webnovel

Remote

Matapos mag timpla ng kape, sinabihan nya ang kanyang lola na "la, hinaan ko konti to a.. nonood ako balita sa tv."

Sumagot naman ang kanyang lola at sinabing "Ayan na balita sa radio, bakit pa bubuksan tv!?" pasigaw na tanong ng lola. 

"iiih, mas gusto ko nakikita ko balita" sagot ng kanyang apo. 

"Hay nako kang bata ka magsasayang ka lang kuryente" sabi ng lola. 

Tumingin ang apo sa lola nyang naglalaba sa banyo at nanliit ang kanyang mga mata at pabulong na sinabing "eeeeh?" at inisip na ("so hindi pagaaksaya ng kuryente yung pag-iwan sa kwartong naka bukas habang naka on pa yung aircon?"). 

Tumingin sya sa radio at inabot ang pindutan nito. Hininaan nya ng konti ang volume ng radio dahil masyado itong malakas at rinig na rinig sa malayo. Kumuha na rin sya ng cookies at inilagay nya ito sa platito upang dalhin sa sala at doon kainin. 

Nang makarating na sya sa sala, umupo sya sa sofa na kasya ang apat hanggang limang tao at ipinatong nya sa tempered glass na table ang kanyang kape at cookies. Balak nya nang i-on ang kanilang Smart TV upang manood ng balita ngunit hindi nya mahanap ang remote sa maliit na bookshelf na pinagpapatungan ng kanilang tv.

"lolaaaaa, san yung remote?" pasigaw na tanong ng apo sa kanyang lola na nasa banyo. 

"najan lang yan, bulag ka ba? Kaka kompyuter at selpon mo.. ayan malabo na mata mo. MALAON IKAY PAG TANDA MOY BULAG KA NA. MGA MATA KASE ANG IPANG HANAP HINDI ANG BUNGANGA" pasigaw na sagot ng kanyang lola. 

"Tatanong lang e" pabulong na sinabi ng apo. 

Nakita nya ang remote sa gilid ng sofa. Itinutok nya ito sa tv sabay *click* ng power button at ipinatong nya ito katabi ng cookies at kape sa table. 

[TV - Channel 7]

NEWS: "at kagaya ng nangyari sa mga nakaraang biktima.. kani kanina lamang, isang babae at isang lalaki.. PATAY! Matapos pagsaksakin ng tig-siyam na beses sa katawan. Ayon sa mga police, hindi parin matukoy kung sino o sino-sino ang gumagawa ng mga karumal dumal na krimen na ito." napanood nya ito sa balita habang ngumunguya ng cookies at sinabing "wat.. da.. pak." 

Kumuha ulit sya ng cookies at pinagpatong nya ang dalawang ito at isinubo habang pinapangkinggan ang tuloy tuloy na balita. Napansin nyang medyo malakas ang volume, hinayaan nya lang ito habang patuloy sa pag nguya ng cookies..

NEWS: "Para sa susunod na balita! Marami ngayon ang nagkakasakit at lumalabo ang mata dahil sa hindi tamang pag gamit ng gadgets, isa na dito ang-" nagulat sya sa kanyang narinig at napatingin sya likuran kung nasaan ang kanyang lola at tumingin ulit sya sa tv. 

"HOWRLY SHEkkkgguuk-" (holly shet gugk) kanyang sinabi dahil aksidente nyang nalunok ang kanyang nginunguyang cookies nung siya ay nagsalita. Dali-dali nyang kinuha ang kape at uminom. 

"guk.. A! AN INYEET UNYETSA" (guk.. a! ang inet punyeta) sabi niya dahil napaso sya sa katangahan nya. Dali-dali nyang inabot ang remote at hininaan ang volume ng tv dahil baka marinig ito ng kanyang lola *click-click-click-click-click*

"Ayan! tamo oh sinasabi sa balita. PURO KA KOMPYUTER SELPON! Tapos ayaw mo makinig. Batang to!" sigaw ng kanyang lola. 

Hindi na maipinta ang muka ng kanyang apo, tinitigan nya ng masama ang TV at pabulong na sinabing "blehisan inya nyaman nyeso oh" (balitang ina naman neto oh). Nilipat nya sa ibang channel.

Thanks for reading!

Feel free to leave a comment~

Please leave a vote as well~

Updates will be 3 to 7 days or sometimes 2 weeks...

VirtualPusacreators' thoughts
Próximo capítulo