webnovel

C-81: Leave without saying goodbye?

"Ano Miss, sasakay ka ba o hindi?" Tanong ng kunduktor na nakatayo sa pintuan ng Bus.

Napatingin at nagulat pa siya sa malakas na pagsigaw nito.

Habang nakatingin sa gawi niya sa iritado na rin nitong tinig.

Halos mag-uumaga na at malapit na ring sumilip ang araw. Kaya't mabilis na siyang nagdesisyon at hindi na rin nag-isip pa. Hindi na siya dapat abutan ng ganap na liwanag.

Mabilis na niyang tinakbo ang pintuan at inakyat ito at tuluyan nang pumasok sa loob ng Bus.

Bahala na, iyon ang tumimo sa kanyang isip ng mga oras na iyon...

Eksaktong pag-alis ng Bus ang siya namang paglabas ni Joaquin. Palinga-linga ito sa paligid at tila desperado na sa paghahanap.

Bahagya na lang niya itong nalingunan, habol niya ito ng tanaw mula sa malayo. Habang patuloy rin sa paglayo ang sinasakyan niyang Bus. 

Kasabay ng muling pagtulo ng kanyang mga luha at panlalabo ng mga mata ng dahil sa hindi napigilang emosyon...

'Joaquin, sana'y mapatawad mo pa rin ako sa ginawa kong ito. Kailangan ko munang buuin ang sarili ko. Bago ko magawang humarap sa inyo at harapin ang gulong idinulot ko.

'Kailangan ko munang hanapin ang pamilya ko. Ngunit pangako babalik ako, babalikan ko kayo. Ikaw muna ang bahala sa anak natin... Mahal na mahal kita, kayong dalawa ni VJ. Marahil hindi pa ito ang tamang panahon para magkasama-sama tayo?!' Bulong niya sa kanyang sarili.

Tahimik na pag-iyak ang tanging baon niya sa kanyang pag-alis, lakas ng loob at pag-asa. Tulad din noong umalis siya ng Cebu, ngunit ngayon ay ang kabaligtaran.

Dahil ang iniwan niya noon ang hahanapin niya ngayon! Hindi niya alam kung hanggang kailan ba siya maghahanap sa buong buhay niya?

Muli siyang napaiyak nang muli niyang maalala ang huling pag-uusap nila ng kanyang Ina.

"Patawad po Mamang binigo kita, dahil walang nangyari sa aking paghahanap! Dahil tila ako yata ang nawala..."

Patuloy lang siyang umiyak, hindi na niya alintana ang iisipin ng mga nakapaligid sa kanya, wala na rin siyang pakialam.

"Miss, saan tayo?" Boses ng nagtatanong na konduktor ang muling nagpaangat ng kanyang mukha at bumasag ng tahimik niyang pag-iyak.

Saglit muna siyang nag-isip nang isasagot dahil sa blanko pa niyang isip...

"Ah' s-saan ba ang huling hinto nitong Bus?" Naisip na lang niyang itanong.

"Bus stop, Pasay lang Miss!"

"Ah' sige doon na lang ako baba!"

Matapos siyang bigyan ng ticket at mabilis na mabayaran ito.

Tahimik na siyang umupo at sumiksik sa gawing bintana ng Bus. Habang nakatanaw pa rin siya sa labas sa daang tinatahak ng Bus palayo sa Ospital na pinanggalingan niya at sa lalaking batid niya at ramdam niya na malapit sa kanyang puso.

Nagdesisyon siyang lumayo kahit pa puno siya ng takot, walang kasiguruhan at wala pa ring tiyak na patutunguhan.

Kailangan makita na niya si Amara at isa lang naman ang alam niyang maaari niyang pagtanungan.

Si Tita Madi. Ang pagkakaalam niya sa Alabang ito nakatira at minsan na rin siyang nakapunta doon.

Kung narito na sa Maynila si Amara, sigurado namang hindi nito iiwang mag-isa ang kanilang Mamang.

Kaya marahil magkasama ang mga ito ngayon at malapit na rin niya itong makasama.

Pagpapalubag loob pa niya sa sarili at pinilit na ngumiti upang kahit paano maalis ang kanyang nararamdamang tensyon...

Nagpatuloy ang byahe ng Bus papuntang Maynila...

___

Kaya't hindi na niya nalaman pa ang gulo na dulot ng kanyang pagkawala.

