webnovel

Chapter 4

Paglabas niya ay bumungad agad sa kanyang ang gwapong mukha ni Sebastian. Nakatingin ito sa kanya habang nakakunot ang noo nito. Halos magpantay na ang dalawang kilay nito sa pagkakakunot ng noo nito.

"Normal na nangyayri ito kapag nasasagad ko ang paggamit sa kakayahan kong ito. Ipangako mo na wala kang pagsasabihan nito." Wika pa niya. Subalit lalo lamang napakunot sang noo ng binata. Bahagyang napaatras si Mira nang lumapit sa kanya ang binata.

"Can you stay put for a while?" Utos nito at natigilan si Mira sa pag-atras. Hindi niya alam kung bakit ito lumalapit sa kaniya at hindi rin niya maintindihan kung bakit ganoon na lamang ang reaksiyon niya kapag nagkakalapit sila ng binata. bahagyang yumukod ang binata sa kanya at nang magpantay ang kanilang mga mukha ay doon niya nasilayan ang napakuguwapong mukha nito. Napakakinis ng balat nito kahit hindi ito kaputian. Medyo moreno kasi ang kulay ni Sebastian, hindi ito ang tipong maputi na makinis, ganoon pa man ay hindi din papatalo ang balat nito na animo'y tinalo pa ang kutis ng babae sa kakinisan. Matangos ang ilong at maganda din ang hubog ng mga labi nito. 

Magkalapit ang kanilang mga katawan at halos magbunggo na rin ang kanilang mga mukha at pakiramdam ni Mira at hihimatayin na siya sa sobrang kaba. Nasa ganoong posisyon sila nang biglang magbukas ang pintuan at pumasok ang isang lalaki.

"Bro, what are you-" putol na wika ni Carlos at halos maitulak ni Mira papalayo si Sebastian sa sobrang pagkagulat. Nag-init ng husto ang mukha ng dalaga dahil sa sobrang kahihiyan. Bahagya naman natawa si Sebastian sa rekasyon ni Mira at marahang ginulo ang buhok ng dalaga.

"Take a rest, Meron lang akong aayusin." Wika pa ng binata bago ito lumabas ng kwarto, hatak-hatak ang nakikiusyuso nitong kaibigan. Nakahinga naman nang maluwag si Mira nang tuluyan nang magsara ang pintuan ng kwarto. Mabilis niyang tinungo ang kama at nagtalukbong ng kumot roon. Ramdam na ramdam pa niya ang kakaibang kaba sa kanyang dibdib na noon lamang niya naranasan. Ni minsan ay wala pang lalaking nagpakaba sa kanya ng ganoon maliban kay Sebastian. Simula noong unang araw niya itong makita ay tila ba hinahatak ng kanyang huwisyo ang sarili niya papalapit dito. Iyon din ang dahilan kung bakit walang pag-dadalawang isip niya itong tinulungan at hindi rin siya nag-alangang gamitin ang kakayahan niya para mailigtas ito.

"Who's that girl, Is she going to be our sister-in-law?" Agad na tanong ni Carlos nang marating nila ang study room ni Sebastian. Agad namang kumuha ng whiskey si Sebastian sa kanyang wine cabinet at nagsalin sa dalawang baso.

"Hindi mo naman sinabi sa amin na ganyan pala ang mga type mo." Nanunuksong wikanito at kinuha ang isang baso ng whiskey at tinungga iyon.

"Type?''

"Yeah, for the first time in history Sebastian Claude, touches a woman without puking." Biro pa nito at umiling lang si Sebastian. "Oh wait, is she even considered a woman? Napakabata pa nun ah." dagdag pasaring pa ni Carlos.

"She's already in her twenties." simpleng sagot ni Sebastian at natawa naman si Carlos. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na pinag-usapan nila ang isang babae na hindi nagwawala itong kaibigan niya. Madalas siyang ipatapon nito sa labas ng bahay kapag nag-oopen topic na siya about sa mga babae o di naman kaya ay may kasama pang tadyak at suntok iyon. And Carlos found it bizarre.

