webnovel

Bawal Magnakaw Ng Abuloy Na Para Sa Patay

CHAPTER 02:

Napaupo nalang si drake at ang mama naman ni erol ay bumalik sa kama at nilinisan ang mga bula na lumalabas sa bibig ni erol.

Hindi alam ni drake ang gagawin.

"Di kaya inuwi ni erol ang mga chicharon?" sambit ni drake sa kanyang isip at natulala.

Maya maya pa ay lumapit ang mama ni erol at tinanong si drake.

"Iho, saan ba kayo galing ng anak ko?" pagtatanong niya sa kaibigan ng kanyang anak.

"Ahmm.. Tita, galing po kami sa lamay dahil nakikiramay kami sa namayapang kapatid ng aming ka-klase." pagsagot pa ni drake.

"Ahh, kaya pala." sabi niya.

"Ano po yun tita?" takang sabi ni drake.

Huminga ng malalim ang ina ni erol bago nagsalita at may kunting kwenento kay drake.

"Habang minamadali namin si erol papuntang hospital ay may plastic ng chicharon ang nakita ko sa kanyang kama, kaya tinawagan kita kanina kong saan kayo galing. Pero nataranta ka sa call at dali daling pumunta dito kaya naisip ko na mamaya nalang kita tatanungin pag dating mo dito." pagkekwento pa sa ina ni erol.

Napatitig si drake sa mukha ng ina ng kanyang kaibigan at humingi ng kapatawaran. Pero ngumiti lang ang ina at sinabing.

"Hindi mo kasalanan ang lahat, bawal naman talaga ang mag uwi ng pagkain galing sa pat4y. Siguro hindi lang alam ng anak ko kaya nagdala siya." sabi niya at nagsalita pa.

"Pwede kanang bumalik, dahil okay na ang lahat sabi ng doktor. Pero ang ipinagtaka lang nila ay bakit nakapikit pa'rin si erol. Siguro maya maya ay malalaman na nila kung bakit." dagdag pa ng ina ni erol.

"Okay po tita." kunting sagot ni drake at umalis.

"Mag iingat ka" saad nito.

Agad na bumalik si drake sa lamayan at doon nga ay kwenento niya kay sue ang nangyare.

Halos hindi makapaniwala si sue sa narinig galing sa bibig ni drake at humingi ito ng kapatawaran pero pinakalma lang ni drake si sue dahil okay na ang lahat, ligtas na si erol.

Agad na umalis si drake at nagtungo sa kusina dahil magbibigay ng chicharon sa kaklase niyang lalaki.

"Tatlong alas! Hahaha!" sigaw ni brent.

"Hoy! Brent! Huwag ka ngang sumigaw!" pabulong na sabi ni drake.

"Oh, ikaw pala drake haha. Tingnan mo ang baraha ko. Tatlong alas." nakangiting sambit ni brent.

"Yabang mo brent, may oras ka'rin sakin." wika naman ni alexis at binigay ang 50 pesos.

"Haha, ano ba yang laro ninyo? At ano ang alas?" natatawang tanong ni drake.

"tree cards drake, at ako ang maswerte at si alexis ang malas haha." pang aasar pa ni brent at nagtatawanan lang sila doon.

Maya maya pa ay napadami ang talo ni alexis at pusta siya ng pusta sa kadahilanang gusto niyang mabawi ang perang nawala sa kanya.

"hahaha! 450 na ang panalo ko, ano alexis? Kaya pa?" pang aasar pa ni brent at medyo nagagalit si alexis kaya pumusta ito ng 150 at ganon rin si brent.

Napasarap ang laglalaro nila at maya maya lang ay nilapag na nila ang baraha at ang baraha ni alexis ay Dalawang Queen (Q) at isang alas (A).

"Hahaha! Ano ka ngayon brent?" natatawang sabi ni alexis.

Natuwa naman si drake sa baraha ni alexis pero biglang ngumiti si brent at nilapag ang kanyang baraha.

"Mine is Two King (K) at isang 10 hearts hahaha!" hambog na sambit ni brent.

Natawa si drake at nagsalita.

"Ibig sabihin, panalo si brent?"

Tumingin si brent kay drake at tumango habang ngumiti.

