webnovel

CHAPTER 93

" ANG HUDYAT NANG DIGMAAN!"

Ito na ang karugtug mga mahal, salamat sa pag aantay! At salamat sa pagpatuloy nyong suporta sa aking Likha.

ANG NAKARAAN ...

Dahil sa Tulong ni Jessel, nabawi nya ang Libro ni Jenna.

ANG KARUGTUG...

" Ayus lang ba si Jessel? " Tanong ni Jenna kay Jake.

" Oo Ate.. Okay na sya nagpapahinga nalang sya. Salamat sa mga Halamang Gamot sa Hardin mo. Malaki ang naitulong nito sa mga sugat nya. " Sagot ni Jake.

" Nahihiya ako.. dahil sya ang gumawa nang paraan upang mabawi ang Libro ko. " Sabi ni Jenna sabay upo sa Sopa.

" Ate, Ginawa lang ni Jesjes ang Tama.. isa pa Alam kung Hindi pa bumabalik ang lakas mo. Teka nasaan ba si Tyler ?" Tanong ni Jake.

" Nasa Labas kausap ang Diwatang si Magayon.. bakit ?" Sagot ni Jenna.

" Nandito si Magayon... ??" Masayang Sabi ni Jake.

" Oo.. " Sagot ni Jake at nagmamadali itong Lumabas nang bahay.

Habang Sina Ian at Charlie Naman ay nag uusap tungkol sa Digmaang magaganap.

" Hindi ka sasama sa Digmaan tapos ang usapang ito!" Sabi ni Ian.

" Ano bang problema mo Ian... Sa Simula palang kami na nina Jake at Tyler ang magkasama sa pag kuha nang mga Oroskopyon, ni Hindi mo nga sinabi sakin na May kapangyarihan ka. !" Sumbat ni Charlie.

" Alam ko Naman yun.. so bakit nasakin ang issue ? " Sabi ni Ian.

" Yung Kamay mo nagyeyelo! Galit kaba?" Tanong ni Charlie. At dahil sa Galit nya, Sinuntok ni Ian ang Pader.

" Ian... Matanda nako, kaya ko nang Alagaan ang Sarili ko! Isa pa.. Kasama ka din Doon sa Digmaang mangyayari. " Sabi ni Charlie.

" Hindi nga pwde!" Sagot ni Ian. At nilapitan sya ni Charlie, sabay Yakap.

" Babe, ayukong magtago lang Dito sa bahay. Maupo lang sa tabi. Na walang gagawin habang kayo, Nakikipagpatayan sa Letcheng Sitan na Yan!" Sabi ni Charlie.

" Alam ko! Kilala kita..." Sabi ni Ian sabay yuko. At Bigla nalang may Tubig na pumatak braso ni Charlie.

" Umiiyak ang babe ko!! " Sabi ni Charlie at Mas hinigpitan pa nya ang kanyang pag Yakap.

" Ayuko lang mawala ka ulit! Muntik ka nang mawala noon saakin. Ayukong mangyari ulit sayo yun!" Sabi ni Ian.

" Ang sweet talaga nang Lalaking to.. kaya mahal na mahal ko to!" Sabi ni Charlie sabay halik sa Labi ni Ian.

" Please mag iingat ka! Wag mo na akong iiwan ulit please.." Sabi ni Ian.

" Oo naman babe.. I love you!" Sabi ni Charlie at hinalikan nya ulit si Ian. At gumanti naman si Ian nang halik kay Charlie.

Samantala sina Magayon at Tyler naman ay nag uusap tungkol sa Digmaan.

" Wag kayong mag aalala, pag nasa alanganin kayo. Tutulong kaming mga diwata sa inyung Laban. " Sabi ni Magayon nang bigla syang Matumba. Tyempo namang papalabas si Jake at agad nyang tinulungan ang Diwatang Magayon.

" Mga Dahon, Saluhin ang Diwatang si Magayon. " Utos ni Jake sa mga Dahon at agad nagsama-sama ang mga Dahon.

" Salamat Mahal...Anong nangyayari kay Magayon?" Sabi ni Tyler.

" Walang anuman yun. Buti nalang nakita ko kayo. Sabi ni Ate Jenna nandito daw kayo. Kaya ayun nag tungo nako dito dahil may sasabihin akong importante sakanya." Sabi ni Jake.

" Ano ba yung sasabihin mo Jake ?" Tanong ni Magayon nang magbalik na ang kanyang Ulirat.

" Bakit kayo nawalan nang Malay kanina Anong nangyayari ?" Tanong ni Jake.

" Ito ang mga senyales, na mas lumalakas na si Sitan..." Sabi ni Magayon.

" Masamang pangitain ito... Pero Sabi ni Jessel. Napahina na nya ang Kalag ni Sitan." Sabi ni Jake.

" Lumalakas ulit si Sitan dahil, bukas ang Pintuan ng impyerno!" Sabi ni Magayon

" Teka mahal ano bang sasabihin mo kay magayon?" Tanong ni Tyler.

" Tapos na eh.. nasabi ko na.. at nasagot na rin ni Magayon." Sabi ni Jake. At Bigla nalang sumupot si Makiling.

