Now playing: Life With U - Lullaboy
Elena's POV
Bago kami tumuloy ni Kasssandra sa hindi pa rin niya sinasabing tutuluyan namin hanggang ngayon, eh dumaan muna kami sa isang boutique para bumili ng pwede naming masuot na mga damit dahil pareho kaming walang dalang pamalit.
Ang gusto ko nga sana ay ukay-ukay para mas mura, pero dahil ayoko namang mangati itong superstar na kasama ko kaya 'wag na lang.
Mamaya niyan eh masira pa ang napaka-flawless niyang kutis dahil sa akin. Hmp! Ayoko namang mangyari iyon 'no?
Dumaan na rin kami sa isang convenience store para bumili ng iba pang kailangan namin at beer bago tuluyang dumiretso sa bahay na tutuluyan namin.
Nasa isang liblib na lugar na kami ngayon na talagang literal na malayo na sa kabihasnan. Tahimik ang lugar, sariwa ang hangin at wala na ring matatayog na gusali na matatanaw kundi nagbeberdehang mga punong kahoy.
Kahit naman tanungin ko pa siyang muli eh hindi pa rin naman niya sasabihin kung saan ba talaga kami tutuloy.
Pasado alas singko na kasi ng hapon at mamaya maya lamang ay magdidilim na ang paligid.
Inihinto nito ang kanyang sasakyan sa tapat ng isang bahay na half concrete and half amakan. Meron itong bakod at maliit na gate na gawa sa buho. Beach front din ang bahay kaya mahahalata mo na kaagad kung ano ang pangunahing hanapbuhay ng nakatira rito.
Pangingisda.
Base sa mga nakasampay na lambat sa mismong bakod eh meron ding mapapansin na dalawang bangka sa may dalampasigan, isang maliit at meron ding malaki. Plus, merong naka-park na motorsiklo sa mismong labas ng gate.
Kaya nagtatanong ang mga mata na muling tinignan ko si Kassandra. Dahil sa pagkakaalam ko, buong kamag-anak nila eh mayaman at lahat ay namumuhay ng marangya sa ibang bansa so paanong...
"Okay lang ba sa'yo kung dito muna tayo magpalipas ng gabi?" Tanong nito sa akin ng nakangiti bago tuluyang bumaba ng sasakyan. "Masaya rito, promise! Peaceful." Dagdag pa niya.
Nanlalaki naman ang mga mata na bumaba na rin muna ako ng sasakyan at parang biglang na-excite.
"Oo naman!" Mabilis kong tugon. Hindi maitago ang excitement sa boses ko dahil sa ganitong paraan parang nakauwi na rin ako sa Palawan. Hayyy.
Maya-maya nga lang ay merong sumalubong sa amin na isang kulay brown at medyo may kalakihang aso atsaka mabilis na tumalon kay Kassandra na animo'y tuwang-tuwa na makita siyang muli.
"Wow! Mukhang paborito ka niya ah. Hindi naman halata na madalas ka ring nandito." Nakangiting biro ko habang nakatitig sa aso na ngayon ay pina-pat ni Kassandra. Muling tumango si Kassandra.
"Kapag sobrang ingay sa Manila at stress sa work, dumidito ako paminsan-minsan." Sagot nito sa akin.
"Kassandra!" Sabay kaming napalingon ni Kassandra sa tumawag sa kanyang pangalan.
Papalapit pa lamang 'yung lalaki ay agad na namukhaan ko na ito. Hindi ko lamang siya kilala, kundi kilalang kilala ko. Siya iyong dating family driver nina Kassandra.
Nag-resign na pala siya? Tanong ko sa aking sarili.
Kaya naman mabilis na tumalikod ako at hinayaan na si Kassandra na lamang ang bumati at lumapit sa kanya.
Napapapikit ako ng mariin at muling nakaramdam ng kaba dahil mukhang may isang tao na naman ang makakilala sa akin bukod kay Annia at Luna.
"Kuya Jake!" Pagtawag ni Kassandra sa pangalan niya.
Mabilis siyang nilapitan ni Kassandra at niyakap.
"Mabuti at nadalaw ka ulit rito?" Rinig kong tanong sa kanya ni Kuya Jake.
"Oo, sorry medyo natagalan bago muli nakabalik. Sobrang busy ngayon sa work eh." Nahihiyang paghingi nito ng paumanhin.
"Ano ka ba, ayos lang 'yun! Atsaka ang ganda kaya ng teleserye na meron ka ngayon. Tutok na tutok nga ako sa pagsubaybay eh. Pati na rin 'yung mga taga rito" Pabirong sabi pa sa kanya ni Kuya Jake. "Teka, may kasama ka?" Biglang tanong nito kay Kassandra.
