webnovel

KABANATA DALAWA

Makalipas ang limang buwan. 

"Senyorito, naka-handa na po ang sasakyan ninyo ni Senyorito Davagne. Nailagay na rin doon ang mga bagahe ninyong dalawa." 

Nilingon ni Eckiever ang mayordoma na nag-salita. Kasalukuyang sinusuot niya ang leather Rolex watch na binili pa niya sa Canada. 

"And Davagne?" 

"Tapos na rin siya mag-bihis. Pababa na rin po siya dito." 

"En." Tipid na sagot at tango ni Eckiever. 

Nang mga oras na yun, naka-schedule silang lumuwas ng Manila upang ipag-patuloy ang mga negosyong ipinundar ng kanyang kuya na si Necanor. Medyo natagalan ang kanilang pag-desisyon dahil kay Davagne. Halos ayaw kasi nitong umalis ng Hacienda. 

Well, kung hindi rin naman kasi sa negosyo na kailangan ng mamamahala, hindi siya aalis ng Palawan. Mas gusto rin kasi ni Eckiever ang buhay sa probinsya. 

"Uncle! Okay na ba ang suot ko? Sabi mo malamig sa eroplano." 

Napa-angat ng tingin si Eckiever ng marinig ang sigaw ni Davagne sa taas ng hagdan. Naka-suot ito ng sweater na kulay pula at puting jogging pants. Ang buhok na literal na kulay light brown at medyo maalon-alon ay nag-lalaro sa bawat pag-galaw ni Davagne. 

Syangapala,simula ng dumating sa Star family si Davagne, hindi pa ito nakakasakay sa eroplano. Ang dahilan? Ayaw nitong umalis sa Hacienda. 

"Yeah. Para kang mangingibang baranggay lang. Let's go." Napapa-iling na sagot ni Eckiever bago iniunat ang braso upang ialok ang kamay sa pamangkin na mabilis ding tumakbo pababa. 

"I told you, no running kapag bumababa sa hagdan!" 

Napa-nguso si Davagne. "Para ilang hakbang lang eh." Inabot ni Davagne ang kamay ni Eckiever. "Hindi tayo male-late sa flight natin?" 

"Hindi. Mamayang gabi pa ang flight natin, alas dyes palang ng umaga ngayon." 

"How about my studies?" Kinawayan ni Davagne ang mga katulong upang mag-paalam. 

"I told you, inasikaso na ng Secretary ng Star company ang pag-transfer mo sa Philippine University." 

"Oh!" 

Pagsakay ni Davagne sa kotse, umikot na rin sa kabilang bahagi ng sasakyan si Eckiever upang sumakay. Nag-paalam lang ito sa mga trabahador at nag iwan ng habilin tungkol sa mga trabaho ng mga ito. Pagkatapos ay pumasok na sa loob. 

"Then, kailan tayo babalik dito?" 

"Dave, hindi pa tayo nakaka-alis, pag-balik na agad ang nasa isip mo." Inayos ni Eckiever ang pagkaka-upo bago nilingon ang pamangkin na naka-titig sa mansyon. "Don't worry, papasyal tayo dito tuwing bakasyon mo." 

"Okay." 

Yun lang at nag-simula na silang bumyahe. 

At dahil mahigit limang oras ang kanilang itinakbo simula San Vicente hanggang Puerto Princesa City, naka-tulog si Davagne sa byahe. Naka-unan siya sa hita ng kanyang Uncle na busy mag-laptop. 

Pasado alas tres na ng Hapon ng narating nila ang Puerto Princesa international Airport. Niyuko niya ang pamangkin na tulog pa rin. Pagkatapos ay bahagya niyang tinapik ang pisngi nito. 

"Wake up, we're here." Bulong niya dito. 

Papungas-pungas na napa-upo si Davagne bago sinilip ang labas ng bintana. Pagkatapos ay muling humilig sa balikat ng kanyang Uncle. 

"Antok pa ako." 