" Magayon mag mamadali ka.. May kakaibang nangyayari sa Bundok Yayaisa. Namamatay ang mga halaman. Hindi na ito mapigilan ng mga tagabantay nating sarangay at Agitay. Hindi maari ito. " Nababahalang Sabi ni Makiling.

" Hindi maari pag nasira pa ang kalikasan manghihina tayo. Pati narin kayo Jake. Dahil ang kapangyarihan nyo ay nanggagaling sa Kalikasan. " Salaysay ni Magayon.

" Anong maari naming gawin mahal na diwata?" Tanong ni Jake.

" Kelangang matalo natin si Sitan.." sagot ni Magayon sabay Laho.

" Mag iingat kayo.. Paalam!" Nagmamadaling Sabi ni Makiling at naglaho din ito.

Habang papasok nang bahay sina Jake at Tyler biglang sumulpot si Olivia Kasama si Sierra.

" Tyler sandali " Sambit ni Olivia.

" Mahal na reyna? " Gulat na Sabi ni Tyler.

" Di kami mag tatagal ni Sierra. Nais ko lang ibalita sainyo. Na ang Puno nang Buhay. Ay naapektuhan na sa kapangyarihan ni Sitan.. kelan ba natin isasagawa ang pag sugod?" Tanong ni Olivia.

" Sabi ni Kuya Theo, sa Makalawa na. Hindi maaring mamatay ang Puno nang buhay... Maapektuhan kami dito sa Lupa.. " Sagot ni Tyler.

" Handa na ba ang mga kawal mo Sierra.. ?" Tanong ni Jake.

" Handa na sila... ang Hudyat nyo nalang ang inaantay naming magkakapatid!" Sagot ni Sierra.

" Hindi na kami mag tatagal. Paalam !" Sabi ni Olivia at nag Laho silang dalawa ni Sierra.

" Bakit ba ang hilig nilang sumulpot nalang Bigla!" Tanong ni Jake.

" Hayaan Muna..!" Sabi ni Tyler.

Hindi rin nagtagal ay dumating na ang Araw nang Digmaan.

Sa Kuta ni Sitan..

" Oras na mga Alagad ko.. mag hasik na kayo nang Lagim. Bwahahaaha!!" Sigaw ni Sitan sa mga kawal nyang Itim.

" Mahal na reyna Alice, anong gagawin namin ni Diosca ? " Tanong ni Nica.

" Dito lang kayo sa tabi ko.. dahil haharapin natin ang pesteng mga taga Lipon na Yan!" Sagot ni Sitan.

" Masusunod mahal na reyna.." Sambit ni Diosca sabay yuko.

" Ikaw Miguel Pamunuan mo ang Tatlong Hukbo na sasakop muli sa Tatlong Kaharian sa ibang Mundo!" Utos ni Sitan.

" Masusunod po mahal na reyna..." Sagot ni Miguel.

" Siguraduhin nyong mapapaslang nyo ang mga Lahat nang mga kaaway nyo.." Sabi ni Sitan. At sabay sabay namang Yumuko ang kanyang mga tauhan

Samantala sa Oceana, Aydendril at Dalaket nagsimula nang maminsala ang mga Itim na kawal ni sitan.

Sa Oceana..

" Sierra. Bantayan ang tarangkahan nang Palasyo. Tawagin si Tito guarin upang Pamunuan ang mga kawal na kataw sa hilagang bahagi ng Palasyo." Sigaw ni Lina habang pinaghihiwa nya ang mga Syokoy gamit ang Espada nya sakay sya ng Mga dabuhalang isda.

" masusunod Lina... Nasaan si ate Rica ?" Tanong ni Sierra ?

" Nasa Kabilang bahagi nang palasyo.. kasama nya ang mga Isdang may Kuryente..Galingan mo!" Sagot ni Lina.

Habang sa Dalaket naman...

" Guro... Mag iingat ka!" Sigaw ni Mia at lumabas ang malalakas na boltahe ng Kidlat sakanyang kamay at pinatamaan ang mga Itim na kawal ni sitan.

" Salamat.. Pero Kaya na namin ito." Sabi ni Ofelia habang Nakikipaglaban sa Itim na kawal.

" Wag kayong mag aalala.. nandito naman Ako Di ko pababayaan ang inyong Guro." Sambit ni Susmihta sabay ilag sa mga Espada ng mga kaaway.

" Hindi pupwedeng Hindi nyo masamahan sina Tyler sa pagpuksa kay Sitan. Nasaan si Alpia at Raven. ?" Tanong ni Ofelia at Gumawa sya nang kakaibang sumpa para sa mga Itim na Kawal dahil unti unti itong nanghihina.

" Ngayon na Susmihta ang mga Dahon mo!" Sigaw ni Ofelia.

" Opo! Mga Dahon maging punyal ka at lagutan nang Hininga ang mga kaaway!" Sigaw ni Susmihta at libo Libong Dahon ang Lumilipad sa ire at inisa-isa ang mga Itim na kawal sa pag patay.

" Puntahan mo sina Alpia at Raven kelangan nyong magsama sama nina Theo. " Sabi ni Mia.

" opo guro hahanapin ko kaagad Sila ngayon !" Sagot ni Mia.

So pabitin Muna tayo.. Abangan ang nalalapit na pagtatapos mga mahal. Salamat sa mga Di nang Iwan from book 1. Salamat !

Próximo capítulo