Ang kwentong maglalarawan sa pandemya na kinahaharap ng tao sa COVID-19.
Ang daming nagtatanong, kailan ba matatapos ang epidemya na ito? Mawawala pa ba talaga ito sa buhay ng tao? Bakit ba nagkaroon ng ganito? Parusa na ba saatin ito ng panginoon?
Isa ka rin ba sa mahilig itanong yan sa sarili mo? para saakin, di naman kasalanan ng lumikha saatin ang mga nangyayari sa ating kapaligiran kasi tayo rin naman din ang gumagawa ng mga nakatadhana saatin kaya dapat natin sisihin ang ating sarili sa kalagayan natin ngayon sa COVID-19.
Naisip mo man lang ba ang nararamdaman ng gumawa sayo sa tuwing sinisisi mo siya? Naisip mo man lang ba na man nahihirapan siya kapag nakikita ka niya na nasasaktan? Inisip mo man lang ba ang iba bago ang sarili mo?
Hindi mo ba napansin na dahil sayo nawawalan na ng lakas ang diyos kapag pinanghihinaan ka tapos nagagalit ka pa sakanya kapag di niya maibigay agad sayo ang hinihingi mo sa iyong dasal?
Naisip mo ba na marami kayong tao sa mundo na nabubuhay ang nangangailangan sakanya? Naisip mo ba na gumawa naman ng paraan para makatulong sa kapwa mo para man lang mapasaya siya?
"Hoy! Geno, ang lalim ng iniisip mo eh kanina pa ako dito nagsasalita pero parang di ka naman nakikinig sa mga sinasabi ko sayo?" Biglang pukaw ng kaibigan ko saakin.
"Ha? Ano bang pinagsasabi mo diyan? May iniisip lang ako tungkol sa kalagayan ng mundo natin after this COVID-19." Palusot kong sagot sa kaibigan ko.
"Ano ba kasi 'yon? MGCQ na tayo so it means Modified General Community Quarantine na at malapit na matapos ang paghihirap natin sa epidemya na ito kaya wag ka ng mag-isip ng kung anong mga bagay kasi baka sa kaiisip mo niyan mabangga pa tayo." Sagot naman niya na pinaliwanag pa talaga ang sitwasiyon saakin.
"So what happen next after this epidemic? world war o kaya naman ano? di ko lang talaga kasi alam kung anong gagawin ko." Balik tanong kong sagot sakanya.
"Anong hindi mo maintindihan ang gagawin mo? Umayos ka nga diyan oy. Nagmamaneho ka ng sinasakyan natin kaya magpukos ka sa pagdrive baka maaksidente tayo." Sagot niya naman saakin saka ko lang napansin na hawak ko pala ang manibela ng sasakyang kotse na minamaneho ko na nasasakyan namin.
"San pala ulit tayo pupunta?" Tanong ko sakanya. Nakalimutan ko kasi kung saan kaming lupalop papunta sa kaiisip ng mga nangyayari sa paligid.
"Saan pa ba e, di sa bahay ni Carlo. Ang boyfriend mo. Alangan naman sa langit. Hindi pa ako handa mamatay." Sagot naman niya saakin saka niya kinuha ang kinulikot ang cellphone niya na hawak sa kamay.
"Boyfriend daw. Nang-aasar ka ba? E, magkaibigan lang kami nang tao saka parehas kami lalaki kaya never na magiging kami even in your bad dreams kahit mabunggo pa tayo." Sagot ko sakanya habang patuloy lang ako sa pagmamaneho.
"Ewan ko sayo -- Ahhhhh!!" Pagsigaw na sagot niya na biglang tumilapon ang kanyang cellphone sa harapan ng inihinto ko ang sasakyan kasi parang may nakita akong isang lalaki ang bumagsak sa harapan ng sasakyan na minamaneho ko mula sa langit. Mabuti nalang nakasuot kami ng seat belt kaya naman hindi nauntog ang ulo namin dalawa.
"Shit!!! Naman Geno, nahulog ang cellphone ko o. Nabasag pa tuloy ang screen." Reklamo ng kasama ko ng mapulot niya ang kanyang cellphone sa sahig ng kotse na ipinapakita pa saakin.
"May nakita kasi akong bumagsak mula sa taas. Hindi mo ba nakita?" Tanong kong sagot sakanya pero tinawanan niya lang ako.
"Ha! ha! ha! yan ang hilig mo kasi manood ng mga horror movies yan tuloy kung ano-anong iniisip mo na hindi na nakakatuwa, pati tuloy cellphone ko nabasag pa." Sagot naman niya na pinaghihimas pa ang kanyang cellphone.
"Mayroon talaga e, may nakita ako." Sagot ko sakanya pero hindi talaga siya na naniniwala.
"Okey sige. May nakita ka na basta ako wala. Ang mahalaga ngayon ay magmaneho ka na kasi leyt na tayo sa birthday party ni Carlo mo." Sagot niya saakin na parang napipilitan lang.
"Okey, sensiya na nabasag ang cellphone mo." Sagot ko na paghihingi ng paumanhin sakanya saka nagmaneho na ulit ako.
Hindi ko maiwasan na isipin kung ano kaya ang nakita kong bumagsak na bagay na iyon, iniisip ko lang na baka iyon ang sagot sa hinihintay kong tutulong sa mga tao para malampasan ito, na baka iyon ang ibinigay ng diyos para sa mga tao. Ang anghel na gagabay sa mga nilikha ng panginoon sa lupa. Ang anghel ng umaga. Teka, si Lucifer pala 'yon kaya baka malabo na iyon na ang tutulong sa tao.
Oyh, shit! baka naman nabuhay na ulit si Lucifer. Ang itinakwil na anghel na baka siya na ang may kagagawan ng salot na sakit na nararanasan ng mga tao?
Huwag naman sana. God please don't let make it happen with your creations. I'm asking for your consideration for me as be your instrument to guide, protect, and save your creations in this world, please let me oh Lord.
"Geno, mababangga tayoooooo!!!" Ang rinig kong pahsigaw ng kasama kong katabi dito sa sasakyan na nagpukaw ulit saakin. Nakita ko nalang ang liwanag mula sa malaking truck na makakasalubong namin hanggang sa bumangga na nga ang sasakyan namin sa kasalubong namin na sasakyan.
"Ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh" Sabay namin sigaw hanggang sa nauntog na ang ulo namin sa sasakyan kasabay ng pagkawala ng aming mga malay.
Dahan-dahan kong idinilat ang aking mga mata ng makita ko na buhat ako ng isang nakaputi na lalaki pero di ko maaninag anh mukha niya kasi nandidilim na ang paningin ko. Inilapag niya ako sa lupa saka na siya lumipad sa hangin pataas habang nakahiga lang ako may kalayuan mula sa sasakyan namin.
Boogshhhhh!!! Boogshhhhh!!!
Narinig ko pa ang pagsunodan na pagsabog ng dalawang sasakyan bago ako tuluyan na nawalan ng malay, narinig ko ang pagsabog nito bago tuluyan na naipikit ko ang aking mga mata. Naramdaman ko pa ang pagtulo ng luha sa aking mga mata dahil alam kong kasama sa sumabog na sasakyan ang aking kaibigan na di ko man lang natulungan at nailigtas man sana.