webnovel

Chapter 48: Mama

Tuesday morning. Wala akong pasok. Kakatapos lang din ng defense thesis namin at napagpasyahan kong dumito na muna sa bahay. Matagal tagal ko na rin kasing di tumambay dito. Pakiramdam ko. Nangungupa ako rito. Labas-masok kung kailan ko gusto. Aalis at babalik kung kailan pinahihintulutan.

Umupo ako sa may hapag at itinaas ang isang paa habang nakadantay sa mesa ang isang kamay habang humihigop ng kape.

Sa katahimikan. Natatawa nalang ako sa pagtanaw sa mga araw na lumipas. Simula nang makilala sya hanggang sa pag-alis nya..I feel like, I've been into roller coaster ride of emotions. Lahat naramdaman ko sa maikling panahon na yun. Grabe! Parang panahon lang. Sa isang araw. Mainit. Maalinsangan. Maaliwalas. Tapos sa isang araw naman. Makulimlim. Madilim at bumabayo ang bagyo. Napaka-imposible kung titignan mabuti pero posible pala talaga sya. When in times of unexpected expectations. Dumadating nalang sya bigla. Ano kayang maaaring dahilan para mangyari ang mga ganito?. To teach us widen our knowledge about that specific person or to allow us to see the process of how we should be, not who they want us to be. Maraming bagay ang nangyayari sa mundo. Nasa iyo na kung ano ang pipiliin mong paniwalaan at tignan dito.

"Wala bang, etiquette yang paa mo Kendra?." nagulat nalang ako ng sabay na sabihin ni Mama ito at ng tapik nya sa paa ko na nakapatong sa inuupuan ko. Tapos ay nilagpasan na nya ako. Kumuha sya ng baso at kutsara para siguro magtimpla ng kape nya. "Dinig ko sa Ate mo.. wala kang pasok ngayon.."

Humigop ako ng kape bago tumugon. "Actually, may gagawin pa po sana ngayon. Sinabi ko lang po na wala dahil gusto ko lang magpahinga. Namiss ko po kasi tong bahay.."

Matagal bago sya natapos nagtimpla at umupo sa katabing upuan ko. Kaya binaba ko na rin yung paa ko. "Yun ba talaga o baka may iba ka pang dahilan?."

"Kung ayaw mong maniwala Ma. Ikaw na po bahala."

Humigop din sya ng kape bago naglagay ng palaman sa tinapay na nabuksan ko na. "Hindi na nagagawi rito ang gwapong batang abogado. May alam ka ba kung nasaan sya?." muntik na akong masamid rito. Mabuti nalang. Hawak ko itong kape ko at piniling humigop nalang.

"Nawala syang parang bula Ma. Hindi ba't ganun po ang gusto nyo?." hindi ko intensyon ang maging tunog sarkastiko rito subalit bakit kusa ko nalang itong narinig sa tunog ng boses ko?.

Tuloy, tumaas ang isang kilay nya. "Para naman ito sa ikabubuti mo Kendra. Wag mo sanang masamain ang pagiging mahigpit ko sa'yo.."

"Pero sana Ma. Huwag naman po masyadong mahigpit. Nasasakal po kasi ako.." di ko alam kung bakit basta ko nalang nasabi ang laman ng isip ko without any regret. Pagdating kasi kay Mama. Hindi ko masabi ang totoong feelings ko. Unlike kay Papa. He knew everything about me. Pero si Mama. Hindi masyado dahil tulad nga ng sabi nya. Masyado syang mahigpit. At yun ang totoo.

"This is for all your goodness anak.. hindi ko ginagawa ang bagay na alam kong ayaw nyo. May dahilan ako.."

"Pwede bang marinig kahit isa ang dahilan mo Ma?. Gusto ko kasing maintindihan kung bakit ganito kayo sakin at iba kayo kila Ate at Karen. Gusto kong maliwanagan kahit konti lang."

Tinitigan nya ako. I gave her the look of wanting to hear her words.

"Ayoko lang kasing magaya ka sa iba anak.."

"Ano po bang ayaw nyong magaya sa akin?."

"Na mabuntis ka ng di ka pa handa. Nang di pa kayo handa.. Ayokong sayangin mo ang buhay mo. Ayokong mapariwara ka at hindi maabot ang mga pangarap mo. Ayokong maghirap ka sa darating na panahon nang dahil lang sa mga maling desisyon mo anak. Yun ang mga dahilan ko."

