webnovel

Kapag Nakarinig Ng Huni Ng Kuwago Sa Hatinggabi, Ibig Sabihin May Mamamat*y.

CHAPTER 05:

Agad na tumitingin si pres sa paligid at wala manlang niisang tao ang nakikita, kaya agad siyang nagpatuloy sa pagkuha ng mga dahon at aakmang titingin sa kaliwa nang biglang nakita niya ang isang bata na umiiyak ng dug0 sa taas ng puno at nagsilabasan ang mga uod nito sa bibig.

"AAAAAHHH!!!" sigaw niya at nagmamadaling tumakbo pabalik sa bahay.

Ngunit napahinto rin siya dahil may isang babaeng nakaputi ang nakatayo sa tinatakbuhan niyang kalsada at nakangiting nakatitig habang may mga dug0 ang nagsilabasan sa bibig.

Hindi niya alam ang kanyang gagawin, sobrang takot ang kanyang nararamdaman hanggang sa unti unting lumapit ang babaeng nakaputi sa kinaruruonan niya dahilan para mag panik siya.

Sigaw siya ng sigaw at hind halosi makagalaw ang kanyang mga paa para tumakbo, dahil may isang batang babae sa likoran.

Napaupo nalang siya sa takot at napa-pikit sabay tabon ng mga teynga at umiiyak.

Hindi na niya alam ang mga mangyayare, hanggang sa nakalapit na sa kanya ang babaeng nakaputi at hinawakan siya.

"AAAHH!..." Sigaw pa niya at umiiyak ng malakas.

"WAAAGGGG!... AAHH!..." dagdag pa niya at nag mamakaawa.

"PLEASE!! WAG MO'KONG PAT4YIN! AYAW KO PA MAMAT4Y!" pasigaw pa niya at kinikilabotan nang biglang nagsalita ang nakahawak sa kanya.

"Pres! Kalma!" saad nito na boses lalaki.

Ngunit hindi tumigil sa kakasigaw ang babae dahil sa takot.

"Pres! Kalma kalang okay!?" dagdag pa ng lalaki at nag salita pa.

"Ako ito!, si drake!" pakilala pa niya.

Tumigil sa kakasigaw ang babae at agad itong lumingon sa nagsasalita, at paglingon niya ay si drake nga ito kaya agad niyang niyakap si drake at nagpapasalamat dahil dumating siya.

Iyak ng iyak si president at sobrang kinabahan siya kanina.

"Salamat naman at dumating ka!" sambit pa niya habang tumutulo ang mga luha.

"Ano bang nangyare!?" pagtatanong pa ni drake.

Lumingon si president kay drake at kwenento ang lahat na nakakita siya ng white lady at ang batang nakita niya kanina ay nagpapakita rin.

Sa sinabi ni pres ay nagulat si drake sa mga nangyayare sa kanyang mga kaklase. At nagsimula nang magduda.

"Sabi na nga'ba, tama ang kutob ko." sagot ni drake at nagsalita pa.

"Ang sama kasi ng kutob ko kanina at hindi ako mapalagay kung hindi kita sasamahan kumuha ng mga dahon at hahayaan lang mag isa."

"What i mean is, hindi ako kampanti kaya sumunod ako sayo." dagdag pa niya.

Agad namang nagpapasalamat si president dahil dumating si drake at nagiging Komportable na siya at agad na pinabalik si president sa kung saan siya kumuha ng mga dahon dahil sasamahan na niya ito.

Ilang segundo lang at nakarating na sila at nagsalita si drake.

"Puno ng balete? bakit may balete dito?" pagtatakang tanong niya.

Naguluhan si president tsaka nagsalita.

"Bakit? Anong meron sa puno ng balete?" pagtatanong pa niya.

Tumingin si drake kay president at hinakawan ang beywang para hindi matakot at nagsalita.

"Ang mga punong kagaya nito ( sabay tingin sa puno ng balete ) ay pugad ng mga multo, or maraming mga white lady ang mga nakatira sa mga ganitong puno." pag explain pa niya.