"Yiee balato naman! Haha." pagbibiro pa ni drake at binigyan naman ni brent ng 20 pesos.

Dahil natalo si alexis ay nagalit siya. Pero hindi niya pinahalata dahil ang mag wala dahil lang sa natalo sa sugal ay isang kamangm4ngan, kaya nananatiling kalmado si alexis at tumayo tsaka nagsalita.

"Pwee!! 600 lang yan! Sayo na'yan!" pasigaw na sabi ni alexis at umalis.

"Hahaha pikon!" sagot naman ni brent at agad na naupo si drake at kumain silang dalawa ni alexis ng chicharon habang nag kekwentohan kong paano niya natalo si alexis.

Nag walk out si Alexis at nagtungo sa loob ng bahay, pero sa hindi inaasahan, biglang nasiko ni alexis ang isang nakatayo na may nakalagay na abuloy ng hindi sinasadya, at doon nga ay tumunog ang mga perang barya kaya nagulat si alexis at tinitigan ang abuloy.

Tumingin si alexis sa celpon at tiningnan ang oras. It's 12:30midnight kaya tumingin tingin si alexis sa paligid at dahil sa sobrang lalim na ng gabi ay medyo wala nang mga tao at dahil sa pangyayaring yun, umiral ang pagkademonyo ni alexis at kinuha ang mga barya barya maliban sa mga papel na pera.

"Okay na'to, kunti lang naman eh. Tsaka barya lang." sabi ni alexis sa kanyang isip at agad na ibinalik ang lagayan ng abuloy sa lugar at umakting na walang nangyayare.

Bumalik si alexis sa kinalalagyan nila drake at brent na nag uusap at nag papaalam na umuwi.

"Guys, uuwi na ako ha, ang lalim na kasi ng gabi." nakangiting saad nito.

"Wow! Kalmado mo pa'rin alexis ha!? Kahit na 600 yung talo mo!" namanghang sabi ni drake.

Ngumuti lang si alexis at sumagot.

"Aysoss! Maliit na bagay, tsaka okay lang, ka-klase ko naman kayo ehh." pagkukunwaring ngiti ang pinakita ni alexis at umalis.

Agad siyang naglakad sa daan at nang makalayo na siya ay kinuha niya ang barya at binilang.

"Ayy 283 pesos lang? Lugi naman..." pag mumuni pa ni alexis sa daan habang nakangiti siyang naglalakad.

Maya maya pa habang naglalakad si alexis ay biglang sumakit ang kanyang tyan.

"A-a-aray!... Ang sakit naman nito!" sambit niya at naramdaman niyang unti unting tumataas ang sakit patungo sa lalamunan niya.

"A-a-ack!!..." sambit niya at napayuko ito at napaluhod sa sakit, naramdaman niyang may gumalaw sa loob ng tyan niya tapos gumalaw paitaas patungo sa lalamunan niya.

"A-a-a-aaacckk... T-tu-tulong..." sigaw niyang mahina dahil nahihirapan siyang huminga.

Maya maya pa ay biglang nagsuka si alexis at nagulat siya sa lumabas dahil mga dug0 ito.

"A-a-acckk!!.... Aa-aahh!!" sambit pa niya dahil parang kinikirot ang kanyang pus0.

Pilit na magsalita si alexis ngunit hindi niya magawa. Hanggang sa hindi na tumigil ang kanyang bibig sa kakasuka ng dug0 at ilang segundo palang ay naramdaman na ni alexis ang isang bagay na gumagalaw sa lalamunan niya, ilang segundo lang ay biglang may lumabas sa bibig ni alexis na isang kamay ng bata.

Dala dala ng kamay ang isang laman galing sa loob ni alexis at ang laman na ito ay isang pus0, dahan dahan itong pinisa ng kamay at dahil nga dun ay sobrang sakit ng naramdaman ni alexis at saktong alas 1:00AM ay napisa ang pus0 at agad na tumigil ang paghinga ni alexis.

Hindi na ito kumikibo, pati narin ang kamay na nasa bibig ay hindi narin gumagalaw. Naiwan ang kamay sa bibig ni alexis habang si alexis naman ay parang statwa na nakaluhod habang hawak hawak ng kamay ang kanyang pus0ng wasak.

Próximo capítulo