"Wala po ba kayong tiwala sakin?." nasaktan ako ng tanungin ko ang bagay na obvious naman na para sakin.

Gusto ko lang marinig ng buong buo ang sasabihin nila. But either not hearing what I want from them. Their actions is louder than the words. So, I tightly hold on into that.

She held my hand. And this is the first time. Kinilabutan ang buong katawan ko. Tumayo maliliit kong balahibo. Naramdaman ko ang paglaki din ng ulo ko. Everything is a new. Goosebumps!.

"I trust you very much dear Ken-ken.." nanginig nalang ako basta at nanlabo ang paningin. Ano ba ito?. Bakit para akong bumabalik sa pagkabata?. Ken-ken?. Kailan ko pa huling narinig iyon mula sa kanya?. Elementary days?. Pre school?. Hindi ko na alam. Yung puso. Parang biglang lumambot at natunaw sa naging pagtawag nya sakin. "Natatakot lang akong baka, ibigay mo nalang basta sa isang tao ang buong tiwala mo pagkatapos ay sasaktan ka lang. Ayokong makita kang umiyak at nahihirapan."

"Nahirapan na ako't nasasaktan Mama." natigilan sya. "Kahit ano po yatang iwas nyo sakin sa mga bagay na ayaw nyong mangyari. Nangyari na po. I'm in pain and in vain." dito na tumulo ang luha ko. Nalagyan pa nga yata yung kapeng nasa harapan ko. "Si Poro, Mama.. he left me because he thinks, I don't like him.." now. I'm sobbing. Confessing my head out. Di ko na din kasi kaya. Masyadong mabigat na. Mabilis kong tinakpan ang mukha para di nya makita ang mga luha ko. Dinig ko ang langitngit ng inupuan nya. Tanda na tumayo sya.

Lumapit sya't niyakap ako. She even gave me a kiss on my hair.

"I know Anak. Noon pa man. Alam kong sya yung lalaking tipo mo. Kaya ko nga sya binansagan ng gwapong batang abogado because I want to tease you. Para malaman ko kung anong magiging reaksyon mo."

Lumunok nalang ako. Kaya pala!.

"Gusto kong makita rin kung paano magrereact ang taong yun kapag pinuri ko."

Mama naman!.

Napaungol nalang ako sa gustong sabihin.

"That's my very reason kung bakit ko ginawa ang mga nagawa ko Kendra. I have my deep reasons. At sinabi ko sa sarili ko. Mama mo ako. If I want to protect my precious child. I should be like this and like that. For me to know the person she will brought here. And unlucky. That's Poro. One of Karen's circle of friends. Di ko din naman pwedeng ikunpyansa ang lahat porket kaibigan na sya ni Kaka at dati ko na syang nakilala. Magkaiba kasi ang relasyon nila kumpara sa inyo. And I know that you'll definitely rebell on me. Tama ako. Naglayas ka nga at tumira ka pa sa bahay nya. That means. You liked him that much. That day. I get mad to myself cause I let you leave the house. Pero ano nga bang gagawin ko?. If I won't let you go. You'll go far away from here. At lalong mas mahirap ka ng proteksyunan. Kaya kita hinayaan at pinagbigyan. Sinabi ko sa sarili ko na sana sa ginawa kong to, may mapulot kang aral at matuto sa buhay. Na sana not in a negative progress but on a positive healing."

Tumahan na rin ako dahil gusto kong namnamin lahat ng salitang binibigkas nya. "Umaasa akong hindi magbago ang lahat ng meron tayo nang dahil lang sa may natutunan ka na sa aral ng mundo. Don't let your knowledge overpower your heart Ken-ken. Wag mo sana akong kamuhian. At lalong husgahan sa mga desisyon ko. Because being your Mother. I have to risk it all. Kaya kong gawin ang lahat para lang sa inyo.."

"Mama!." para akong naagawan ng candy na yumakap sa kanyang tyan at duon umiyak ng umiyak. "Sorry po Ma.. sorry.." I have to say sorry because I already did misjudged her. Now I know it all. Hindi ko man naiintindihan noon ang mga ginawa nya't mga dahilan. Now I know. It clears everything to me.

Próximo capítulo