas ko sa mga misteryong bumabalot sa aking pagkatao, sa mga taong nasa paligid ko, sa buong Eastwood High... At siyempre, sa Alpha Section. *** Hello! Welcome to the world of Eastwood High. I hope you enjoy reading this. Warning: This may contain typos and grammatical errors. [Written in Taglish]

Tags
1 tags
Chapter 1Prologue

- P R O L O G U E -

Eastwood High- Ito ang pinaka-tanyag na eskwelahan sa aming bayan ng Alfonso at pati na rin sa buong Pilipinas. Ito ay sa kadahilanang ang lahat ng mga henyong kabataan sa bansa ay dito pinag-aaral ng kanilang mga magulang.

Katulad siguro ng ibang eskwelahan, ang paaralan ng Eastwood High ay may sariling divided system na kung saan nahahati ang bawat estudyante sa anim na sections. At ako, na pinalad lang na makapasok dito, ay nabibilang sa panghuling section.

Ang bawat estudyante ng Eastwood High ay may iba't-ibang pagtrato, at ito'y nakadepende sa section na kinabibilangan namin. Pero kung may maswerteng section man sa eskwelahang ito in terms of privileges, ito na yata ang kilalang Alpha Section sa buong campus.

Ang Alpha Section ay isang naiibang grupo na inorganisa ng aming eskwelahan na kung saan, ayon sa mga nagkalat na haka-haka sa buong campus, ang mga pinaka-matatalinong estudyante lamang ang nakakapasok.

Subalit wala sa amin ang talagang nakakaalam ng mga sikretong bumabalot sa naturang section maliban lang sa mga kasapi nito...

At dahil sa isang 'di inaasahang paglipat ko sa section na ito, nagsimulang magbago ang takbo ng buhay ko.

Ang pangalan ko'y Cedric Magbanua, isang freshman student. At ito ang aking kwento tungo sa pagtuklas ko sa mga misteryong bumabalot sa aking pagkatao, sa mga taong nasa paligid ko, sa buong Eastwood High...

At siyempre, sa Alpha Section.

***

Você também pode gostar

BREAK THE WORLD(Living Is Dying) BOOK 2 of Hunting Kendra[ FILIPINO]

BREAK THE WORLD(Living Is Dying)COMPLETED -BOOK TWO OF HUNTING KENDRA Genre:Vampire/Werewolf SYPNOSIS NAGMULA sa angkan ng mga Bampira sina Halls, Oreo at Zain. Lumaki sila na busog sa pagmamahal sa kanilang ina na si Kendra, kalahating Bampira at mortal. Habang ang ama naman nilang si Timothy ay kalahating Lobo at Bampira. Naging matiwasay ang mga taon na nagdaan para sa pamilya nila sa mundo ng mga tao. Matapos na maganap ang pagkawasak sa tagong mundo--- ang Acerria. Kung saan nanirahan dati ang mga lahi ng Bampira, Lobo at mga naagnas na nilalang kung tawagin ng mga mortal ay Zombie. Ngunit sa pagdaan ng mga taon ay nagkaroon ng malaking digmaan sa kabilang mundo. Kaya upang sa ikalawang pagkakataon ay tuluyang mawasak ang Acerria. Nakaligtas sina Kendra at Timothy, ngunit sa kasawiang palad ang lahat ng nilalang sa Acceria'y tuluyang nakasama sa pagkaguho. Sa mga lumipas na taon ay muli silang bumangon, hindi nila hinayaan mabalewala ang sakripisyo ng ina ni Timothy; ang huling may purong dugo ng Bampira. Ngunit iyon ang inaakala nila... Dahil isang pangyayari ang magpapabago sa lahat. Pangyayaring kasugpong ng nakaraan. Nakaraan na siyang hahabol sa kanila sa kasalukuyan. Muling dadanak ng dugo sa magkabilang lahi sa mundo ng mga mortal. Na magiging dahilan ng pagkasawi nina Kendra at Timothy. Paano kung sa pagkawala ng mga magulang ay ang siyang pagdating ng bagong nilalang na magbibigay sa kanila ng ibayong pag-asa. Ngunit paano kung ang natitirang pag-asa na iyon ay tuluyang mawala at mapalitan ng 'di matatawarang pighati. Pighati na siyang wawasak sa mundong kanilang ginagalawan. "Dugo at laman ng banal ang siyang papawi sa lahat ng sakit, hanggang wakas upang bigyang daan ang bagong sibol na mundo..."

Babz07_Aziole · Fantasia
Classificações insuficientes
17 Chs

APOIO