Heto na nga! Jusko ayoko pa pong mabuko.
"Ah yeah. Si Elena, my uhhmm friend."
Kaya kahit na dinadaga ang aking dibdib ay lakas loob na humarap na ako at sinalubong ang mga mata ni Kuya Jake at binigyan siya ng may alanganing ngiti. Baka kasi isipan pa niyang ang bastos ko at hindi man lang siya binabati pa. Ngunit sa loob loob ko ay lihim na nananalangin na sana ay huwag na niya akong mamukhaan pa.
"H-Hello po, good evening." Hindi maitago ang kaba na pagbati ko sa kanya.
"Elena..." Pagbanggit ni Kuya Jake sa pangalan ko habang maiging tinititigan ang aking mukha. "Nice to meet you." Dagdag pa niya bago inilahad ang kanyang kanang kamay.
Of course, tatanggapin ko ito at makikipagkamay rin. "Nice to meet you too, Sir." Natawa siya dahil sa sinabi ko.
"Naku! Huwag mo na akong i-Sir. Kuya Jake na lang." Nakangiting wika niya. "Actually, dati akong driver nina Kassandra. Eh nanawa na ako sa buhay sa Manila kaya nag-resign ako at piniling bumalik rito sa amin." Paliwanag niya habang nakangiti.
Mahahalata nga sa mga ngiti at mata n'ya na mas masaya siya sa simpleng pamumuhay rito kaysa sa dating trabaho na meron siya.
At dahil doon eh medyo nakahinga na ako ng maluwag. Mabuti naman at hindi ako namukhaan ni Kuya Jake. Salamat, Lord!
"Sinama ko na muna rito para naman makapag-relax din. She's from Palawan." Pahayag ni Kassandra kaya naman nanlalaki ang mga mata na muling tinapunan ako ni Kuya Jake ng kanyang tingin.
"Talaga? Wow! Ang layo pala ng pinaggalingan mo hija." Pabirong sabi pa ni Kuya Jake bago sila nagtawanan ni Kassandra.
"Oh siya, tumuloy na kayo bago pa kayo madaanan ng mga taga rito at makilala ka ng mga tao." Utos nito kay Kassandra. "Tutulungan ko na kayo sa ibang gamit ninyo." Bago siya lumapit sa sasakyan para kunin ang iba pang pinamili namin ni Kassandra.
Nauna nang naglakad si Kassandra buhat ang ibang gamit namin, habang ako naman ay nakasunod lamang sa kanya na agad ding sinundan ni Kuya Jake.
"Uhh, Elena." Awtomatikong napalingon ako kay Kuya Jake sa pag-aakalang may ipapatulong lamang ito sa akin nang nginitian niya ako ng malungkot. "Nice to see you again."
Hindi ko mapigilan ang hindi mapalunok noong banggitin niya iyon.
Nice to see me again?
Ibig sabihin...
"K-Kuya Jake..." Muling binigyan niya ako ng isang ngiti but this time iyong ngiti na para bang naiintindihan niya ako.
"Huwag ka mag-alala, alam ko namang may reason ka kung bakit..." Sabay tango nito sa direksyon kung nasaan si Kassandra. "kung bakit parang hindi pa niya alam ang totoo. Naiintindihan ko, ang sa akin lang naman eh, masaya akong makita kang muli." Nakangiting wika niya.
"At nagkasama kayong muli." Tukoy nito kay Kassandra.
"Salamat, Kuya Jake." Maluha-luha ang mga mata na pasasalamat ko sa kanya.
"Basta ha! Deserve niya pa ring malaman ang totoo." Pagbigay paaalala nito sa akin. Kaya tumango na lamang ako bago kami sabay nang pumasok sa loob ng bahay niya.
Pagdating namin sa loob eh itinuro ni Kuya Jake ang magiging kwarto namin ni Kassandra. Medyo maliit lamang ang bahay pero maganda ito sa loob lalo at presko rin dahil sa materyales na gamit.
"Anong gusto niyong dinner girls?" Sigaw ni Kuya Jake na ngayon ay nasa kusina na para mag-prepare ng hapunan.
"Yung paborito ko pa ring niluluto mo Kuya Jake, alam mo na 'yun!" Sigaw ni Kassandra nang nakangiti.
"Hanggang ngayon talaga pihikan ka pa rin sa pagkain." Natatawa na tugon naman nito kay Kassandra kaya naman nagtawanan kami sa loob ng kwarto habang inaayos at nililinis ito.
Habang kumakain kami ng hapunan ay panay lang ang kwentuhan naming tatlo. Mga nakakatawang experience ni Kuya Jake sa pamilya nina Kassandra noong driver pa siya rito at kung anu-ano pa.