Nagulat si president sa narinig at hinayaan lang niya na hawakan siya ni drake sa kanyang beywang, at agad na silang nanguha ng mga dahon, pero bago sila nanguha ay nag 'tabi tabi po' muna si drake na ipinagtaka ni president kaya nagsalita si drake.

"Di ka siguro nag 'tabi tabi po' kanina kaya akala nila ay dinidisturbo mo sila." saad niya at sabay kuha ng mga dahon.

Habang nangunguha sila ng dahon ay biglang tumunog ang mga barya niya sa bulsa kaya napatingin si pres.

"Napanalunan ko." kunting sambit ni drake sabay ngiti.

Nagtaka si pres dahil hindi naman marunong mag baraha si drake, at tumulong lang ito sa kakabigay ng mga snacks at kape.

Maya maya pa ay agad na silang bumalik at lumamig ang hangin tsaka tumayo nanaman ang balahibo ni president kaya nagsalita ito.

"Drake, pwede mo ba akong yakapin habang nag lalakad tayo? Natatakot ako eh." sambit pa niya at ngumiti lang si drake at agad na niyakap si president habang naglalakad.

Maya maya pa ay malapit na sila sa bahay kaya nawala na ang takot ni president at agad na humiwalay si drake sa pagkakayakap at nag salita.

"Pres, total malapit na tayo sa bahay, mauna kana naiihi kasi ako." sambit pa niya at ngumiti.

"Ayy hindi, hihintayin na kita." sagot ng babae at doon nga ay ngumiti lang si drake at nagsalita.

"Don mo nalang ako hintayin sa-..."

Naputol ang pag sasalita ni drake nang biglang nakarinig sila ng huni ng kwago.

"Humuni na ang kwago, mas mabuting doon kana maghintay sa loob pres." nakangiting sagot nito.

Dahil nga dun ay kinabahan si president dahil nag iba ang enerhiya ni drake at dali daling pumunta sa loob at sa loob ay naghintay siya dala dala ang mga dahon.

Maya maya pa ay nagtataka na si president dahil ang tagal ni drake. Kaya tingin ng tingin siya sa labas nang biglang may nagsalita.

"Sino ang hinahanap mo?" pagtatanong nito.

Tumingin si president sa likod at nakita niya si drake na dala dala ang mga kape.

"Nandito kalang pala, bat di mo'ko sinabihan na tapos kana palang umihi." nakangiting sambit nito.

Sa sinabi ni pres ay agad na natawa si drake.

"Umihi?" natatawang tanong ni drake.

"Oo, iihi ka diba?"

"Sabi mo iiha ka, kaya hinintay kita dito." dagdag pa niya.

Nagtaka si drake sa sinabi ni president kaya nagsalita.

"Ako?... Umihi?... Anong pinagsasabi mo? Kanina pa ako dito nag bibigay ng mga kape sa bisita. Hindi naman ako sumama sayo kumuha ng dahon dahil madaming gagawin dito sa bahay." pagpaliwanag pa niya.

Nagulat si president at dali daling tumitibok ang kanyang dibdib at nagsalita.

"Kung ganon, sino yung kasama ko kanina?" pagtatanong pa niya at nagsimula nang manginig.

Sasagot pa sana si drake nang biglang tumawag ang mama ni erol.

*Ring!..* *Ring!..* *Ring!..*

*Click!.*

"Hello tita?" sagot ni drake.

"D-drake..." nuutal at naiiyak na sambit ng babae sa phone.

"Po?" sagot ni drake na nagulat dahil umiiyak ang mama ni erol.

"S-si... E-erol..." dagdag pa sa babaeng kausap.

"Po? Bakit po? Ano pong nangyare kay erol?" pagtatakang tanong ni drake at hindi mapalagay.

"S-si.. E-erol... (tunog ng umiiyak) ay... Patay na." sambit pa sa tita ni drake at humagulhol ng iyak.