webnovel

3:02 Times Up

"Sweet Lips but im not your first kiss.It's 3:02 Time's Up lets BREAK UP." The Cover Photo is not mine... Source:Pinterest

sweet_KupKaKes · Adolescente
Classificações insuficientes
62 Chs

18

Date

Third

Binabagtas ngayon ni Rosie ang mahabang kalye dahil gusto nitong pumunta sa isang coffee shop di kalayuan sa kanilang school.May natitirang isang oras pa naman sa dalaga para magaliwaliw

Nang makita nito ang isang pamilyar na lalake na naka tayo sa isang poste

"Vaigan."bulong nito at nilapitan kaagad ito mukhang naramdaman ng binata ang kanyang presensya

"Oww...Rosie?Right?"tanong nito ngunit ngumite lamang ang dalaga dito at umirap sa kawalan

"So anong plano mo?"tanong nito na siyang nakakuha ng atensyon talaga ni Vaigan

"What do you mean?"

"About my bestfriend Kyryll."maarteng sagot nito at nilapitan lalo nito si Vaigan

"Alam mo Vaigan playboy ka talaga kahit kailan ano?"tumawa ng mahina ang binata at tinapon ang sigarilyo nitong di pa gaanong nauubos

"Pake mo ba?"

"May pake ako kasi kaibigan ko!Nakuha mo na si Trinity diba?"agad na nagbago ang emosyon sa mukha ni Vaigan ng marinig ang pangalan na binanggit ng dalaga

"You know what Rosie mas maganda kung bantayan mo na lang yung EX mo!"tumawa ito ng malakas ngunit napatingin sa gilid si Rosie at nakita nito ang kanyang kaibigan na si Riri na mukhang dito papunta

'Hayshh magkikita pala sila ng tukmol natoh!'

Agad na tumakbo ang dalaga at mabilis nagtago di kalayuan sa kanila

"Sana naman narinig ko pa sila dito."bulong nito at tumingin ng kaunti duon sa tagpuan nila ni Vaigan

Kita ni Rosie kung paano ngunite ng matamis ang kaibigan nnito sa lalakeng iyon na siyang mas nakakapag pagigil sa dalaga

'Bolero talaga arghhh!'

Pero may isang nakapag pangiti sa dalaga

"Bakit ko pa nga ba pipigilan si Riri kung masaya siya kay Vaigan?Para ko na ring pinigilan ang tadhana kung sila nga talaga,Hayyyy Rosie tama na nga yan hayaan mo na si Riri sumaya okay self!Sana sana di talaga siya lokohin ng mokong na toh!Minahal din naman niya si Trinity eh."naglakad ito palayo at dinama ang simoy ng hangin habang nakapikit ang mga mata

Hanggang sa di inaasahan ay nauntog ito sa isang matigas na bagay kaya naman napadilat ito at tumingin sa harap nito

"Patay!Mukhang katawan to ah?"unti-unting nitong tiningnan pataas kung sino ba ang may-ari ng katawan nito.Napakurap-kurap na lamang siya ng makilala nito kung sino

"H-hi s-sorry."agad itong yumuko at dahang-dahang umalis ng nakayuko dahil sa kahihiyan

"Hahaha miss may nakalimutan ka ata."agad na napatigil ito sa kanyang paglalakad at tumingin sa lalakeng ito

'Ha?Meron ba akong nahulog?'

Tumingin ito sa baba at wala naman siyang nakita at sunod naman nito ang kanyang kamay na wala namang hawak lumapit ito sa kanya at tinapatan mata sa mata mag-kasingtangkad lang naman ito

"Ano bang nakalimutan ko?Bigay mo na."ani nito at mas ngumite ito sa kanya kita ang mapuputing ngipin nito na may braces pa

"Yung pangalan ko."agad na napakunot ang noo ng dalaga at agad nitong tinulak ang lalake at natawa lamang ito at nagsimula na itong maglakad ulit

"Miss!Bluce nga pala Bluce Young!"sigaw nito sa malayo sa di malamang dahilan napangiti na lamang si Rosie dito

Ivy

Nakatingin lang ako sa mga naglalaro dito sa field wala kasi akong magawa kaysa naman sa mag-phone ako mas magandang ituon ko na lng ang paningin ko sa paligid mas healthy yun

"Grabe ang hot nun talaga ni Lary noh?"agad akong napatingin sa babaeng nagsabi nun so it means dito nag-aaral si Sir lary?Bat di ko alam sa bagay di naman kami close nung tao so paano ko malalaman iba rin ang course niya sa course kaya siguro di kami nagkikita kahit sa cafeteria lang

"Ay nako girls!Mukhang nandito si Lary eh!Ayun oh!"naptingin naman ako duon sa entrance kung saan kakapasok lang ni lary oww shet mga beb's

"Ang hot niya."yun na lang ang nasabi ko bukod kasi sa ang cute niya ang maskulado pa ng katawan alagang alaga mga besh!At mukhang Soccer Player pa ito

