webnovel

Chapter 2

"Ano po?! N-Nais niyo pong tumakas bukas?!" Gulat na tanong ni Lucea dahilan para takpan ko ang makulit niyang bunganga. 

Minsan hindi talaga mapagkakatiwalaan ang bibig niya. Napahilamos na lang ako ng mukha habang napapatingin sa mga trabahador ng palasyo. Lahat sila ay naglilinis at karamihan naman ay hindi mapakali sa pagsasaayos ng kaharian para sa enggrandeng selebrasyon bukas.  

Gabi na at kakauwi lang namin sa palasyo mula sa kagubatan. Katulad ng nakasanayan ay nagpalit ulit ako ng damit para hindi malamang na tumakas ulit ako. Mas mabuti ng ganito kumpara sa alipinin ang sarili para bukas.

The palace looks magestic. Ito lang ang nag-iisang palasyo na nagtataglay ng karangyaan at kapangyarihan sa lahat ng angkan ng mga lobo.  Maging ang mga nakataas at mararangyang lahi ng lobo ay hindi basta-basta makakapasok sa palasyo maliban na lang kung may gaganapin na pagpupulong o malaking selebrasyon.  

I looked at the whole area of the palace. There were gigantic chandeliers in the main entrance and the hallway was filled of porcelain vases of flowers. The golden longest staircase, the textural and historic design of its facade engraved the faces of our ancestors along with it from the center of the mommoth dome is the illumination of the beautiful delineation of moonlight. The moonlight shape was like a mysterious path to another paradise. I'm not sure if that paradise will lead me to a peaceful place but when I glimpse at the blurry figure of an old donjon, my forehead creased like it's a new curiosity for me. The image of a donjon makes me to think more about certain past events but when I failed to observe its connection to our kingdom and ancestors, I stopped and believe that this is just an awakened strangeness.

Ganito ka ingat at abala ang lahat para sa kaarawan ng nag-iisang prinsesa ng mga lobo. Hindi ko alam kung bakit mayroon sa aking puso ang kakaibang pakiramdam sa tuwing lumilingon ako sa bawat espasyo. Ganito ako kahalaga sa lahat at kahit ayokong maramdaman na kakaiba ako ay parang dumadaloy sa aking dugo ang pakiramdam na iyon sa tuwing pagmasdan ko ang larawan ng aking pinakamamahal na lolo. 

"Mahal na Prinsesa" Napalingon ako kay Lucea na kanina pa pala ako tinatawag. 

"Kung maaari ay 'wag kang maingay Lucea. I need your help. I don't want to get married this early. Hindi ba't ako dapat ang masusunod? If my grandfather is still alive, I know he won't make any decisions that can hurt my feelings." I said and I suddenly feel sad when I use to remember the memories together with my beloved grandfather.

"Paumanhin, ngunit mahal na prinsesa delikado itong gusto niyo. Maaaring mapapagalitan ka na naman. Bukod doon ay kanina pa po kayo hinahanap ng mga pinsan mong mga mahal na mga prinsipe. Maging ang mahal na Hari at Reyna ay nagtataka kung bakit hanggang ngayon ay hindi ka parin nagbibisita sa kanilang silid." Tugon ni Lucea at inayos pa ang mahabang buhok na tinatangay ng hangin. 

Mula pagkabata ay magkasama na kami ni Lucea at alam kong nalulungkot din siya sa tuwing maaalala ko ang aking lolo. Naging mag-isa na lamang si Lucea ng parehong masawi ang kaniyang mga magulang sa digmaan na naganap kung saan iyon din ang araw na namatay ang aking lolo. 

Hindi ko alam kung anong klaseng digmaan ang naganap noon dahil masyado pa akong bata noon. Kahit na ang aking Kuya ay hindi ako mabigyan ng sagot at mas lalong ipinagtataka kung bakit tuluyan nilang kinalimutan ang pangyayaring iyon. 

"Nasaan ang aking Kuya?" Tanong ko na ikinangiti ni Lucea. 

Hindi ko alam kung anong mayroon sa aking nakakatandang kapatid at ganoon na lang karaming mga babae ang humahanga sa kaniya. Maliban sa suplado at hindi ito palakibo hindi rin siya ganoon kalapit sa aking mga pinsan. Ako lang ang nag-iisang babae na labis niyang pinahahalagahan.  