Ang sarap din kasi nung nilutong laing ni Kuya Jake na hindi ko alam eh isa pala sa paboritong ulam ni Kassandra. Ngayon alam ko na. Hehe.
Pagkatapos naming maghapunan ay ako na ang nag-insist na maghugas ng mga pinagkainan. Atsaka ako naglinis ng katawan at pumunta sa dalampasigan habang abala sa pagkukwentuhan sina Kuya Jake at Kassandra.
Para nga silang mag-Tatay sa totoo lang. Nakakatuwa silang pakinggan at pagmasdan.
Maya-maya lamang ay sumunod na din agad sa akin si Kassandra. Dala nito ang apat na can ng beer na bili namin kanina.
"Beer?" Nakangiting pag-aya niya bago naupo sa tabi ko. Tumango ako bilang sagot sa kanya. Kumuha ako ng isang can at binuksan ito.
Ba't gano'n? Ang sarap sa feeling kapag umiinom ng beer or kape kapag nasa tabi ka ng dagat. Sobrang nakakagaan sa feeling.
Kapwa kami nakatitig lamang ni Kassandra hampas ng mga alon. Hanggang sa mapadako ang mga mata ko sa kanya. Lihim na napapangiti ako sa aking sarili habang pinagmamasdan siya at the same time ay feeling thankful din na meron siyang lugar na natatakbuhan kapag exhausted na sa trabaho niya.
Hindi ko kasi ma-imagine kung gaano nakakapagod ang araw-araw niya. Lalo na iyong pressure ng trabaho niya. Maraming nakatingin sa kanyang mga mata at sa bawat kilos niya ay maraming nakaabang. Kailangan perfect at bawal ang magkamali dahil sa isang iglap pwedeng mawala lahat ng pinaghirapan niya.
Kaya ganoon na lamang din ang pagprotekta sa kanya ni Roxanne at pati na rin nina Annia. Hindi ko masisisi lalo na si Annia.
Napahinga ako ng malalim. Kaya hindi pwedeng malaman niya ang totoo. Hindi pa sa ngayon o kung kailan man 'yun hindi ko rin alam. Hangga't maaari itatago at itatago ko sa kanya ang totoo na ako at si Piggy ay iisa.
"Ang lalim naman masyado ng iniisip mo. Care to share?" Tanong nito sa akin. Ngunit tumawa lamang ako ng bahagya atsaka umiling.
"Oh, wait! I almost forgot." Biglang saad niya atsaka tumayo. "I'll be back." Ani nito at nagtungo sa bahay. Maya-maya lamang ay bumalik na nga siya but this time bitbit na niya 'yung paper bag na ibinigay nito sa akin kanina sa mall.
Muli siyang naupo sa tabi ko, may kinuha siyang box mula sa paper bag at agad na binuksan iyon. Napasinghap ako noong makita ang laman ng box, iyon 'yung kwentas na tinitignan ko kanina lamang sa mall. Iyong silver half moon at merong white diamond sa loob.
"K-Kassandra paanong..."
Ngunit hindi ko na naituloy pa ang gusto kong sabihin nang tumayo siyang muli para pumwesto sa likod ko. Marahan na isinuot niya sa akin ang kwentas bago nakangiti na muling naupo sa tabi ko.
"It really looks good on you. I bet that necklace was really made for you." Nakangiting wika niya habang hindi inaalis ang mga mata sa akin.
May katagalan na nagkakatitigan kami. Hindi ko kasi alam kung anong sasabihin, magpapasalamat ba ako? Iiyak kasi hindi ko naman deserve 'yung ganitong bagay o halikan siya bilang pasasalamat.
Hay hindi ko alam!
"Masyado mo na yata akong ini-spoiled. Eh 'yung kotse nga na binili mo hindi ko pa nagagamit dahil hindi naman ako marunong magmaneho. Pwede bang ibawas mo na lang itong kwentas sa sahod ko every cut off?" Tanong ko sa kanya. "Pero...s-salamat, Kas." Syempre, marunong naman akong magpasalamat at mag-appreciate 'no?
"Nope. Walang ibabawas sa sahod mo." Sagot nito habang nagbubukas ng pangalawang can ng beer. "Hayaan mo na lang ako na gawin ito, El." Malambing ang boses na wika niya bago muling sinalubong ang mga mata ko.
Napalunok ako kasabay ang malakas na muling pagtibok ng aking puso.
"P-Pero..."
"Actually...m-may gusto sana akong sabihin sa'yo, Elena." Biglang putol nito sa akin at sumeryoso rin ang boses niya. Inayos niya ang kanyang sarili paharap sa akin.
Kaya naman lalo akong nakaramdam ng kaba na dapat ay kalmado lamang ako.
