Masayang lumapit si Sinag sa mga panauhin nang makilala niya ang mga ito. Si Mina naman ay agad na pumasok sa bahay at agad na tinulungan ang kanyang na noo'y naghahanda ng makakain para sa mga panauhin.
"Mabuti naman at nakapasyal kayo Tandang Ipo. Ang buong akala ko ay matatagalan pa bago kayo muling makabalik dito sa Maasil. " Sambit ni Sinag habang nagbibisa sa matanda.
"Kung hindi lang dahil sa pamimilit nitong kinakapatid mo ay hindi kami mapapaaga. " Wika nito sabay tawa. Nagsitawanan naman ang iba pa nitong mga kasama na bakas sa mukha nito ang lubhang kasiyahan sa muli nilang pagkikita-kita.
Matagal na panahon na din kasi mula nang lisanin nina Tandang Ipo ang baryo ng Maasil kasama ang iilan pang mga antinggero. Dalawa dito ay kanyang mga disipulo at ang iba naman ay mga antinggero ng pumailalim sa samahan nito na galing pa sa iba't-ibang baryo. Tubong Maasil din si Tandang Ipo at matalik na kaibigan ito ni Manong Ben na siya namang maestro ni Sinag.
"Sadyang napakabilis ng panahon, ang huling kita ko sa iyo ay nag-aaral ka pa lamang maging antinggero sa ilalim ng pamamahala ni Oben. Pero heto ka na ngayong at isa na sa pinakamalakas na antinggero sa hanay ninyo. " Wika pa ng matanda habang nananabako.
"Kain ho muna kayo." Malamyos na wika ni Mina habang inilalapag sa mesa ang naihanda nilang makakain para sa mga ito. Simpleng salo-salo lamang iyon dahil na din sa biglaang pagbisita ng mga ito kaya hindi sila nakapaghanda.
Napatitig naman si Tandang Ipo sa dalaga na tila ba hindi ito makapaniwala.
"Tandang Ipo, mga kasama, ito nga pala si Mina. Nag-aaral din siya sa ilalim ng pagtuturo namin ni Manong Ben. Anak siya ng isang babaylan. At ito naman ang kanyang Amang si Tyong Lando. " Pakilala ni Sinag at isinalaysay niya sa mga ito ang mga kaganapan noong wala sila sa baryo.
"Kamusta ho kayo, kinagagalak ko kayong makilala. " Magalang na bati ng dalaga habang isa-isang tinitigan ang mga kalalakihan. Ramdam niya sa mga ito ang mga nag-uumapaw nitong presenya na pawang malinis at punong-puno ng kabutihan. Magaan din ang loob niya sa mga ito dahil kaibigan ito ng kanyang itinuturing na Lolo at kapatid.
"Isang babaylan ba kamo ang iyong Ina? Kung gayon ay isa ka rin sa kanila. " Seryosong wika nii Tandang Ipo habang napapailing ito ng bahagya.
"May problema po ba Tandang Ipo."
"Malaking problema Sinag." Sabat namn ng isang antinggero habang naawang nakatingin sa dalaga. Bumuntong-hininga ito bago nagturan ng...
"Talamak na sa buong kalupaan ang pagpaslang sa mga babaylan. Hindi pa namin mawari ang dahilan ng mga ito ngunit isa lamang ang sigurado. Merong ginagawang paghahanda ang mga kampon ng kadiliman kung kaya pilit nilang inuubos ang mga lahi ng mga babaylan. "
Pagkadinig nito ni Mina ay muling nanumbalik sa kanyang isipan ang mga huling salita ng dalaketnong kanilang pinaslang. Ipinagbigay alam din naman niya ito sa matanda upang malahingi ng opinyon patungkol dito.
"Kung tama ang pagkakaunawa ko, kaya nila pinapaslang ang mga babaylan ay para ipunin ang mga kaluluwa nito. At ikaw na ayon sa dalaketnon na isang itinakda ay ang siyang magiging susi ng muling pagkabuhay ng kanilang panginoon. At ang tinutukoy nito ay ang diablo mismo. " umiiling na wika ni Tandang Ipo at muling naghithit ng tabako neto.
"Maiba ako Ipo, ano nga pala ang dahilan ng agaran niyong pagbabalik? Alam kung may mabigat kayong dahilan sa pagpunta dito." Tanong ni Mang Ben
"Ahh." Natawa pa ito na animo'y muli niyang naalala ang isang bagay na kanyang nakalimutan. Muli muli ay itinuon muna nito ang pansin sa pananabako bago nagwika ng...
