Kinaumagahan ay maaga pa lamang ay nasa gym na sina Mira at Dylan. Nasa isang private room sila kaya solo nila ang buong lugar. Nag-iikot si Mira at tinitingnan niya ang mga kagamitang naroroon habang si Dylan naman ay naghahanda ng kanilang mga gagamitin.
Matapos makapaghanda ay agad na din silang nagsimula ni Dylan. Ang unang itinuro ni Dylan sa dalaga ay self defense. Ito din ang unang itinuro ni Sebastian sa kanya noon. Hindi naman nahirapan si Mira dahil likas na mabilis ang utak niya sa pagpick up ng mga bagong aralin o kahit mga galaw na itinuturo sa kanya.
Halos tatlong oras din ang ginugol nila sa pag-eensayo hanggang sa tuluyan na nga silang mapagod.
Habang nagpapahinga sila ay hindi sinasadyang napagalaw ni Mira ang isang malaking dumbbell sa sahig. Nanlaki naman ang mata ni Dylan nang mapatingin ito kay Mira. Agad itong lumapit sa dalaga at hinawakan ang kamay nito.
"Ikaw rin?" Tanong ni Dylan na ikinagulat naman ng dalaga. Nang hindi sumagot si Mira ay itinuon ni Dylan ang paningin sa kaparehong dumbbell at laking gulat niya nang bigla iyong umangat sa sahig.
"Pareho tayo? Paano?" Tanong ni Mira at dahan-dahang bumagsak ang dumbbell sa sahig.
"Bata pa lamang ako. Siguro simula nang magkaroon ako ng kaisipan." Sagot ni Dylan at umupo sa tabi ng dalaga.
"Alam ba ng pamilya mo?" Tanong ni Mira at napailing lang si Dylan. Walang alam ang kahit sino sa pamilya niya maliban kay Sebastian at sa tatlo pa niyang naging kapatid. Bukod sa nakakapagpagalaw siya ng mga bagay gamit ang utak niya at kaya din niyang magpasunod nang mga hayop.
"Wala silang alam. At ayokong ipaalam. Hanggang ngayon nagtataka pa rin ako kung bakit namatay ang Mama ko. Ang sabi lang nila dahil daw sa kalungkutan. Hindi ako naniniwala, ni hindi nila maituro sa akin kung saan nakalibing si Mama. " Malungkot na wika ni Dylan. Bakas sa mukha nito ang matinding pangungulila at iyon na din ang pinakamahabang sinabi nito simula nang magkakilala sila.
"Pareho na pala tayong walang Mama. Pero mas maswerte ka pa din dahil nariyan pa ang Papa mo."
"Hindi rin Mira. Kung hindi dahil kay Kuya Sebastian ay malamang nasa gubat pa rin ako." Mapait itong napangiti at natahimik naman ang dalaga. Hindi niya alam ang buong storya sa buhay ni Dylan ngunit ramdam niya ang kalungkutan nito.
Nang sumapit ang tanghali ay tumungo naman si Mira sa opisina ni Sebastian upang hatiran ito ng tanghalian. Hindi na noon nakasama si Dylan dahil nagpahinga na ito sa kwarto niya. Hindi naman nagpumilit si Mira na isama ito at nagdesisyon nang puntahan si Sebastian. Pagdating sa Saavedra Building ay agad din naman niyang tinungo ang VIP elevator na nasa dulo ng hallway.
Habang hinihintay niya ang elevator ay isang babae ang nakasabay niya doon. Napatingin dito si Mira at kasama nito ang isang may katandaang lalaki na halos kamukha ng binata.
"Uncle, sigurado ka bang magugustuhan ako ni Sebastian?"
"Of course hija. You are so beautiful, sigurado akong hindi ka matatanggihan ng anak ko. You just have to make him see your good side okay. " Wika pa ng lalaki at napatingin dito si Mira.
Anak? Tatay ba siya ni Sebastian?
Pagbukas ng elevator ay akma nang papasok si Mira nang pigilan siya ng babaeng iyon.
"Who are you? Bakit dito ka dadaan? This is an exclusive lift. Doon ka dumaan sa elevator ng mga empleyado." Paasik na wika nito at pumasok na ang mga ito at mabilis na isinara ang pintuan nito. Naiwang nakatanga si Mira at napailing na lamang ito bago tinungo ang pampublikong elevator di kalayuan dito.
Pagdating niya sa taas ay naghagdan na siya upang tunguin ang opisina ng binata. Hindi kasi dretso sa opisina ni Sebastian kapag sa public elevator ka dadaan. Kailangan mo pang lumipat ng elevator o gamitin ang hagdan.
Pagdating niya sa floor ng opisina ni Sebastian ay napansin niya ang pagkukumpulan ng sekretarya nang binata. Walang anu-ano'y nakarinig naman siya ng malakas na tunog na animo'y may nabasag sa loob ng opisina ng binata.
Dahil sa pag-aalala ay patakbo siyang lumapit sa pintuan. Akmang bubuksan niya ito ay mabilis naman siyang napigilan ni Beatriz.
"Mira, huwag ka munang pumasok." Sambit ni Beatriz at hinatak papalayo si Mira sa pintuan.
Agad siyang nakarinig ng sigawan sa loob at dinig na dinig niya ang mga masasakit na salitang binibitawan ng lalaki kanina kay Sebastian. Naningkit ang mga mata niya at napapakuyom siya ng palad dahil sa gigil.
