webnovel

CHAPTER 91

" ANG HUDYAT NG DIGMAAN! Part 2"

ANG NAKARAAN...

Nabuksan na ni Sitan ang Pintuan ng Impyerno. At nalaman na din nila ang pag iispiya ni Faith sa kanila. 

At ramdam na din ng tatlong Mundo ang pagbukas ng Pintuan ng Impyerno.

NGAYON.... 

Sa OCEANA..

" Bat ka humangos? Okay ka lang?" Tanong ni Sierra kay Lina.

" Sierra.. may nangyayari sa mga korales. At ang mga isda ay nanghihina. Tsaka ang tubig sa ibabaw may Kakaibang Langis na humalo. " balita ni Lina.

" Masamang pangitain.. nagbalik ang mga Syokoy na mapanira. " Sabi ni Sierra. Ilang sandali pa ay damating din si Rica.

" Ate, nagbabalik ang mga Syokoy.. may inilagay sila sa Tubig." Sabi ni Rica.

" Kasabay ng pagbukas ng Pintuan ng Impyerno.. nagbabalik ang mga Salot sa ating mga Kaharian. " Sabi ni Sierra.

Habang sa Aydendril ay muling namamatay ang mga halaman at nakakalbo ang mga kabundukan.

" Masamang pangitain ito. Susmihta, halika! Samahan moko sa Puno ng Buhay!" Sabi ni Olivia.

" Mahal na reyna, anong nangyayari? Bakit nagkakaganun? May magagawa pa ba tayo?" Sabi ni Susmihta.

" Sa pagkakataong ito Susmihta Wala. Pero Kelangan nating pansamantalang pigilan ang pagkasira ng Ating mundo. Kapag namatay ang Puno ng Buhay... " Di natapos ang sasabihin ni Olivia nang Makita nyang Unting-unting nauubos ang mga Dahon ng Puno.

" Kalapastanganan! Hindi maaring mamatay ang Puno. Kung mamamatay ito. Malaking epekto nito sa Mundo ng mga tao." Salaysay ni Olivia.

" Hindi ! Wag naman!!" Sabi ni Olivia nang mas dumami pa ang paglagas ng mga Dahon.

" Sandali mahal na reyna anong gagawin natin..." Sabi ni Susmihta

" Pipigilan ko ang pagkalagas ng mga Dahon.. " Sagot ni Olivia at hinawakan nya ang Puno at bigla itong umilaw.

" Anong gagawin ko mahal na reyna.. ??" Nababalisang Sabi ni Susmihta.

" Magtungo ka sa Silid Aklatan. Hanapin mo ang Mahiwagang Libro na naglalaman ng Mahiwagang Buto. " Sabi ni Olivia at Mabilis namang Bumalik si Susmihta sa Palasyo.

" Mukhang nabuksan na ang Pintuan ng Impyerno. Nag sisimula na talaga ang Digmaan." Sabi ni Olivia.

Samantala sa Dalaket naman...

" Guro, may mga Tuod na patungo sa Ating Kastilyo. " Sabi ni Raven.

" Toud? Matagal nang Patay ang mga Punong Tuod.. papano sila nabuhay muli ?" Sabi ni Mia.

" Ang mga Sinaunang Halimaw ng Dalaket muling nagbabalik. Ito na ang Hudyat nang Digmaan laban kay Sitan. " Sabi ni Alpia.

" Guro magtutungo kami sa Mundo ng mga tao.. pag nagbigay na nang Hudyat ang mga Kapanalig nating mundo. Sasali kami sa Digmaan. " Sabi ni Alpia.

" Hindi ako tutol dyan Alpia. Alam kung handa na kayo..." Sabi ni Ofelia sabay Ngiti.

Sa Mundo nang mga Tao..

" Pasensya na at kelangan na naming mag balik sa Kanlaon.. hayaan nyo nararamdaman kung malapit na kayong magsama muli nang iyong Anak." Sabi ni Alunsina.

" Sandali... " Sabi ni Katalina sabay Yakap kay Kathleya.

" Mom! Mag kikita pa tayo.. Ano ba! " Sabi ni Kathleya.

" Pa hug na din..." Sabi ni Theo.

" Dad! Napaka Iyakin nyong dalawa. Hayaan nyo ipag-pepray ko kayo." Sabi ni Kathleya at hinalikan nya sa noo ang kanyang ama at Ina.

" Sge Tama na yan... Magbabalik na kami. Hanggang sa muli " Sabi ni Alunsina sabay Laho.

Kasabay nang paglaho Nina Kathleya at Alunsina ay bigla namang Sumulpot si Jessel Mae.

" Nagawa ko ba? Nagawa ko nga !!! My god!!" Natutuwang sabi ni Jessel.

" Nagawa mo na nga Jessel...ang galing mo!" Sabi ni Jenna.

" My god... Sa wakas nahanap ko na kayong Lahat. Nakakatuwa naman! Ang galing nang Powers nyo. nagawa ko na din ang mag Teleport katulad nyo." Sabi ni Jessel Mae.

" Teka Jesjes, papano mo nagawa yun?" Sabi ni Jake.

" May dugong Babaylan din si Jessel.. kaya kung anong kakayahan na Meron ako yun din ang Meron sya. " Salaysay ni Jenna.

" Hindi naman..nandito ako upang ibalita sainyo ang aking nalaman. May tubig ba kayo ? Nauuhaw ako.." Sabi ni Jessel.

" Sandali.. kukuha ako.. " Sabi ni Ian.

" Gusto mo ba nang tinapay ate?.." alok ni Charlie.

" Sge please... " Sagot ni Jessel.

" Anong ibabalita mo saamin Jesjes !" Sabi ni Theo.

" May alam nako kung papano nyo mahahawakan ang kaluluwa ni Sitan sa Katawan ni Alice.. " Sabi ni Jessel.

" Papano? " Tanong ni Tyler.

At Ikinuwento ni Jessel ang sinabi ni Mang Gaspar sa kanya.

" Nasaan ba si Nonoy Kasama mo ba?" Tanong ni Jenna.

" Hindi nakay Mang Gaspar... " Sagot ni Jessel Mae.

" May Nakita kaba Ate Jenna? Wow naman! Mata oh!" Saway ni Tyler. At kinurot siya ni Jenna.

" At Isa pa.. kapag nabawi natin ang Libro Miss Jenna. Maisasara na din natin ang Pintuan ng Impyerno.." Sabi ni Jessel.

" Pero parang Mahirap yan jessel.. " Sabi ni Jenna.

" Alam ko at ako na ang bahala dyan.. basta mag tiwala kayo saakin.. " Sabi ni Jessel.

" Jesjes.. alam kung di ka namin mapipigilan. Kasi Kilala na kita kahit anong pigil namin sayo. Gagawin mo pa din.. Pwde bang mag iingat ka sa Plano mo.." Sabi ni Theo.

" Oo naman.. basta kung may mangyari man saakin.. kayo na ang bahala kay Nonoy okay?" Sabi ni Jessel.

Habang sa Kuta ni Sitan...

" Nakahanda na kami mahal na reyna.. inyong Hudyat nalang ang aming inaantay. Magsabi lang po kayo.." Sabi ni Nica.

" Wag kang mag aalala... Malapit na yun! Hahaha!" Sabi ni Sitan

TO BE CONTINUE...

Próximo capítulo