Halos naikot na ni Joaquin ang buong Ospital sa paghahanap ngunit hindi na niya nakita ang dalaga.

Sadyang mahirap lang talagang hanapin ang taong nagtatago.

Kaya sa huli nagpasya na rin siyang sumuko para sa araw na iyon kaya't lulugo lugo siyang umalis ng Ospital. Nahihiya na rin kasi siya sa paulit-ulit niyang pagtatanong.

Halos natanong na niya ang lahat ng nurse at doctor sa Ospital na iyon.

Para hanapin ang nawawalang pasyente kahit pa nagmumukha na siyang tanga. Bakit ba hindi pa niya matanggap na hindi naman talaga ito nawala. Kun'di kusa itong umalis at iniwan na sila.

Kahit paano kasi gusto niyang isipin na hindi nito babalewalain ang lahat ng pinagsamahan nila ang lahat ng mga plano nila at ang pagmamahal nila sa isa't-isa.

Dahil mahal siya nito at ang pagmamahal nila sa isa't-isa ang magpapatibay sa kanila. Pero bakit bigla na lang siya nitong iniwan sa ere ng hindi man lang nagawang magpaalam sa kanya.

Dahil ba hindi ganu'n katibay ang pagmamahal nila sa isa't-isa o sadyang naduwag na naman ito upang pangatawanan ang pagmamahalan nila?

Bakit kailangan mo akong iwan ng ganito, nasaan ka na ba? Puno nang hinanakit na bulong ni Joaquin sa sarili. Ngunit may isa pang bagay na gumugulo rin sa isip niya ang mga taong humahabol sa kanila. Nawala lang sa loob niya na sabihin ito sa kanyang Papa at dahil na rin sa presensya ni Joseph.

Dahil kanina ay muntik na rin silang magpang-abot nito kung hindi lang sila nasa loob ng Ospital marahil nagkasakitan na sila ng husto.

Ngunit dahil sa mas priority nila ang paghahanap, kaya't nagawa pa rin silang awatin ng kanilang Papa at isantabi muna ang ano mang hidwaan sa pagitan nila.

Nagkanya-kanya na lang sila ng paghahanap ng mga sumunod na oras sa sarili nilang paraan.

Ngunit ang gulo na nasimulan na kanina, mukhang magpapatuloy pa hanggang sa pag-uwi niya ng bahay.

Dahil pagbaba pa lang niya ng sasakyan. Galit na mukha ni Joseph ang sumalubong sa kanya...

"Nakita mo na kung ano ang ginawa mo ha', kasalanan mo ito, kasalanan mo kung bakit siya umalis! Hindi kita mapapatawad kapag may masamang nangyari sa kanya." Sigaw ni Joseph na puno ng galit.

Habang mahigpit nitong sinakop ng dalawang kamay ang harapan ng kanyang damit.

"H'wag mo akong umpisahan Kuya!" Mariin din niyang sigaw at pilit binabaklas ang kamay nito sa kuwelyo ng kanyang damit.

Pagkatapos ay itinulak at pasalya siyang binitiwan ni Joseph sa gilid ng sasakyan niya.

"H'wag umpisahan, anong gusto mo matuwa ako? Nasaan si Angela ngayon ha', nawawala siya dahil sa kagagawan mo!"

"Bakit sa akala mo ba hindi ako nahihirapang maghanap, na hindi ako nag-aalala at natatakot na baka kung ano na ang nangyari sa kanya?! Hindi mo lang alam kung gaano ko siya kamahal, wala na akong pakialam kahit magalit ka pa sa'kin, Kuya! Hindi mo alam kung gaano ako nahihirapan ngayon sa kaiisip kung saan ko ba siya hahanapin? Kaya h'wag mong sasabihin sa'kin, na ikaw lang ang nahihirapan! Dahil hindi ko rin alam kung bakit bigla na lang siyang umalis. Kung bakit bigla na lang niya akong iniwan sa kabila ng lahat! Mahal na mahal ko siya nang higit pa sa buhay ko Kuya... Naiintindihan mo ba 'yun?!"

"Pero pinabayaan mo pa rin siya, kung hindi mo siya tinangkang itakas hindi sana mangyayari ito! Dahil wala kang kwenta..." 

____

"Ano ba, p'wede bang tumigil na kayo, hindi n'yo talaga siya makikita kung magtatalo lang kayo. Ngayon pa lang gusto ko nang paniwalaan na kaya siya umalis ay dahil alam niyang mangyayari ito. Kaya tumigil na kayo p'wede ba?" Malakas nang bulyaw ni Liandro sa dalawa nitong anak na nagpalingon sa kanilang dalawa mula sa kanilang kinatatayuan.

