webnovel

Chapter 36

Kinaumagahan, maaga pa lamang ay inihatid na ni Sebastian si Mira sa mansyon ng mga Von Kreist. Tila hindi naman mapakali si Mira habang nasa byahe sila dahil ito ang unang pagkakataong magkakalayo sila ni Sebastian simula noon magsimula silang magsama. Hindi din niya mawari ang kaniyang nararamdamang kalungkutan at kahit hindi pa man din sila nagkakalayo ay tila ba napakalayo na nito.

"May problema ba Mira?" Tanong ng binata nang mapansin nitong bahagyang nakasimangot si Mira.

"Bastian, pagdating mo sa pupuntahan mo, tawagan mo ako agad." Wika niya. Hindi kasi niya makita ang hinaharap nito kahit anong pilit niya. Tila ba isang normal na tao lamang siya kapag si Sebastian na ang kasama niya.

"Tatawagan kita agad. Huwag ka nang malungkot dahil babalik din naman ako. " Wika ni Sebastian habang hinahaplos ang pisngi nito. Doon lamang napanatag ang loob ng dalaga at muli nang tumahimik at pinagmasdan ang tanawin sa labas.

Pagdating nila sa mansyon ng mga Von Kreist ay agad nilang nakita si Gunther na naghihintay sa labas ng mansyon kasama ang iilan sa mga katulong ng bahay. Paghinto mg sasakyan ay agad na lumapit ang mga katulog dito upang kunin ang mga bagahe ni Mira.

"Sebastian, tawagan mo ako kapag kailangan mo ng tulong, may mga tao ako sa Los Angeles at maari mo silang mapagalaw gamit ang pangalan ko. Magbibilin ako sa kanilang kapitan at kilala ka naman nun." Saad ni Gunther at tumango naman si Sebastian.

"Salamat Gunther." Tugon ni Sebastian at hinalikan na sa pisngi si Mira bilang pamamaalam dito. "I will keep in touch." Iyon lamang ang iniwang salita ni Sebastian bago ito tuluyang lumisan.

Naiwang nakatanaw si Mira at Gunther sa labas hanggang sa tuluyan nang nawala sa kanilang paningin ang sasakyan ni Sebastian. Pagkapasok sa loob ng bahay ay agad na kinausap ni Mira ng masinsinan si Gunther.

"Kuya Gunther, may itatanong ako. Nagtataka kasi ako dahil sa tuwing hahawakan ko ang ibang tao ay nakikita ko ang mga nilalaman ng isip nila o ang mga pangyayaring nangyayari sa nakaraan o mangyayari pa lang sa hinaharap pero kapag nagdidikit naman kami ni Sebastian ay hindi ko iyon nagagawa." Saad ni Mira at napangiti lang si Gunther.

"Isa lang ang ibig sabihin nun Mira, higit na mas malakas ang utak ni Sebastian at nakakaya niyang harangan ang pagpasok mo sa isipan niya. Do you feel bothered about it?" Tanong nito habang nakangiti.

"Hindi naman Kuya, kaya lang hindi ko kasi alam kung magiging ligtas ba siya o mapapahamak siya sa kaniyang pag-alis, kaya hindi ako mapalagay." Sagot naman ni Mira habang malalim na nag-iisip.

"Masyado ka lang nag-aalala, don't worry Mira, your big brother will make sure that your husband will return to you unscathe, Okay."

Natawa naman si Mira dahil sa tinuran ng kapatid. Agad din naman nilang tinungo nag kwarto ni Liam at naabutan nila itong iniinom na ng gamot nito para sa umagang iyon. Kasalukuyan itong umiinom ng tubig habang nakaabang naman dito ang nurse na halos limang taon na din nagtatrabaho sa kanila.

"Good morning Sir Gunther." Bati nito.

"Good morning, kamusta si Dad?"

"Sa ngayon po ay normal ang lahat ng vitals ni Sir Liam, nakainom na siya ng mag maintenmace na gamot niya at maari na siyang kumain makalipas ang thirty minutes. " Salaysay ng nurse.

"That's great. Salamat. Siyanga pala, Mira This is Elaine, siya ang private nurse ng Daddy. Five years na din siyang nagtatrabaho dito sa amin. Elaine, this is Mira— my father's adopted daughter. Well not yet but soon, since inaasikaso na din namin ang mga papeles niya." Pormal na pakilala ni Gunther sa dalaga.

"Kinagagalak kitang makilala Miss Elaine." Sambit ni Mira at ngumiti naman ang nurse.

"Kinagagalak din kitang makilala Ma'am Mira. "

"Mira na lang." Sambit niya na ikinatawa naman ng babae. Nang matapos na nito ang gawain doon ay agad din nilisan ni Elaine ang kwarto ni Liam. Ngumiti naman si Liam at agad na hinatak papalapit si Mira at pinaupo ito sa tabi niya.

"Nag-almusal ka na ba hija? Magpapahanda ako ng masarap na almusal para makakain ka na." Masayang wika ni Liam at agad na itong tumayo sa kaniyang higaan. Inalalayan naman ito ni Mira na ikinatuwa naman ng matanda.

Matapos nilang mag-almusal ay doon naman sila nanatili sa garden. Habang nalilibang sa pag-aasikaso si Mira sa mga halaman at bulaklak ay nakaupo naman si Liam sa lilim ng isang victorian style gazebo na nasa gitna ng mismong rose garden. Bago mo naman marating ang gazebo ay masisipat mo mga vine roses na naghugis arko na siyang nagsisilbing daanan patungo roon.

Hindi naman ito kalayuan sa kinaroroonan ni Mira at dinig na dinig pa rin ni Liam ang banayad na boses ni Mira habang pakanta-kanta pa ito habang namimitas ng mga sariwang rosas.