Napa-buntong hininga si Eckiever tsaka binuksan ang pinto malapit sa kanya. Ang driver ay naka-baba na at inilalabas na ang kanilang bagahe. 

"You can continue sleeping inside. Come here." Ani Eckiever nang makalabas. 

Parang batang hinawakan ni Davagne ang kamay ng Uncle at antok na napasunod dito. Hindi pansin ang tingin ng mga taong naroroon. Sino ba naman ang hindi mapapalingon sa kanila.

Sa itsura palang ni Eckiever na hindi mailalayo sa mga sikat na modelo sa ibang bansa. Ang perpektong jawline ng binata ay talagang agaw pansin. Lalo na ang kulay blue netong mata na para bang palaging naka-ngiti. Binagayan ng makapal nitong kilay at ilong na parang hinulma sa pugon. Furthermore, ang heart shaped nitong labi na parang labi ng korean singer na kasama sa boyband. 

"Pwede ko ba malaman kung kaano-ano ninyo ang kasama nyo, sir?" Tanong ng security guard. 

Nakakapag-taka, wala namang nagtatanong sa ibang pasahero na naroon. 

"He's my niece." Tipid na sagot ni Eckiever bago tinapunan ng tingin ang lalaking naka-tago ang mukha sa kanyang balikat. 

Minsan talaga, hindi rin niya mapaniwalaan ang pagiging sleepy head ng kanyang pamangkin. Nakaka-tulog ito kahit naka-tayo. 

"I see.. Thank you." 

Tango lang ang isinagot ni Eckiever at tsaka muling itinulak ang cart na nilalagyan ng kanilang bagahe. Ilang check point pa ang kanilang dinaanan bago narating ang departure area. At tulad ng inaasahan, naka-tulog ulit si Davagne. 

Samantala, ipinag-patuloy naman ni Eckiever ang ginagawang pag-susuri sa business reports na pinasa sa kanya ng secretary ng company. Mamayang 7pm pa ang flight nila. 

Nang dumating ang ika-anim ng hapon, nagising na rin si Davagne. Mabilis na sumiksik ang ulo nito sa may leeg ni Eckiever habang inisa-isang tingnan ang mga food stands sa loob ng airport. 

"Hungry?" Tanong ni Eckiever habang ginugulo ang buhok ng pamangkin. 

"En. I wanna eat." Paos na bulong ni Davagne. 

"Wanna try buying there?" Hindi pinapansin ni Eckiever ang mga taong naka-tutok na sa kanila ang cellphone. 

As long as, hindi sila lapitan ng mga ito. 

Inayos ni Davagne ang upo at humingi ng pera sa kanyang Uncle. Pagkatapos ay tumayo upang bumili. Hindi naman inalis ni Eckiever ang tingin sa pamangkin at pinanood niya ito kung paano mag-palipat lipat sa mga tindahan. Pakiramdam nga niya, squirrel ang pinapanood niya. 

Ilang sandali pa, masayang bumalik si Davagne, bitbit ang mga binili. 

"Grabe, ang mamahal ng bilihin dito, Uncle." Di makapaniwalang sambit ng binata. "By the way, I bought fried chicken, paburito mo to diba?" 

Nilingon ni Eckiever ang fried chicken at tsaka sumagot. "Yeah. Thanks." 

Time flies.. Oras na ng kanilang paglipad. 

Pag-pasok sa eroplano, literal na namaluktot si Davagne sa kanyang upuan. Kaya ang matandang babae na katabi nila ay natatawa sa kanya. Sumiksik pa nga si Davagne sa kanyang Uncle Eckiever na binigyan ni Lord ng normal na mainit na katawan. 

Kalahating oras pagkatapos nilang lumipad sa ere. Doon na naramdaman ni Davagne ang sakit sa magkabila niyang tenga. Namimilog ang mga matang kinalikot niya iyon. Hindi rin naman iyon naka-ligtas sa malakas na pakiramdam ni Eckiever. Mabilis nitong kinabig ang pamangkin na namumula ang mata. 