Nalabasan na sila nito na nagtatalo at tila walang balak magpatalo sa isa't-isa.

At iyon ay dahil sa iisang babae na mas piniling umalis na lang ng walang paalam. Maging si Liandro ay naguguluhan rin sa ginawa nito.

Hindi nito maintindihan ang dahilan kung bakit bigla na lang umalis si Angela ng walang paalam. Mas maiintindihan pa nga nito kung mas pinili ni Angela na sumama na ng tuluyan kay Joaquin kaysa basta na lang ito nawala.

Sa loob ng limang taon na kasama nila ito hindi nito ugali na umalis ng walang paalam.

Maliban na lang nitong huli na nakilala na nito si Joaquin saka ito natutong maglihim sa kanila.

Pero ngayon maging si Joaquin ay iniwan nito. Kaya hindi niya maintindihan kung ano ang posibleng dahilan nito ngayon?

Dahil ayaw niyang isipin na bumalik na ang alaala nito sa nakaraan...

"Papa please, tulungan mo akong hanapin siya, hindi ko na alam ang gagawin ko? May humahabol sa amin nang mapunta kami sa lugar na'yun!" Desperado nang saad ni Joaquin kay Liandro.

Saglit siyang huminto sa pagsasalita upang saglit na huminga at pababain ang tensyon na nararamdaman.

"A-ano? Anong ibig mong sabihin hijo, a-anong may humahabol sa inyo?" Nasa mukha nito ang pagtataka at pagkabahala ng dahil sa sinabi niya ng mga oras na iyon.

"Linawin mo nga ang sinasabi mo Joaquin. P-paanong may humahabol sa inyo at saka anong lugar ang tinutukoy mo?" Tanong na rin ni Joseph na nabaling na rin sa sinabi niya ang interes at kababakasan na rin ito ng labis na pag-aalala.

"Papasok na sana kami ng Maynila pero naramdaman kong may sumusunod sa aming isang Nissan na white. Hindi ko alam kung bakit nila kami sinusundan. Pero sigurado ako na kami talaga ang puntirya nila."

"Kung ganu'n anong nangyari sinaktan ba nila kayo?" Tanong ulit ni Liandro.

"Tang*** dapat sinabi mo sa amin agad!" Bulalas ni Joseph.

"Hindi ko na nagawa... Natakasan naman namin sila kaya lang kasi kung saan saan na kami napunta. Napalayo na rin kami, nakarating nga kami ng Laguna. Hindi ko na alam ang gagawin ko, litong lito na'ko. Kasi nagwawala na rin siya at hindi ko na siya maawat! Papa maniwala ka ginawa ko naman ang lahat para pakalmahin siya kaya lang patuloy pa rin siyang nagwawala. Ni hindi ko siya mahawakan... Natakot na'ko kaya ang nasa isip ko lang makaalis kami sa lugar na iyon. Hanggang sa nawalan siya ng malay."

"Sana tinawagan mo kami noong naligaw kayo!" Galit paring bulyaw ni Joseph.

"Hindi ko na naisip 'yun saka nag-aalala din ako na baka nasa paligid pa rin 'yung mga humahabol sa amin."

"Pambihira' hindi ba mas dapat ngang tumawag ka! Mamatay pala kayo ng hindi man lang namin nalalaman?

"Kuya sa tingin mo ba maiisip ko pa 'yan?" Saad ni Joaquin.

"Ang sabihin mo sinadya mo talagang huwag tumawag. Dahil ang akala mo maitatakas mo pa rin siya pagkatapos!"

"Wala kang alam, hindi mo alam ang nararamdaman ko ng oras na iyon kaya tumigil ka!"

"Hindi nga, pero kung hindi..."

"TAMA NA!"

Muli silang natigilan at saglit na natahimik ng dahil sa galit na sigaw ng kanilang Papa.

"Kapag hindi kayo tumigil pareho kayong malilintikan sa'kin!"

"Bakit hindi 'yang magaling n'yong anak ang patigilin n'yo? Dahil kung hindi siya nanggulo sana tahimik kami ni Angela ngayon at hindi rin mangyayari ang lahat ng ito!"