"So how is she? Is she good?"

"Good in what?" Maang na tanong ni Sebastian na tila ba hindi masundan ang takbo ng isipan ng kanyang kaibigan.

"Is she good in bed?" walang kagatol-gatol na tanong nito at halos maibuga n Sebastian ang whiskey na iniinom niya. "Are you kidding me? I didn't know that Sebastian Claude Saavedra is a loser when it comes to women." Wika pa nito at agad din napipilan nang tumalim ang mga mata ni Sebastian habang nakatitig sa kanyan. " Alright, titigil na ako. Kung ano man yang namamagitan sa inyong dalawa, it's something pure and innocent. I respect that. Pero bro, sayang din yun kung hindi mo agad titikman. Baka maunahan ka." Wika pa ni Carlos at napakunot naman ang noo ni Sebastian.

"Kung wala kang magandang sasabihin, you are free to go. Bakit ka ba nandito?"

"Wala, naibalita lang ni Leo sa akin na may iniuwi ka daw na babae kaya tiningnan ko. At sa kwarto mo pa talaga dinala. Iba ka din."

"Umuwi ka na, bago ko pa tawagan ang Misis mo." wika ni Sebastian at napatawa naman si Carlos. Sa kanilang apat na magkakaibigan, itong si Carlos ang unang natali. Dating playboy ito katulad ni Leo pero dahil sa amazona nitong asawa ay bigla itong naperme at si Carlos din ang pinakamagandang halimbawa ng isang lalaking siga sa labas pero takusa sa loob ng bahay. Leo was the business-minded one, kagaya niya ay tutok din ito sa mga negosyo nila, wala itong inatupag kundi ang trabaho nito at mga babae. Lastly, si Jacob, isang nerd Scientist na walang inatupag kundi ang magkulong sa kaniyang laboratory upang mag-aral at gumawa ng kung anu-anong expirement.

"OO na uuwi na po. Nagdadahilan ka pa, bakit di mo na lang sabihin sa harap ng pagmumukha ko na gusto mo lang masolo si Sister-in-law." pahabol pa nitong reklamo habang papalabas ng study room. Nasapo lang ni Sebastian ang ulo at umupo na sa kanyang silya. Binuksan niya nag kanyang computer at inasikaso na ang mga trabaho niyang apat na araw nang nakatambak.

Kinaumagahan ay maagang nagising si Mira. Matapos maligo ay naghanap siya ng damit na maari niyang masuot at dahil kwarto iyon ni Sebastian ay wala siyang nakit kundi ang mga pambahay nitong t-shirt na halos maging dress na kapag kaniyang isinuot.

Kumuha siya ng isang puting t-shirt sa closet nito at iyon ang pinagtiyagaan niyang suotin. Matapos magbihis ay pasimple siyang bumaba ng hagdan para hanapin ang kusina. Dahil sa sobrang laki ng bahay ng binata ay halos makailang beses niya iting nalibot bago niya tuluyang nakita ang kusina nito.

Agad na bumungad sa paningin niya ang napakalaking refrigerator at ang mga kasangkapang sa tv niya lamang nakikita noon. This is something new and amazing to her. Mabilis niyang nilapitan ang ref at binuksan iyon. Sa sobrang taas nito ay halos hindi na niya maabot ang ikalawang palapag ng ref na iyon. Sa pakiwari kasi niya ay doon nakalagay ang mga frozen foods na maari niyang mailuto para sa agahan ng binata.

Kahit pa sabihin nito na isa siyang bisita ay hindi din naman niya maatim na manatili doon ng walang ginagawa. Kahit man lang maipagluto niya ito ay lubos nang ikagiginhawa iyon ng kanyang konsensya.