Prince Cesar Silvestre is my older brother and one of the most notorious wolf since our descendants came from the heroic alphas. He's supposed to be the next King but because of the prophecy the kingdom passed it to me, the only daughter of the King of werewolves. 

May mga pinsan din akong babae na mas nakakatanda sa akin ngunit isang batas sa kaharian na kahit sila ay may dugong bughaw at prinsesang tunay, sa aking parin ginagamit ang salitang "nag-iisang prinsesa." 

"Tulad po ng mga nakasanayang araw ang mahal na Prinsipeng Cesar Silvestre ay nagtungo sa mga karatig na pulo upang magsanay ng mga ibang kilalang pinuno ng mga lobo. Narinig ko rin po mahal na prinsesa kanina sa iyong pinsang si Prinsipeng Hector na masyadong mahirap ang ginawang pag-eensayo ng iyong Kuya sa mga anak ng mga pinunong lobo. Ni isa sa mga nasanay ng iyong Kuya ay wala pang nakakapasa sa pinakamihirap na hamon." Kuwento ni Lucea at napakunoot pa ang noo ko kung bait tuwang-tuwa pa siya kinikilig habang nagkukuwento. 

Walang duda na siya nga ang aking kapatid. Ang aking Kuya ang pinakamagaling sa lahat sa pakikipaglaban. Siya rin ang nangunguna bilang pinuno ng mga lobo sa bawat digmaan kaya nararapat na siya ang susunod na magiging hari. Siya ay nasa edad dalawamput-pito na ngunit hindi pumapasok sa kaniyang isipan ang pagpapakasal kahit na ilang kababaihan na rin ang inimbitahan ng aming ama na anak ng mga kilalang nakatataas na lobo upang maging kaniyang asawa. 

I am planning to escape tomorrow evening after the moment when I needed to appeared in the royalty's balcony where the moon will be my guide to face the world of werewolves from lower to the high ranking and noble officials. There are things about me that I need to undertake whereupon the shadow I was living for so many years will brought me to the truths and my power will dwell in this Kingdom. Ano kaya ang mga bagay na naghihintay sa akin? Sa labas at sa loob ng kaharian? Do I deserve this title? At bakit nagkaroon ng kauna-unahang propesiya? 

"Mahal kong Selene Adara, nasaan ka?" Tinig ng isang babae. 

Nagkatinginan kami ni Lucea ng marinig iyon. Ang tinig na iyon ay isa sa mga boses ng prinsesa ng palasyo. Kaagad akong tumakbo sa kinaroroonan ng babae at makulit na sumampa sa kaniyang likod. Maging si Lucea ay sumunod na rin sa akin dahil siya ang aking bantay. 

Agad akong napatawa ng malakas ng muntikan na kaming matumba ni Ate Athena. Natunghayan ko naman ang hindi makapaniwalang mukha ni Ate Athena dahil naisahan ko na naman siya. Magsasalita pa sana siya sa pagkabigla ngunit inunahan ko na siya ng bigla ko siyang yakapin. 

"Ate Athena! Sabi ko na nga ba at hindi mo ako matiis. Masyado mo talaga akong mahal kung kaya't nagseselos ng lubusan si Anastacia" Saad ko habang ngumingiti ng matamis. 

Princess Athen is the twin sister of Prince Hector and their youngest sister is Anastacia. Si Anastacia ang pinakabata sa aming lahat at madalas rin ay siya ang aking kakampi sa mga plano papunta ng kagubatan. 

Princess Athena is wearing a red gown with luxurios stones that makes her white skin glow. Siya ay nagtataglay ng pambihirang kagandahan na hindi nalalayo sa wangis ng kaniyang ina na kapatid ng hari na aking ama. Lahat ng mga naririto sa palasyo maging sa labas ay hindi maiwasang mapanganga sa taglay nitong karikitan na tila isang napakagandang bato na mahirap hanapin. 

"Anastacia is busy in her room. I think she just want to make her gift more beautiful than mine. Alam mo namang hindi papayag iyon kung makitang mas maganda ang ireregalo ko sa'yo bukas." Nakangiting wika ni Ate Athena habang ipinulupot ang kamay sa aking braso.  

"I'm not ready tomorrow. If only I could make the time stop, I would like to talk to someone who made this prophecy that I won't accept this fate." 