Matapos namang mamitas ni Mira ay agad niya itong dinala sa gazebo kung saan naroroon si Liam.

"Napakaganda po talaga dito." Masayang sambit ni Mira na ikinatawa naman ng matanda.

"I can see that you are enjoying yourself. You can have this garden as long as you like it. Pinaghirapan ito ng Mommy mo at oaniguradong ikatutuwa niya na nandito ka. " Saad ni Liam at kinuha ang mga bagong pitas na rosas sa kamay ni Mira. Agad din niya itong inilagay sa isang flower vase na naroroon sa gazebo. Iyon kasi ang araw-araw na panata ni Liam.

Sa bawat araw na dumadaan simula nang mawala sa kaniya si Alyssa ay ipinangako niya rito na araw-araw ay maglalagay siya ng bagong bulaklak sa Gazebo bilang pag-alala dito.

It's been twenty years since then.

"Lysa, Mira is here. " Bulong pa ng matanda at agad itong ipinatong sa maliit na mesa kung saan nakalagay ang litrato ni Alyssa at ang puting banga kung saan naroroon ang bao nito.

"Daddy, bakit namatay si Mommy?"

"Nagkasakit siya nang malubha dahil sa pagkawala mo. Masyado niyang dinibdib ito at paulit-ulit niyang sinisisi ang kanyang sarili. Your mother was as soft-hearted as you. She's the kindest woman I ever known. She's the only woman I'd ever loved, but she's gone now. " Malungkot na wika ni Liam. Umupo si Mira sa tabi nito at isinandal niya ang kaniyang ulo sa braso ng kanyang ama.

"Don't be sad, kung nasaan man po ngayon si Mommy ay paniguradong masaya na siya." Saad ni Mira at napangiti naman si Lian habang tumatango.

"Tama ka, hindi na dapat tayo nalulungkot. Masaya na ako at nandito ka na sa piling namin." Wika pa nito at napayakap naman dito si Mira. Masaya silang nagkwentuhan sa maghapong magkasama sila habang hinihintay nila si Gunther na makauwi sa kanilang bahay. Matapos kasing mag-almusal nito ay agad din nitong tinungo ang kompaniyang pinamamahalaan niya.

Habang nasa gazebo sila at umiinom ng tsa-a ay nakita nilang patakbong lumalapit sa kanila ang mayordomo ng mansyon.

"Sir, dumating po ang pamilya ni Sir Agustus at mukhang kayo ang pakay nila. Mukhang umabot na sa kanila ang balitang mag-aampon kayo." Wika ng mayordomo. Napatingin naman ito kay Mira at bahagyang tumango sa dalaga.

"Si Agustus? Kahit kailan talaga ang pamilya niya ay parang kabuting sumusulpot na lamang." Napapailing na wika ni Liam.

"Mira, halika at ipapakilala kita sa Uncle Agustus mo." Saad nito bago tumayo sa kanyang pagkakaupo. Mabilis naman tumakbo si Mira dito at nang maalalayan niya ito sa paglalakad.

"Mira ang Uncle Agustus mo ay malayong kamag-anak na ng mga Von Kreist. Extended family na sila kumbaga. Mamaya kapag nakatinig ka ng mgaasasamang salita ay huwag mo na sanang intindihin iyon. Subalit kapag may ginawa sila sayong masama, huwag kang mag-aatubiling lumaban." Paalala ni Liam sa anak.

"Opo Dad. Tatandaan ko po." Tugon ni Mira.

Nang marating na nila ang sala ay doon bumungad sa kanila ang isang matangkad na lalaki na animo'y hindi mapakali.

"Ano ang ginagawa niyo rito?" Tanong ni Liam at doon lamang natauhan si Agustus. Lumapit ito sa kaniya at agad na nag bisa.

"Kuya Liam, kamusta na ang kalusugan mo?" Tanong nito at nnaingkit ang mga mata nito nang makita si Mira na humahawak sa braso ni Lian.

"Himala yata at naalala niyo ang mangamusta." Pagak na wika ni Liam at umupo na sa sofa.

"Kuya, alam mo naman abala din kami sa pagpapatakbo ng negosyong ibinigay ni Uncle Grandell kaya ngayon lang kami nagka-oras na dumalaw dito. Siya nga pala dinal ko si Alisa dito, ito yung anak kong balak ampunin ni Uncle Grandel para makasama niyo sa mansyon." Wika nito na animo'y nagpapaalala. Agad namang humalik sa pisngi niya ang dalaga at nagumiti.

"Kamusta po kayo? Uncle, kababalik ko lang galing America dahil sa aking pag-aaral. Huwag niyo sanang masamain na ngayon lang ako nagpunta rito." Malumanay na wika ng dalaga at napatingin naman dito si Mira. Nang magtama ang kanilang mga mata ay doon pumasok sa utak ni Mira ang mga salitang hindi lumalabas sa bunganga nito. Puro panunuya sa kanya ang mga salitang iyon na hindi naman niya pinansin.

"Uncle sino ang babaeng ito?" Tanong ni Augustus habang itinuturo si Mira.

"Ito si Mira, siya nag binabalak kong ampunin bilnag anak ko, kaya hindi niyo na kailangan mag-abala pa." Sagot naman ni Liam na tila ba wala na itong pakialam sa mga taong kaharap niya. Agad na napakunot ang noo ni Agustus sa narinig.

"Bakit kailangan niyong mag ampon ng taong tagalabas. Hindi ba kayo nag-aalala na baka may masamang hangarin ang batang iyan sa inyo?" Wika nito at napabuntong hininga naman si Liam.

Próximo capítulo