"P'wede ba Kuya, h'wag kang magtanga-tangahan! Dahil kahit hindi pa ako dumating sa buhay niya hindi ka pa rin niya mamahalin sa paraang gusto mo. Oo mahal ka niya pero pagmamahal para sa isang kapatid lang 'yun! Kaya p'wede ba gumising ka na..."

"Hindi totoo 'yan, kung hindi ka dumating at kung hindi mo siya pinakialamang, walanghiya ka!"

"Tama na 'yan!" Pagpapakalma ni Liandro na puno ng pag-aalala sa dalawang anak.

"Alam ko namang matagal mo nang nararamdaman na wala siyang pagtingin sa'yo ayaw mo lang aminin..."

"Joaquin tama na, tumigil ka na!"

Muling bulyaw ni Liandro kay Joaquin.

Habang si Joseph na puno ng hinanakit at walang nagawa kun'di umiling na lang...

Habang nagngangalit ang ngipin nito ng dahil sa labis na pagpipigil ng galit.  

"Bakit Dad, hindi ba 'yun din ang nararamdaman mo?"

"Sinabi nang tumigil ka na, ano ba?" Bulyaw ulit nito.

"Oh' come on Dad, bakit hindi mo na lang kaya sabihin kay Kuya na umaasa na lang siya sa wala dahil masakit mang tanggapin ang katotohanan pero 'yun pa rin ang totoo!"

"Aba't talaga pa lang walanghiya kang bata ka hindi ka ba talaga titigil!"

"Hindi Papa! Dahil kahit kailan hindi ko pagsisihan ang ginawa ko. Hindi n'yo na ako mapipigilan na mahalin siya sa oras na makita ko siya. Hindi ko pa rin babaguhin ang plano, isasama ko pa rin siya sa Australia at kung kinakailangang itakas ko siya ulit. Iyon pa rin ang gagawin ko!"

"Eh' gago ka pala talagang walanghiya ka!" Malakas na sigaw ni Joseph na tangka sanang sugurin siya ulit.

Ngunit hinarangan ito ni Liandro upang hindi sila magpang-abot.

"Bakit hindi mo na lang siya ipaubaya sa'kin Kuya? Bago pa nangyari ang lahat ng ito may plano na kami, sasama na siya sa akin sa Australia at magsasama na kami kasama si VJ. Ako ang mahal niya at hindi ikaw, hindi lang niya masabi sa iyo dahil ayaw ka niyang masaktan at mapahiya. Bukod pa sa isang bagay na dapat mo na rin sigurong malaman..."

Saglit lang muna siyang huminga ng malalim bago muling nagpatuloy...

"Anong ibig mong sabihin hijo?"

"Papa, papanagutan ko naman talaga siya may plano na sana kaming magtapat sa inyo sa oras na makabalik ako. Pero naunahan na ako ni Kuya na magproposed. Kahit pa mas ako dapat ang gumawa nu'n!"

"Anong pinagsasabi mo?"

"Dahil may dapat na akong panagutan sa kanya!"

"Linawin mo ang sinasabi mo gago ka!"

"May, may nangyari na sa amin, bago pa man ako umalis at ako rin ang unang lalaki sa buhay niya! Kaya't hindi na ako papayag na mapunta siya sa iba, kahit ikaw pa 'yun... Kuya! Naiintindihan mo ba?"

"Putang***** gagoo ka talagaaa!"

Isang suntok na hindi niya inasahan ang tumama sa kanyang mukha mula sa galit na si Joseph.

Naging sanhi ito ng pagputok ng gilid ng kanyang labi na mabilis ding inagusan ng dugo. Ngunit bahagya lang niya ito ininda.

Naisip rin niyang deserved naman niya ang suntok na iyon!

Dahil kahit paano alam niyang minahal talaga nito si Angela at masakit dito ang nalaman nito ngayon.

Ngunit hindi niya hahayaan na mapangalawahan pa siya nito. Dahil mabilis na niyang nailagan ang mga sumunod nitong suntok.

Hanggang sa nagpambuno na sila at parehong nagsusukatan ng lakas na tila hindi magpapatalo sa isa't-isa.

Kahit ang ama nilang si Liandro ay hindi sila nakayang awatin. Kinailangan pa nitong humingi ng tulong sa iba para lang mapaghiwalay sila.

Si Joaquin ay mahigpit na pigil ng kanilang ama, habang si Joseph na pinipigilan ng driver nilang si Oscar.