Ano naman kaya iyong sasabihin niya?
Alam na kaya niya na ako at si Piggy ay iisa?
Sinabi kaya ni Annia sa kanya? Or ni Luna?
Kung anu-anong mga naiisip ko kaya medyo matagal bago ako nakasagot. Agad na nag-overthink na rin ako. Baka kasi tuluyang nabuko na niya ako.
"A-Ano yun?" Kinakabahan talaga ako.
Napakamot siya sa kanyang batok na parang nahihiya na ewan.
"Ano kasi..." Napahinga siya ng malalim.
Hayst! Lalo akong kinakabahan sa ginagawa niya eh. Ba't hindi na lang niya ako diretsahin?
"Ano? Kinakabahan ako sa'yo eh! A-Ano ba kasi 'yun---"
"I like you, Elena!"
Nakapikit na pag-amin niya na animo'y pwersahang inilabas nito ang lahat ng lakas ng loob na meron sa dibdib niya, bago dahan-dahan na muling iminulat ang kanyang mga mata para tignan ang magiging reaksyon ko.
Habang ako naman eh nakatitig lang sa mukha niya. Hindi malaman kung titili ba ako, matutuwa or what. Kusang tumigil ang mundo ko dahil sa sinabi niya at paulit-ulit iyong nagre-replay sa aking isipan.
Pero shit! Mas nangingibabaw ang kilig ko mga mare!
Hindi ako makapag-react ng maayos dahil titig na titig pa rin siya sa akin.
"S-Sorry. Nagulat yata kita." Bago siya yumuko.
"W-Wag ka ngang mang-prank." Sa dami ng pwede kong sabihin at tumatakbo sa aking isipan na gusto kong sabihin, iyon talaga ang lumabas sa bibig ko?
Jusme naman, Elena!
"I'm serious." Seryoso pa ring sabi niya at muli akong tinignan sa aking mga mata.
Kapwa kami napalunok ng mariin habang nakatitig sa isa't isa.
"Pero hindi mo naman kailangang ibalik, okay?" Pagbibigay nito ng asurance. "It's okay. I just want you to know lang. I like you...at sana hayaan mo lang akong gustuhin ka---"
"Hindi pwede!" Mabilis na putol ko sa kanya.
Awtomatikong napakunot ang noo niya. Halatang naguguluhan siya.
"P-Paano kapag bumalik iyong taong...'yung taong hinihintay mong bumalik?"
Which is ako rin naman iyong tinutukoy ko.
Malungkot lang na binigyan niya ako ng ngiti. "Kung babalik man siya, sana matagal na. Noon pa." Sagot nito sa akin.
Hmp! Bumalik naman ako ah. Hindi mo nga lang ako namumukhaan dahil iba na ang itsura ko noon, payat na ako ngayon. Hindi na maitim at wala na ring tigyawat.
Pero syempre, sa hanggang isipan ko lamang iyon, hindi ko pwedeng sabihin sa kanya.
"Pero sa ngayon kasi... ikaw ang gusto ko." Pagpapatuloy niya kaya dahan-dahan na muling ibinalik ko ang aking mga mata sa kanya. Bago muling napalunok ng mariin.
"Ikaw 'yung nandiyan, you're the one who makes me smile and happy now, so, I decided to tell you that I like you. Pero sabi ko nga, hindi mo kailangang ibalik. I just really want you to know. 'Yun lang." Dagdag pa niya na animo'y pinaghandaan talaga niya ang araw na ito. Ni hindi man lang siya nautal habang sinasabi ang mga bagay na iyon. Ni hindi man lang siya kumukurap habang nakatingin sa mga mata ko.
"Para lang malinaw at alam mo ang dahilan. Ayoko lang rin kasi na maguluhan ka kung bakit ko ginagawa lahat ng ito. Isa pa, I don't want to give you mixed signals. Gusto ko malinaw sa'yo na gusto kita kaya ko pinapaalam ngayon." Atsaka ako nito binigyan ng pinaka-warm smile na meron siya na talagang tumutunaw sa puso ko.
Juice colored! Ni hindi ko alam kung anong ire-react ko o ano ang dapat na sabihin sa kanya. Kaya naman, sa halip na sagutin si Kassandra ay basta ko na lamang siyang hinawakan sa magkabilaang pisngi niya at walang sabi na ipinagdikit ang aming mga labi bilang tugon ko sa confession niya.
Ikaw na ang bahala, Lord. Que sera sera. Lihim na kong panalangin.
Sobra-sobra na 'yung kilig na binibigay ng babaaeng ito sa akin, nag-uumapaw na hanggang langit kaya halik na lang ang igaganti ko para isahan at mas dama.