"Kaya pala hindi ka sumipot sa lahat ng pag-eensayo sa pagsasayaw na narinig ko kanina sa mga naglilinis dito sa palasyo. Maging ang pagbisita sa silid ng Hari at Reyna ay hindi mo rin ginawa. Selene Adara, pakiusap alalahanin mo na lang ang pangarap ng ating pinakamamahal na lolo at ang kapakanan ng ating angkan." Puno ng pakikiusap ang boses ni Ate Athena.  

Before I could say a word, my brother together with my cousin Hector, Damien and Thanos showed up. Damien and Thanos were the son of the younger sister of my father, aunt Princess Sophia. Si kuya ang pinakamatanda sa lahat. Ang mga anak naman nina Princess Iris at Princess Sophia ay magkakaedad maliban na lang kay Anastacia na pinakabunso. Ako naman ang nag-iisang prinsesa ng Hari at Reyna. 

The Princess posessess different auras that anyone who dared to look at them will barely breathe and might have difficulty to leave in their position. Every eyes brings fiercest fire of alpha's blood that no one can resist. The more astonishing of their reddish lips the dominant their smile becomes strange and blood-curdling. Isa lang ang bagay na dahilan nito, iyon ay kapag nalalaman nila na ang palagid ay may hindi kaaya-ayang balita. Isa ng nangingibabaw sa kadakilaan at paninilim ng kaniyang anino ay ang aking nakakatandang kapatid. 

Diretso siyang nakatingin sa akin at patuloy ang paglapit maliban na lang sa ibang lalaking pinsan ko na ngumingisi. His sudden turns makes all the noise in the palace becomes like the calmness of the water falls outside. 

"Selene Adara, you're not a kid anymore. Rule your responsibility and don't be an immature princess. There's more truths that you need to discover to figure something out. Stop being childish and stubborn. The King and Queen wants to see you but you never showed yourself to them. Tandaan mo, hindi ka makakalabas talaga dito dahil babantayan kita. At kung may pinaplano ka namang gagawin ay itigil mo na dahil simula bukas iba na ang magiging buhay mo." Sunod-sunod na wika ng aking Kuya na hindi ko naman masundan at matugunan dahil biglaan niyang hinalikan ng marahaan ang aking noo. 

Hindi ko mapigilan ang sarili ko kung kaya't mahigpit ko na lang niyakap. Ramdam na ramdam ko ang pag-aalala niya sa akin. Simula pagkabata ko nabuhay na ako sa pagmamahal ng mga tao rito sa palasyo ngunit iba pa rin ang pakiramdam kapag kapatid mo na ang yumayakap sa iyo. Alam kong kahit si Kuya ay nagdada lawang isip rin para sa kapakanan ko ngunit tama si Ate Athena kailangan kong panindigan ang lahat. Ngunit ang isang bagay lang na hindi ko matatanggap ay ang pagpapakasal.

 I am in the aisle of the royalty's hall wherein the King and Queen were soundlessly sitting in their throne. The calmness of tranquility under the deep burn of fire in chimney and the long moment of moonlight created life. A life that depends to their rules and their power. A life of many that they hold in their hands. The hands that could destroy the entire kingdom with no merriment, no clemency, and no loveliness. It is if one, someone, or all will turn traitor and betray the unison. Above all, they were the rulers that hearts are pure and rulers that holds greatness. 

Ngunit bilang isang anak, kung may isang bagay man akong pinahihigit sa lahat, yun  ang kanilang pagiging magulang. Nabuhay ako ng puno ng pagmamahal. Pinaulanan nila ako ng mga bagay at seguridad na hindi makuha ng iba. Sa kabila ng pagsuway ko sa kanilang utos ay ni hindi ko naramdaman ang hinaing ng isang batang pinagkaitan ng kalayaan. At kahit anong gawin ko ay alam ko namang hindi nila kasalanan kung bakit naging ganoon ang propesiya. 

Parehong tumayo ang Hari at Reyna patungo sa aking direksyon. Nanatiling nakatitig ako sa aking magulang ng magtinginan sila sa isa't isa. Ang mga mata nila'y nag-uusap ng mga bagay na hindi ko malalaman kailanman. Nang nasa harapan ko na sila ay nagkunwari akong abala sa katitig sa aking damit para lang yumuko. 

