webnovel

Chapter 19

Pagkarinig nila ng sigaw na iyon ay agad nilang napansin ang pagdugo ng kalangitan. Nawala na din ang buwang kanina ay napakalaki pa.

Tila ba nagtago ito.

Napatingala sila at nakita nila ang pagikot ng mga ulap sa parteng iyon. Nakita nilang itinaas ni Eleazar ang kanyang kamay at kasabay nito ang pagtama ng isang malakas na kidlat sa kinaroroonan niya.

Bumuka ang lupa sa parteng tinamaan ng kidlat at muling napatawa si Eleazar.

"Haring Argus, unang hari ng mga Balrog, dinggin mo ang aking pagtawag. Ako si Eleazar, prinsipe ng mga balrog sa kasalukyang panahon, nagsusumamo na lipulin mo ang mga taong naghahangad ng ating pagkawasak." Pasigaw nitong wika at humalik sa lupa.

Ramdam na ramdam ni Celestia at Alex ang pagyanig ng lupa. Hindi nila inialis kahit isang segundo ang kanilang mga mata sa kinaroroonan ni Eleazar. Doon ay nakita nila ang unti-unting pagbiyak ng lupa at pag-angat ng isang nilalang mula roon.

"Nagising na si Argus. " Wika ni Celestia at napahawak ito sa kanyang espada.

"Celestia ang halimaw na iyan ang unang hari?" Tanong ni Alex. Nanlalaki ang mga mata niya habang nakatitig sa nilalang na iyon.

Napakalaki nito na halos kasinglaki na ito ng isang wrestler na may timbang na limang daang libra. May sungay din ito na halos kasinglaki at maihahalintulad mo sa sungay ng isang matandang toro. Ang mga braso at halos buong katawan nito ay tila ba batak na batak ang muscle at sa pakiwari pa niya ay napakalakas niyon. Paano nila magagapi ang halimaw na iyon?

"Maghanda ka Alex. Ilang sandali lamg ay sasalakay na tayo. Nawawala na ang hamog." Sambit ni Celestia at doon lamang natauhan si Alex. Muli ay naging seryoso ang kanyang mukha. Isinantabi na muna niya ang takot sa nilalang dahil ang mahalaga ay magawa nila itong paslangin bago pa man ito makapaminsala ng tao.

Sa kanilang pagmamasid ay doon na nga nila nakita ang pag-atras ng hamog patungo sa biyak ng lupa na naroroon. Kitang-kita din nila ang pagbagsak ni Eleazar sa lupang iyon at ang paglamon nito sa katawan ni Eleazar na animo'y isang kumunoy. Sementado ang lugar na iyon kaya nakapagtatakang bigla itong lumambot na parang isang putik.

Sa pagkawala ng hamog ay humugot ng hangin si Celestia at Alex bago sila tuluyang bumaba sa kanilang kinaroroonan. Kisap-mata lamang nang mawala sila sa building na iyon at kisap-mata lang din nang lumitaw sila sa harap mg nilalang na iyon upang undayan ito ng saksak gamit ang kani-kanilang mga espada.

Gulat na gulat sila pareho nang masangga iyon ng nilalang at nakangisi itong nakatingin sa kanila.

"Kamusta, mahal kong Apo." Wika nito sa garalgal at nakakapangilabot na tinig. Napatalon paatras si Celestia at Alex at bahagyang lumayo dito.

"Apo?" Takang tanong ni Alex kay Celestia.

"Lolo ni Zedeus ang unang hari. " Sagot ni Celestia at hiniwa niya ang kaniyang braso habang may inuusal na salita.

"Pakainin mo ang espada mo Alex. Kakailanganin natin ang buong lakas ng mga sandata natin para masugatan natin ang balat ng Lolo mo. Si Argus ang isa sa mga naging hari na meron makapal na balat at hindi ito basta-basta nasusugatan ng kahit anong sandata."

Agad naman sinunod ni Alex ang sinabi ni Celestia. Hiniwa niya ang kanyang kanang braso at ipinatulo sa talim ng espada ang kanyang dugo. Nakita niya ang agarang pagtibok nito na animoy nagkaroon ito ng buhay.

Matapos magpakain sa talim ng espada nila ay muli nilang sinugod si Argus. Walang tigil nila inihampas dito ang kani-kanilang mga sandata hanggang sa tuluyang nila itong mapaluhod sa lupa. Ramdam na ramdam ni Alex ang katigasan ng balat nito na halos maihahalintulad mo na sa bakal. Pakiramdam niya ay tumatalbog lamang dito ang talim ng kanilang mga espada.

Magkaganun pa man ay hindi pa rin nila tinigilan ang pag-atake dito.

"Walang silbi iyang ginagawa niyo. " Sigaw nito at hinugot ang isang malaking espada na nasa beywang nito at mabilis na inihambalos sa kinaroroonan nila. Halos mabiyak ang lupa nang dumantay ang talim nito doon at tumalsik naman sa malayo sina Celestia at Alex. Agad na tinulungan ni Alex si Celestia at pinatayo ito.

"Ayos ka lang Celestia ?" Tanong niya rito.

"Ayos lang. " Sagot naman ng dalaga at tinakpan nito ang sugat sa kanyang binti.

"May sugat ka, diyan ka na muna." Wika ni Alex at mabilis na sumugod kay Argus. Napasinghap naman si Celestia dahil sa sakit ng natamo niyang sugat. Pinatuluan niya ito ng sarili niyang dugo at nag-banggit ng mga usal upang agad na mapagaling ang sugat na iyon.