"Ano bang nangyayari sa inyong dalawa, pati ba ako hindi n'yo na rin nirerespeto?"

"Bakit hindi 'yang magaling mong anak ang tanungin mo Papa?" Masama ang loob na wika ni Joseph.

"Hmp!" Bahagyang pinahiran ng likod ng palad ang bibig at saka nagpatuloy siyang magsalita.

"Bakit kasi hindi mo na lang tanggapin ang totoo na hindi siya para sa'yo!"

"At kanino naman siya dapat sa'yo, ganu'n ba?"

"Dahil talaga namang ako ang mahal niya, mahal namin ang isa't-isa. Bago pa ako umalis at bumalik ng Australia nobya ko na siya dahil tinanggap na niya ako naiintindihan mo ba? Kaya dapat mo na ring tanggapin 'yun!" Matatag na saad ni Joaquin.

"Ah' kung ganu'n pala matagal n'yo na rin akong ginagawang tanga, ganu'n ba ha' at ano na ngayon gawa-gawa n'yo na rin ba ang lahat nang ito? Ang kunwari ay pagkawala ni Angela ha' at pagkatapos ano saan kayo magkikita?!"

Wala na sa katwirang saad nito na nakapagpailing sa kanya ng paulit-ulit.

Hindi siya makapaniwala na magagawa nitong pag-isipan sila ng ganu'n...

"Paano mo naisip na magagawa naming gawing biro ito Kuya napakaimposible mo naman!"

"Ano nga ba ang malay ko kung kasama pala 'yan sa mga plano n'yo?!" Mapang-uyam na rin nitong saad.

"Bahala ka kung ano ang gusto mong paniwalaan. Hahanapin ko pa rin siya kahit hindi n'yo ako tulungan at wala na rin akong pakialam sa kung ano pa ang iisipin mo?!"

"Tama na 'yan, magtulong-tulong na lang muna tayo sa paghahanap 'yun ang mas importante ngayon. Ang makita natin siyang ligtas at sana walang masamang nangyari sa kanya."

"Sigurado ako na sinadya niyang umalis at tumakas dahil siguro naduduwag siyang harapin tayong lahat. Kaya mas ginusto niyang h'wag na lang magpakita ng tuluyan." Saad ulit ni Joseph.

"H'wag mo siyang pagsalitaan ng gan'yan Kuya. Hindi mo alam ang nangyari sa amin. Akala ko ba mas ikaw ang nakakakilala sa kanya. Paano mo naisip na sasadyain niyang lokohin ka? Alam mo rin na may sakit siya at paano kung, kung bumalik na ang alaala niya, alam mo bang 'yun ang kinatatakutan ko?!"

Biglang natahimik si Joseph dahil sa sinabi niya.

Hindi naman talaga nito gustong may masamang mangyari kay Angela nasasaktan lang ito sa nangyayari ngayon.

"Tinawagan ko na ang Ninong Darren mo maaaring ngayon papunta na dito 'yun kasama si Dorina. Sabihin mo ang lahat ng nangyari sa inyo bago kayo makarating ng Ospital."

"Papa gusto ko nang magsimula sa paghahap ngayon, nahihiya lang ako sa Ospital kasi halos naikot ko na 'yung buong Ospital sa paghahanap."

"Bakit sa tingin mo ba nasa Ospital pa rin siya ngayon?"

"Alam ko naman 'yun Kuya, ang gusto ko lang naman malaman na baka may nakakita sa kanya na umalis ng Ospital. Kung saan siya sumakay o hindi kaya kung may kasama ba siya o may kumuha sa kanya. Akala mo ba madali para sa akin na kumalma lang manahimik dito." Natataranta pa ring saad ni Joaquin.

Kung iyon lang pala ang gusto mong malaman bakit hindi mo na lang pina-check ang CCTV ng Ospital para hindi ka nagmukhang tanga.

Dahil daig pa niya ang nabigwasan nito ulit ng dahil sa sinabi nito. Bakit nga ba ngayon pa siya naging tanga at hindi niya iyon naisip?

"Hijo kinausap ko na rin ang Tito Serafin n'yo. Siguradong ngayon pinapakalat na niya ang mga tao niya para matulungan tayong maghanap kay Angela."

"Pero paano Papa kung... Kaya pala siya umalis, kaya niya tayo iniwan dahil hindi na niya tayo nakikilala?"