"Mahal kong Selene Adara, hindi mo na kailangang magtago sa ilalim ng iyong pagninilay. Hindi ka dapat ganyan kung kumilos. Nakatakda na bukas ang propesiya kasunod ay ang pagpasa sa iyo ng trono. Ano na lamang ang gagawin mo sa oras na hawak mo na buong angkan?" Tanong ng aking ina dahilan para maiangat ko ang aking ulo. 

Dahan-dahan siyang pumalibot sa akin na para bang kinikilatis kung nakikinig ako sa kaniyang sinasabi. Alam kong ilang beses ko ng sinusuway ang utos ng aking ina ngunit hindi lingid sa kanilang kaalaman na alam ko naman ang kahihitnatnan ng lahat.  

"Mahal na Reyna, patawad sa mga naging kilos ko nitong nagdaang araw. Sinusulit ko lang ina ang natitira..." 

Hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko ng biglang magsalita ang aking ama. 

"Ano pa bang sinusulit mo aking anak? Hindi pa ba malinaw sa iyo ang lahat simula sa umpisa? Ayokong kunsintihin ka sa mga pagsusuway na ginawa mo. Bukas ay kaarawan mo na at nangangahulugan lang na dapat maging handa ka sa bagay na 'yon." 

"Ngunit ama at ina, hindi ko nais na magpakasal kung kinakailangan lang o ang pagtanggap ng ng responsibilidad ko para bukas ay gagawin ko. Hindi ko lang po gusto ang pagtatakda niyo ng..." 

Nawawalan na ako ng pag-asa para hindi sumang-ayon. Magkasabay pa silang magsalita na para bang bukas ay mas importante pa ang pagpapakasal. 

"Nagkakamali ka anak. Lahat na gusto naming mangyari ay para sa iyo. Hindi mo lubusang nababatid ang importanteng mensahe ng propesiya. Gingawa namin ito dahil ito ang nakikita naming paraan para mas magampanan mo ang iyong tungkulin bilang pinuno ng nasasakupan mo." 

Halos mapanganga ako sa sinabi ng aking ama. Solusyon ba ang pagpapakasal sa problema? At ano naman ang konekson ng pagpapakasal sa propesiya? 

"Mahal kong anak, alam mo naman na hindi mapapasa sa'yo ang trono kapag hindi kapa naikakasal. Kaya bukas maging handa ka dahil darating ang kilala nating magagaling na anak ng mga kilalang pinuno." Masayang wika ng aking ina. 

Napaisip-isip ako sa bagay na noon pa man pumapasok sa aking isipan. I'm destined to my mate and tomorrow will be the day that I'm gonna meet my mate. Kaya bakit hinahayaan nila akong magpakasal kahit hindi ko pa natatagpuan ang nakatakda para sa akin? 

"What about my mate?" Hindi ko napigilang itanong. 

Bakas sa mukha nila ang gulat pero kalaunan ay napalitan iyon ng titig na kahit sila ay hindi sigurado sa tanong ko. 

"Ayon sa propesiya, walang nakatakda para sa'yo." Seryosong tugon ng aking ama dahilan para hawakan ng aking ina ang aking palapulsuhan. 

Hindi ko magawang magsalita. Imposible. Sinasabi ba nilang naiiba ako sa lahat? Bakit walang nakatakda para sa akin? Sa ganoong sitwasyon, alam kong nagsasabi ng totoo ang aking mga magulang. Pero ang hindi ko lang maintindihan ay bakit ako lang?  

The night just awakened the entire kingdom. I was in my room when Lucea knocked twice at my door. Kanina pa ako hindi mapakali sa balita na ihahatid niya sa akin. Inaayusan ako ng mga babae habang ako naman ay parang naiihi na sa kaba. Alam kong sa oras na lalabas ako ay kinakailangan kong harapin ang buong angkan at tanggapin ang responsibilidad na ipinagkaloob sa akin. 

Lucea entered my room and stared at the maids at my side. Mahigpit na bilin ko sa kaniya na walang makakaalam ng aming plano. Tatakas lang naman ako sa oras ipagkakasundo ako sa aking pakakasalan pero sa ngayon kailangan ko munang tapusin ang selebrasyon ng aking kaarawan.  