"Panahon na naman ng anihan ng mga aswang, sa isang baryong malayo dito. Bumalik kami para sana isama si Sinag sa labang iyon. Nag-aalala akong hindi kakayanin ng aming mga karga ang labang iyon dahil na din sa Lupon iyon ng mga gabunang aswang."
Nagkatinginan naman si Manong Ben at Sinag ng mga sandaling iyon. Pagkuway' nabaling ang tingin nila kay Mina na noo'y tila nasasabik sa sasabihin ng matanda.
"Kuya, maaari mo ba akong isama?" Sabik na tanong ng dalaga at nasapo ni Sinag ang noo.
"Bakit? Malaki ang maitutulong ko sa inyo. Hanggang ngayon ba ay wala ka pa ding tiwala sa akin?" Nakabusangot na tanong niya sa binata habang nakapameywang.
"Hindi sa ganon Mina. Pero hindi ba dapat ay ang iyong Ama ang iyong tinatanong? Wala namang problema sa akin ang isama ka, makakatulong din iyon sa pag-unlad ng kakayahan mo." Sagot ni Sinag sa dalaga
"Itay, maaari po ba akong sumama kina Tandang Ipo? Pangako mag-iingat ako. Babalikan ko kayo. " Pagsusumamo nito sa Ama. Napangiti lamang si Lando at hinaplos ang ulo ng anak.
"Malaki ka na nga anak. O siya, pinapayagan na kita pero tandaan mo, mag-iingat ka at huwag kang padalos-dalos sa iyong mga desisyon. Iwasan mo din ang maglilikot, para naman hindi ka maging pabigat sa iyong mga kasama. Hiwag mong bibigyan mg sakit ng ulo ang Kuya mo." Wika ni Lando na lubhang ikinatuwa ni Mina. Napayakap siya sa ama at tuwang-tuwa na nag senyas ito kay Sinag na ikinatawa naman ng binata.
" Sigurado ka Sinag? Isasama natin ang batang iyan?" Nag-aalalang tanong ng isa sa mga antinggero.
"Oo naman, tulad ng sinabi niya, malaki ang maitutulong niya sa atin . Mahirap ipaliwanag basta, malalaman nyo na lamang iyan sa mga susunod na araw. " Tugon naman ni Sinag. Napakamot naman ng ulo ang nagtanong. Wala din naman silang magagawa dahil kahit si Tandang Ipo ay walang pagtutol sa desisyon ni Sinag na isama ang dalagang babaylan.
Lumipas pa ang mga oras ay napuno naman ng kwentuhan ang kubo ni Mang Ben. Aliw na aliw naman si Mina sa pakikinig ng mga karanasan ng mga ito sa pakikipaglaban sa mga aswang at kung anu-ano pang nilalang sa panig ng kaliwa.
Nauna na siyang mamulat sa mga nilalang na kalimitan nilang nakakasagupa habag nanggagamot sila at ito ang magiging unang beses niya na makasilay ng mga aswang. Manghang-mangha naman siya sa mga antinggero habang isa-isang nag-ambag ang mga ito ng kwento ng kanilang karanasan. Syempre habang ngkwe-kwentuhan sila ay nagtutungga din ang mga ito ng tuba. Dahil hindi pa pwedeng uminom si Mina, ay nakikinig lamang siya sa mga ito nang may ngiti sa kanyang mga labi.
Kinaumagahan ay kanya-kanya na silang paghahanda. Ayon sa kanilang napag-usapan ay sa susunod na araw na ang kanilang alis at ang araw na ito ay ilalaan nila sa paghahanda ng kanilang mga dadalhin sa kanilang paglalakbay. Dahil na din sa kalayuan ng baryong kanilang pupuntahan ay kailangan nilang magdala ng mga makakain. Isa pa sa paghahandaan nila ay ang mga bantang maari nilang makasalubong sa daan. Si Mina naman ay nagdala lamang ng mga damit na kaniyang isusuot sa pang-araw-araw at hindi na siya nag-abalang magdala ng kung anu-ano, maliban sa mga iilang pangontra at sundang na ibinigay sa kanya ng kanyang ama na pangunahin niyang depensa kung saka-sakali.
Nang makita naman ng mga antinggero ang bitbit nitong maliit na sisidlan ay kaniya-kaniyang reaksyon ang mga ito. Merong napapakunot ang noo at meron namang hindi mapigilan ang pagtawa.