"Ano ka ba hijo? H'wag mong sabihin 'yan anak! Kaya nga pinapunta ko dito ang Ninong Darren mo. Dahil gusto ko rin siyang makausap tungkol sa bagay na iyan." Ang totoo labis na, nag-aalala na rin ito sa posibleng kalagayan ngayon ng dalaga.

Si Joseph na panay rin ang buntong hininga. Hindi man ito kumikibo pero puno na rin ito ng pag-aalala ng mga oras na iyon.

____

Bukod sa kanila may isang tao pa na kanina pa nakakubli at kanina pa rin nakikinig sa kanila.

Nasa mukha nito ang iba't-ibang reaksyon, mula sa curiosity, confusion, pagkabigla at ngayon ay pagkabahala...

"Huh' may sakit si Angela, pero a-anong sakit niya?" Litong lito nang tanong nito sa sarili.

Hanggang sa hindi na rin ito nakatiis na hindi lumapit sa kanila...

"Sir!" Nagulat ang lahat sa bigla niyang paglapit. Saglit siyang natigilan ngunit tinalo ito ng inihanda niyang lakas ng loob.

"Maru'?"

"Hijo?"

Halos magkasabay na bulalas ng mag-amang Joseph at Liandro.

Maliban lang kay Joaquin na pagkayamot at pagtataka ang mababakas sa mukha.

"Ah' Sir gusto ko lang po sanang malaman kung ano 'yun tungkol sa sakit ni ma'am Angela? Alam ko po na wala akong karapatang makialam pero, kaya lang kasi mahalaga po sa akin na malaman 'yun!"

"Mahalaga, at bakit naging mahalaga sa'yo tsismoso ka ba?" Hindi na napigilan ni Joaquin na hindi ito sitahin.

"Hijo, maaaring bang sa amin na lang muna ang bagay na ito ngayon? Maybe sooner or later malalaman mo rin ang lahat. As long as hindi pa nakakabalik si Angela sa atin sa amin na lang muna ito okay?"

"Ako na lang ang magsasabi sa'yo later, okay!" Sagot naman dito ni Joseph.

"Pero Sir gusto ko na sana itong malaman agad ngayon. Alam ko namang hindi n'yo pa ako itinuturing na pamilya kaya naman hindi n'yo pa ito maipagkatiwala sa akin. Pero..."

"Ibang klase ang demand mo ah' bakit ba interesado ka yatang  malaman ha'?" Iritado nang saad ni Joaquin.

"Bakit ba kasi hindi n'yo na lang sabihin sa'kin?!" Si Maru' na biglang napalakas ang boses.

Ngunit tila nabigla sa paglabas ng mga salita sa kanyang bibig...

Ang lahat ay nabigla sa sinabi nito, hindi lang dahil napalakas ito. Higit sa biglang pagbabago ng timbre ng boses nito.

"Maru'?" Si Joseph na hindi makapaniwala sa narinig kaya't sunod-sunod ang naging pag-iling nito.

Habang si Liandro ay napuno ng pagtataka.

"Huh'?" Si Joaquin na biglang natigilan pagkarinig sa salita ng binata.

Hindi siya maaaring magkamali parang kilala niya ang boses na iyon...

Ngunit hindi niya inaasahan na maririnig ito sa isang tao na noong una pa lang ramdam na niya na may pagkamisteryoso.

At ngayon mukhang mapapatunayan na niya ang kanyang paghihinala? Bigla ring pumasok sa isip niya ang isang posibilidad.

Hindi kaya?

"SINO KA SABIHIN MO, MAY KINALALAMAN KA BA SA MGA TAONG HUMAHABOL SA AMIN HA' SUMAGOT KA?!"

Hindi niya alam kung bakit bigla na lang niyang naisip ang bagay na iyon?

Basta malakas ang pakiramdam niya na may itinatago ito sa kanila.

Dahil sa kabila ng maangas nitong pagmumukha, tila ba may itinatago itong isang lihim sa pagkatao nito...

*****

By: LadyGem25

 

Hello,

Again... Sana magustuhan n'yo ulit ang chapter na ito?

Maraming salamat sa ng lahat ng mga sumusuporta sa story na ito.

(AFTER ALL)

VOTES, COMMENTS, REVIEWS AND PLS. RATES MY STORY GUYS!

GOD BLESS AND BE SAFE EVERYONE!!

SALAMUCH!!

MG'25 (11-25-20)

LadyGem25creators' thoughts
Próximo capítulo