I looked at myself in the mirror. Napanganga ako sa naging ayos ng akin itsura. I looked like my mother. Malayo sa inosenteng dalaga, mas nangibabaw ang mukha ng isang babaeng may dugong maharlika. Ang itim na mahaba kong buhok ay nakalugay at ang dulo ay naging kulot. Suot ang puting gown na kumikinang kapag nakatutok sa dilim ay mas nakakadagdag ng kagandahan dahil sa disenyo nito na parang isa akong reyna. Kapansin-pansin din ang balat sa aking balikat at leeg na masyadong kita dahil sa disenyo ng suot kong gown.  

Huli kong tinitigan ng maayos ay ang aking mukha. 

The longer I stared at my face in the mirror the more I saw the face of my mother. To observe a familiar face, I well remember that she says one's face obtaining a beauty that no other man can disregard. Now, I'm seeing a beauty. It's like a flame to someone get fell by the fire it gives. A fire of beauty that hearts could die and repeatedly burn someone and inflicts no scars only a wounded soul. 

I came back to my sense when I heard Lucea's words that I need to prepare right now because the royalties are already waiting for me to go outside. 

"Mahal na prinsesa, katulad ng sabi niyo po ay nakabukas na ang nakatagong lagusan sa oras na tatakas po kayo mamaya." Saad ni Lucea na tinanguhan ko ng marahan. 

Ngayon, handa na akong harapin ang itinakda ng propesiya sa akin. Dahan-dahan akong lumabas palapit sa malaking bulwagan kung saan nakahilera at naghihintay ang aking mga pamilya na isa-isang nakaupo sa kanilang trono. Isang malakas na tunog ang nanggaling sa palasyo kung saan makikita ng malapitan ang kabilugan nu buwan at ang bukana ng mataas na talon na nagdudugtong palasyo at lambak. 

I looked at my parents and as  expected they were happy to see me in this situation like a princes were reborn. My cousins together with their parents has the same expressions like they were encouraging me to be overbearing and strong. I can't stop myself to smile sweetly at them. This is the moment they waited for years yet as the main character, I can't fully accept other responsibilities that agaisnt my will.  Lastly, I looked at my brother. Just like the usual days, he act the same with or without ocassions but when when his eyes met mine, his dark aura changes. His serious face softens and his eyes were like saying that he will always at my side, saving me at all times.

Tumango ako sa aking buong angkan bilang paggalang muling inihakbang ang aking mga paa papunta sa mataas na balkonahe ng palasyo at sa naghihintay na mga lobo sa iba't-ibang lahi at partido. 

Ilang hakbang na lang sana at mararating ko ang naghihintay sa akin ng bigla kong mahagip ng aking paningin si Kuya na dali-daling tumatakbo papunta sa direksyon ko . Bakas sa mukha niya ang matinding pangamba at ang mga mata niya ay nag-aapoy sa galit na ni minsan ay hindi ko nakita ngayon lamang. Ang sunod na nangyari ay tuluyang nagpadurog ng akin damdamin ang nagwasak ng aking puso. 

Mula sa pagkakatayo ay biglaan akong napaluhod habang kalong ang duguang katawan ni Kuya. Niyakap niya ako kanina upang saluhon ang gintong punyal na tatama sa sa aking puso. Nanginginig ang aking kamay at umiinit ang sulok ng aking mga mata habang nakatingin sa aking kapatid. 

"Umalis ka! Tumakabo ka ng napakalayo!" 

"P-Pero...K-Kuya..." 

"Alis na! Huwag kang pasaway Selene Adara! Huwag mong hintayin na patayin ka ng mga hinayupak na bampira! Tumakbo ka!" 

Kasunod ng mga sigawan ni Kuya ay ang pagkagulo ng buong paligid. Maging ang lahat ng angkan ay napilitang makilaban at isa-isa nag-anyong lobo. Napahawak ako sa aking leeg ng marahas na hinala ni Kuya ang heirloom na pagmamay-ari ko. Hindi ko na nagawang balikan pa ang mga magulang ko pati si Lucea ng biglaan kong nakita ang paparating na kabayo sakay ang misteryosong tao. 

Hindi ko man gusto ang nangyayari pero kusa na lamang tumatakbo ang katawan ko palayo sa palasyo at kaguluhan. Huli kong naisip ang panaginip na katulad nito ay may humahabol din sa akin. 

Isang bampira!

Próximo capítulo