"Hoy Mina, sigurado ka na ba diyan sa dadalhin mo? Isang maliit na sundang?" Tanong nito na ang tinutukoy ay ang sundang na nasa taguban nito. Napatingin naman si Mina dito at tumango. Hindi niya alintana ang pangungutya ng mga ito.
"Wala sa laki ng sandata ang kagalingan ng isang tao. Hayaan mo, patutunayan ko sayo na kahit ito lang ang dala ko, mas protektado ako sayo." Wika ni Mina at nagtawan ang ibang antinggero sabay batok sa kanilang kasama.
"Huy Kuryo, baka nakakalimutan mo, disipulo yan ni Manong Ben at Sinag." Saway naman ng isang binata. Si kuryo naman ay napakamot lamang ng ulo sabay hingi ng paumanhin sa dalaga. Nginitian lamang ito ni Mina dahil alam niyang wala naman itong masamang hangarin sa pagpuna nito ng dala-dala niya. Parang mga nakatatandang kapatid na lang din ang tingin niya sa mga antinggero dahil malapit ito kay Sinag at Manong Ben. Alam din niya kung gaano kabubuti ang mga puso ng bawat isa kaya naman ay ipinag-kikibit na lang niya ng balikat ang mga panunukso at pangungutya nito sa kanya.
"Kayo talaga, si Mina na naman ang pinagkakaisahan niyo." Puna ni Sinag habang kinukuha ang bitbit na sisdlan ni Mina at ipinatong iyon sa dala-dala niyang malaking sisidlan. "Ako na ang mgadadala nito sa kangga ng kalabaw. Ihanda mo na muna ang mga dadalhin natin langis at mga paunang lunas."Utos ni Sinag na agad namang sinunod ng dalaga.
Matapos gawin ang iniuutos nito ay dinala niya iyon sa binata. "Narito na ang lahat ng kailangan natin Kuya, yung ibang halamang gamot ay sa gubat ko na lang kukunin katulad ng dati. Mas maganda kapag sariwa ang ating gagamitin." wika nito sabay abot ng bayong.
"Hindi ba tayo mahihirapan maghanap ng mga kaukulang halamang gamot sa gubat kapag kinakailangan?" Tanong ng isang antinggero habang nakatitig sa magkapatid. Malakas na tawa naman ang isinagot ni Sinag dito habang tinatapik-tapik ang balikat ng kasama. Hindi na niya sinagot iyon dahil gusto niyang makita ang gulat sa mga mukha nito kapag nagpakitang gilas na ang kanyang kapatid sa kanila. Nagkibit naman ng balikat si MIna at mahinang humagikgik.
Lumipas ang araw na iyon na puro paghahanda lamang ang kanilang ginagawa. Si Mina naman ay iginugol ang natitira niya oras para kausapin ang mga lamang lupa at engkanto na naninirahan malapit sa kubo ni Mang Ben. Ipinagbilin niya ang kaligtasan ng kanyang Ama at kanyang naging Lolo. Nagpakain din siya ng mga usal at dasal sa mga ito upang hindi nito magawang lisanin ang kanilang lugar. Halos palubog na ang araw nang matapos si Mina sa pagdadasal. Agad naman siyang pumanhik sa kubo para makakain na at makapagpahinga.
Kinabukasan ay maaga pa lamang nang umalis ang kanilang grupo sa baryo Maasil. Bitbit ang mga naihandang pagkain at iba pa nilang kagamitan ay masaya nilang nilisan ang kubo ni Mang Ben.
"Tay, mag-iingat kayo dito, huwag mong kalilimutang dalhin ang iniwan kung mutya sayo kapag aalis ka ng bahay."
"Ikaw ang mag-iingat, kasama ko naman ang Lolo ben mo. At isa pa kayo ang malalagay sa pnganib kaya ipangako mo na magiging ligtas ka sa bawat araw na wala ka sa tabi ko." Bilin ni Lando sa anak.
"Pangako tay, babalik ako ng ligtas dito sa bahay." Wika ni Mina sabay yakap sa Ama. MAtpos itong makapagpa-alam ay dali-dali na itong sumakay sa kangga at tuluyan na nga nilang nilisan ang Baryo Maasil.
Dito na magsisimula ang panibagong yugto sa buhay ni Mina kasama ang isang samahan ng mga antinggero at ang layunin nitong paglupig sa isang angkan ng mga aswang at iba pang masasamang uri ng elemento.