Samantala,

Patuloy na nakikipagbuno si Alex kay Argus. Habang tila hirap na hirap si Alex ay tuwang-tuwa naman si Argus.

"Napakatagal din ng panahon nang huli akong makipaglaban ng ganito Apo. Ikaw na unang anak ng anak ko, ikaw na pinakamatalino sa tatlo, lubos akong natutuwa sa paghaharap nating ito Zedeus." Tila nasisiyahan wika nito at napakunot ang noo ni Alex.

"Hindi ako natutuwa. Mas ikatutuwa ko kung babalik ka sa impy*rnong pinanggalingan mo!" Sigaw ni Alex at muli itong inundayan ng espada sa leeg. Patuloy lamang silang nakikipaglaban hanggang sa muling makisali sa kanila si Celestia.

Walang pag-dadalwang -isip nilang pinagtulungan si Argus hanggang sa muli nila itong mapaluhod sa lupa.

"Oo at malakas ka, pero dahil matagal na panahon kang nahimlay ay hindi agad magbabalik ang iyong tunay na kalakasan. Tulad ka rin namin maraming kahinaan." Wika ni Celestia at iniunday ang espada niyang balo na balot ng dugo sa tiyan nito.

Napasinghap at napanganga naman si Argus ng tumagos sa makapal niyang balat ang talim ng espada ni Celestia. Bago pa man ito makapalag ay may kung anong inilagay si Alex sa kanyang bunganga at tuloy-tuloy itong bumaba sa kanyang lalamunan patungo sa kanyang sikmura.

Umatungal ito nang malakas na halos ikabingi nila habang pilit nitong isinusuka ang bagay na iyon.

"Wala ka nang magagawa, sa oras na matunaw ang bagay na iyon, iyon na din ang iyong katapusan." Wika ni Alex habang habol-habol ang kanyang hininga. Nakaluhod naman si Celestia sa tabi nito habang hingal na hingal na din.

"Isa kang balrog Zedeus, bakit mo ginagawa ito?" Sigaw ni Argus habang kinakalmot ang kanyang lalamunan.

"Isa nga akong balrog subalit nagdesisyon na akong tapusin ang lahing ito. Hindi na dapat tayo naririto sa mundo at panahong ito. Oras na para magpahinga Lolo." Sambit ni Alex at napamulagat si Argus. Kitang-kita niya ang natatanging gintong mata ni Zedeus at muling nanumbalik sa kanya ang isang propesiya.

'Sa kamay ng isang balrog na may gintintuang mata mawawasak ang ating lahi.'

Tumawa ng malakas si Argus at nanatiling nakaluhod ito sa lupa.

"Tunay ngang ikaw ang aming pagkawasak Zedeus. Ikaw na ipinanganak na kakaiba. Gintong mata. Maging ang pagiging mabuti mo sa mga tao. " Wika ni Argus habang unti-unti at dahan-dahang natitipak ang mga balat nito.

"Kung iyan ang nais mo, malugod akong muling mamamatay sa kamay ng aking apo." Nakangiting wika nito hanggang sa malusaw na ang buong katawan nito at ang tanging naiwan lamang ay ang isang tumpok ng itim na abo na agad din namang inihip ng malakas na hangin.

Napaupo naman si Alex at Celestia sa semento at magkasandal na tumingala sa langit. Hinintay nila ang pagkawala ng kulay dugo sa langit at doon lamang sila nagkaroon ng kapanatagan.

"Tapos na ba?" Hinihingal na tanong ni Alex.

"Oo tapos na." Sagot naman ni Celestia. Napapapikit na si Celestia dahil sa sobrang pagod. "Pahinga lang ako saglit. " Wika pa ni Celestia hanggang sa tuluyan na itong makatulog. Nilingon naman ito ni Alex at niyakap bago siya tuluyang mapapikit na rin.

Lingid sa kaalaman nilang dalawa na sa bawat parte ng lugar na siyang nalapatan ng koneksyon ng ritwal at puro kaguluhan din ang naganap. Halos marami ang sugatan sa grupo nila Marcus at marami din ang nagbuwis ng buhay. May mga sibilyan din na nadamay dahil sa biglaang pag-atake ng mga ulipon sa mga bahay-bahay.

Nang tuluyan nang mawala ang pagpula ng kalangitan ay siya din namang paglaho ng mga ulipon na gumagala sa paligid na walang humpay na umaatake sa kanila. Tila mga buhangin itong inihip lang ng hangin at pagkatapos ay nawala rin at ang tanging katunayan lang nila na minsang umiral ang mga nilalang na iyon ay ang mga sugatan nilang kasama at giba-gibang kalsada.

Lahat naman ng lumikas na tao ay nagulat sa kanilang nakita. Hindi naman nila malaman kung ano ang nangyari at nagkaganun ang kanilang siyudad. Lumabas ang balitang isang malakas na lindol ang siyang sumalanta sa buong City A na siyang naging dahilan ng pagkawasak ng mga kalsada at buildings sa buong paligid.

"Marcus, nakita na namin sila Alex. Nasa gitna sila ng plaza at mukhang nawalan sila ng malay. Na-rescue na sila namin at kasalukuyan na silang nasa base. " Report ng isa niyang kasama.

Tumango lamang si Marcus at agad na nag-iwan ng mga instructions sa kanyang mga tauhan bago ito bumalik sa base.

Próximo capítulo