webnovel

Chapter 66

Hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala si Mira na nasa malapit lang ang kaniyang tunay na ina. Pinagsalikop niya ang kaniyang kamay at tahimik na ipinalangin ang kaligtasan nito. Alam niyang gumagawa na ngayon ng paraan sina Sebastian para mapasok ang lugar, ngunit hindi niya maiwasan ang hindi mainip. Sa bawat oras na dumaraan ay lalong tumitindi ang pagnanais niyang mailigtas ang kaniyang ina.

"Hindi ka pa ba matutulog?" Tanong ni Sebastian. Kakarating lang nito at naabutan niyang nakaupo si Mira sa higaan habang malalim ang iniisip. Para bang nakatuon lang sa kawalan ang mata nito.

"Hinihintay kita, kamusta ang lakad niyo?" Agap na tanong ni Mira.

"Isa lang ang paraan para mapasok natin ang lungga nila, yun ay gamitin si Antonio. Mahirap pero yun lang ang nakikita kong pinakamadaling paraan." Sagot naman ni Sebastian at naupo ito sa tabi ni Mira.

"May naisip akong paraan Bastian, sana pakinggan mo ito at sana magtiwala ka sa akin." Wika ni Mira at natahimik si Sebastian. Ramdam niya ang matinding pagnanais mg kaniyang asawa na mapabilis ang pagliligtas sa ina nito at wala na siyang magagawa roon.

Nang makita naman ni Mira na walang pagtututol si Sebastian ay agad niyang isinalaysay sa asawa ang kaniyang planong naiisip.

Habang nagsasalita si Mira ay kitang-kita ni Sebastian ang pagiging seryoso nito. Wala din siyang nakikitang takot dito. Napakalaki na talaga ng ipinagbago ni Mira. Kung dati ay tahimik lamang ito kapag naaapi , ngayon ay kaya na niyang gumawa ng isang organisadong plano. Ayaw man niyang madamay si Mira sa labang ito ay hindi niya maipagkakailang ang plano nito ang pinakamadaling paraan para mapasok ang lungga ni Alejandro na kahit mga militar ay hindi kayang pasukin.

Nakipag-ugnayan na rin sila sa Lolo ni Veronica at nangako itong magbibigay ng pwersa kapag kinakailangan na nila. Subalit napag-alaman nilang hindi maaaring pwersahin ang lagusan patungo sa lungga dahil kusa itong guguho at lahat ng mga taong bihag roon ay malilibing ng buhay.

Isa iyon sa nagpapahirap sa kanilang misyon at walang magagawa si Sebastian kundi ang panghawakan ang planong naiisip ni Mira.

Nang gabi ngang iyon ay nagkasundo ang mag-asawa at tuluyan na nga silang nagpahinga. Kinabukasan ay agad din namna nilang inilahad sa mga kasama nila ang plano nila. Natuwa naman si Dylan at agad na binigyan ng thumbs up si Mira dahil nagawa rin niyang kumbinsihin si Sebastian.

Dumaan ang araw na iyon na walang ginawa si Mira at Dylan kundi ang pag-usapan ang kanilang plano habang nasa trabaho naman si Sebastian. Si Aya naman ay pansamantala nilang inilipat sa mansyon ng mga Vonkreist dahil mas ligtas ito roon. Ito rin ang paaran ni Mira para hindi siya mag-alala na muling makuha ng Orion si Aya.

"Sa tingin mo Dylan, magiging epektibo kaya ito? Kailangan bago natin maisagawa ng plano, nakahanda na dapat ang lahat ng kailangan natin. Hindi naman siguro sila magdududa?" Hindi siguradong tanong ni Mira habangnasa harap sila ng mesa.

Kasalukuyang naghihiwa ng mga gulay si Dypan habang si Mira naman ay inihahanda ang mga karneng kailangan nila.

"Walang magiging problema, galingan na lamang natin ang pag-arte. Tulad nang napapanood natin sa mga teleserye." Sagot ni Dylan at natawa lang si Mira. Hindi niya lubos maisip na masasabi iyon ng binata.

"Nanonood ka ba nun?"

"Minsan, kasama ko si Manang." Seryosong tugon naman ni Dylan at lalong natawa si Mira.

Pansamantalang nawala ang kaba at pag-aalala na kanina'y bumabagabag sa kaniya. Matapos silang makapagluto ay agad din silang kumain. Kinahapunan ay maaga pang umuwi si Sebastian kasama sina Leo at Carlos.

"Kailan ba kayo magsisimula?" Tanong ni Carlos.

"Sa lalong madaling panahon Kuya, ito ang magiging una at huling pagkakataon natin, kapag hindi tayo magtagumpay dito ay panigurado ililipat ng Orion ang kanilang Kuta at mahihirapan na naman tayo sa paghahanap sa kanila." Saad ni Dylan na hindi naman nila magawang tutulan. Dahil alam nilang lahat na siguradong mangyayari ang hula ni Dylan kapag nagkataon. Kapag matagumpay nila itong mapasok ay kailangang siguradong nandoon si Alejandro sa loob, upang wala itong maging lusot sa batas. At hindi na din siya magagawang protektahan ng kaniyang mga taga suporta na nasa katungkulan.