Agad naman niyang kinuha ang pinakamalapit na silya upang gamitin iyon para maabot niya at makita kung ano ang mga nasa itaas.

"Bakit ba kasi ang taas ng ref na ito? Pahirapan ba ako?" Reklamo niya sa kanyang sarili. Sa kanyang pagkaabala ay hindi niya napansing kanina pa nakatingin sa kanya si Sebastian na noo'y kagigising lang din.

Hindi naman malaman ni Sebastian kung matatawa ba siya o maiinis sa reklamo ni Mira. Kakagising lamang niya nang makaramdam siya ng uhaw kaya naisipan niyang bumaba muna sa kusina. Alas-singko pa lang nang mga oras na iyon kaya alam niyang wala pa ang mga tao sa kusina. Sa kanyang pagdating doon ay hindi niya inaasahang makikita niya si Mira na nakasampa sa isang upuan habang may kinukuhang kung ano sa loob ng ref. At ang matindi pa ay suot-suot nito ang kaniyang t-shirt na halos umabot na sa tuhod nito. Nakalugay ang mahaba nitong buhok at kapansin-pansin din ang maliliit nitong mga bisig at binti sa laki ng kanyang damit. Napapalunok na lamang siya ng laway dahil sa tanawing kanyang nakikita.

Marahil tama nga si Carlos, kakaiba ang nais niya sa isang babae. Dati pa man ay ilag na siya sa mga babae. Ayaw na ayaw niya ang nilalapitan siya o hinahawakan ng mga babae at si Mira ang una. Hindi rin naman niya maintindihan dahil una pa lamang niya itong nakita ay tumatak na agad sa kanya ang maamo nitong mukha at amoy nitong napakabango na maihahalintulad mo sa isang bulaklak.

Kahit may kaliitan ito at hindi tulad ng mga modelo ang katawan ni Mira ay hindi niya maipagkakaila ang maganda at natural na hubog ng katawan nito. Maganda ang hugis at makinis din ang mga binti nitong itinatago ng kanyang t-shirt. Hindi niya maintindihan pero pakiramdam niya ay lalo itong nagiging kaakit-akit sa kanyang paningin dahil sa suot nitong malaking t-shirt.

Nang hindi na niya maintindihan ang kanyang nararamdaman ay bahagya siyang tumikhim na agad din naman narinig ng dalaga. Lumingon ito at bahagyang ngumit sa kanya bago bumaba sa upuan. Napatitig naman siya sa mga binti nitong sumilip mula sa damit niyang iyon.

"Magandang umaga Sebastian. Kanina ka pa ba diyan. Teka lang at ipagluluto muna kita ng agahan." Wika niya. Hindi niya napansin ang kakaibang tingin sa kaniya ng binata.

"Siyanga pala, kumuha ako ng damit mo sa closet. Nakalimutan ko , wala pala akong damit dito. "sambit pa niya habang ibinababad sa tubig ang plastic ng nakita niyang tocino at bacon.

Lumapit naman sa kanya ang binata ay kinuha nito ang pakete .

"You don't need to do that. May microwave oven naman para i-thaw ang mga frozen foods." Wika pa niya at pasimpleng inamoy ang buhok ng dalaga. Agad niyang naamoy ang mabango niyang shampoo sa buhok nito.

"You used my shampoo?"

"Ahh.. Oo, pasensiya ka na."

"No, it's alright. It smells good on you." Wika pa niya.

"Talaga?" Maang na tanong ng dalag at bahagyang inamoy ang sariling buhok. "Iba din talaga ang mga shampoo ng mga tulad niyo ano, mabango." Nakangiti niyang wika dito.

Ngumiti lamang si Sebastian at matiyagang itinuro aa dalaga ang tamang paggamit sa microwave oven. Matapos Mai-thaw ang mga forzen foods ay agad na niya itong niluto. Si Sebastian naman ay muling pumanhik sa kwarto nito upang makaligo na.

Próximo capítulo