"Go papa lary!"sigaw ng mga nasa harap ko wala yata akong laban ah mga fangirls niya to eh at baka kuyugin pa ako ng nga ito

Pero alam nito ang gwapo takaga niya kasalukuyan silang tumatakbo ngayon sa buong field exercise siguro nila yun

Ay shet mga besh pag pinagapawisan siguro ito napakalagkit!Hahahaha

"Oyy!"nagulat ako kay elaine shit na malupit nanduan pala siya sa tabi ko

"Sinong tinitingnan mo ha?"tanong nito sakin at ako naman itong natuod at walang salitang mabanggit."Hay nako!Ang kapatid ko pumapag-ibig na!"tawa nito na siyang pagtulak ko sa kanya

"Bakit ba nandito ka?"tanong ko sa kanya at inirapan siya

"Bakit bawal ba?"

"Duon ka nga elaine!"tumingin ako muli duon sa may field at mukhang dito nakatingin si Sir Lary shit!

"Ah si Lary ba yun?"agad akong tumingin sa kanya kilala niya si Lary?"May gusto ka ba kay Lary?"tanong nito na siyang kinapamumula ko ngayon at ngumite ito saakin mukhang alam niya na haysss

"Diba nga siya yung sinasabi ni riri ma natamaan ako nung naga-apply kami duon sa coffee shop siya yung may-ari nung shop na yun."ani ko at napatango na lamang ito saakin

"May kalat din na di pa rin daw yan maka-get over sa ex niya eh."napakunot ang mga noo mukhang nagiging tsismosa na ang kapatid ko ah?

"Gusto mo ikiwento ko?"

"Di ako interasado dyan."sagot ko at kinuha na ang mga gamit ko at pupunta na ako sa next class ko

"Di daw pero mamaya tatanungin ako tskk jan ka na nga."bago pa ito makaalis ay hinawakan ko na yung siko at niya tumingin sa ibang direksyon narinig ko ang munting tawa nito at nagsimula na itong mag-kuwento

"1 year ago daw nung naging sila nung babae sabi mayaman din daw yung babae katulad ni Lary tapos Campus SweetCouple daw ito dito hanggang sa nalaman ng lahat na nag-break na raw ito.Maraming nanghinayang sa kanila ang balita ko rin nandito yung babae iilan na lang ang may alam kung sino daw yun.Ayaw rin sabihin ng mga kaklase ko kung sino yung babae eh bawal na daw kasi i open up sa iba yung kwento nila pinagbawal daw eh.Ewan ko kung bakit."napatango na lamang ako sa sinabi nito at umalis na ito dahil nasa kaliwa ang building nito habang ako naman ay Diretso pa

Dumating yung mga oras pero lutang lang ako sa mga kinuwento ni Elaine saakin.Basta napaka misteryoso naman nung babae tsaka bakit bawal i-open up yung kuwento nilang dalawa?

Ano bang nangyare 1 year ago?

Hayshhh bakit ba napaka interesado ko sa kanilang dalawa?Buhay nila yan eh bat ko pa ba papakelaman?

"ayshhh Ivy tumigil ka na."may narinig akong tawa mula sa likod ko at napatitig na lamang ako kung sino yung taong yun

Lary?

"Hahaha kinakausap mo ba sarili mo Ivy?"tanong nito saakin at napatango na lamang ako sa kanya

"Sabay ka na sakin!Papunta rin ako sa Shop eh!Bawal tumanggi ang employee sa amo!"tumawa ito saakin ang sexy niya tumawa shit!ano ba yan nakakakilig naman

Agad kaming pumunta sa Parking Lot at binuksan nito ang pintuan ngumite ako sa kanya

"Gentleman naman nito lord!"amoy ko pa yung pabango niya ang bango-bango hay nako!!!!

"Ahm,yung seatbelt mo ayusin mo."ani nito na siya namang ginawa ko kaso parang di ko yata makuha ah?Hanggang sa nagulat na lamang ako ang lapit ng mukha ni sir lary saakin

Dug....Dug...Dug

Yung puso ko ata kukunin na!Nagpipigil pa ako sa pag hinga kasi baka mabaho yung hininga ko nakakahiya.Bago ito umalis ay ngumite ito saakin shit na malupit

"Sorry."nagulat man ako ay ngumite na lamang ako dito nakakahiya talaga to anlakas pa ng tibok ng puso ko na para bang kinakarera eh

"Nga pala Ivy okay lang ba kayo sa Shop?"tanong nito at yumango naman ako bilang pagsagot sa kanya

"Opo nandun naman po si kuya lucs eh kasama namin."ani ko at tumingin sa labas malapit na kami sa shop

Nang makarating kami sa tapat ay tinanggal ko na agad ang seatbelt at nagpasalamat sa kanya pero bago pa ako makalabas ay hinawakan niya ang wrist ko

Napatingin naman ako sa kanya at ang mga katagang sinabi niya ang mas nakapagpatigil sa mundo ko

"Lets Date."