"Papa ba ni Sebastian ang lalaki kanina? May nakasalubong akong lalaki at babae kanina sa elevator."
"Oo, don't worry, kaya nang i handle ni Sir ang kanyang Papa." Wika ni Beatriz ngunit hindi pa rin siya mapalagay. Ilang sandali pa ay marahas na bumukas anag pinto at lumabas doon ang galit na galit na matanda at ang babaeng kasama nito na noo'y umiiyak na.
"You ungrateful brat, whether you like it or not, you have to marry Clarisse." Galit na sigaw nito bago hinatak papalayo ang babaeng kasama nito.
"Don't mind it, Sir won't marry her." Wika ni Beatriz. Nag-aalala iting baka mag-isip ng kung anu-ano si Mira dahil sa nangyari.
"I know." Sagot naman ni Mira bago pumasok sa opisina ni Sebastian. Natagpuan niya itong nakaupo sa upuan nito habang nakatingala sa kisame.
"Are you alright?" Mahinang tanong niya at napatingala naman si Sebastian. Kumislap ang mata nito nang makita siya at bahagyang napangiti ang binata.
"Come here." Utos nito at agad namang lumapit si Mira sa kanya. "How's your training?" Tanong nang binata nang yakapin nito ang dalaga.
"It's alright." Sagot ni Mira at hinaplos ang buhok ng binata. "I know you are hurting right now. Sebastian, Nagalit ba ang Papa mo dahil nagpakasal ka sa akin?"
"He wanted us to divorce, but it won't happen. Mira, you have to believe me. No matter what, I will never leave you." Wika ni Sebastian habang nakayakap sa beywang ng dalaga. Napangiti naman si Mira at tumango bilang pagsang-ayon dito.
Lumipas ang mga buwang naging tahimik ang buhay ni Mira kasama si Sebastian. Muli na sioang nakalipat sa isang bahay na siya namang ikinatuwa ni Mira. Hindi iyon kalayuan sa kanilang pinapasukan kaya madalas ay nilalakad lamang ito ng dalaga upang makapag-ensayo pa din siya sa bawat araw. Si Dylan naman ay nanunuluyan pa rin kasama nila ngunit pinagawan ito ni Sebastian ng sarili nitong bahay sa loob ng compound ng kanilang mansyon. Naging madalas din ang pagbisita doon nina Carlos at Leo kung kaya't nakagaanan na din sila ng loob ni Mira.
"Ang laki na ng ipinagbago ni Mira simula nang maging mag-asawa na kayo ah. At mukhang malapit din ang loob niya kay Dylan. Tingnan mo para lang silang magkapatid." Puna ni Leo habang umiinom ng alak.
"Pero Sebastian, hindi ba't napakadelikado na ng sitwasyon na ito. Nabalitaan ko ang muling paggalaw ng Orion at mukhang hinahanap na nila si Dylan." Wika ni Carlos
"Nakabalik na ba ng bansa si Third?" Tanong ni Sebastian habang nakatanaw kay Mira habang nakikipag-sparring ito kay Dylan.
"Pabalik na. Bukas makalawa pa ang dating niya." Sagot ni Leo at nabigla pa ito nang biglang may tumalsik na malaking bato patungo sa kinatatayuan niya. Mabuti na lamang at mabilis siyang nakailag at tumama ang batong iyon sa pader ng bahay.
"Sorry, hindi ko sinasadya." Sigaw na paumanhin ni Mira at napakamot lamang si Dylan.
"Mira, you have to control it. Buti na lang hindi tao si Kuya Leo dahil kung nagkataon baka basag na ang ulo niya." Saway ni Dylan at nagpanting ang tenga ni Leo sa sinabi ni Dylan.
"Sinong hindi tao? Si Sebastian lang ang hindi tao dito." Wika ni Leo at nagkatawanan sila.
"Dylan, padating na ang Kuya Jacob mo, you know what to do." Paalala ni Sebastian at sumenyas kay Mira na lumapit. Inabot nito sa dalaga ang hawak na tuwalya at isang bote ng tubig.
"Bakit hindi mo na din patingnan si Mira kay Jacob, bro. Mas mabuti narin na nakakasiguro ka sa kalusugan ni Mira. Alam mo na, kailan niyo ba balak magkaanak?"
"Mira is still in college."
"So what? Uso naman yan ngayon. At isa pa, she's not ordinary, she's your wife and not a fling." Wika pa ni Carlos at pinamulahan ng pisngi si Mira. Napatingin naman siya sa binata at bahagyang umiling dito.
"Mira is still young, hindi kami nagmamadali and there are things I need to settle before everything else. " Wika naman ni Sebastian at nagkibit nalikat na lang si Carlos bilang pagsuko dito.
Kinagabihan ay muli nang tumahimik ang bahay nila. Nakauwi na ang dalawang asungot at maging si Dylan ay bumalik na din sa sarili nitong bahay.
"Bastian, sino si Jacob?"
"Makikilala mo siya in a few days. He's a doctor at siya rin ang doktor ni Dylan. You know what I mean."
"About Dylan's ability, sabi niya sa akin kaya niyang magpasunod ng mga hayop bukod sa kaya niyang magpagalaw ng mga bagay tulad ko. Sa tingin mo, meron pa akong ibang kakayahan?" Tanong ni Mira.
"What do you think?" Balik na tanong ni Sebastian at malalim na napaisip si Mira.
"Bastian, does my ability to see counts? I mean yung nalalaman ko ang mangyayari pa lang?"
"It counts, sweetie."