"Hurts?" Tanong ng binata. 

Napa-tango si Davagne kaya hinubad ni Eckiever ang headset at pinasuot dito. Nakalimutan nga pala niyang bigyan ng headset ang pamangkin kanina. 

Another 30 minutes past. Sa wakas, naka-lapag din sa airport ng Manila ang eroplanong sinasakyan nila. Excited na sumunod si Davagne kay Eckiever palabas ng eroplano. Pagkatapos ay dumiretso sila sa baggage counter upang hintayin ang mga bagahe nila. 

At tulad ng inaasahan, may mga tao talagang napapa-tingin sa kanila. 

Pag-labas sa airport, sinalubong sila ng secretary ng namayapang si Necanor Star, at iginiya sa sasakyan na naghihintay sa kanila. 

"Welcome back to Manila, Sir Eckiever, and welcome to Manila sir Davagne." Ani ng secretary. "Didiretso na po ba tayo sa condominium ninyo, or dadaan muna tayo sa restaurant for dinner?"

"Kumain na kami sa airport ng Palawan. Sa Pasay na tayo dumiretso." Sagot ni Eckiever. 

Sa Pasay nakatayo ang condo unit na pagma-may-ari ng Star family. At natural, may isang space na para sa pamilya. 

At dahil gabi, hindi maiiwasan ang traffic sa EDSA. Pero si Davagne ay masayang tinitignan ang bawat nadadaanan nila. 

"Wag mong ilabas ang ulo mo, baka ka-maaksidente." Mabilis na naipulupot ni Eckiever ang kaliwang braso sa katawan ng pamangkin at hinatak ito pabalik sa upuan. 

"Oh! Sorry." Ani Davagne napa-upo naman ng maayos. 

Nakinig nalang siya sa usapan nina Eckiever at ng secretary. At dahil medyo na-boring sa haba ng traffic, kinuha niya ang kanyang cellphone at tsaka nag-laro ng online games doon. 

"Miss. Joan also asked me to tell you that she's waiting for you at her condominium, sir." 

Doon napa-tigil sa paglalaro si Davagne. Napa-lingon siya sa secretary. 

"Joan?" Tanong niya. 

"Ah, yes sir Davagne. Joan is your Uncle's girlfriend here in Manila." 

Sa kauna-unahang pagkakataon, naramdaman ni Davagne kung paanong parang may sumaksak sa kanyang dibdib. Naka-yuko man, literal na namimilog ang kanyang mga mata ng maramdaman niya yun. 

20 years old na sya, kahit pa nga pinamper siya ng husto ng pamilya na umampon sa kanya, hindi naman siya inosente para hindi malaman ang ibig sabihin ng salitang girlfriend. 

Pero bakit hindi sinabi ng kanyang Uncle? Alam rin ba ng kanyang Mama at Papa ang tungkol dito? Kunsabagay, 30 years old na si Eckiever, pwede na nga ito mag-asawa. Pero kasi.. 

"You okay?" Tanong ni Eckiever na nagpa-flinch kay Davagne. 

"Yeah. I'm fine." Tipid niyang sagot habang kunwari ay nagpatuloy sa kanyang paglalaro. 

Tapos ay hindi na siya sumingit sa usapan ng dalawa ulit. Nag-kunwari na lang siyang busy mag-laro. Ng hindi makapag-concentrate, nagkunwari siyang nakikinig ng music. 

Bagamat lihim na napapa-isip. Kung may girlfriend si Eckiever sa Manila, then, mahahati na ang atensyon nito sa tatlo. 

Una ay sa trabaho, sunod ay sa girlfriend nito, at siya na ang huli. Dumating na ba ang panahon para maging huli na siya sa priority ng nag-iisang pamilya na naiwan sa kanya? 

Naipikit niya ng mariin ang mga mata. He was once an outsider, an orphan who suddenly entered their family. Sa madaling salita, hiram lang niya ang mga panahon na siya ang priority ng pamilya. Bakit ba nakalimutan niya yun? 

Próximo capítulo