"Naihanda na namin ang iilan sa gagamitin natin mga kasangkapan. Ngayong gabi ay sisimulan naming isaayos ang mga ito. Bigyan lamang ninyo kami ng dalawa hanggang tatlong araw bago kayo gumalaw." Wika naman ni Leo.

"Walang problema, sa mga araw na iyon, patuloy akong makikipag-usap sa taong nasa loob ng Base ng Orion. Sa tingin ko ay handa na rin silang makipagtulungan sa grupo natin." Saad ni Mira.

"Maganda yan." Sang-ayon naman ni Carlos. Tahimik lang noon si Sebastian habang may kung ano itong kinakalikot sa isang tabi. Nang mamita ito ni Mira at nilapitan naman niya ang binata at inusisa kung ano ang ginagawa nito.

Sa kaniyang pagtapat sa harapan ng binata ay doon niya nakit ang napakaliit na bagay na siya namang iniikot ni Sebastian gamit ang isang maliit na distulniryador.

"Mira, pahiramin mo muna ako mg sing-sing mo." Untag ni Sebastian na agad naman tinugon ni Mira. Matapos maibigay sa binata ang singsing ay maigi niya itong pinagmasdan habang abala ito sa kaniyang ginagawa.

Halos nasa isang oras din ang ginugol ni Sebastian bago niya matapos ito. Maigi niyang pinagmasdan ang singsing bago niya ito ibinalik kay Mira.

"It's done, Mira, naglagay ako mg tracking device sa loob ng singsing mo, bukod doon, meron din yang inastalled recorder na kayang marecord ang lahat ng usapang nangyayari sa loob." Wika ni Sebastiab at naoatango naman si Mira. Muli na niyang isinuot ito. Sino ang mag-aakalang ang napakaliit na singsing na iyon ay naglalaman ng ganoong bagay.

"Kapag nasa loob na kayo, hindi na namin kayo mapoprptektahan, Dylan hanggat maari sundin niyo ang kanilang inuutos para hindi kayo masaktan. " Paalala ni Sebastian at sumang-ayon naman si Dylan.

Paglalim pa ng gabi ay nagdesisyon nang magpahinga sina Mira at Dylan. Bukod sa paghahanda ay kailangan din nila nang maraming pahinga upang ikondisyon ang kanilang mga katawan para sa susuungin nilamg misyon.

Nang nasa kwarto na sila ay muling nagdasal si Mira oara sa kaligtasan ng mga tao sa loob ng base ng Orion. Muli ay naging emosyonal siya at bahagyang tumulo ang kanyang luha dahil rito.

"Everything will be Okay." Wika ni Sebastian at mahigpit siyang niyakap. Tumango naman si Mira at inihilig ang ulo sa dibdib nito n

Lumipas ang dalawang ara at tuluyan na ngang naihanda nila Carlos ang lahat ng kailangan nila.

"Pagpasok niyo. Ilaglag niyo lamang ito sa mga lugar na hindi basta-basta makikita ng mga tao. Dylan, ikaw ang mas nakakaalam sa mga bagay na ito kaya sayo ko ito ibibigay." Wika ni Carlos habang ibinibigay kay Dylan ang maliliit na animo'y isang holen na mga bagay. Kulay itim ito at nang dumampi ito sa balat niya ay agad nitong naging kakulay ang kanyang balat.

Namangha naman si Mira nang makita ito at muling napatingin kay Carlos.

"Paano niyo nagawa yan?" Gulat na tanong ni Mira dito.

"Bukod sa pagiging makulit namin, syempre may mga talento din kami. Salamat sa Orion, dahil ang mga bagay na imposible ay nagagawa na namin. Sabihin na nating, dahil sa kanila naging mas malakas at matalino kami." Tugon ni Carlos

Ngumiti naman si Mira at binalingan si Sebastian.

"Mag-iingat kayo roon." Simpleng wika ni Sebastian at niyakap si Mira.

"Mira, Dylan, itago niyo itong mabuti, kapag hindi kayo nakakain o pinakain doon, inumin niyo lang ito. Kaya nitong isustain ang lakas niyo kahit di kayo makakain ng limang araw. Hindi namin alam kung ilang araw namin mahahack ang database nila gamit ang mga binigay namin sa inyo pero hanggat maari ay gagawin namin ito ng mabilisan." Sabad naman ni Jacob habang pahangos na lumapit sa kanila. May ibinigay itong pulang capsule sa kanila na kasing liit lang ng ordinaryong gamot. Bukod pa roon ay inabot din nito ang isang inhaler na animo'y gamot naman sa hika.

"Saloob ng inhaler na ito ay may mga gamot para sa mga sugatan at nanghihina. Hindi ko alam kung ilang tao ang nasa loob pero sana maging sapat iyan sa kanila. Hindi natin kakayanin dalhin ang lahat ng tao kung lahat sila mahina pero gamit yan, panandalian silang lalakas hanggang sa makalabas sa base . Gagamitin niyo lamang ito sa oras na makita mo na ang hudyat sa singsing mo." Paalala ni Jacob. Tumango naman si Mira at napatingin sa singsing. Humugot siya nang malalim na hininga at humawak sa kamay ni Sebastian. Nangungusap ang mga mata niyang tumingin dito habang mariing pinipisil ang mga palad nito.

Próximo capítulo